Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 07

#CTG07 Chapter 07

"Review tayo?" Jax asked. Today's our freecut... but not really dahil bukas na iyong revalida namin para sa Labor Standards. Sigurado ako na nag-aral na ako, pero kinakabahan pa rin ako. It's a one-time chance—kapag hindi ako naka-sagot nang maayos, mauuwi sa wala lahat ng effort ko para sa recit ngayong finals period.

"Ayoko. Magalit girlfriend mo," I seriously told him.

"Galit ka ba kay Katherine?" he asked, curious.

Umiling ako. Wala akong time magalit. Time consuming 'yun. Kailangan ko ng maayos na grades para pumasok sa QPI iyong average ko. Hindi ako pwedeng ma-kickout sa school dahil papagalitan ako. And with all the pressure I get from school and at home, the last thing I needed was people telling me that I wasn't doing enough... because God knows I'm already doing my best.

Hindi ko pinansin si Jax kaya sumama na lang siya kina Yago at Rory na nagtatanungan ng possible questions na lumabas sa Revalida. Nandun ako sa isang gilid at isang beses pa ulit na binasa iyong mga tanong. I answered the questions randomly and made sure that I could squeez in 2 minutes all the pertinent facts in the case.

God. Two more weeks. Two more weeks at bakasyon na. Konti na lang.

I was in the middle of reciting the requirements for Labor Related Injuries nang makita ko si Iñigo. He stopped on his tracks and waved at me. Tumalikod lang ako sa kanya. And when I heard his footsteps, tumayo ako at pumasok sa CR.

Seriously... wala akong time sa kahit na ano ngayon. I knew my goal and that's to pass. Everything else was immaterial and not worth my time.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa CR. Tinamad na rin akong umalis kasi comfortable pala magreview doon. Umalis lang ako nung biglang may umiyak sa katabing cubicle. Ang awkward... 'di ko alam sasabihin ko... Kaya naman inabutan ko na lang ng tissue sa ibaba tapos umalis na ako.

Thankfully, wala na si Iñigo paglabas ko. Nagdecide ako na umalis na kasi ewan ko... Nababadtrip lang ako kapag nakikita ko siya. Ayoko na ring isipin kung bakit. Hindi na rin tuloy ako pumupunta masyado sa library dahil baka makita ko siya. I found a new coffee shop na medyo malayo sa school, pero sobrang tahimik kaya nakakapag-aral ako. Naglalakad lang din ako pabalik at papunta sa school mula sa coffee shop at iyon na iyong pinaka-pahinga ko.

That had been my routine for the last week. Hindi ko masyadong nakikita si Iñigo dahil sa coffee shop na muna ako nag-aaral. I couldn't afford to have any distraction right now and whether I'd admit it or not, Iñigo's kind of a distraction.

"Kinakabahan ako," Rory said.

"You got this, baby," I heard Yago say. It made me roll my eyes. Ilang beses ko na narinig pero kapag kay Yago galing, kinikilabutan talaga ako. Hindi ko pa rin alam kung bakit nagpa-uto si Rory sa kanya... Seriously, Rory could do better.

"Good luck," Jax told me. Ang awkward kasi may naglalandian sa tabi naming dalawa.

"Thanks," I replied. "Good luck din."

Ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng classroom para sa pagdating ng prof namin. We're all required to dress as if we'd appear before the court kaya naman naka-suot ng suit and tie iyong mga lalaki. I was wearing a black pantsuit while Rory's wearing a gray striped pantsuit.

Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko nang dumating na si Atty. Nag-aral naman ako... pero minsan kahit gaano ka ka-aral, kapag malas ka, malas ka lang talaga.

The revalida quickly began. Isa-isang natawag iyong mga classmates ko. Nabunot na iyong ibang mahihirap iexplain na concept, pero mas marami iyong naubos na madadali. Kailangan ko na talagang matawag!

"Viste," Atty finally called.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at naglakad papunta sa harapan. My hands were slightly trembling as I got a question from the fish bowl.

"Explain the Limited Portability Law," I read the paper said. Huminga muli ako nang malalim bago nagsimulang iexplain iyong concept. I began with the general concept, but while I was speaking, something inside me snapped... And I kinda lost it from there. Shit!

Tumigil ako sandali.

Huminga nang malalim.

I got this.

I fucking got this.

I began to explain the law again, but I already saw that I lost some points... and time because we were only given 2 minutes to explain everything. And the law's very broad kaya hindi ko napili agad kung ano ang sasabihin ko.

I was cursing inside my head nang bumalik ako sa upuan ko. Malas. Ang malas.

"Nasagot mo naman," Rory said. Hindi ako sumagot. She wouldn't understand. I knew she meant well... but she'd just never understand.

Tahimik ako hanggang sa matapos iyong buong revalida. Inannounce iyong mga naka-kuha ng highest grade—kasama doon si Jax at Yago. I was so pissed at myself for losing it in the middle of the recitation. This was the most important recitation of the whole semester... It's the Labor revalida—5 units course! This could literally get me kicked out kung hindi maayos ang grade ko. Bakit ngayon pa nagpanic iyong utak ko?!

Nagmamadali akong umalis nang palabasin na kami. I wanted to congrats Yago and Jax because they deserved it... but I was just so disappointed at myself kaya nagmadali akong umalis.

Panay ang paghinga ko nang malalim habang hinihintay na makapagbook.

"Not now, please," I said when I felt Iñigo's presence beside me. I knew it was him—I was already familiar with his presence... and the cologne he was always wearing.

"Dinner tayo?" he asked.

"Pagod na ko."

"Gusto mong magrant? Makikinig ako. Hindi ako magsasalita, promise."

Hindi ko alam kung bakit nagsimulang tumulo iyong luha mula sa mga mata ko. I don't cry. Hindi ako umiiyak. I was raised to be strong; I was raised to be an achiever. Hindi ako umiiyak dahil wala namang naitutulong ang pag-iyak sa akin. Crying wouldn't make me a winner... Crying's for losers—that's what my father kept on saying.

He stood there as my stupid tears began to flow. I wanted them to stop but they just wouldn't stop. Pagod na ko. Pagod na talaga ako. Pero hindi ako pwedeng tumigil kasi bawal...

Pero pagod na ko.

Pagod na talaga ako.

"Maarte ka ba sa pagkain?" tanong niya pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan. Tunog lang ng mga dumadaan na sasakyan ang naririnig namin.

"No," I said.

"Sure ka? Mukha ka kasing rich kid," he said.

"Hindi ako rich kid," sabi ko.

"Sure ka?"

Tumigil iyong luha ko dahil napalitan ng pagka-irita sa kanya. Mabilis kong pinunasan iyong mga mata ko at tumingin sa kanya. He was smiling at me. If there's a personification of a sunflower? That'd be him.

"Mas marunong ka pa sa 'kin?"

He laughed. "That's the Cha I know," he said. "Meron kasi dito... Medyo malayo pero safe naman lakarin... Kumakain ka ba ng pares?" he asked.

Umiling ako. "Ano 'yun?"

"Sabi na nga, rich kid!"

I groaned. "Hindi nga ako rich kid," I said. "Iyong dad ko 'yung may pera, hindi ako."

He smiled. "Magkaiba ba 'yun?"

"Yes. Kasi hindi ko pera 'yun."

I wanted my own place, my own car, my own money... I seriously couldn't wait for the day when I could say that I finally made it... And for the day when I wouldn't need anyone else's approval.

But for now, all those were but a dream.

Kailangan ko pang mag-aral.

Pagod na ako pero magpapa-hinga lang. Kasi hindi pa ako tapos.

"Okay, sabi mo, e..." he said. "So, pares, gusto mo?"

Iñigo looked like he wouldn't drop it, so I said yes. Hindi ko alam kung saan na kami papunta pero nasa area pa rin naman kami ng school kaya hindi ako kinakabahan... medyo. Baka kasi bigla na naman siyang hampasin ng bote sa ulo niya. Medyo na-trauma ako doon.

"Okay ka lang?" tanong niya nang mapansin na patingin-tingin ako sa paligid.

"Hindi," sagot ko. "Baka mahampas ka na naman. Ayokong pumunta sa ospital ngayon."

Bigla siyang tumawa nang malakas. "Grabe!" he said. "Sobrang honest mo talaga, no?"

"Nakaka-tamad magsinungaling. Kailangan ko pang tandaan kung ano 'yung kasinungalingan na sinabi ko."

He nodded. "Sobrang interesting... ng perspective mo."

"I just have a lot in my mind. Ayoko lang dagdagan."

"Roger, Miss Viste."

I rolled my eyes. "So annoying."

"Would you rather I call you Miss Independent?"

Huminga ako nang malalim. "Uuwi na lang ako."

Tumawa siya. "Ito naman, hindi mabiro!" sabi niya. "At saka don't worry, walang hahampas sa ulo ko... I think."

Kumunot ang noo ko. "I think?"

He nodded. "Yeah... Tahimik naman sa frat. Wala namang hampasan na mangyayari. Busy lahat sa finals."

"Bakit ka ba sumali d'yan sa frat?" I asked without thinking. "I mean, don't answer. Never mind," I quickly added. I didn't want him to think that I was prying. That's still his life after all—his decisions and mistakes to make.

"May scholarship nga kasi," sabi niya.

"Marami namang ibang scholarship."

"Alam ko... pero basta. Okay naman sila. Wala namang regular na basagan ng bote na nangyayari, if that's what you're wondering about," he said, smiling.

Hindi na ako nagsalita. Naka-rating kami sa sinasabi ni Iñigo na kainan. It looked okay—it looked clean. Hindi naman ako maarte sa kakainan basta malinis. Ayoko kasi magka-sakit. Wala rin akong time magka-sakit.

Iñigo ordered for me. Tahimik lang akong naghintay.

"Bakit ganyan suot mo?" he asked, pointing at my pantsuit.

"Labor. Revalida."

"Ah..." he said, nodding. "May revalida din kami sa Obli."

"Mukhang okay ka naman na sa Obli," I said, remembering kung paano niya tinuran si Katherine. Kung kinakaya nga niyang magturo sa iba, sigurado akong kaya niya na 'yan.

"Hindi pa kaya," he said. "Gusto ko ngang magpa-turo sa 'yo kaya lang busy ka, e."

I arched my brow. "Kaya mo na 'yan."

"Hindi, ah. Litung-lito pa nga rin ako sa Obli. 'Yung sa contracts okay na ako... Sa obli part pa rin 'yung hindi ko maintindihan," explain niya sa akin pero 'di ko na siya pinansin.

Dumating na iyong pagkain. I took my first bite.

"Okay ba?" Iñigo asked, looking like a kid who's waiting for an approval.

"Okay naman," I answered. Masarap nga siya. Bakit ngayon lang ako nakakain ng ganito?

He laughed. "Hirap mo talagang i-please, no?"

I shrugged. "You don't have to worry about that. I can handle myself," I said. I remember someone telling me that the reason why I don't have a boyfriend ay dahil daw high maintenance ako... Whatever that means. But I didn't need someone to maintain me. I can maintain myself. If I'd get myself a boyfriend—it's because I want him in my life, hindi para i-maintain ako.

"Didn't mean that as an insult," sabi niya.

"Di naman ako na-insulto," sagot ko.

"Good. Baka iwasan mo na naman ako, e."

"Di kita iniiwasan."

"Bakit tinaguan mo ako sa CR?"

"Busy ako nun."

"Sure."

I ignored him and focused on my eating. This is seriously good. Hindi ko na tanda kung paano kami naka-rating dito. Tandaan ko nga mamaya.

"Bakit ka umiiyak kanina?" he asked.

"Wala lang 'yun."

"Yung Ice Queen, umiiyak, tapos wala lang?"

I glared at him. "Hindi ako Ice Queen."

He laughed. "Kambal na lang ni Olaf, mas gusto mo 'yun?"

I pursed my lips. "Look... I just... I have an awful lot of expectations I need to meet, okay? Kung nakikita mo na seryoso ako, dahil 'yun kailangan kong maging seryoso."

"Pwede namang magrelax minsan," he said.

"Not me."

"Nakaka-matay ang stress, alam mo 'yun?"

Hindi ako sumagot. I knew that. Charlie tried to hang himself while he was in the middle of a nervous breakdown. Of course I knew na nakaka-matay ang stress.

"Okay lang naman magseryoso... Ako rin naman seryoso."

"Kailan?"

He laughed. "Grabe naman 'to! Seryoso naman ako minsan. May scholarship kaya ako kaya kailangan mataas din grades ko."

I just nodded. Sana scholar na lang din ako... Mas kakayanin ko pa 'yun kaysa sa laging pagtatanong ni Papa sa akin kung mas mataas na ba iyong ranking ko kina Yago at Jax.

"Papasa ka naman. Master mo na 'yung obli."

"Hindi nga kasi. San mo ba nakuha 'yan na master ako ng obli? Feeling ko nga babagsak na ko, e."

I shrugged. Bakit ko sasabihin sa kanya? Wala akong time ma-confuse.

"Gusto mo pang kanin?" he asked. Napansin niya pala na ubos na iyong kanin ko tapos may ulam pa ako. Napa-kunot iyong noo ko... Hindi naman ako malakas kumain... O baka nasanay lang ako sa bahay na mabilis lang ako kumain kasi mas gusto kong makaalis kaysa kumain.

"Pwede?" I asked.

"Syempre naman," sabi niya tapos tumayo para umorder ng kanina. He got one for him, too. Tahimik lang kaming kumain. Siya iyong nagbayad ng kinain namin kahit pilit kong inabot sa kanya iyong bayad nung sa 'kin.

"Okay ka na?" he asked. I was focused on memorizing the direction. Baka dito ulit ako kumain bukas.

"Ha?" I answered. "Ah... oo. Okay na ko."

"So, hindi ka nga okay kanina?"

Natigilan ako. He's good.

"Hindi lang ako naka-sagot nang maayos kanina. Pero okay naman."

"Bawi ka na lang."

"Wala ng babawiin. Last recit na 'yun."

"E 'di galingan mo na lang sa finals?"

"Gagalingan ko talaga kahit 'di mo sabihin."

He laughed. "Tapos ayaw mong sinasabihan na Ice Queen?" I rolled my eyes. "San ka mag-aaral bukas?"

"Bakit?"

"Sabay ako? Tapos paturo ng obli kapag may free time ka."

"Okay ka na sa obli."

"Hindi nga. Sino ba nagpakalat niyan? Fake news."

Kinulit lang ako ni Iñigo hanggang sa maka-balik kami sa school. Sinamahan niya ako habang naghihintay sa pagdating ng sasakyan.

"Cha," tawag niya. Tumingin ako sa kanya. "This is gonna be weird but... it was nice seeing you cry." Ngumiti siya. "Okay lang maging tao. Di mo kailangan maging perfect lagi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com