Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

"What's wrong with your face?"

Pagkatapos na pagkatapos sabihin sa akin ni Ann yung tungkol kay Tripp, medyo nagblackout yung paligid ko. Feeling ko nga medyo oa yung reaction ko. At saka isa pa, bigla na lang umalis yung Tofer na yun! Parang eat and run lang ang drama! Tsk. Pero buti na yun kasi biglang dumating yung boyfriend ni Ate Karen, baka kung ano pa kasi gawin ni Tofer kung nakita niya. Sabi niya kasi di ba crush niya si Ate Karen?

Naupo ako sa edge ng bed ko tapos tinanggal ko yung rubber shoes ko at nagpalit ng slippers. Kumuha din ako ng clam at ginawa kong bun yung hair ko. Dahil nga kasi wala akong dalang pera, naglakad ako pabalik. Nakakapagod talaga siya!

"Ah wala 'to, Kei," sabi ko sa kanya. Hindi pa naman kasi kami close ni Kei para magsabi ako sa kanya ng problems ko, di ba?

Nagshrug siya. "Whatever you say. Hey, I'll be going later. Wanna come?"

"Talaga??"

She nodded. "Since I think I'm going to be roommates with you, might as well be friends with you, right?"

Nagsmile ako ng malaki. Yes, yes! Magiging friends na kami ni Kei!

--

"How about this?" sabi ko kay Kei tapos pinakita ko sa kanya yung nakita kong leather boots na knee high. Kasi ganito yung nakikita kong suot ng mga peoplets dito! Gusto ko din makijoin. :)

Umiling si Kei tapos kumuha siya ng ankle high boots. "This."

:(

"Gusto ko nun. Gusto ko maging rock star."

Ganito yung itsura ni Kei: -_______-

"Are you on drugs, Alys? What the heck? Rock star? Really?"

Kinuha ko pabalik yung boots ko tapos tinry ko siya. Omg I feel like a rock star na! "Eh bakit ikaw allowed magsuot ng rock star boots tapos ako hindi? Ang unfair!"

Biglang natawa si Kei tapos kumuha siya ng kagaya ng boots ko tapos sinuot niya din. Mukha kaming twin! Kaya lang mas pretty siya sa akin. Alam ko naman yun, basta cute ako.

"You know, Alys, you don't look like a rock star. You look sweet. You can't pull off boots like this one."

Hmmm. Sa tingin ko naman tama si Kei kaya hinubad ko na yung rock star boots ko tapos kinuha ko na lang yung binigay niya sa akin. Bumili din ako ng pumps, stilettos, flats, and many other things! Nako, bahala na sila Mommy sa Pinas pag nalaman nila mga pinagbibili ko dito. 

After namin bumili ng shoes, dumiretso naman kami sa clothes store. Pinadeliver na lang namin sa Dorm yung shoes. Haay, I'm starting to love New York na! Sa Pinas kasi, konti lang yung place na pwede kang magshopping freely. Sa mga SM kasi, super crowded. Dun lang sa certain places magkakaron ng freedom to shop. 

Naka sit down lang ako tapos si Kei, inaabutan niya ako ng damit. Kahit nga hindi ko na isukat, e. Super idol ko kaya si Kei pagdating sa mga fashion na yan. Nasilip ko kasi yung damitan niya, nakakainggit! Naka sort by color yung clothes niya. Hehehe.

"How's Sheen?" bigla niyang natanong.

Bigla naman din akong napasmile. Nako, nako! Siguro namimiss ni Kei ang Loves ko! Kasi naman bakit pa siya umalis sa Pinas? Kung tama ang pagkakaalala ko, okay na okay sila ni Loves bago siya umalis e. Sobrang nalungkot si Loves nung umalis si Kei, pero I think okay na si Sheen ngayon. May third wheel spiel pa nga siya, di ba?

Inabot ko yung coat na binigay niya sa akin at sinukat. "Okay naman si Sheen. Magbabakasyon sila dito..." sabi ko. Nagulat si Kei pero agad naman siyang naka recover.

"Really? That's good to hear. Excuse me first," sabi niya tapos lumabas muna siya ng shop. Okay? Sobrang nagulat siya? Nako, pagdating dito ni Loves, pagsasamahin ko agad sila ni Kei! Dapat maging sila na ulit para naman pwede ko ng irecruit sa best friend's club ni Kei!

Pumunta na ako at binayaran yung nabili kong damit. Hehehe. Sorry, Mommy. Ngayon lang naman ako naging magastos, e. Feeling ko mas magastos naman si Dane. Hindi pa sapat 'tong $ 10, 000 na nagastos ko. :>

Lumabas ako para hanapin si Kei pero bigla siyang nawala. Naman o! Wala pa naman akong number niya! Eto talaga madalas kong problem, number ng mga tao. Nung kay Drake nga dati, halos malapit na kaming mag one year magkakilala bago ko nakuha number niya e.

Chineck ko muna kung nasa vicinity ba si Kei pero wala talaga. Iniwan niya kaya ako? Hindi naman siguro. :(

Naglakad na ako pabalik sa Dorm pero may nadaanan ako na coffee shop na nagsserve ng strawberry shortcake kaya pumasok muna ako. Start na ng klase bukas. Seryoso na ako bukas.

Umorder ako ng cake at coffee tapos nagsit down ako sa chair near sa window kasi natutuwa akong tignan yung mga tao na dumadaan sa gilid ng shop. Ang saya magtake ng pictures! Siguro eto din yung naffeel ni Tripp. Hobby kasi niya magpicture picture.

Ano kaya ang gagawin ko pag nakasalubong ko siya bigla dito? Sabi pa naman ni Talkative Tofer, sa NYU din si Tripp! Si Tofer naman pala, sa ibang school, di daw kaya ng utak niya sa NYU. Tsk. Buti naman. Ang kulit kulit niya super!

Siguro pag nakita ko si Tripp, uhm, maghhi ako?

"H-hi, Tripp?"

Omg eto na nga. Nag Hi ako. 

--

(Tripp's POV)

Bad trip talaga si Tofer. Kita na ngang ayoko pag usapan si Zyril, siya pang pilit ng pilit. Tsk. Lumabas na lang ako para bumili ng groceries. Kahit na mag one week pa lang kami dito, paubos na yung stock namin dahil kay Tofer. Isang palaboy talaga yung baklita na yun. Siya umuubos ng pagkain e. 

Hindi pa ako kumakain, kaninang umaga pa huli kong kain. Aish! Oo na, oo na. Kakain na lang ako ng strawberry kasi naaalala ko na naman si Alys.

"H-hi,Tripp?"

Shet. Si Alys.

Bakit-- Ano'ng ginagawa niya dito? Di ba nasa Pilipinas siya?!

"Hi?" sagot ko. Ano bang gagawin ko? Shet shet! Naupo na lang ako sa upuan sa harap niya. Bakit ba ganito ako umarte? Magkaibigan pa din naman kami ni Zyril kahit na ano... kahit na girlfriend siya ng pinsan ko, di ba?

Ay labo ng buhay!

Ngumiti si Zyril tapos kinain niya yung strawberry cake niya. Di pa din 'to nagbabago, mahilig pa din sa strawberry. "Nandito ka pala..."

Tumango na lang ako. Nasan ba napunta yung dila ko? Di ako makapagsalita. 

"Ikaw din. Kasama mo si Drake?" tanong ko. Kasama ba niya si Drake? Nagbakasyon? Bakit ba siya nandito? Ang labo! Nakatagal na nga akong two weeks siyang di nakikita tapos magpapakita na naman siya ngayon! Ano ako, back to square one na naman? Ice na ice yan.

Umiling siya. "Hindi, a. Dito na ako mag aaral. Ikaw ba?"

Tumango din ako. Ano pa ba malapit na eskwelahan dito? 

"Sa NYU ako, ikaw?"

"NYU din."

Tumayo ako kasi naiilang ako. Ayoko muna makita si Zyril kasi iba e. Nakapangako na ako kay Drake na off limits, hands off ako sa girlfriend niya. Pero pag ganito na alam kong nasa Pilipinas si Drake, si Alys nandito lang sa harap ko, baka bigla kong makalimutan na girlfriend ng pinsan ko 'tong magandang babae sa harap ko.

Nginitian ko muna siya bago ako tumalikod at naglakad palabas. Bahala na. Mamaya na ako kakain, makabili muna ng groceries. Aish!

"Tripp!"

Binilisan kong maglakad. Ano bang problema ni Zyril? Alam naman niya na may gusto ako sa kanya, sinabi niya naman sa akin na si Drake ang gusto niya. Bakit ba niya ako hinahabol? Hindi pa ba niya nahalata yun nung one week ko siyang iniwasan nung nasa Pinas siya? Alam ko na kasi na pupunta ako sa New York nun kaya ayoko na siyang makita tsaka magpaalam kasi... basta.

Dahil mas matangkad naman ako kay Zy, naunahan ko siya. Kaya lang...

"Aish." Napatigil ako. Nadapa kasi siya. Sino ba naman kasi nagsabi sa kanya na magsuot siya ng ganyan kataas na boots? Tama ba? Hindi naman siya naggaganyan dati. 

Lumapit ako sa kanya tapos tinignan ko yung tuhod niya. "Kaya mo bang lumakad?"

Kinagat niya yung labi niya tapos umiling siya.

Tumingin ako sa paligid. Walang malapit na pharmacy. 

"Zy..."

"Hmmm?" sabi niya tapos tinitignan niya at hinihinpan yung sugat niya. 

Pano ko ba makakalimutan 'tong babae na 'to? Masyado siyang mabait, ang ganda niya, nakakatuwa siya kasama. Bakit ba kasi lahat na lang ng babae, mas gusto si Drake? Bakit? Gwapo din naman ako, matalino din naman, di nga lang kasing talino nung weirdo na yun. Gifted child yun, e. At isa pa, di ako masungit at hindi ako one liner kagaya nun. Mas okay naman ako pero lahat na lang sila, patay na patay dun. Labo ng buhay!

"Piggy back ride?"

Tumingin lang sa akin si Zy. Ayan na naman siya sa tingin niya. Gusto ko siyang halikan pag tinitignan niya ako ng ganyan. 

"Pag binuhat mo ako, ibig sabihin balik best friends na tayo?"

Tumingin lang ako pabalik sa kanya. "Kailan ba tayo naging best friends?"

"Best friends tayo, di ba? Ikaw si Batman ko?"

Napangiti ako sa kanya. Naalala pa pala niya yung pinahiram ko siya ng shirt. Ang ganda nga niya nung suot niya yung shirt ko, mas lalo siyang gumanda. Siguro, kung mas nauna ko siyang nakilala kay Drake, baka ako yung mahal niya ngayon. Minsan, naiinggit na lang talaga ako sa pinsan ko e.

Lahat ng gusto ko, nasa kanya. Lahat ng gusto ko, pinapaiyak niya lang. Ang unfair ng buhay.

Pinat ko yung ulo niya. "Sige na, sige na. Ikaw si Catwoman, ako si Batman. Sakay na," sabi ko tapos tumalikod ako at binuhat ko siya. Katulad ng dati, sinakal niya pa din ako pero sanay na ako.

Grabeng pagpipigil ginawa ko. Nakahawak ako sa legs ni Zyril. Umayos ka, Palma. Girlfriend ng pinsan mo yan, 'best friend' mo yan.

"Ano'ng degree program mo, Tripp?"

Sabi ko sa kanya na ganun pa din. La e. Ganun pa din talaga. Si Papa naman namili nun, sumunod na lang ako kasi wala din naman akong magagawa. Photography talaga gusto ko kaya lang wala daw akong mararating dun. Oo na lang.

"Magka college tayo?"

Hindi ko alam. Sana wag. Ayoko na. 

--

(Aya's POV)

"Ikaw, Sheen, best friend kita. Alagaan mo girlfriend ko, ha?"

=____=

Napaka oa talaga ni KL! Parang two weeks lang naman ako mawawala, kung magbilin kay CB, akala mo isang taon ako mawawala! Siya din naman may kasalanan, mas gusto niyang mag summer class kaysa magbakasyon sa New York.

Ngumiti naman si CB as usual, eto si Mr. Friendly e. Lahat na lang friend niya, promise! Tumakbo ngang freshmen rep yan tas landslide victory! Pano ba naman lahat ng freshie, gusto siya. Lagi kasi siyang naka smile. 

Kumaway ako kay Kent nung papasok na kami ng airport. No prob na kasi naka set na yung flight last week tapos okay na din ang visa and passport.

Sa may coffee shop muna kami sa loob ng airport since mamaya maya pa naman ang flight namin. Maaga lang kami kasi excited na akong makita si Besh!

"Kamusta kayo ni Kei?" sabi ko kay Sheen. Sabi kasi ni Besh, roommates daw sila ni Kei! Akalain mo yun! Sa dinami dami ng magiging roommate ni Alys, si Kei Chui pa! Pero sabagay, dapat thankful si Besh kay Kei kasi si Kei talaga ang dahilan kaya naging sila ni Drake. Dahil sa kabaliwan ni Kei kay Drake dati. Weird talaga kasi type na type nila si Drake e ubod ng sungit yun. Never ko kaya naging crush si Drake! 

Ngumiti, as usual, si Sheen. "Okay lang."

"Weh? Okay lang?"

Tumango siya. "Nag uusap naman kami minsan sa Skype."

"So kayo pa din?"

Umiling siya. "Friends lang kami. Iba na yung gusto ko e." Nakatingin siya sa akin.

Napalulok na lang ako ng mabilis sa kape ko. Ayan na naman siya sa mga kilabot na binibigay niya sa akin!

--

(Drake's POV)

"Drake," my Dad said after knocking.

"What?" I said as I was preparing my things. Apparently, my Dad already fixed the plane tickets the day he offered me to take the exams. Good thing he knew that I'll be acing those exams.

He walked in and sat on my bed. "Nandyan si Shaira," he said.

"Tell her I'll go down in a while."

"Ayaw mo bang papasukin ko na lang siya dito?"

I stared at him. "I have a girlfriend, Dad. Kindly bear that in mind," I said and then I walked out of the room and went downstairs.

"Drake..."

"What?"

She smiled at me. "I've decided to leave this country."

I just stared at her. Maybe it's just one of her impulsive whims. It always happens.

"I talked to Alys last night and she's so nice. Bakit ba kasi ang bait ng girlfriend mo?!"

I don't know. She's too nice it's kinda irritating. One day, I wish to see her being bad. I want to see her in a whole new light.

"Because of that, I've decided to go to my Tita in London na lang. I'll stop studying for a year and see how life would go."

"Are you sure?"

She nodded and then she went near me and hugged me. "Mamimiss kita, Hubby!!"

I smiled and pat her head. "Sure, Shaira. Call me."

She shook her head. "I won't call you until I'm sure I'm over you. Wag mo akong iforget, ha?"

"Of course, Silly. When's your flight?"

She'll be flying next week. I'll be flying this afternoon. I'll miss her, for sure. 

After a hell lot of goodbye, she left. I continued fixing my things. See you tomorrow, my girlfriend. And Tripp. And Tofer.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com