22nd
Tamara's POV
Nasa Vikings kami ngayon. Ewan ko ba sa magulang ko at dito kami kumain. Wala naman na akong pake kasi sila naman ang nag bayad.
" Just eat anything you want okay ? "- Naka ngitng sabi ni mama at nag simula na kaming kumain.
" So, gaano na kayo katagal na magkakilala ? "- Tanong ni mama habang hinihiwa ang steak nya.
Nagkatinginan kami saglit bago sumagot si Deus.
" 5 years i guess ? Not so sure po "- Kibit balikat na sagot naman ni Deus.
" Oh. Matagal na rin pala "- Tumatangong sabi naman ni mama.
" Kamusta naman ang relasyon nyo ng anak ko ? "- Si dad naman ang nag tanong.
" Okay naman po. We're happy "- Naka ngiting sagot ni Deus.
" Right Tamara ? "- Napa tingin ako kay Deus nang banggitin nya ang pangalan ko.
" Y-yeah "- Simpleng sagot ko at kumain na ulit.
I just don't like this feeling. Alam kong nananadya ang parents ko. Gusto ko ng umalis dito.
" Oo nga pala. Kamusta ang company nyo Deus ? "- Tanong ni dad na nakapag pa-hinto sakin.
" I heard ikaw ang nag mamanage nito kahit na hindi ka business student "- Dagdag ni dad.
" Okay naman po yung company namin. Hindi naman po talaga ako ang nag mamanage, tumutulong lang po ako sa parents ko "- Sagot naman ni Deus.
" Saan nyo po pala nalaman yung tungkol dyan ? "- Tanong ni Deus.
" Kay Tamara ! Lagi ka kaya nyang kinukwento samin "- Natatawang sagot naman ni mama.
Mapagpanggap. Ni-hindi ko nga alam ang number nyo at as if naman na tatawagan ko kayo.
Parang nag aalangan akong tinignan ni Deus.
" R-really Tamara ? "- Parang nag tatakang tanong nya.
Tumango nalang ako at tahimik na kumain.
" Alam mo ba Tamara really likes you ! Lagi ka nga nyang kinukwento samin eh "- Natatawang sabi ni mama.
" Tama. Bidang bida ka lagi "- Natatawang dagdag naman ni dad.
Tinignan ako ni Deus kaya i smiled awkwardly at him.
Tahimik na kaming kumain. After namin kumain ay andito parin kami kasi super busog.
Nilabas ni dad ang phone nya at napa-iling. Aalis na sila ? Good !
" Nag enjoy ako kasama kayong dalawa "- Sabi ni dad at binalik na sa bulsa ang phone.
" Gusto pa sana namin mag stay pero kailangan na namin umalis "- Dagdag ni dad at tumayo na.
" We're leaving already honey ? "- Tanong ni mama habang naka-pout. Srsly hindi na sya bata para gumanyan. For pete's sake she's on her 40's already !
" Yes. May kailangan pa tayong asikasuhin "- Sagot ni dad kaya wala namang nagawa si mama kundi ang tumayo na.
" Gusto ko pa naman sanang makipag bonding sa inyong dalawa. I badly want to know Deus more "- Parang nanghihinayang na sabi naman ni mama.
" It's okay ma'am. May next time pa naman "- Naka ngiting sagot naman ni Deus.
" Don't ma'am me Deus ! Just call me tita okay ? "- Naka ngiting sabi ni mama at bahagyang hinampas ang braso ni Deus.
Bigla namang nahiya si Deus kaya kinamot nya ang batok nya.
" Okay po. Tita "- Nahihiyang ani nya.
" Sige aalis na kami. Take care of our princess okay ? Bye "- Paalam ni dad at tuluyan na silang umalis.
Nang maka-labas na sila hinarap ako ni Deus.
" Ang cute pala ng parents mo no ? Hindi ko alam na close pala kayo "- Natatawang sabi ni Deus.
Kung alam mo lang Deus. Kung alam mo lang !
" Wala ka naman kasing nakukwento sakin noon tungkol sa parents mo. Medyo nakakatampo "- Naka ngusong sabi ni Deus.
" Sorry na. Busy ka kasi kay Talia noon eh "- Natatawang sabi ko habang pisil-pisil ang pisngi nya.
Bigla naman syang nahinto at doon ko lang rin napansin ang nasabi ko.
" S-sorry "- Mahinang paumanhin ko at umayos na ng upo.
Bigla kaming natahimik na dalawa. Nagulat nalang ako nang hawakan nya ang kamay ko.
" Tara na. May date pa tayong dalawa "- Ani ni Deus at hinila ako patayo. Wala naman akong nagawa kundi ang tumayo na din at magpa-hila sa kanya.
Lumabas na kami ng Vikings. Napa tingin ako sa kamay naming naka-intertwine. Oo hindi ito yung first time pero tuwing hinahawakan nya ang kamay ko, hindi parin mawala yung kilig. Yung butterflies sa stomach. Napa ngiti naman ako at tinignan sya.
" Saan tayo ? "- Tanong nya at tinignan ako.
" Kahit saan. Basta kasama kita kuntento na ako "- Naka ngiting sabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang mamula ang pisngi nya.
" OMG you're blushing "- Napa takip ako sa bibig ko at tinuro ang pisngi nya. Agad naman nyang iniwas ang tingin nya.
" Tigilan mo ako Tamara ah "- Sabi nya habang hindi naka-tingin sakin pero kita ko ang ngiti sa labi nya.
Binangga ko ang balikat nya sanhi ng pag tingin nya sakin.
" Ayiiie kinilig sya "- Pang aasar ko habang tinataas baba ang kilay. Napa iling nalang sya at ginulo ang buhok ko.
" Bigla-bigla ka kasing bumabanat "- Sabi nya at pinisil ang ilong ko. Napa nguso naman ako dahil dun.
" Tara na nga "- Sabi nya at hinila na ako.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nang matanaw ko ang Power books ay parang kuminang ang mata ko.
" OMG "- Tuwang-tuwa na sabi ko. Oo hindi ito yung first time na makakapasok ako sa isang bookstore. Pero kasi sobra talaga akong natutuwa sa mga libro. Lalo na't maraming pwedeng mapag-pilian dito.
Binitawan ko ang kamay ni Deus at agad na lumapit sa naka-display doon na Empire of Storms.
" OMG meron na pala neto !? "- Tuwang sabi ko at niyakap ito. OMG ang tagal kong inintay tong book 5 !
" Tignan mo. Nakita mo lang yang mga libro na yan binitawan mo na kamay ko "- Umiiling na sabi ni Deus at tumabi sakin.
" Sorry. Alam mo naman kung gaano ako na-eexcite pagdating sa mga libro "- Natatawang sabi ko. At nag simula ng pumunta sa shelf ng mga fictional books.
" Pumili ka lang ng librong gusto mo dyan. May pinabibili kasi sakin si mommy saglit "- Paalam nya habang naka-tingin sa phone nya.
" Oo sige. Text mo nalang ako "- Naka ngiting sabi ko. Tumango naman sya at umalis na.
Bumalik naman ako sa pag hanap ng libro. Mababawasan nanaman savings ko neto ! But who cares ? Libro naman to.
Siguro inabot ako ng isang oras at kalahati sa paghahanap. Hindi sa OA ako ah pero sadyang inisa-isa ko talaga yung mga bagong libro at pinag isipan ko ba kung kukunin ko or hindi.
Agad akong pumunta sa counter at buti nalang ay dala ko ang card ko ng power books. Nakakapag taka naman na ang tagal ni Deus ?
Habang nasa pila ako ay nilabas ko ang phone ko at tinext si Deus.
To: Babe <3
Nasaan ka na ?
I press the send button at binalik sa bulsa ko ang phone ko. Sakto naman na turn ko na. Agad kong binayaran ang mga librong napili ko. Nang binigay sakin ng cashier ang pinamili ko ay aalis na sana ako.
" Miss ! "- Tawag nya sakin kaya napa lingon ako.
" May nagpapabigay po "- Naka ngiting sabi nya at may binigay saking paper heart na naka-tupi sa gitna.
Nagtatakang kinuha ko ito at tinignan ang naka-sulat.
Cajun
Napa kunot naman ang noo ko dun. Umalis na ako sa powerbooks. Cajun ? Saan yun ? Ano yun ?
Ah ! Nakita ko yun kanina ! Sa taas yun ! Agad akong sumakay ng elevator at pumunta sa Cajun.
Napa-hinto ako nang makitang madilim ito. Walang tao ? Pag tapat ko sa mismong entrance eh umilaw ito at doon ko nakita si Deus na naka-upo sa gitnang table at puro paper hearts ang sahig.
Anong pakulo to ? Dahan-dahan akong pumasok sa loob.
" Ano to ? "- Tanong ko habang iniikot ang tingin sa paligid.
" Ang sakit naman na hindi mo naalala tong araw na to "- Parang nalungkot naman sya. Napa kunot ang noo ko. Atsaka ko lang naalala.
It's our 1st year anniversary ! Napa takip naman ako ng bibig.
" OMG i'm sorry "- Paumanhin ko. Nginitian nya ako at ginulo ang buhok ko.
" It's okay. Tara "- Sabi nya at hinawakan ang kamay ko at pumunta sa table.
Napa takip ako sa bibig ko sa nakita ko. May dalawang teddy bear na nasa lamesa at may couple ring.


" Happy anniversary Tamara "- Sabi nya at hinalikan ako sa noo.
Hindi ko naman napigilang maluha. First time nyang nag-effort ng ganito sakin. I'm so overwhelmed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com