Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42

I looked around the condo unit. Pareho pa din ng dati, walang nagbago. Ako lang naman yata yung nagbago dito, e.

Kakaalis lang ni mommy mula dito. Pinipilit niya din ako na sa bahay na lang umuwi but I said no. Malaki na ako. Kailangan ko ng matutong mag-isa. I didn't want to live under their shadow for the rest of my life. I knew they meant well but I just need this for myself.

Drake had checked on me as well. Ayaw ko talaga na nagguilty siya. Mas nahihirapan ako. 'Di bale, less than a year lang naman 'to. Pagkatapos manganak ni Fier, magiging maayos din ang lahat. Sana.

Lumabas ako para kumain since nakakawalang gana din naman na kumain mag-isa sa loob ng unit. Parang ang lungkot lungkot ko naman kapag ganun ang ginawa ko.

I grabbed my purse and a cardigan and went straight to the lift.

"Alys!"

Napahinto ako ng biglang lumabas si Shaira kasama si Tripp mula sa elevator.

"Shaira?"

Bigla niya akong hinampas sa braso.

"'Wag mo ngang hampasin, Shaira," saway ni Tripp sa kanya. Hindi man lang nakinig si Shaira at hinampas na naman ako sa braso.

She was shaking me nung nagsalita siya. "You! Kung hindi pa ako makikiskype dito kay Tripp hindi ko pa malalaman how wrecked your life is!" she said.

Napatingin ako kay Tripp and he gave me a half smile. Ang ingay naman, oh. I was trying to keep the situation a secret. Ayokong masira si Drake sa ibang tao. We live in a moral country. And what we're doing is considered immoral, I know. Pero ano ba ang magagawa ko? Nandito na 'to. And I would definitely not leave Drake.

Bigla akong hinatak ni Shaira papasok sa elevator nung magsasara na sana 'to.

"Come on, talk!" she said. "I travelled for hours para sayo so give me something!" she continued.

Napailing na lang kami ni Tripp. We thought na kahit konti magmamature si Shaira. Hindi pala. She's still a brat.

Pumasok kami sa loob ng elevator dahil wala na din naman akong magagawa. Imbes na hampasin ako ng hampasin ni Shaira, sasama na lang ako. At mas okay na 'to kaysa kumain ako mag-isa, 'di ba?

"So, who's Fier?" panimula niya sa akin nung matapos kaming umorder ng pagkain sa Lim Chinese Restaurant.

"Shaira, bayaan mo ngang kumain muna si Zy," sabi ni Tripp.

Shaira glared at him. Hindi pa rin nagbabago. Isip bata pa rin. "Time is important, noh! Besides wala pa naman yung food!" she said. "So, spill everything na! I'm all ears!"

Bumuntong hininga na lang ako at sinimulang magkwento. Si Shaira, absorbed na absorbed sa lahat ng sinasabi ko. Si Tripp naman, napapailing na lang. Alam kong nahihirapan si Tripp sa sitwasyon ko pero gaya ng napagkasunduan namin, kakayanin ko to. Pagsubok lang naman 'to, e...

"Si Fier kasi, buntis kaya iniintindi ko na lang. Hormones siguro?" sabi ko.

Shaira rolled her eyes. "Hormones my arse! I have a cousin na pregnant but she's not like that noh! Sabihin mo she's crazy as hell!"

Natawa na lang ako.

"Anong tinatawa tawa mo jan? OMG, Alys! I knew you're stupid but not to this extent, please lang!"

Si Tripp, kumain na lang. Sanay na kami nito kay Shaira. College days pa lang, alam na naman kung gaano siya ka pushy. She destroyed my debut, remember? When she wants something, she'll sure as hell get it.

I smiled at her, to stop her relentless nagging. "Anyhow, done's done, Shaira. I moved out of the house. No biggie."

"SAY WHAT?!"

I nodded. "Umalis na ako. I did mention na sinasampal ni Fier si Drake, right? Ayoko nun. Mas matatanggap ko pang umalis kaysa ganun ang nangyayari."

She took a deep breath and stood up. "That's it. Ubos na ang pasensya ko. I'll smack some sense in that woman!" she said and then stormed out of the restaurant.

Narinig namin ni Tripp na tinawag niya yung valet. Iiwan niya kami? Dala niya yung sasakyan niya. Shaira talaga, oh.

Nagkatinginan kami ni Tripp afterwards.

"Okay ka pa?"

I nodded and forced a smile. "Oo, kaya pa."

Kaya ko pa. Ano ba naman to sa lahat ng iniyak ko dati? Ngayon pa na alam kong mahal na mahal ako ni Drake. Alam kong may kakapitan ako. Kung nung dating high school pa kami nagawa kong magtiwala sa kanya kahit na hindi siya vocal sa nararamdaman niya, ngayon pa kaya na nagagawa niya na akong sabihan ng I love you?

"Nandito lang ako, okay?"

"Oo naman, alam ko."

Sumandal siya sa upuan niya. "Alam mo, minsan naiisip ko na bakit si Drake pa? Mas gwapo naman ako, 'di ba?"

"Seryoso ka sa sinasabi mo?"

Tumango siya.

"Oo 'wag ka ng kumontra. 'Yan na lang ang pampalubag loob ko. Mas gwapo ako kay Drake," sabi niya saka tinawag yung waiter para sa bill. Binayaran niya na yun at saka tumayo. "Tara, sundan natin si Shaira, baka mabaliw na naman 'yun at kung ano ang gawin kay Fier."

Tumayo na din ako at nagsimula kaming maglakad. Bago siya makalabas, hinawakan ko yung braso niya.

"Tripp?"

"Hmm?"

"'Wag mo akong iwan, ha? 'Wag muna ngayon. Hindi ko pa kaya."

Ngumiti siya. "Hindi pa. Hindi ko pa rin kaya."

Sabay kaming sumakay sa cab na dumating. It took us almost 30 minutes para makadating sa bahay nila Drake. And what I heard made me weak on the knees.

"Shit," Tripp cursed.

Dali kaming tumakbo sa loob. Naabutan namin na nagsisigawan si Shaira at Fier.

"You bitch! Sino ka ba?!"

Shaira crossed her arms. "Best friend ako ng lalaking pinagpabuntisan mo! Don't call me bitch!"

Hindi ako makagalaw. Nagulat ako sa nakita ko. Nakatayo silang dalawa at nagsisigawan. Pati yung mga maids nila Drake ay hindi din alam ang gagawin.

"Would you rather I call you palengkera?! You went here para sigawan ako?! Are you crazy?!"

Itinuro ni Shaira si Fier. "OMG ano ba ang nakain ni Drake to decide na mabuntis ka? Let alone kiss you! You're a horrible person!"

Fier looked like hihimatayin siya sa inis anytime soon. Goodness, Shaira!

"Shaira, stop it!" I exclaimed.

Itinuro naman ako ni Shaira. "No, you stop it! Honestly, Alys, hindi ko alam why are you accepting all of these crap! You're married to him yet in your pretty, little mind, you don't seem to understand. YOU ARE HIS WIFE. Bakit ikaw ang umalis sa bahay?!"

"Oh fuck it," sabi ni Fier at saka tumalikod at nagsimulang umakyat sa hagdan.

"I'm not done with you, Miss Home-wrecker!"

Tumigil si Fier sa paglalakad at humarap kay Shaira. "Miss whoever-you-are, watch your words. Wala kang alam."

"I know enough, okay? Kung hindi magrereklamo si Alys, I sure as hell will!"

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo," sabi ni Fier at saka nagpatuloy sa paglalakad palayo.

Si Shaira? Kanina pa nagpapapadyak sa sobrang inis. Siguro kung nasa bahay nila kami, pinagbabato niya na yung mga gamit na nakikita niya. She has panic episodes. Since college school alam na namin yan kaya pinagpapasensyahan na lang namin.

"Alis na tayo," sabi ni Tripp.

"What?! No! Hihintayin ko si Drake! Nababaliw na ba siya? OMG oo nababaliw na siya!" she said and then she started pacing back and forth.

Pinabayaan na lang namin siya ni Tripp and instead pumunta na lang kami sa likod ng bahay nila Drake.

Kagaya ng ginawa namin dati, naupo kami sa edge ng pool at inilubog yung paa namin sa pool. Nostalgic ng feeling.

"May itatanong ako," sabi bigla ni Tripp. "Bakit kalmado ka lang? Ang ibig kong sabihin, siguro kung ibang babae yan, malamang basag na ang lahat ng bagay sa bahay nila Tito Steve."

Napaisip din ako. Bakit nga ba ganito ako? Sinasabi ng isip ko na magalit ako. Pero pilit kong inuunawa si Fier. Narinig ko naman mula mismo sa kanya na hindi niya naman ginusto na dito tumira. Biktima lang siya ng desisyon ng tatay niya. Siguro nga unfair to sa sitwasyon ko... Pero naisip din ba ng ibang tao yung nararamdaman ni Fier? Masakit masabihan ng kabit, masakit magkaroon ng anak na tatawagin ng iba na bastardo. Ang hirap ng sitwasyon ni Fier. 'Yung pang unawa ko na lang ang tanging maibibigay ko sa kanya.

"Kasi babae din ako."

"Pero nahihirapan ako sa'yo."

I smiled at him. "Sabi mo nga, normal lang na umiyak. Sabi ko naman, normal lang na masaktan."

He suddenly stretched out his hands. "Ang komplikado ng buhay natin."

I nodded at him. "But all the complications make the ending much sweeter, don't you agree?"

He shook his head. "Iba ka talaga," he said and then offered me his hands. "Nandyan na yata si Drake, tara na bago pa siya saktan ni Shaira."

Tumayo na kami ni Tripp at tama nga siya, nandun na si Drake. Kasalukuyang nagsesermon si Shaira ng dumating kami.

"...sinigawan ako! Goodness, Drake! Saang market mo ba napulot yung babaeng yun?! Ugh!"

She was walking back and forth.

"Paano na lang yung magiging inaanak ko? Oh, my! Baka walang breeding yun! Akala ko pa naman ikaw ang pinakamatinong kilala ko, hindi din pala! Kung gusto mo ng anak, anjan naman si Alys, or kung sino man sa mga ex mo! Bakit yung babaeng yun pa?!"

Dumiretso si Drake sa upuan at naupo. "Shaira, I'm tired."

"Tired? Si Alys sa tingin mo hindi pagod? Alam ko mabait si Alys pero alam ko din hindi niya gusto yung nangyayari," sabi niya then humarap siya sa akin. "Tama ba ako, Alys?"

Hindi ako nakasagot. Tama nga ba siya?

"Shaira, wag mo na silang pakielaman," Tripp said.

She arched her brow. "No. Alys is my friend and I hate what's happening. It's unfair in so many levels. You married her, Drake. Take responsibility."

"What do you want me to do?" Drake said. I felt chills. Natakot ako sa sinabi niya. Ngayon lang siya nagsalit tungkol dito. Tahimik lang siya palagi.

"Be with Alys, for Christ's sake! Ibalik mo si Fier sa pamilya niya! Goodness, Drake! Ang taas taas ng IQ mo pero ang baba ng EQ mo! Sa tingin mo ba papabayaan ng magulang niya na mamulubi sa kalye yung nag iisa nilang anak na babae?! Oh, goodness! Mas matalino na ba ako sa iyo ngayon?!"

Drake looked at me. "Nahihirapan ka na ba?" he asked me.

Hindi ako nakapagsalita. It was the first time he asked me how I feel.

I tried to smile but it was damn hard when you know that everything's just really hard.

He stood up and then walked up. Natahimik lang kami nila Shaira na tinignan si Drake na umakyat.

Tripp then clapped his hands. "Okay, show's over. Shaira, tara iuuwi na kita." Tinulak niya si Shaira ng mahina palabas. Tumingin siya sa akin. "Aalis na kami. Mag-usap kayo, okay?"

I nodded at him. He smiled at me and then walked away.

Kinakabahan ako habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Fier. Natatakot ako sa kung ano ang maririnig ko.

Dahan dahan akong naglakad. Hindi ko magawang kumatok. Sumandal lang ako sa gilid ng pintuan ni Fier, umaasa sa nakaawang na butas sa pinto.

And then I heard a slap.

"Ganyan mo ba siya kamahal, ha?!"

Napapikit ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang tumingin. Marinig ko pa lang na sinasampal niya si Drake, nasasaktan na ako.

"Sumagot ka nga!"

Nilakasan ko ang loob ko at tumingin sa loob ng kwarto ni Fier. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagiyak ko.

Drake...

"Tumayo ka nga, Drake! Sa tingin mo madadaan mo ako sa luhod mo?!"

Nakayuko lang si Drake. Hindi na siya nagsasalita. Parang pagod na pagod na siya...

"Ano ba, Drake! Kung nahihirapan ka, nahihirapan din ako! Kasalanan ko ba na ganito, ha?! Hindi naman! Bakit ba nila ako sinasabihan na malandi? Inagaw ba kita? May girlfriend ka ba nung magkasama tayo dati? Wala naman! Palagi na lang ako yung masama... Hindi ba nila naisip na nasasaktan din ako? Wala namang babae na ginustong maging kabit. Ayoko. Hindi ko pinangarap. Pero ano? Nandito na. Ano pa ang magagawa ko? Pinakasalan mo si Alys kahit alam mong nandito ako, magiging ina ng anak mo. Narinig mo bang sinumbatan kita? Hindi, 'di ba? I fucking accepted it all! Kasi alam ko na wala. Si Alys talaga. Drake, kahit ngayon lang isipin mo naman din ako. Nasasaktan din ako."

Drake stood up.

"Fier..." Drake said.

Hindi ko na mapigilan. Naiiyak na ako, naawa na ako sa lahat ng nangyayari. Ayoko na.

"I'll be a good father but I can never be your husband."

And then there was silence.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com