Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

19th

Tamara's POV

Parang na-estatwa ako nang makita ko sila. Darn it ! How did they find me !?

" It's been years baby. Hindi mo ba namiss si mommy ? "- Naka ngiting sabi ng babaeng medyo may edad na pero kitang-kita parin ang ganda nya.

" I missed you so much anak "- Ani nya at niyakap ako ng mahigpit.

Napa-lipat ang atensyon ko sa lalaking medyo may edad na din nang tumikhim sya.

I just can't call them mom and dad.

" You ran away and lived here for almost 5 years ? "- Tanong nya habang umiikot sa may sala.

" Iniwan mo ang magandang buhay na meron ka para dito ? "- Dagdag nya at tinignan ako.

" Maliit na apartment, maliit na allowance. Good thing naka-survive ka ng ganyan for five years "- Animo'y manghang sabi nya pero bakas ang panlalait sa tono ng boses nya.

" Pero kahit na ganun at nag aaral ka palang ay investor ka na sa iba't ibang kumpanya dito sa pinas, plus the fact na ang mga kumpanyang iyon ay kilala pa. I can definitely say na anak talaga kita "- Dagdag na sabi nya.

Yes sa edad kong ito na 21 ay investor na ako. Pag tapak na pag tapak ko ng pinas ay humanap ako ng apartment na matitirhan at the rest ng ipon ko ay ininvest ko sa mga kumpanya. Feeling ko kasi ng mga panahon na yun eh mahirap pagsabayin ang pag aaral at pag tatrabaho, since may alam naman ako sa ganyang bagay ay nag invest ako sa mga kumpanya. Hindi naman ganun katataas ang percent ng share na meron ako, pero dahil dun ay kumikita ako ng almost 100,000 a month.

Alam kong alam ng magulang ko ang secret account ko dahil imbis na mabawasan ito ay nadadagdagan ito. Pero kahit na ganun eh hindi ko yun ginagastos. Ayokong waldasin ang pera na hindi naman akin. Yung hindi ko pinag hirapan.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ng madiin ang mata.

" What are you doing here ? "- Matigas kong ani

" And how did you find me ? "- Tanong ko habang sinusundan sya ng tingin.

I heard her chuckle a bit at hinampas ako ng mahina sya braso bago ito kinapitan.

" Don't be silly princess, of course mahahanap ka namin ! Sa connections banaman namin ng papa mo "- Natatawang sagot nya.

" And you know what ? Sabi samin ng investigator scholar ka daw ng school mo. Tho hindi ka full scholar but wow you're still amazing anak ! Plus the fact you're taking Accountancy. Nag mana ka talaga sakin. Beauty with brains "- Proud na sabi ni mama sabay flip hair.

" Umalis na kayo "- Malamig na ani ko at tinanggal ang kamay nyang naka kapit saakin.

" But we just got here "- Reklamo naman ni mama.

" And i missed you so much ! Tara dinner tayo together "- Naka ngiting ani nanaman ni mama at kumapit ulit sakin.

" Tapos makukwentuhan tayo about your life here in the Philippines "- Excited na dagdag ni mama.

" Tigilan nyo na ako ! Umalis na kayo dito ! Bumalik na kayo sa Houston ! "- Galit kong sigaw. Mukha namang nagulat si mama sa ginawa ko kaya napa-atras sya. Miski ako nagulat sa naging reaksyon ko.

" No Tamara. We're not leaving Philippines without you "- Madiing sabi ni papa.

" You're coming home with us "- Dagdag nya. 

Akala ba nya makokontrol nya ako ? No. Not again

" No. I'm staying here. Whether you like it or not. I'm not a robot. You can't control me. Not anymore "- Madiin na sagot ko naman.

Hinawakan ni mama ang kamay ko ng mahigpit.

" Anak we need you. Ikaw nalang ang meron kami "- Malungkot na sabi ni mama.

" Sorry but i'm staying here "- Ani ko at tinanggal ang kamay nyang naka-kapit sakin.

Nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni papa. Ewan ko pero tingin palang nya, natatakot na ako. 

" You want to stay here ? Okay fine, pag bibigyan kita. But after 3 months, after this sem, you're coming with us. You're going back to Houston whether you like it or not "- Ani nya at lumapit kay mama na para bang niyayaya na sya umalis.

" If i were you susunod nalang ako. Why ? Because you won't like it pag ako na ang gumawa ng paraan para bumalik ka ng Houston. Hindi porket andito ka ng limang taon ay wala akong alam tungkol sayo. Alam ko ang lahat Tamara. I know every single thing "- Dagdag nya at nang malapit na sila sa pintuan ay huminto sya.

" And i want to meet Deus. He seems so nice and just like you, he's managing their company. What amaze me more is he's an engineering student. Paano kaya nya maaayos ang kumpanya nila once na bumagsak ito ? "- Naka ngising ani nya.

" No "- Napa takip ako sa bibig ko.

He can't do that ! Deus and their company or family is out of this !

" Oh yes dear. I can do anything just to get you back. 3 months Tamara. Enjoy "- At tuluyan na silang umalis

" Let's go out tomorrow anak okay ? We'll fetch you ! "- Narinig kong pahabol na sigaw ni mama.

Ewan ko ba pero naiyak ako bigla. Here he go again. Controlling me like i'm a puppet. Alam kong pag sinabi nya, gagawin nya. Ayaw kong idamay si Deus at ang pamilya o kumpanya nila dito. Ayokong mandamay ng ibang tao dahil lang sa problema ko sa pamilya ko.

Tinakpan ko ang mukha ko at doon umiyak. Ihinakbang ko ang paa ko at lumabas ng apartment. Parang bigla akong hindi maka-hinga. Para bang biglang sumikip ang apartment at iniipit ako.

I need to go there. Kailangan kong ilabas itong nararamdaman ko.

Tumakbo ako dahil gusto kong maka-rating dun kaagad. Gusto kong ilabas itong sama ng loob ko.

Napa-takip ako ng bibig habang tumatakbo. Blurred na ang paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. Agad ko itong pinahid at tumakbo pa ng mas mabilis.

Wala na akong pake sa kalsada at agad na tumawid. Gabi naman at walang masyadong sasakyan ang dumadaan dito. Pero napa-hinto ako nang bigla akong may makitang ilaw ng sasakyan sa harap ko.

Akala ko mabubunggo ako, pero agad na nakapag-preno ang driver. Biglang nanghina ang tuhod ko kaya napa-upo ako sa kalsada at naiyak.

" WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING !? MAGPAPAKAMATAY KA BA HA !? KUNG- Tamara ? "- Kung nung una ay galit na galit sya, nang mapansin nya ako ay para bang nagulat sya. Ini-angat ko ang tingin ko at doon ko nakita si Hugh.

" H-hey are you alright ? "- Para bang bigla syang nag-alala. Umupo sya para magka-pantay kaming dalawa.

Tuloy parin sa pag buhos ang luha ko at hindi ko sya masagot kaya umiling ako.

" O-okay dadalhin kita sa hospital "- Sabi nya at akmang aalalayan akong tumayo.

" No. Not in the hospital "- I said between my sobs.

" Then where do you want me to take you ? "- Tanong nya.

" I know a place can you please take me there ? I badly need to go there "- Mahinang sabi ko.

Tumango nama si Hugh at inalalayan akong tumayo. Binuksan nya ang pinto ng sasakyan nya at may nakitang babae doon sa loob.

" Get out "- Sabi nya sa babae na naging sanhi ng pag taas ng kilay nito.

" Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay namin ? "- Mataray na tanong nung babae at tinignan ako.

Tsaka ko lang napansin na sya pala ang sikat na si Nikki Manalo. Kakaiba talaga itong si Hugh. Lakas sa chicks.

" Change of plans. Kaya mo naman siguro umuwi diba ? Tawagan mo driver mo "- Parang bored na sagot ni Hugh.

Bahagyang tumawa si Nikki, yung tawa na parang hindi maka-paniwala.

" Okay fine ! Major turn-off ka talaga ! Wala ka ng pag-asa sakin pag nanligaw ka ! "- Gallit na sabi ni Nikki bago lumabas ng sasakyan.

" Hindi naman ako switch. Besides, as if naman na liligawan kita "- Sabi ni Hugh bago ako itinulak ng bahagya papasok ng sasakyan tsaka nya isinara ang pinto. Umikot sya at sumakay tsaka ito pinaandar.

Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako o matatawa kay Nikki. At kahit papaano ay nakalimutan ko ang problema ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com