Chapter 4
Chapter 4
(Alys' POV)
"Are we clear now, Perez?"
Kanina pa ako binibrief ni Kei tungkol sa schedule ko. Medyo naguguluhan pa kasi ako! Akala ko dati, maliit lang ang NYU pero naman! Para palang isang bayan 'tong university na 'to! Walang wala ang SCA at Brent. Feeling ko bigla na lang akong maliligaw dito. Hiwa hiwalay kasi ang buildings. Para akong nasa subdivision na imbes na bahay, buildings at establishments ang nakalagay.
Tumango ako kay Kei kahit na ang totoo niyan, hindi ko pa alam ang gagawin ko. Hehehe. Baka kasi sungitan niya ako kapag pinaulit ko na naman ang instruction!
Nag ayos na kami at nagready para pumasok sa school. Dahil ahead na sa akin si Kei ng units, hindi kami classmates. Tsaka hindi naman per bloc dito, broken schedule. Bahala ka sa buhay mo, ganon.
Sinuot ko din yung binili naming boots! Hehehe. Ewan ko lang kung bagay ba sa akin at sa weather. Medyo hindi naman malamig ngayon dahil April pa lang pero bakit ba, gusto kong magsuot ng rock star boots!
Dahil malapit lang naman ang school, nagwalk lang kami ni Kei. Medyo nagugustuhan ko ng maglakad dito. Ang saya kasi maglakad dito sa NY dahil walang masyadong dirty pollution tsaka pwede kang bumili ng kung anu ano sa vendors habang naglalakad. Medyo paborito ko na nga yung corndog, e!
"Tignan mo nga naman pag sinu swerte ka," may narinig akong bumulong. Tumalikod ako at nakita ko si Tripp!
Tumakbo ako papunta sa kanya. Mabuti na lang at nasasanay na ako sa heels kaya hindi na ako nadadapa. "Tripp!"
Ngumiti siya sa akin at kumaway. Thanks po, Papa God! Alam ko naman na hindi niyo ako pababayaan. Buti na lang at classmates kami ni Tripp.
"San ang class mo?" masaya kong sabi sa kanya. In fairness, ang gwapo ni Tripp ngayon! Nakasuot siya ng pants, white shirt at combat boots. Hehehe. Nahilig na din yata si Marco sa boots!
Sabay kaming naglakad. Ewan ko kung saan kami papunta. Siguro naman hindi ako maliligaw dahil kasama ko naman si Tripp. Matalino din si Tripp pero iba si Drake. Gifted yun, e. Si Tripp, nasa normal level ang talino.
Pareho pala kami ng papasukan! Pumunta na kami sa room namin pero may nakalagay sa board na 'No Classes Today. Next meeting, submit a paper about Advertising Schemes. 12 TNR Double spaced. Minimum of five pages.'
O__________O
Grabe naman! Parang sa makalawa na yung next meeting, a! Ano ba naman 'tong napasukan kong eskwelahan, pwede ng icompare sa purtagory!
Biglang natawa si Tripp sa itsura ko. "Hoy, okay ka lang, Alys?"
Tulala pa din ako. Pano ko tatapusin yun?!!
"Tara, simulan na natin. Dala mo ba yung laptop mo?"
Kahit wala pa din ako sa katinuan, sumagot ako ng oo. Sabi kasi ni Kei, dapat daw lagi kong dala yun kasi kailangan ko daw sa pag aaral yun. Buti na lang Macbook Air na yung laptop ko. Super keribells bitbitin! Kakatakot nga lang kasi baka biglang masira. Ang gaan kasi.
Si Tripp yung naglead ng way. Pumunta kami sa isang coffe shop. Tama nga. Coffee shop buddy talaga kami nitong si Tripp Marco Palma! Pansin ko, e. Laging sa coffee shops kami nagkikita.
Umorder muna siya, sabi niya siya na daw oorder sa akin dahil alam niya na daw yun. Kakatouch!
Binuksan ko na yung laptop ko. Dahil sensitive naman akong tao, pinalitan ko muna yung background. Alam ko naman na crush ako ni Tripp, at pinsan niya si Drake. Wala naman akong balak maging source of away nila, no! Di ako kagaya ni Shaira!
Nagsearch search ako sa internet. Buti na lang may online library na. Dun na lang ako kumuha ng ebooks about advertising. Lord, sabi ko nga naging masama akong bata! Pero sobrang hirap po ng parusa niyo sa akin. Paper!! <///3
After ilang minuto, nakapagtype na ako ng pangalan ko at student number ko. In fairness!!
Nag inat inat si Marco.
"Nakaka tatlong page na ko. Ikaw?"
O_________O
E nakaka 30 minutes pa lang kami, a! Ang daya!!!
Nung hindi ako sumagot, tumayo siya at tinignan yung laptop ko. "Tsk, Alys. Sa tagal natin dito, yan lang talaga na type mo?"
Tsk. Sorry naman hindi ako matalino. At saka it takes time, no! Matagal magprocess ang utak ko!
Hinatak niya yung upuan niya at saka nagttype sa laptop ko.
Kinain ko lang yung strawberry salad ko. Yeps! Ang cool cool dito. Puro strawberry sa bowl tapos may syrup and cream. Pati yung milk shake ko. Hehehe. Courtesy of Tripp yan! Di niya ako siningil, e.
Bigla naman tumingin sa akin si Palma. "Tsk. Pano ka ba nakapasa dito?"
"Hoy ang meanie mo, ha!"
Patuloy pa din siya sa pagttype. "Paano ka papasa dito kung di ka magseseryoso, Alys?"
"Sorry na po, Itay. Kausap ko kasi si Drake madalas kaya hindi ako nakapag advance review."
Umiling iling siya pero patuloy pa din siya sa pag gawa ng paper ko.
After ilang minutes, natapos na siya sa draft. Meron siyang binigay sa akin na links, basahin ko daw yung tsaka ako na ang magpolish ng paper ko. Nung pagtingin ko, halos complete na nga yung paper! Ang kulang na lang ay conclusion. Mas nauna pang natapos yung paper ko sa paper niya...
"Tripp?"
Tumingin siya sa akin. Nakasuot pa din yung nerdy glasses niya na binigay ko sa kanya nung nag Timezone kami.
"Thank you," sabi ko. Napangiti naman siya. Ang tanga tanga tanga to the infinity ni Shaira pugits! Binasted niya lang 'tong poging nilalang na 'to?! Grabe!
Hinintay kong matapos si Tripp tapos lumabas na kami ng coffee shop. Siya din ang nagbitbit ng gamit ko kasi ang sakit ng balikat ko. Naglakad lakad kami sa busy streets ng lugar na 'to. Inaya ko nga si Tripp na sumakay ng subway, hindi pa kasi ako nakakasakay dito! Pag pumupunta kasi kami nila Mommy, palaging naka car o kaya naman pag sa ibang State, naka eroplano. Ang nadadalaw ko pa lang naman na lugar dito ay Miami, pag pumupunta kami kila Aunt Glorie at Andrei at Cutie Pie Allison at sa Cali, pag binibisita namin si Daney Baby at Nana at Dada.
Dahil naging mabait na bata si Tripp, nilibre ko siya ng street foods! Yehey!!
--
"Wag kang makipag chat muna kay Drake. Tapusin mo yung paper, ha?"
Nagroger sign ako. "Yess, boss!"
Napangiti na naman siya. Cute ko daw kasi pag tinatawag ko siyang boss.
Tumalikod siya at naglakad palayo. Hinatid niya kasi ako sa dorm, at saka hinahanap na daw siya ni Tofer. Nako buti na lang hindi ko nakita si Tofer! Isa siyang malaking nakakaiyak na nilalang!
"Where were you?"
"Ay jusko po!"
Nasa likod ko si Kei. Grabe, nakakagulat naman siya!
"Ah, pumasok ako kanina?"
Nagshrug siya at nagsimulang maglakad papalabas. "Someone's waiting for you."
O-kay?
--
(Tripp's POV)
"Tripp!"
Aish! Christofer Ann Palma, ang bwisit ng buhay ko.
Tumakbo siya papunta sa akin. "O, ano na naman problema mo?"
Nagpout pa siya. Tsk. Minsan talaga, nagdududa na ako na bading 'tong si Tofer. Mahilig ngumuso, tapos napaka chismoso. Minsan, sa kanya ko lang nalalaman yung mga balita tungkol sa mga pinsan ko sa Pilipinas. Na nagdivorce na daw si ganito, nabuntis daw si ganyan. Daming alam nitong baklita na 'to.
Hinubad ko muna yung sapatos ko.
"Nandito na daw si Drake!"
Napatigil ako. Si Drake? Ah. Nandito na si Drake kasi nandito si Alys. Oo nga naman, Tripp. Nagulat ka pa e girlfriend ng pinsan mo yung babaeng gusto mo. Tsk. Laking tanga mo minsan.
Sumunod sa akin si Tofer nung kumuha ako ng tubig sa ref.
"Sabi ko kay Tito Steve, dito na lang magstay si Drake, pero ayaw daw ni Drake. Maghohotel daw siya. Ang sama talaga ni Drake. Ayaw niya ba sa atin?"
Potek. Hahaha! Hindi ko mapigilang matawa kay Tofer. Seryoso? Nagtataka ba siya kung bakit ayaw ni Drake dito? Kung papipiliin nga ako, sa hotel na lang din ako kaysa dito, e.
"Alam mo ba kung bakit ayaw niya dito?" tanong ko.
Umiling siya. "Kasi nandito ka. Alam mo naman na allergic sa'yo yun."
Sumimangot na naman siya. Bading talaga. Nakakasira sa lahi ng Palma. "Ang sama ni Drake. Ang bait naman ni Alys pero ang sama ni Drake. Di sila bagay. Mas bagay kayo ni Alys."
Nabulunan ako sa sinabi niya. Nababaliw na naman si Tofer!
Bumalik ako sa sala at kinuha yung laptop ko. Nagsimula na akong magtype. Sigurado naman ako hindi matatapos ni Alys yun, tatapusin ko na ngayon yung sa akin tas tutulungan ko na lang siya bukas sa kanya. Pano kaya makakagraduate si Alys kung palaging ganun siya? Buti sana kung lagi akong pwedeng tumulong sa kanya.
--
(Alys' POV)
"Hi, Girlfriend."
O_______O
O_______O
"D-Drake?"
Dahan dahan akong naglakad. Oh to the M to the Gee! Si Drake ba 'to?!
Ngumiti siya at lumakad din papunta sa akin. "Stupid. Won't you hug your boyfriend?" Dahil jan, tumakbo ako at niyakap ko siya. Gosh ang nostalgic! Parang for two whole weeks, puro sa monitor ko lang siya nakikita pero ngayon, nandito na siya sa harapan ko!
Yinakap ko siya sa loob ng isang buong minuto. Grabe. Namiss ko ang Drake Sebastian Palma ko!
Naupo kami sa kama ko. Ang dami dami kong gustong itanong sa kanya!
"Bakit? Paano? BAKIT KA NANDITO?"
"Easy on the questions, Noob. Can you let me sleep first? My head hurts," sabi niya saka nahiga sa kama ko at pumikit.
Habang natutulog siya, pinagmasdan ko lang siya. Yung mukha niya, yung ilong niyang ang tangos tangos, yung mata niyang mas maliit pa sa mata ko, at yung lips niya. No, Alys. Iwas sa temptation! Sa 20th birthday mo pa pwede, remember?!
Naupo lang ako sa tabi niya habang natutulog siya. Inabot yung yung phone ko at kinuhanan ko siya ng selfie. Hehehehehe.
"Ang pogi pogi mo talaga, Drake. Kaya ang dami kong kaagaw e," sabi ko habang kinukuhanan ko siya ng pang apat niyang selfie. Me approves!
Ang tagal matulog ni Boyfriend. Kinuha ko muna ang mahiwaga kong laptop at sinubukang basahin yung ginawa ni Tripp. Grabe! Ang talino ni Marco, no wonder nakapasa siya dito. Nagdududa na talaga ako. Siguro sinuhulan ng Mommy ko mga tao dito.
Sinubukan kong iedit yung gawa ni Tripp pero parang lumala lang lalo.
"What are you doing?"
Napaigtad naman ako kay Drake. Gising na pala ang mahiwagang boyfriend ko!
Isinara ko yung laptop ko. Three hours na pala ang nakalipas! Konti na lang, pagabi na. "Ah eh, wala. Okay na yung ulo mo?"
Tumango siya tapos lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
>//////////<
Kailan ba ako masasanay~~~
"I missed you, Noob. Let's eat outside?"
Nagnod ako. Hay, Alys Perez. Bagsak ka man sa academics, pasadong pasado ka naman sa lovelife! Pwede na din!
--
Umorder na kami. Sa medyo fancy resto kami kumain. Ayaw kasi ni Drake sa diner, maingay daw tsaka masikip. E di pagbigyan. Minsan lang pupunta ang Boyfriend ko dito. Dapat nga sa Thanksgiving pa, e! Kamusta naman. Kailan pa yun, e April pa lang ngayon!
"What's up with you? Since when did you start wearing boots and... make up?"
Nagsmile lang ako. Hehehe. Kasi naman, lahat ng peoplets dito, naka make up. Pati si Kei my girl crush, naka make up. Ako na lang yata ang pinaka maputlang nilalang dito kaya naki go with the flow na ako!
Sinamahan ako ni Ate Karen na bumili ng make up kit pati tinuruan niya ako. Fave ko yung smokey eyes! Lakas maka Kim K! :>
Dumating na yung food namin. Kumain muna kami pero syempre nagkwentuhan muna kami.
"Drake, bakit nandito ka? I mean, ang saya ko pero nakakagulat naman!"
Nagshrug lang siya. "My conscience tells me you're missing me too much so here I am."
"Ay grabe! Pakisabi sa conscience mo, super thanks!"
Umiling iling naman siya. E ganun talaga. Pero ang totoo niyan, pinapanood ko lang siya kumain. Kakamiss kasi! Namimiss ko yung buong week na sabay kaming magdinner kasi nga, 'secret lovers' daw kami! Halos madaling araw na kami natutulog kasi pupunta siya sa unit ko ng 12mn tapos kakain kami at mag uusap hanggang 3 am. Kaya kinabukasan, pareho kaming bangag ni Drake.
Umorder din kami ng desserts tapos lumabas na kami para maglakad. Sa hotel pala nagsstay si Drake.
"Sa dorm ka na lang, Drake..."
Pinitik niya yung noo ko. "Are you suggesting pre-marital sex, Alys?"
O_________O
"Hindi! Grabe ka naman! Dun ka lang matulog kasi namiss kita!"
Ngumiti siya tapos hinalikan niya yung noo ko. Feeling ko sobrang love ako ni Drake pag kinikiss niya ako sa forehead. Sabi kasi ni Mommy, mas special daw ang kiss sa forehead kasi alam mo na nirerespect ka ng guy. Sabi ko naman, e di hindi siya nirerespect ni Daddy kasi sa lips siya laging kinikiss ni Daddy kong retarded?
Hinatid niya ako sa dorm ko tapos kiniss niya naman ako sa lips. Mehehe. Pero sandali lang.
"See you tomorrow, Girlfriend?"
Nagnod ako kahit na hindi ako sure. Full pack kasi ang klase ko tomorrow. Ay bahala na si Batman!
--
(Tripp's POV)
"Perez, Alys."
Nasan ba si Alys? Classmates kami ngayon pero wala siya.
Natapos na sa pagchecheck ng attendance yung professor pero wala pa din si Alys. Natapos na sa pagdidiscuss yung professor pero wala pa din si Alys. Nasan ka na ba, Alys?
Bago lumabas yung professor, nagsabi muna siya sa amin.
"To those who are absent today, tell them to submit a five pages worth of essay about the reason for their absence. Don't come in my class without that."
Lumabas na siya. Hanep, Alys. Simula pa lang ng klase, nagbibilang ka na ng sakit ng ulo.
Uuwi muna ako sa apartment dahil maya maya pang alas tres yung susunod kong klase.
Kung suswertehin ka nga naman.
"Ice yan, Alys. Unahin mo yung boyfriend mo kaysa sa klase mo."
--
(Alys' POV)
"Are you sure, Noob? I could wait."
Umiling ako kay Drake. Hindi naman siguro ako mamamatay sa isang absent lang, di ba? Tsaka three days lang pala siya dito! Pang second day niya na ngayon. Bukas last day na. E ngayon, start ng class ko mula 9 am hanggang 7 pm. Ano na gagawin ko after 7?!
Sabi naman ni Drake, maghihintay daw siyang matapos ang class ko. Ayan tuloy, napilitan akong magsabi na nag announce na walang class today. Sorry po, Mommy at Daddy. One time big time lang 'to, swear!
Pumunta kami ni Drake sa cinema house tapos nanood kami ng old movie. Ang cool kasi blac and white siya!
"Alys?"
"Oh?" sabi ko sabay inom ng kool aide.
"I moved back to the house."
"Talaga? E di okay!" sabi ko. Namimiss na kasi siya ni Tito Steve kaya okay na okay yun, di ba?!
Nagnod siya. "And Katrina's there. And I am telling you this because I don't want to keep things from you. I hate secrets."
Nagsmile ako sa kanya. "Good, Boyfriend. Ayoko din naman ng secret, e."
Tinapos na namin yung movie tapos lumabas kami. Ang dami naman kasing pwedeng gawin dito to the point na hindi ko na alam ang gagawin!
Dahil madaming botique dito, ginawa na lang namin ni Drake yung bagay na pareho makapagpapasaya sa amin. Hehehe. Nagshopping kami. :>
Nakakapagod pero masaya. Grabe! Nagshopping kami for hours tapos nagtext yung professor ko. Hindi ko alam kung san nakuha yung number ko! Baka sa form? Ay ewan bahala na! Nagtext sabi pumasok daw dahil iddrop niya pag absent ngayon. Naman e!
"Drake, papasok ako. May class pala ako. Hehehe."
Umiling iling siya. "Tsk. Bad girlfriend. You lied to me?"
"Sorry na! Gusto ko lang naman magbonding tayo ngayon," paliwanag ko.
Naglalakad kami ngayon tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Why do you always act like I'll be gone? I'm not going anywhere, Alys. I'm here, beside you, holding your hand. I won't go anywhere."
Ngumiti ako sa kanya! Hindi pa din talaga kumukupas ang TDPW!
"I love you, Drake," sabi ko sa kanya. First time 'to! Hindi ko pa siya nasasabihan ng I Love You. Puro sa skype lang yun.
Nagstep forward siya tapos yumuko siya kasi medyo mas matangkad siya sa akin. "My love for you is crazy, and I don't like crazy. Being in love with you makes me do crazy things, makes me go to different heights, and to be honest, it's scaring the shit out of me. But I love being in love with you, Alys Perez. And so long as I live, I'll continue loving you. To the moon and back, Alys. To the moon and back."
After nun, niyakap niya ako. Parang ang weird namin na nagyayakapan dito sa gitna ng Madison Square but who cares! Mahal daw ako ni Drake!
--
"Good morning, Sunshine!"
Pagkatapos ng cheesy confession ni Drake. Ahihihi. Pumasok na ako sa school. Lychee buti na lang pumasok ako! Nagpa quiz yung professor at nakasagot ako! Binasa ko kasi yung ginawa ni Tripp na paper ko at halos nandun lahat ng tanong. Saviour ko talaga si Tripp!
Nagmamadali akong umalis sa classroom. Medyo bastos ko nga kasi hindi na ako nakapagbye kay Tripp, mamayang gabi na kasi ang alis ni Drake kaya last bonding day na namin ngayon!
Muntik ng malaglag yung puso ko nung makita kong papasok si Drake ng taxi. San siya pupunta?
"Drake?" sabi ko habang naglalakad ako papunta sa kanya. Dahan dahan lang kasi kinakabahan ako. Aalis ba siya? Hindi naman siguro. Bakit naman niya ako iiwan, di ba? Kakasabi niya lang kagabi na mahal niya ako. To the moon and back, Alys. Kumapit ka sa sinabi niya.
May sinabi siya sa driver tapos pumasok yung driver sa loob pero hindi pa din umandar yung taxi.
"Aalis ka na?"
Tumango lang siya. Bakit ganun? Parang siya na naman si Drake na walang pakielam sa akin?
Nag ooverthink ka lang, Alys. Napaka paranoid mo talaga.
Ngumiti ako sa kanya. "San tayo pupunta?" sabi ko tapos kumapit ako sa kanya.
Tinitigan niya lang ako at saka tinanggal yung kamay ko sa braso niya. "I'm going home."
"Akala ko ba mamayang gabi pa? Kainis naman! Napaaga ba yung flight mo??"
"Stop acting stupid, Alys. You know what I mean. I'm heading home."
Unti unting napapaiyak na ako. Bakit na naman ba? Ano na naman yung ginawa kong mali?! Pinilit kong ngumiti kahit na mukha akong tanga kasi tumutulo na yung luha ko. Naman, Alys! Bakit ngayon mo pa napiling umiyak?
"Bakit... Drake? May nagawa ba akong masama?"
Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa akin.
"I'm not good for you, Alys. I won't lie to you since I hate lies. Stop thinking about me, stop wasting your time on me. You're here. Study. Make your parents proud, make me proud."
"Mag aaral naman ako! Bakit mo kailangang makipagbreak sa akin?!"
Wala na akong pakielam kahit na pagtinginan ako ng mga tao dito. Nakikipagbreak sa akin yung taong mahal na mahal ko!
"Lower down your voice, Alys."
Hindi ko siya pinakinggan. "Drake, mag aaral naman ako, please, wag naman ganito, ha? Wag mo naman akong iwan..."
Aanhin ko pa ba yung pride? Minsan lang ako magmakaawa sa buhay ko. Siguro, ngayon na yun. Kung si Drake naman yung kapalit ng pride ko, sino pa ba ako para humindi?
"I have made up my mind, Alys. Let's call it quits."
Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa taxi.
"Subukan mong pumasok sa loob ng taxi, kakalimutan na talaga kita, Drake Palma."
Napahinto siya at humarap sa akin. "You can't forget me, Alys. Deep down, you will always love me."
Mas lalo akong napaiyak. Alam naman pala niya pero bakit niya sa akin to ginagawa? Dahil sa pag aaral? Niloloko ba niya ako?! Dahil sa pag absent ko kahapon? Joke ba siya?!
"Kahit mahirap, kakalimutan kita, Drake. Iwan mo ako ngayon, pangako sa'yo, hinding hindi mo na ako mababalikan."
Sunud sunod pa din yung tulo ng luha ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, may ilan, nakuha pang kumuha ng litrato pero wala akong pakielam.
Hinawakan niya yung mukha ko at iniangat. "I'll wait for you, Alys. Maybe we're not together but you'll always be my Alys."
"Ang sama sama mo, Drake! Ang sama sama mo!"
Kahit na nakikipagbreak siya, ginaganito niya pa din ako! Paano ko siya makakalimutan niyan!
Ngumiti siya sa akin. "Study hard, Alys. Go back to the Philippines and make me regret letting you go. Show me. Show me the retard that I am for breaking up with you."
Pagkatapos nun, pumasok na siya sa loob ng taxi. Pagsisisihan mo 'to, Drake.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com