Chapter 24
Chapter 24
"A-ano?"
Isang minuto akong hindi nakapagsalita.
Marry him?
He looked at me, bit his already bleeding lip and nodded. "Oo, Alys. Pakasalan mo ako. Mahal mo ako, di ba?"
"Tripp..." I trailed off. God! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Oo, mahal ko siya pero hindi ba masyado siyang nagpapadalos dalos sa sinasabi niya? Bakit ba niya ako gustung pakasalan? Kasi threatened siya kay Drake? What kind of a pompous reason was that?!
He smirked at tinalikuran ako. Inilagay niya yung mga kamay niya sa batok niya. "So dito rin pala tayo babagsak, Alys. Drake pa rin."
"Stop it!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba puro ka Drake?! Nandito na nga ako, di ba?! Nagpapaliwanag na ako and yet you're being an ass!"
Natawa siya sa sinabi ko. God, what's happening?! Nasan na yung Tripp na kilala ko? Yung Tripp na tahimik lang?
"Ass, Alys? Siguro naman may karapatan akong maging ass, di ba? Shit, Alys. 2 years. 2 years akong naghabol sa'yo. Tapos nung sa wakas nahabol kita, 2 years naman akong nanghula kung ako na ba talaga. Shit, Alys. 4 years na akong nababaliw! Siguro naman may karapatan akong maging gago kahit minsan!"
Hinablot ko yung tubig na iniinom ko kanina at ininom. Ano ba! Kasalanan 'tong lahat ni Drake!
"Ako? Hindi mo ba naisip kung gano ako nag effort na ipakita sa'yo na ikaw na, ha?! Palibasa puro insecurities mo ang nakikita mo! Pano naman ako?!"
Tumalikod siya sa akin pero nararamdaman ko na umiiyak siya. God, he's shaking. Damn, Alys! You're hurting him!
I wanted to come near him and console him... but I can't. Not now. Sobrang gulo naming dalawa. Siguro dahil na rin ngayon lang lumalabas lahat ng issue namin. Akala ko talaga perfect kami sa isa't isa kasi alam mo yun? Hindi kami nag-aaway. We're always together, always agreeing on the same things. Pero yun pala, pareho lang kaming in denial. Gusto namin ng perfect relationship kaya pilit naming iniiwasan yung issue... si Drake.
And guess what? Hindi niya kami tinigilan.
"Alys, iwan mo muna ako," he said after a few seconds.
"Ayoko."
"Please."
Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko sa balikat niya yung kamay ko. "Tripp naman..."
Nagulat ako ng hawiin niya yung kamay ko. Damn. Masakit pala talagang itulak ka palayo ng taong gusto mong lapitan. Nakakabaliw pala talaga.
"Umalis ka muna, Alys. Mag-aaway lang tayo kung hindi mo ako iiwan."
Huminga ako ng malalim bago tumango.
"Okay," I said. "Pero babalik ako, Tripp. Hindi pa tayo tapos mag-usap."
Lumabas ako sa opisina niya at nakita ko ang secretary niya na nakatingin sa akin. Siguro narinig niya ang sigawan namin, siguro nagulat siya na sumisigaw si Tripp. Kahit naman ako nagulat din. Ngayon lang... ngayon ko lang siya nakita na ganyan kagalit, na sa sobrang galit niya, naiyak na siya.
Bakit ayaw niyang makita ko siyang umiiyak? Mas masakit, e. Sana naman ipakita niya sa akin na nasasaktan siya kasi ako nasasaktan din ako. Sana naman alam niya yun. Hindi lang naman siya yung nahihirapan, ako rin naman. Hindi lang naman siya yung nagmamahal, ako rin naman.
Pumasok ako sa sasakyan ko at umiyak.
Gusto ko na lang matapos lahat ng 'to. Ayoko na. Gusto ko lang naman ng simpleng buhay, ayoko ng ganito. Parang araw araw na lang may nangyayari. Minsan natatakot na akong gumising kasi tuwi na lang gigising ako, may masamang nangyayari.
Pero ako rin naman ang dapat sisihin. Sinimulan ko 'to. Gaga ka rin kasi, Alys. Ginusto mong maging boyfriend si Drake Palma, sana inalam mo lahat ng kasunod.
From: +639161905***
Let's talk.
Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.
"Ssh, Alys. Kalma," sabi ko sa sarili ko habang pilit kong iniaalis ang panginginig sa kamay ko.
To: +639161905***
Let's end this madness.
Pagkatapos kong i-send sa kanya 'yun, nagdrive na ako papunta sa kung san nagsimula ang lahat.
--
"Drake, just... just stop this."
Iyan agad ang una kong sinabi sa kanya pagkakitang pagkakita ko sa kanya.
Nakatingin siya sa akin na para bang alam na niya kung ano ang mangyayari. Sa bagay, alam niya naman siguro. Sumugal siya sa akin. Gusto niyang magpropose kahit alam niya na kami ng pinsan niya. Akala niya, sigurado akong taya. Pero nagkakamali ka, Drake. Tapos na tayo. 'Nung sinabi ko sa'yo dati na sa oras na sumakay ka sa taxi na 'yun ay tapos na tayo, hindi ako nagsisinungaling.
Ayoko na.
Puro ka pahirap.
"What?" That was all he said.
"This. The chasing and the begging and the hurting. Please, ayoko na. Seryoso, Drake, tama na..." I said, almost begging.
I never begged... just once. Sa kanya. Tapos ngayon, sa kanya ulit. Wow. Ito pala ang napapala sa pagmamahal sa kanya, puro pagmamakaawa.
He shook his head. "I won't stop."
"Ayoko na nga e!"
"I don't believe you."
Umiyak na ako sa harapan niya. Frustration. Inis. Galit. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi na siya yung Drake na kilala ko. Yung Drake na kilala ko, hindi ako papahirapan ng ganito...
Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya. "Drake, kung mahal mo talaga ako, please, tama na..."
Hinawakan niya rin ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. "I wish I can... but I can't... and I don't want to."
Unti unti na akong nawawalan ng pag-asa. Hindi niya ako titigilan at hindi rin naman ako papayag na ganito na lang kami ng ganito. Pagod na ako. Pagod na pagod.
Iniangat ko ang kamay ko at sinampal ko siya.
"Stop begging, Drake! Kahit na magmakaawa ka, kahit na lumuhod ka sa harapan ko, wala akong maibibigay sa'yo. Wala na, narinig mo? Binigay ko na lahat kay Tripp!"
Nakahawak siya sa mukha niya na sinampal ko at hindi pa rin siya nakaharap sa akin. Unti unti siyang humarap at nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"You think I like begging, Alys? You think I like making a fool out of myself?" Umiling siya. "No, Alys. I don't like. Ayoko. You're tired? Damn, I'm more tired than you are! You're always saying how I broke you but did you ever think about me? About what I feel? Damn, Alys. You have no fucking idea what happened to me.
"I left you, yes. Tangina, Alys, alam na alam ko. Every fucking night I remember the look on your face when I left you. Shit, I always picture you breaking down and begging me not to go. Do you have any idea, Alys? Every. Fucking. Night. Your face haunts me every night. Tangina hindi mo alam kung gano ko gustong pumunta sa New York at magsorry sa'yo. Shit, Alys.
"But of course you don't have any idea. Who am I anyway? I'm just Drake. The guy you loved, the guy who could do without you. I'm just that, right? But do you fucking know that I'm also the guy who cried when he knew you're with his cousin? Damn it, Alys. My Dad hated you for what you did to me. You never saw me, Perez. You never did.
"It's always about you. The way I hurt you, the way you suffered. But what about me? I had no friends, Alys. I had no one. You have Tripp and Tofer. I didn't have anyone. You think that's fair? Tangina, hindi. Ang daya mo. You were living your life hating me while I was here living mine while wishing you'd come back to me.
"And now you're saying that I'm pathetic? Then yes I am! I'd spent the last four years being pathetic over you, Alys. Four years. What more if I'll be pathetic for the next two days?"
I was sobbing so hard. Hindi ko na alam. Ang gulo gulo na... Ayaw ko na... Please, tama na...
He put out a box and handed it to me. "Come and marry me or lose me forever. I'll be pathetic for the last time."
And then he left me, with my heart and mind broken.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com