Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

17th

Tamara's POV

Hindi ko alam na naka-tulog pala ako sa tabi ni Deus. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, sa parang shutter ng camera at ang parang pagpipigil ng tawa. Unti-unti kong minulat ang mata ko at tumambad sa mukha ko ang isang phone na tutok na tutok sakin at si Deus na nagpipigil ng tawa.

" What are you doing "- May pagka-irita sa boses ko at tinakpan ang camera ng phone nya tsaka umupo.

" Taking photos of my girlfriend "- Naka ngiting sagot nya sabay kibit balikat.

" Good morning sweetheart "- Naka ngiting ani nya tsaka ako hinalikan sa noo.

Ang aga-aga nagwawala tong mga butterflies sa tyan ko- kilig ba to o gutom ? Pfft di ko alam.

Simula kagabi, after nyang sabihin na hindi nya kayang mawala ako sa kanya, hindi parin ako sanay na ganito sya ka-sweet saakin. 

" Good morning "- Naka ngiting bati ko sa kanya pabalik tsaka tumayo.

" Mag totooth brush lang ako "- Paalam ko at akmang paalis na nang hawakan nya ang kamay ko.

" Ako din "- Sabi nya kaya inalalayan ko syang tumayo at mag lakad papuntang banyo.

Kinuha ko muna ang toiletries sa may cabinet at bumalik sa kanya sa may banyo. Since naka dextrose sya at hindi nya gaano magalaw ito, ako ang nag lagay ng toothpaste nya at sabay kaming nag toothbrush.

Ewan, parang ang saya-saya ko ngayon. Nag ngingitian kami habang naka harap sa salamin at nagtotoothbrush.

" Ang sweet naman ng dalawang ito "- Pareho kaming napa lingon sa may pinto nang may mag salita at doon namin nakita si tita at tito na naka ngiti saamin.

" Ikaw talaga, sinira mo moment nila "- Natatawang sabi naman ni tito.

" Tara na nga "- Natatawang sabi ni tito at hinila na paalis si tita.

Nagkatinginan kami ni Deus at nag ngitian tsaka kami nag mumog at lumabas ng cr.

Sakto namang pag labas namin ay syang pag bukas ng pinto at pag pasok ni Hugh na may dalang paper bag na sigurado akong pagkain. As usual, parang bored na bored sya pero ngumisi sya samin ni Deus. Hindi ko nalamang pinansin iyon at lumapit kami kila tita.

" Here iha "- May inabot saaking bag na malaki si tita.

" Para saan po ito ? "- Tanong ko at tinignan ang nasa loob. Mga damit at kumpleto ito.

" I know na your apartment is a little bit far from here at hindi ka naman makakauwi ng ganyan ang suot mo "- Napa tingin naman ako sa suot ko at, oo nga pala. Ito pa yung damit ko kagabi na puro dugo. Hindi pa ako nakakapag palit.

" Kaya ibinili ka na namin. I'm sure naman na fit sayo ang mga damit na yan "- Naka ngiting dagdag ni tita.

" Thank you po tita "- Pasasalamat ko. Nginitian naman nya ako.

" Mag aayos lang po ako "- Paalam ko at dumaretso ng banyo. 

Binuksan ko ulit ang bag at hindi lang pala mga damit ang nandito. May sabon, shampoo, towel at iba pa ang nandito sa loob. I should really thank tita again for this.

Ngayon lang ako nakaramdam ng panlalagkit kaya agad akong naligo. Agad din akong lumabas pagkatapos kong maligo at wala na sila tita pag labas ko. Masyado ba akong matagal sa loob at hindi ko na sila naabutan ?

" Where are they ? "- Tanong ko at inilapag sa isang table ang bag tsaka lumapit kay Deus.

" Napatagal ba yung ligo ko kaya hindi ko sila naabutan ? "- Tanong ko habang tinutuyo ang buhok.

Deus chuckled a bit

" Umalis na sila kaagad. Ang sabi ni mom, dinala lang nila ang damit mo at iba pang pagkain para saatin habang andito ako. May kailangan pa daw kasi silang asikasuhin kaya hindi sila nag tagal. Si Hugh naman may photoshoot daw kaya umalis na din "- Sabi ni Deus. Tumango lang ako at lumapit sa paper bag na dala kanina ni Hugh at inilabas ang laman nito.

" Ayoko kainin yan, baka may lason "- Ismid nya nang buksan ko ang isang lalagyan.

" Ang sama mo. Hindi naman sya ganung tao "- Sabi ko at lumapit na ulit sa kanya.

" Paano mo naman nasabi ? So friends kayo ? "- Taas kilay na tanong ni Deus. Damn, bakit pati pag taas ng kilay ang gwapo !?

" Kasi kung may balak syang lasunin ka. Matagal na nyang ginawa "- Simpleng sagot ko at inilapit sa bibig nya ang isang kutsarang may lamang kanin.

" Kung sabagay "- Kibit balikat na sagot nya at kinain ang ibinigay ko sa kanya.

" I'll eat on my own para maka-kain ka na "- Sabi nya at hinila ang lalagyan sa tapat nya at nag simula na syang kumain mag-isa. Wala naman akong nagawa kaya kinuha ko ang isa pang lalagyan at sabay kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain nang bumukas ang pinto at may pumasok na nurse. Buti naman at mukhang may edad na itong nurse na pumasok.

" Good morning po "- Bati nya nang maka pasok sya. Nginitian namin sya pareho ni Deus.

" Good morning din po "- Bati namin sa kanya pabalik. Nginitian nya lang kami at lumapit sya sa dextrose. Pinisil nya ito para makita siguro kung gaano pa kadami ang andun.

" After nyang kumain, painumin mo sya ng gamot ha iha ? "- Sabi ng nurse saakin. Tumango naman ako.

" Kung sakali man na may kailangan kayo or may accident, paki pindot nalang ang button, dadating kaagad ako. Andyan lang naman ako sa desk sa labas "- Naka ngiting sabi saamin ng nurse at tuluyan ng umalis.

Pinag patuloy nalang namin ni Deus ang pag kain at nang tapos na, agad kong tinapon ang lalagyan at kinuha ang gamot nya sa cabinet. Kumuha din ako ng tubig para sa kanya at ipinainom ito sa kanya.

Tumabi ulit ako sa kanya at sinuklay ang buhok ko. Hindi pa kasi ako nakakapag suklay.

Habang nag susuklay ako, nasa tabi ko si Deus at parang ewan na naka ngiti habang naka tingin sa phone.

" Ano ba yang nginingiti-ngiti mo dyan ? "- Tanong ko at lumapit sa kanya at doon ko nakita ang picture ko kanina habang natutulog ako.

Sinimangutan ko sya.

" What ? Ang ganda mo kaya dyan "- Sabi nya pero naka simangot parin ako.

" Bakit kasi nampipicture habang tulog "- Naka simangot na sabi ko.

" Can't blame me. You're too cute while you're sleeping "- Kibit balikat na sagot naman nya.

" Wait, i still have two more here "- Sabi nya at inilipat ang picture

" Yan yung nagising ka na "- Naka ngiting sabi nya.

" Ang lapit naman masyado ! "- Asik ko at hinampas sya sa braso. Parang wala lang sa kanya dahil tinawanan lang nya ako.

" Ayoko nyan, burahin mo yan "- Sabi ko habang inaagaw ang phone sa kanya. Kahit na naka-upo kami, masyadong mahaba ang kamay nya kaya hindi ko makuha ang phone nya.

" Ang unfair naman ata kung ako may picture sa phone mo tapos ako wala akong picture mo "- Pagdadahilan nya at ibinaba ang phone nya. Pinag krus ko naman ang kamay ko.

" Oh. I still have one more. And it's the best "- Natatawang sabi nya. Imbis na mag tampo kunyare. Wala akong nagawa kundi ang maki tingin.

Agad ko syang pinag hahampas nang makita ko ang sinasabi nyang picture ko kanina. Aba ang walang hiya, tuwang tuwa.

" Walang hiya ka Deus ! "- Galit na sabi ko habang naka tingin sa phone nya na may picture ko.

" Gulat na gulat ka dyan ah "- At humagalpak nanaman sya ng tawa.

" Sino banamang hindi !? Aga aga phone ang mag gogood morning sayo "- Iritang sabi ko at pinag krus ang mga kamay.

" Sorry na "- Panunuyo nya.

" Tch. Naman kasi ! Kung gusto mo ng picture ko, mag sabi ka ! Pagbibigyan naman kita eh. Hindi yung nampipicture ka ng tulog "- Kunyare galit na sabi ko.

" Sorry na nga eh "- Naka pout na sabi nya at niyakap ako.

" Oo na "- Sabi ko at niyakap ko sya pabalik.

Natahimik kaming dalawa bigla pero hindi mo masasabing awkward. Actually kinikilig pa nga ako.

He suddenly started humming at bigla akong naka ramdam ng antok. Ipinikit ko ang mata ko habang nakikinig sa pag hum nya.

Hinalikan nya ang ulo ko at parang may ibinulong sya, hindi ko narinig ng maayos dahil hinila na ako tuluyan ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com