12th
Tamara's POV
Buong palabas ay sigaw ako ng sigaw at kapit na kapit ako sa braso ni Deus. Takot na takot ako samantalang si Deus eh tinatawanan lang ako.
Tapos na ang palabas at inaalalayan ako ni Deus pababa. Nasa bewang ko ang kamay nya.
" Next time, wag ka ng manonood ng nakakatakot "- Umiiling na sermon nya sakin. Nanlalambot kasi ang tuhod ko. Ewan ko ba pero nanlalambot talaga.
" Namumutla ka pa "- Nag aalalang sabi nya habang inaayos ang buhok ko.
" Kumain na muna tayo bago tayo umuwi "- Sabi nya at nginitian ako.
" Saan mo ba gustong kumain ? "- Tanong nya.
" Kahit saan "- Natatawang sagot ko. Agad naman kaming pumasok sa isang korean restau sa mall.
Humanap muna ako ng upuan at si Deus na ang nag order. Hindi naman ganun kadami ang tao dito sa restaurant. Humalumbaba ako at tinap ang mga daliri sa lamesa.
Maya-maya lang dumating na si Deus at umupo sa harap ko at humalumbaba din at tignan ako. Hindi ko iniwas ang tingin kaya nag titigan kaming dalawa.
Tahimik lang kaming nagtititigan nang may nag lapag ng pagkain sa lamesa namin. Napa-ayos kami pareho ng upo.
" Thank you "- Naka ngiting sabi ko sa waiter.
" Enjoy your meal po "-Nginitian ako pabalik ng waiter at nag bow.
" Thank you dito babe "- Naka ngiting sabi ko at nag simula ng kumain.
Kanina pa talaga ako hindi kumportable. Tingin na tingin kasi sakin si Deus tapos ngingiti !

" Babe ang creepy mo na "- Sabi ko at umiwas ng tingin.
Bahagya syang tumawa kaya napa tingin ako sa kanya.
" Ang messy mo kumain kahit kelan "- Natatawang sabi nya at kumuha ng tissue tsaka pinunasan ang bibig ko.
Black bean noodles kasi ang kinakain ko. Nahiya naman ako bigla. Sarap na sarap kasi ako sa pagkain kaya di ko na napansin na madungis na pala ako !
" Salamat "- Nahihiyang sabi ko nang tapos na sya. Agad akong bumalik sa pag kain.
Ewan ko, bigla akong nahiya. Ngiting ngiti parin si mokong. Humalumbaba ulit sya at tinitigan ako.
" Ano ba Deus "- Frustrated na sabi ko at tinakpan ang mukha ko.
" Tch, tinatakpan mo naman yung view eh "- Sabi nya at naramdaman ko ang kamay nya na hinawakan ang kamay ko at tinanggal ito sa pagkakatakip sa mukha ko. Napa nguso naman ako.
" Ano bang problema mo sa mukha ko ? "- Naka ngusong tanong ko.
" Bat kasi ang ganda mo ? "- Tanong nya at tinilt pa ang ulo sa kanan.
" T-tigilan mo ko ah "- Nauutal na sabi ko at kumain ulit.
" Please lang, mamaya mo na ko titigan, pakainin mo muna ako "- Parang hirap na hirap na sabi ko. Natawa naman ng bahagya si Deus at sumubo ng pagkain nya.
" So mamaya pwede ? "- Malokong tanong nya.
" Oo na ! Picture pa gusto mo ? "- Tanong ko. Tumawa lang sya ng bahagya at sa wakas eh nakakain na ako ng matiwasay.
After namin kumain ay agad kaming umalis, pero bago pa man kami maka-labas ng mall eh sobrang lakas na ng ulan.
" Hala ang lakas ng ulan "- Sabi ko habang niyayakap ang sarili ko.
Naramdaman ko na lumapit sakin si Deus at hinila ako mas papalapit sa kanya, nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko.
" Wala akong jacket eh. Nasa sasakyan "- Mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.
Nag stay muna kami sa may labas ng mall dahil wala kaming dalang payong pero halos isang oras na kami dito eh hindi humihina ang ulan.
" Medyo baha na daw yung mga daan papuntang apartment "- Sabi ko at ibinalik na ang phone sa bulsa at tinignan sya.
" Kailangan na natin maka-alis dito bago pa tayo abutan ng baha "- Sabi ni Deus at hinawakan ang kamay ko at tumakbo kaming dalawa.
Mukha kaming basang sisiw nang maka pasok kami sa sasakyan nya.
" Baka lagnatin ka "- Sabi nya sakin habang inaabot ang jacket nya sa likod. Nang makuha na nya eh ipinatong nya ito sa balikat ko.
" Kailangan na natin umalis, baka mahirapan pa tayo mamaya "- Sabi nya habang tinutuyo ng face towel ang buhok nya. Inabot nya ang susi nya sa may bulsa at pinaandar ang sasakyan.
Dahil sa sobrang lakas ng ulan at bumaha na din sa ilang daan, hindi na namin pinilit na maka-punta sa apartment namin. Dumaretso na kami sa condo ni Deus.
" Maligo ka na agad, baka magka-sakit ka pa "- Sabi nya sakin nang maka-pasok kami ng unit nya. Tumango naman ako at dumaretso sa kwarto para saakin at agad na naligo.
Nauna akong natapos dahil pag-labas ko ay wala pa si Deus. Dumaretso ako sa kusina para magpa-init ng tubig. Maya-maya lang ay lumabas na si Deus habang tinutuyo ang buhok.
" Magkakape ka rin ba ? "- Tanong ko nang umupo sya sa may lamesa.
Tumango naman sya.
" May cup noodles dyan sa cabinet kung gusto mo "- Sabi nya habang naka-turo sa cabinet sa tabi ko. Binuksan ko ito at nakitang ang dami nyang noodles.
" Ano ba gusto mo ? Seafood, Bachoy o Bulalo ? "- Tanong ko habang naka tingin sa cabinet.
" Bachoy nalang "- Sagot nya at agad naman akong nag labas ng isang Bachoy at Bulalo.
Inintay naming kumulo ang tubig nang biglang kumulog ng malakas na naging dahilan ng pag sigaw ko.
" Deus, may kulog "- Natatakot na sabi ko at tumingin sa likod ko.
I have this phobia of Lightning and Thunder kasi. Because of something from the past na ayoko ng maalala.
" You don't need to be afraid. Andito ako "- Seryosong sabi nya.
" Naaalala mo parin ba ? "- Tanong nya. Tumango naman ako.
" Feeling ko everytime na kukulog at kikidlat andyan sya sa likod ko "- Sabi ko at tinignan ang likod ko.
Muntik na kasi akong ma-rape at mapantay nung 12 years old ako. Ang lakas ng ulan at may kulog at kidlat, nag-away kami ng parents ko nun kaya kabing-gabi na umalis ako ng bahay. May isang lalaki na sumunod sakin, nung naka-ramdam ako, lumusot ako sa kung saan saan which is mali ko dahil naligaw lang ako. Everytime na kukulog, pag tingin ko sa likod ko andun sya, everytime na kikidlat pag tingin ko naka-ngisi sya. I was so scared then pag kulog, bigla nyang hinawakan ang wrist ko at doon na muntik mapahamak, good thing may guard na nag rounds nun dahil nakiusap ang parents ko but the guy is still on the loose. Hanggang ngayon hindi parin sya nakikita.
" Just don't think about it "- Sabi ni Deus at nabaling ang atensyon ko sa kettle nang umingay ito.
Agad kong binuhusan ng mainit na tubig ang noodles namin tsaka ako nag timpla ng kape.
Umupo ako sa tapat nya at bahagyang napa-talon nang kumulog nanaman.
" Gusto mo bang dun ka nalang sa kwarto ko matulog ? "- Tanong nya.
" Pwede ba ? "- Nag aalangang tanong ko. Tumango naman sya. Nginitian ko sya at tahimik na inubos ang mga noodles at kape namin.
Agad din naming itinapon ang mga cup at hinugasan nya ang basong ginamit namin. Sabay kaming nag tooth brush at pumunta sa kwarto nya.
" Pwede bang wag natin patayin yung ilaw ? "- Nahihiyang tanong ko. I just can't sleep kapag madilim. Tumango naman sya at sabay kaming humiga sa kama.
Pareho kaming naka tingin sa kisame at tanging ang malakas na pag patak lang ng ulan ang ingay.
" I love you Deus "- Out of the blue kong sabi.
" Good night Tamara "- Sagot nya sabay ang pag galaw nya at tumalikod saakin.
Ewan ko ba pero medyo nasaktan ako. Hindi naman tanong ang i love you pero masakit talaga kapag hindi ka sinagot pabalik. Bumuntong hininga nalang ako at tumalikod din sa kanya at natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com