Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

11th

Tamara's POV

Mabilis lang lumipas ang mga araw at ngayon ay last day na ng prelim exams namin.

" Teka kakain na ako ng madami para mamaya "- Sabi ni Bianca at tumayo.

" Ilang subjects nalang test mo ngayon ? "- Tanong ni Deus sakin.

" Isa nalang. Accounting "- Sagot ko at pinagpatuloy na ang pag kain.

" Ikaw ? "- Tanong ko sa kanya.

" Tapos na "- Mayabang na sagot nya.

" Ikaw na "- Naka ngusong sabi ko at sumubo.

" Hindi ka pa uuwe ? "- Tanong ni Bridger.

" Aantayin ko si Tamara "- Simpleng sagot nya. Napa tingin ako sa kanya.

" Ha ? Bat mo pa ko iintayin ? "- Nagtatakang tanong ko.

" Ang slow mo naman. Malamang may date kayo "- Ismid ni Bianca na kakadating lang at may dalang tray.

" May date tayo ? "- Tanong ko kay Deus. Simpleng tango lang ang sinagot nya. Napa ngiti naman ako.

" Inspired na. Perfect na nya exam nya mamaya "- Nang aasar na sabi ni Bridger. Naka ngiting umiling nalang ako.

" Hoy ingatan mo yan si Tamara mamaya ah. "- Sabi ni Bianca kay Deus.

" Oo naman "- Simpleng sagot ni Deus.

Tahimik na ulit kaming apat na kumain nang biglang mag sigawan. Napa lingon kami sa pinto at nakitang pumasok si Hugh. Napa irap naman ako.

Naiirita ako sa lalaki na yan. Hindi nya alam ang salitang distansya. Lapit parin sya ng lapit sakin, nung mga projects na meron kami, sya ang nag susuggest na ako ang partner. At kaming dalawa lang daw. Badtrip sya leche.

" Akala mo naman ang gwapo. Pandak naman "- Ismid ko at sinundan sya ng tingin.

" Matalisod ka sana "- Bulong ko nang lumampas sya samin at muntik ko ng mabuga ang nasa bibig ko nang matalisod nga sya at nabangga nya yung babaeng may dalang pagkain which is kanin at dinuguan.

Pinipigilan ko ang pag tawa ko dahil sa nangyare.

" Huy Tamara "- Sabi ni Bianca.

" Shet natalisod nga "- Natatawang sabi ko.

" Epic "- Natatawang sabi ni Bridger at sabay kaming tumawa.

Napa tingin ako kay Deus at nakita ko syang naka ngiti habang umiiling. Huminto na ako sa pag tawa at kumain na ulit.

Saktong pag 1st bell ay tapos na kaming kumain. Dali dali kaming umalis dahil 5 minutes nalang before second bell which is start na ulit ng exams namin.

" Goodluck Bridger ! "- Naka ngiting sabi ko bago kami lumiko.

" Goodluck din sa inyo ! "- Sabi nya at nauna na ulit mag lakad.

Kasama ko si Deus na umakyat sa building namin. Si Bianca kasi sa ibang building ang test nya.

" Saan kita pupuntahan mamaya ? "- Tanong ko sa kanya habang paakyat kami.

" I'll wait for you here "- Simpleng sagot nya.

" Hindi ka ba maiinip ? 2 hours ang test namin. Kung matatapos man ako ng maaga hindi parin ako palalabasin ng prof ko "- Ani ko at huminto sa tapat ng room namin.

" Dalawang oras lang naman "- Sabi nya at sumandal sa pader.

" Sige. Pasok na ko "- Naka ngiting paalam ko at akmang bubuksan na ang pinto nang hawakan nya ang kamay ko.

Lumapit sya sakin at parang biglang huminto ang lahat dahil sa ginawa nya.

He kissed my forehead.

" Goodluck baby "- Bulong nya na nakapag pahinto sakin.

Napa angat ako ng tingin at nakita kong ngiting-ngiti sya.

" Pumasok ka na "- Naka ngiting sabi nya at sya na ang nag bukas ng pinto.

Wala sa sarili akong pumasok sa loob at umupo sa pwesto ko.

That's the very first time he called me baby. OMFG do you hear me squeling !?

Para akong ewan na naka ngiti habang nag rereview. Maya-maya may umupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangan tignan dahil alam kong si Hugh iyon. Well iba na ang damit nya.

Hindi ko sya pinansin at nag review nalang. Bumukas na ang pinto at pumasok ang prof namin at nag simula na kaming mag exam.

Inabot ako ng halos isa't kalahating oras bago ko natapos ang exam.

" If you're done, leave your test papers here and you can go home. And there's no class tomorrow friday and for those who have Saturday classes, wala ring pasok for you guys to take a rest "- Mahabang litanya ng prof namin.

Agad naman na nag si-tayuan ang mga kaklase kong tapos na at sumunod ako. Inilagay namin ang mga papel namin sa lamesa at lumabas na.

" How's the test ? "- Tanong ni Deus saakin nang makalapit ako sa kanya.

" Medyo madali lang. Na-review ko naman lahat ng nasa test and hindi ganun kahirap ang mga problem "- Naka ngiting sabi ko.

" Let's go ? "- Tanong nya. Tumango naman ako at sabay na kaming nag lakad paalis.

" Akin na yang bag mo "- Sabi nya at kinuha saakin ang bag ko at nginitian ako.

Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko.

Nginitian nya ako ulit at nag lakad na papuntang sasakyan nya.

Mukha akong ewan na ngiting ngiti habang nag lalakad kami. Seryoso, anong meron kay Deus ngayon ? Bat ba parang ang sweet sweet nya sakin ? OMFG DO YOU HEAR ME SQUELING AGAIN !?

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan nya, agad naman akong sumakay. Sinarado na nya ang pinto at umikot sa kabila.

Agad nyang pinaandar ang sasakyan at umalis ng school.

" Saan tayo pupunta ? "- Tanong ko sa kanya.

" Mall "- Simpleng sagot nya. Wala ng nag salita saaming dalawa kaya sa bintana nalang ako tumingin.

Maya-maya lang ay nasa mall na kami.

" Iwan nalang natin yung bag mo dito. Kunin mo nalang yung wallet at phone mo "- Sabi ni Deus. Agad ko namang kinuha ang wallet at phone ko. Kinuha ni Deus ang bag ko at inilagay iyon sa ilalim ng upuan nya.

Lumabas na sya. Akmang lalabas na din sana ako nang makita ko syang umikot kaya inintay ko nalang na pag buksan nya ako. Nginitian nya ako atsaka sinarado ang pinto.

" Saan tayo pupunta ? "- Tanong ko sa kanya nang maka-pasok kami sa loob ng mall.

" Sine tayo ? "- Tanong nya.

" Sige ! "- Tuwang tuwa na sagot ko.

Agad kaming umakyat at pumunta sa cinema section.

" Anong panonoorin natin ? "- Tanong nya habang naka tingin kami sa mga palabas.

" Napanood na namin yang Independence day eh. Ang corny naman kung Finding Dory. Conjuring 2 nalang kaya ? "- Sabi ko at tinignan sya.

" Sige Conjuring nalang "- Hinawakan nya ang kamay ko at pumunta kami sa bilihan ng ticket. Sya na ang nag bayad.

" 45 minutes pa "- Sabi nya habang naka-tingin sa orasan nya.

" Bili muna tayo ng pagkain natin "- Sabi ko at hinila sya pababa sa supermarket.

Agad kaming dumaretso sa snack section at pumili ng mga kakainin at agad na binayaran ang mga ito.

Bale tig dalawang paperbag kami. Sya na ang nag dala ng drinks dahil sabi nya eh mabigat iyon.

Saktong pag balik namin sa cinema section eh 20 minutes nalang start na. Agad kaming pumasok at buti nalang ay may available pang upuan sa bandang taas.

Agad ko ng nilabas ang mga laman ng paperbag at nag simulang kumain.

" Hindi pa nagsisimula kinakain mo na agad yang baon natin "- Natatawang sabi ni Deus.

" Madami naman eh "- Natatawang sagot ko at nanood nalang ng trailer na pinapalabas.

" Babe, gusto ko panoodin yan pag showing na "- Sabi ko habang pinanonood ang trailer ng Miss Peregrine's Home for Peculiar Children.

" Sige panoodin natin "- Sagot naman nya.

" Ilang beses ko na nakita yan sa bookstore. Akala ko kasi horror dahil sa cover. Ang astig pala ng kwento "- Sabi ko.

" Don't judge a book by its cover kasi "- Natatawang sabi nya. Biglang namatay ang ilaw at nag simula na ang palabas.

Napa lingon ako kay Deus nang kunin nya ang kamay ko at pinag intertwine ito.

Nginitian nya ako, awtomatiko naman akong napa ngiti pabalik. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at itinuon na ang atensyon sa malaking screen.

Ang alam ko horror itong panonoorin namin. Bakit kinikilig ako ?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com