10th
Tamara's POV
Andito kami ngayon sa condo nya at ginagamot ko ang mga sugat nya. Kanina pa sya aray ng aray dahil dinidiinan ko ang pag-press ng bulak sa sugat nya.
" For the nth time Tamara aray ! Ang sakit nga sabi eh ! "- Iritang sabi nya nang diinan ko ang bulak sa gilid ng labi nya.
" Bat ka kasi nakipag suntukan ? "- Mataray na sabi ko at diniinan ulit. Medyo nilayo nya ang mukha nya at tinignan ako ng masama pero binalewala ko lang yun.
" Tsk tignan mo, may galos ka tuloy sa pisngi "- Umiiling na sabi ko at tinuro ang pisngi nyang may sugat.
After kong gamutin yung sa may labi nya, kinuha ko naman ang kanang kamay nya na puro sugat. Ipinatong ko ito sa lap ko bago kumuha ng bagong bulak at alcohol.
" Infairness huh, kahit na mas matangkad ka kay Hugh nagalusan ka nya "- Umiiling na sabi ko. I just heard him tsked.
" Deus "- Tawag ko sa kanya at tinignan sya.
Tinignan nya lang din ako pabalik. Hindi ko alam kung itatanong ko ba sa kanya o hindi.
" Just spill it Tamara "- Plain na sabi nya.
" Totoo ba yung sinabi ni Hugh ? "- Tanong ko at sinimulan ng linisin ang sugat sa kamao nya.
" Yeah. We're brothers "- Simpleng sagot nya.
" Anak ako sa labas at kagaya nga ng sinabi nya kanina, anak ako ni dad sa secretary nya "- Panimula nya.
" I never had the chance to know my real mom. She died while giving birth. Then kinuha ako ni dad. By the age of 6 alam ko ng anak ako ni dad sa labas. Well thanks to Hugh for spitting that on my face all the time "- Mapait na ani nya.
" Kahit na anak ako sa labas, never yung pinaramdam sakin ni tita. She's so caring and kind. She treats me like his own son "- Hindi ko naman napigilang mapa-ngiti ng kaunti. Miski ako, kita ko ang pag-aalaga sa kanya ng mom nya. Hindi ko akalain na hindi pala nya talaga tunay na anak si Deus.
" Nag simulang maging iba ang pakikitungo sakin ni Hugh nang lagi akong napupuri nila mom and dad. Lagi akong 1st place, lagi akong 1st honor. Samantalang si Hugh, laging 2nd place. Inaagaw ko daw ang lahat ng sa kanya kaya ang laki ng galit nya sakin "- Naka ngising ani nya.
Yan talaga ang problema sa siblings. Ang rivalry.
" Alam ba ni Talia ang lahat ng to ? "- Hindi ko napigilang itanong.
Deus stiffened on my question.
" She knows everything Tamara "- Simpleng sagot nya.
Medyo nasaktan ako. Bakit si Talia alam ang lahat samantalang ako ito, nagmumukhang tanga. Hindi ko alam kung ano yung nangyayare, kung bakit. Sa halos dalawang taon naming magkasama parang ang onti-onti ng mga bagay na alam ko tungkol sa kanya.
Natahimik ako at tinuloy nalang ang paglilinis ng sugat nya.
" I'm sorry "- Sabi nya kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.
" I'm sorry for keeping this from you "- Dagdag nya at hinawakan ang kamay ko.
" Naiintindihan ko naman "- Sagot ko at ngumiti ng pilit at binawi ang kamay ko.
" Akin na yung isa mong kamay "- Ani ko at kinuha ang kaliwang kamay nya at sinimulang linisin.
Tahimik lang kaming dalawa at after kong linisin ang kamay nya, kinuha ko na ang bandage at nilagyan ang parehong kamay nya.
" Nagugutom ka ba ? "- Tanong ko. Tumango lang sya kaya tumayo ako.
" Ipagluluto na kita bago ako umuwe "- Sabi ko at inayos ang kit.
" Stay here Tamara "- Napa-angat ako ng tingin.
" Masyado ng late "- Sabi nya at pareho kaming napa-tingin sa orasan na nag sasabing 11:30 na.
" Magluluto na ako "- Paalam ko at kinuha na ang kit at binalik iyon sa tamang pwesto.
Dumaretso ako sa kusina at tinali ang buhok ko bago ko binuksan ang ref.
" Anong gusto mong kainin ? "- Sigaw ko habang tinitignan ang mga nasa ref.
" Ikaw "- Sigaw nya pabalik. Napa-hinto ako at lumingon sa kanya.
" Ano ?! "- Tanong ko ulit.
" Ikaw. Ikaw bahala "- Sagot naman nya.
Binalik ko na ang tingin ko sa ref at nag hanap ng pwedeng iluto.
Parang biglang gusto ko ng sabaw. Agad kong nilabas ang manok na nakita ko at ang mga gulay na kailangan. Magluluto nalang ako ng tinola.
Agad kong isinalang ang manok at after nun, sinimulan ko ng hiwain ang mga gulay.
Habang nag hihiwa ako ng gulay, naramdaman kong lumapit si Deus at tinignan ang niluluto ko.
" Anong lulutuin mo ? "- Tanong nya at sumandal sa gilid ko.
" Tinola. Parang gusto ko kasi ng sabaw "- Simpleng sagot ko.
Wala naman na akong narinig na sinabi ni Deus pero andyan parin sya sa gilid ko ay naka sandal. Nararamdaman kong naka-tingin sya sakin.
Nilingon ko sya.
" May kailangan ka ba ? "- Tanong ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay at pinag krus ang mga kamay.
" Bawal ka na bang panoodin mag luto ? "- Taas kilay na tanong nya.
" Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako sanay "- Sabi ko at pinag patuloy na ang pag luluto.
" Okay lang ba yang kamay mo ? "- Stupid question Tamara. Malamang hindi, ikaw pa nga ang gumamot nun.
" I mean, hindi ba yan sagabal sayo ? Hindi ka ba mahihirapan nyan sa monday ? "- Pag lilinaw ko.
I heard him chuckle a bit and shook his head.
" I'll be fine Tamara "- Sabi nya tsaka ako nginitian. Nginitian ko sya pabalik at tinignan ang niluluto ko.
Makalipas lang ang ilang minuto eh luto na ito. Nilagay ko na ito sa isang mangkok at inilagay sa lamesa. Kumuha na din ako ng plato at kutsara. Nilagay naman ni Deus sa lamesa yung kanin. Umupo na kami at nag simulang kumain.
" So ? "- Tanong ko pagkatapos nyang sumubo.
" It's good "- Puri nya. Naka-hinga naman ako ng maluwag.
" You're improving actually "- Dagdag nya na nakapag pa-ngiti sakin.
" Si Talia kasi hindi marunong mag luto. Lagi lang syang napapaso kaya ako ang laging nag luluto "- Natatawang sabi nya na para bang inaalala yung nangyare. Napa hinto naman ako at napa-yuko.
He cooks for her. Samantalang ni isang beses hindi ako naka tikim ng luto nya.
" A-anu-ano naman niluluto mo para kay Talia ? "- Tanong ko habang naka-yuko.
" Wala kung ano lang yung gusto nya. She's the boss eh "- Simpleng sagot nya.
" Ahh "- Tumatangong sagot ko at uminom ng tubig.
Bigla akong nawalan ng gana. Hindi ko na ginalaw ang pagkain na nasa plato ko.
Bigla syang napa hinto na para bang ngayon lang nya na-realize ang mga sinabi nya. Tumayo na ako at nilagay ang pinag kainan ko sa lababo.
" Kumain ka lang dyan. Ilagay mo nalang yung plato mo sa lababo pagkatapos mo kumain. Maliligo lang muna ako "- Paalam ko at agad na dumaretso sa isang kwarto. May mga damit na ako dito at itong kwarto na to ang ginagamit ko tuwing andito ako kina Deus.
Agad akong kumuha ng loose shirt at pajama bago pumasok sa banyo. Nagbabad muna ako sa bathtub.
Makalipas ang ilang minuto ng pag uunwind, lumabas na ako ng kwarto at dumaretso sa kusina para hugasan ang pinagkainan namin, pero pag punta ko dun, wala ng plato. Nahugasan na.
" Movie marathon tayo ? "- Medyo napatalon ako sa biglang pagsasalita ni Deus sa likod ko. Napa hawak ako sa dibdib ko at hinampas sya sa braso.
" Nagulat ako dun ! "- Asik ko.
" Bawasan mo kasi ang pagkakape Tamara "- Natatawang sabi nya at lumapit sa isang cabinet at kumuha ng malaking chips.
" Tara "- Sabi nya at hinila ang kamay ko.
Nakita kong may baso at softdrinks na sa sala. May CD na din na naka-salang. Agad kaming umupo at pinlay ni Deus yung palabas at tahimik kaming nanood.
" I don't really like guys with piercings "- Sabi ko habang naka-tuon parin sa tv ang atensyon.
" Why do you like me then ? "- Tanong nya. Well Deus has piercings.
" You're an exception "- Simpleng sagot ko at sumandal sa balikat nya.
Imbis na ituon namin ang atensyon namin sa palabas. Nag simula kaming mag-usap about random stuffs. Somehow may nalalaman ako tungkol sa kanya at ganun din sya sakin. Para bang bigla kaming nag open up sa isa't isa. Pinatay na ni Deus yung tv at nag kwentuhan nalang kami magdamag. Hindi na namin pinansin kung madaling araw na ba o ano, tuloy lang kami sa pag kukwentuhan at tawanan.
Tawa parin kami ng tawa nang maalala namin ang mga kalokohan namin nung high school.
" It's been a long time nang tumawa ako ng ganito "- Sabi nya.
" Thank you Tamara "- Sabi nya at nginitian ako. Nginitian ko naman sya pabalik.
Niligpit na namin ang kalat sa sala, napag pasyahan na kasi naming matulog dahil 2:00 na ng madaling araw. Papasok na sana ako ng kwarto nang pigilan ako ni Deus. Mag tatanong sana ako kung may kailangan pa sya pero hinalikan nya ako sa noo bago umalis at pumasok sa kwarto nya. Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at dumapa sa kama at sumigaw sa may unan. OMFG he kissed me !
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com