18th
Tamara's POV
It's been a week nang maka-labas si Deus ng hospital. Hindi na muna sya pinayagan ng parents nyang bumalik sa condo nya kaya doon sya umuuwi ngayon sa bahay nila.
Sabado ngayon, pero dahil medyo madaming kailangan habulin si Deus because he's gone for a week too at hindi sapat ang isang linggo para bawiin lahat yun kaya andito kami sa bahay nila.
We're supposed to have a date but i understand naman na kailangan nyang mag habol lalo na't representative sya ng college nila.
" Staring is rude baby "- Napa kurap ako nang marinig ang boses nya. Nakita ko ang pag ngisi nya at ibinaba ang pencil na hawak.
" What ? "- Tanong ko nang titigan nya ako.
" Unfair kung ikaw lang ang tititig sakin "- Sagot nya at humalumbaba.
Ewan ko pero pakiramdam ko umakyat sa mukha ko lahat ng dugo ko sa katawan.
" E-ewan ko sayo ! "- Sabi ko sabay hampas sa braso nya at tumayo.
" Kukuha lang ako ng snacks "- Paalam ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
May kalakihan ang bahay nila Deus. Pakanta-kanta akonh bumaba ng hagdan at dumaretso ng kusina.
Alam ko naman ang pasikot-sikot dito dahil kapag umuuwi si Deus kasama nya ako.
Kahit naman nung sila pa ni Talia lagi nila akong sinasama. I'm his bestfriend back then after all
Kumuha ako ng medyo malaking bowl at binuksan ang cabinet tsaka kumuha ng cereal.
Nakakapag taka, nasaan kaya si Manang Nina ? Minsan kasi naabutan ko sya dito. Baka nagpapahinga since wala naman sila tita at alam naman nila na hindi pala-utos si Deus.
Pinuno ko ng cereal ang bowl at agad ding ibinalik ang box sa cabinet nang tapos na. Binuksan ko ang ref at kumuha ng dalawang lata ng root beer.
" Oh my god "- Nabitawan ko ang dalawang latang root beer na dala ko nang pag harap ko ay andun si Hugh na naka sandal.
" You almost gave me a heart attack ! "- Bulyaw ko habang naka hawak sa dibdib ko.
Buti nalang ay hindi natapon ang root beer na nalaglag ko. Agad ko naman iyong pinulot at ipinatong sa lamesa.
" Done invading our kitchen ? "- Naka ngising tanong ni Hugh.
" I'm not invading your kitchen, i'm just getting some snacks for me and my BOYFRIEND. So if you'll excuse me i need to go "- Mataray na sagot ko at akmang lalagpasan na sya nang hawakan nya ang braso ko.
Tinaasan ko sya ng kilay.
" You and Deus looks so happy "- Naka ngising sabi nya at binitawan ang braso ko.
" Yes we are and i hope you'll be soon "- Simpleng ani ko sa kanya.
Umiling lang sya.
" Yes i will be "- Sagot nya habang naka ngiti. Pero yung ngiti nya parang may kung ano. Parang may itim na aura ganun.
Nag kibit balikat nalang ako at akmang aalis na nang mag salita nanaman sya.
" May nabasa ako. Kapag nasaktan ka ng sobra, sumigaw ka din ng sobrang lakas "- Napa kunot ang noo ko sa sinabi nya.
" Ohkay ? I appreciate your advice, thank you. But what am i supposed to do with that ? "- Nagtatakang tanong ko.
" Wala naman. Sinasabihan lang kita "- Kibit balikat na sagot nya at nginitian ako.
" Para kapag sinaktan ka ng kapatid ko- i mean step brother ko. Alam mo na ang gagawin mo "- Dagdag nya.
Sasagot na sana ako nang may mag salita.
" Stop it Hugh. As of i'm going to hurt her "- Sabat ni Deus at tumabi sakin.
Ngumisi si Hugh at nagpa-balik balik saakin at kay Deus ang tingin nya.
" Oh really ? But you are now little step brother "- Pang aasar nya at ipinag-krus pa ang dalawang kamay.
" Tch, lakas mong maka sabi ng little step brother eh mas little ka nga kesa kay Deus ! Che ! "- Galit na bulong ko. Bahagya akong siniko ni Deus at bahagya syang natawa.
" Come on. Wala tayong mapapala dito "- Ani ko at kinuha ang dalawang lata ng root beer. Kinuha naman ni Deus yung bowl ng cereal at sabay kaming umakyat sa taas ng kwarto nya.
Inilapag ko sa maliit na lamesa ang dalawang root beer at umupo sa sahig. Sumandal ako sa may kama at tumabi naman sakin si Deus.
" Tapos ka na ba ? "- Tanong ko at tinanaw ang study table nya sa likod.
" I'll take a break for a while "- Sagot nya at isinandal ang ulo sa may balikat ko.
" Stress na stress ka "- Nag aalalang sabi ko habang sinusuklay ang buhok nya.
Ini-angat nya ang ulo nya at tinignan ako. Dahil bigla akong nahiya at iniwas ko ang tingin ko at kumain nalang ng cereal.
Umayos ng upo si Deus at binuksan ang TV.
Tanging tunog lang ng tv ang maririnig sa kwarto. Ewan ko ba pero bigla akong naka ramdam ng antok. Nung una pinipilit ko pang manood. Pero maya-maya lang ay parang ang bigat na ng talukap ng mata ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Deus at maya-maya lang ay naka-tulog ako.
Naalimpungatan ako sa lakas ng pag bagsak ng ulan. Iminulat ko ang mata ko at hinanap si Deus pero wala sya.
Kinusot ko ang mata ko at tumayo.
" Deus ? "- Tawag ko sa kanya at pumunta sa may banyo. Kumatok ako dito pero walang tao.
Lumabas ako ng kwarto nya.
" Deus ? "- Tawag ko ulit sa kanya.
" Here ! "- Narinig kong sumigaw.
Agad akong dumaretso sa kusina dahil dito nanggaling ang boses ni Deus.
Isang nakaka-gutom na amoy ang nalanghap ko pag pasok ko ng kusina.
" Anong niluluto mo ? "- Tanong ko at sinilip ang piniprito nya.
" OUCH ! "- Sigaw ko nang biglang tumalsik yung mantika.
Napa hawak ako sa kanang mata ko dahil dun banda tumalsik yung mantika.
" Are you okay ? "- Nag aalalang tanong ni Deus habang inaalis ang kamay ko sa may mata ko.
" Let me see "- Dagdag nya at tuluyan ng tinanggal ang kamay ko.
Tinignan nya gilid ng mata kong natamaan ng mantika na nafifeel kong namumula na ngayon.
" Mawawala rin yan "- Sabi nya at hinalikan ito.
" There. It won't hurt anymore "- Naka ngiting sabi nya at itinuloy ang pag luluto.
Ngumuso ako habang naka sunod sa kanya pero hindi na ako lumapit sa kawali. Tinignan ko ito ng masama at inirapan.
" Ayoko na. I so hate matika ! We're mortal enemies ! Hmmp ! "- Galit na sabi ko. Napa sigaw ako ng kaunti nang bigla nanamang parang tumalsik yung mantika.
Bahagyang pag tawa naman ni Deus ang narinig kong kasunod nun.
" Wow ! What's for dinner anak ? "- Napa lingon ako sa nag salita sa likod. Doon ko nakita si tita na naka business attire.
Tsaka ko lang din napansin na gabi na. Buti nalang at tumila na ang ulan.
" Good evening iha "- Bati ni tita sakin at nakipag beso.
" Kamusta naman ang pag aalaga dito ? "- Natatawang sabi ni tita. Nilingon kami ni Deus at tinignan ng masama.
" I'm just kidding anak ! "- Natatawang sabi naman ni tita at hinampas ng bahagya ang braso ni Deus.
" Osya, mag bibihis na muna ako "- Paalam ni tita atsaka umalis ng kusina.
Sakto namang pinatay na ni Deus ang kalan. Inilagay nya ang mga iniluto nya sa mga mangkok at isa isa namin itong inayos sa lamesa.
After naming matapos ayusin ang lamesa ay dumating na din sina tita.
" Where's Hugh ? "- Tanong ni tito habang lumilinga-linga bago sya umupo.
" Umalis po sir. Hindi po nag sabi kung saan pupunta "- Sagot ni manang Nina.
" Yung batang yun talaga "- Reklamo ni tito at hinilot ang sintido nya.
" Just let him. He knows what he's doing "- Ani ni tita habang hawak hawak ang kamay ni tito.
" Why don't we start eating our dinner ? Deus cooked this "- Excited na sabi ni tita at nag simula na kaming mag dasal.
After nun at nag umpisa na kaming kumain.
" So how's school Deus ? Sorry we're very busy kaya hindi ka na namin na-kakamusta "- Sabi ni tito habang busy sa pag tanggal ng tinik ng bangus.
And yep. Nag kakamay kaming apat.
" Nakaka-habol ka naman ba sa lessons mo ? "- Tanong ni tita bago sumubo.
" I'm fine mom and dad. Kaya ko naman humabol. Nakakainis lang yung ibang prof na walang consideration "- Sagot naman ni Deus at uminom ng tubig.
" Tamara, ako ang mag lelesson sa inyo next wednesday "- Naka ngiting sabi ni tita. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
" OMG for real tita !? "- Excited na sagot ko. Tumango lang si tita at kumain.
Well, si tita kasi ay isa sa sikat na Accountant sa pinas. Isa sya sa top Accountants. Sya talaga ang idol ko pag dating sa accounting. As in hands down.
" Wag ka mahihiyang mag approach sakin Tamara okay ? And if ever na may lesson kang di naiintindihan or gusto mong mag advance study. You can always contact me. I'll be more than willing to teach you "- Naka ngiting sabi ni tita. Ngiti at tango ang isinagot ko sa kanya.
Tuloy lang ang kwentuhan naming apat. Parang ang saya ng ganitong pamilya. Kelan ba nung huling naranasan ko ito ? Di ko na maalala.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na kaming kumain at pauwi na ako.
" Thank you po "- Naka ngiting sabi ko at nag bow.
" You are always welcome here iha. Ingat "- Sabi ni tita at nakipag beso sakin. Nakipag beso din ako kay tito bago sumakay ng sasakyan ni Deus at umalis doon.
Medyo malapit lang naman sila sa apartment namin ni Bianca. Wala pang 15 minutes ay andun na kami. Inihinto nya ang sasakyan at pinag buksan ako ng pinto.
" Good night "- Naka ngiting sabi ko sa kanya. Ngumuti naman sya at hinalikan ako sa noo.
" Good night. See you tomorrow "- Napa kunot ang noo ko sa sinabi nya.
" May pupuntahan tayo bukas. I'll fetch you at 10 bye "- Paalam nya at sumakay na ng sasakyan nya.
" Ingat ! "- Pahabol ko at kumaway.
Inintay ko munang maka-alis ang sasakyan nya bago ako pumasok sa loob. Pag bukas ko ng apartment ay napa hinto ako sa nakita ko.
They're here
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com