Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

23rd

Tamara's POV

Sembreak ended so fast. Pasukan nanaman ngayon. 

" Tamara "- Napa angat ang tingin ko sa nag salita at awtomatikong napa-ngiti.

" Dumating ka na pala "- Naka ngiting sabi ko kay Hugh habang tinatanggal ang bag kong nakalagay sa tabi kong upuan.

" Talagang nilagay ko dyan ang bag ko para may maupuan ka "- Naka ngiting sabi ko sa kanya.

" Naks ! Ang bait naman ng kaibigan ko "- Malokong sabi nya at ginulo ang buhok ko.

" Nako ! Siguradong pag nalaman ni Deus to uusok ang ilong nun "- Umiiling na dagdag nya.

Hanggang ngayon kasi hindi ko parin sinasabi kay Deus na magkaibigan na kami ni Hugh. Sasabihin ko naman talaga sa kanya. Kaso nakakalimutan ko naman minsan hahahaha.

" Sabay tayo mag lunch mamaya ah "- Ani ko na kina-kunot ng noo nya.

" Hindi ba kasabay mo mga kaibigan mo ? "- Kunot noong tanong nya sakin. 

Inakbayan ko sya na ikina-taas ng isang kilay nya.

" Bakit ? Kaibigan naman kita ah ? "- Inosenteng sagot ko naman. Tinanggal nya ang kamay kong naka akbay sa kanya at tumingin sa paligid.

" Tigilan mo nga ako Tamara. Mamaya kung ano isipin ng mga kaklase natin kasi naka-akbay ka sakin. Tsaka ano ? Pagsasamahin mo kami ni Deus mamayang lunch ? World war 3 ba hanap mo ? "- Mataray na sabi nya sakin. Napa irap naman ako dahil sa sinabi nya.

" Nah. Knowing Deus, hindi yun gagawa ng eksena. Tsaka ano ka ba ! Wala akong kasamang mag lunch mamaya. Hindi tugma mga schedule namin every M-W-F "- Simpleng paliwanag ko sa kanya.

" Atsaka kahit naman kasabay ko sila mamayang lunch, isasama parin kita. Lagi kang mag-isa mag lunch. Ang lungkot kaya nun "- Ismid ko at inilabas na ang Certificate of Matriculation nang pumasok na ang professor sa classroom.

Natahimik kaming dalawa ni Hugh nang mag simula ng mag salita ang prof namin. At dahil first day of school, nag bigay lang sya ng kaunting information about sa subject then sa sarili nya at dinismiss na nya kami.

Ito talagang ang problema sa first day of school, ang aga mag dismiss ng mga prof. Nakita kong ang bilis magsi-alisan ng mga kaklase ko kaya napa-iling ako. Ibinalik ko na sa bag ang certificate ko at tumayo na.

" Meron pa tayong... "- Sabi ni Hugh at tinignan ang relo nya.

" Almost one hour pa bago yung next subject natin "- Dugtong nya at tinignan ako.

" Saan tayo ? "- Tanong nya at nginitian ako.

" Saan ba tayo pwede tumambay ? "- Tanong ko habang iniikot ang tingin sa paligid. Naghahanap ako ng lugar o ng classroom na pwedeng pag tambayan.

" Early lunch ? "- Ani nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" Still not hungry. Gutom ka na ba ? "- Tanong ko. Iling lang ang sinagot nya sakin at inilagay sa bulsa ang mga kamay.

" I know a place na pwede tayong tumambay. Want to have an adventure with me ? "- Malokong tanong nya habang tinataas baba ang kilay.

Tinaasan ko sya ng kilay at pinag krus ang mga kamay.

" Worth it ba ng isang oras ko yang adventure na sinasabi mo ? "- Mataray na tanong ko. Tumango naman sya at hinila ang kamay ko.

" Actually it's my secret place since you're my friend i'm taking you there "- Sabi nya habang hila-hila ako.

Hinayaan ko nalang sya na hilahin ako. I trust him.

Napa-irap ako nang makita na paakyat kami ng rooftop. Syempre saan pa ba nya ako dadalhin ? Napaka cliche na ng ganito. But well, wala naman akong magagawa. Besides, first time ko rin makakapunta sa rooftop.

Napa-kunot ang noo ko nang makitang may susi sya ng pinto sa rooftop. Nang mabuksan nya ang pinto hinila nya ulit ako.

Kumunot ulit ang noo ko nang makitang papunta kami sa may bandang likod ng rooftop.

" Bakit ? "- Tanong nya nang hilahin ko ang kamay ko sa kanya.

" Saan mo ba talaga ako dadalhin ? "- Medyo kinakabahan kong tanong sa kanya.

Nginitian naman nya ako at napa-chuckle ng kaunti.

" Just trust me Tamara. I mean no harm. You're my friend remember ? "- Ani nya at nilahad ang kamay nya. Tinignan ko naman ito at napa hinga ng malalim tsaka tinanggap.

Nginitian nya ako. A genuine one, at hinila na ulit ako. Nang maka-rating kami sa likod ay may nakita akong hagdan paakyat.

" Uhm... mauuna nalang akong umakyat. Aantayin nalang kita dun "- Parang nahihiyang sabi nya at doon ko lang naalala na naka palda pala ako. Tumango naman ako kaya tumalikod na sya at akmang aakyat na.

" Wag mo kong tatakasan ah ? Magtatampo ako "- Naka ngusong sabi nya kaya bahagya akong natawa.

" Opo hindi po "- Natatawang ani ko. Ngumiti naman sya at umakyat na.

Hindi ko akalain na ganito pala sya ka-cute na tao.

Nang makita kong nasa taas na sya, sinilip nya ako at inextend ang kamay. Sinimulan ko ng umakyat sa ladder.

Nang malapit na ako sa kanya, inalalayan nya ako. Doon ko nakita na may isa pang kwarto. Lumapit sya dito at binuksan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

" Anong malungkot mag lunch mag-isa ? I have these to company me "- Naka ngiting sabi nya bago pumasok sa loob.

" Pasensya ka na ah ? Hindi ganun kalaki yung kwarto "- Naka ngiting sabi nya.

Pumasok na ako sa kwarto at inikot ang paningin. Pangarap kong magkaroon ng mini-library sa bahay pero dahil naka-apartment lang ako at may kasama, hindi ko magawa yung gusto ko.

" Kelan pa to ? Bat hindi ko to alam ? "- Tanong ko at lumapit sa may bintana at sumilip.

" Ngayong taon lang. Nagustuhan mo ba ? "- Tanong nya. Nilingon ko sya bago sumagot.

" I love it ! OMG paano mo nalaman tong lugar na to ? "- Amaze na tanong ko at umupo sa parang kama at inikot ang paningin sa buong kwarto.

" Wala, actually umakyat lang ako sa rooftop kasi bored ako then nakita ko yung janitor na pumasok tapos sinundan ko then dito sya pumunta. Tambakan pala to ng gamit ng janitor dati tapos kinausap ko yung president ng school kung pwedeng bilihin yung part na to then pumayag sya kaya pinalinis ko at ginawa kong ganito "- Pagkukwento nya sakin.

" Dito ako nag sstay kapag breaktime "- Dagdag nya at nginitian ako.

" Ang ganda promise "- Sabi ko at tumayo tsaka nag hanap ng pwedeng mabasa.

" Buti nagustuhan mo. Suit yourself "- Sabi nya. Napa ngiti ako sa dami ng libro nya. Ang dami ko ring librong gustong basahin !

" Pwede ba akong manghiram ng libro sayo ? "- Tanong ko at tinignan sya. Nakita kong naka higa sya at nagbabasa ng libro.

" Yeah sure you can "- Simpleng sagot nya at binalik na ang atensyon sa binabasa nyang libro.

Kinuha ko ang librong nagustuhan ko at lumapit sa kanya. Umusod naman sya para bigyan ako ng space.

" Kung okay lang sayo. Higa ka rin "- Sabi ni Hugh. Prente naman akong tumabi sa kanya. At dahil may unan, ipinatong ko sa lap ko.

Bago pa ako mag enjoy sa pagbabasa eh nag alarm ako ng 15 minutes before our next subject at tahimik kaming nag basa.

Makalipas ang ilang minuto ay nag alarm na ang phone ko kaya agad kong inabot ang phone ko at pinatay ang alarm.

" Hugh baka ma-late tayo sa next class. Sa kabilang building pa yun "- Natatawang sabi ko at tiniklop ang librong binabasa. Agad din nyang sinarado ang libro na hawak nya at tumayo na kaming dalawa.

" Pwede mong hiramin yan kung gusto mo "- Napa lingon ako sa kanya nang sabihin nya iyon. Akmang ibabalik ko na kasi ito sa pwesto nito.

" Talaga ? "- Naka ngiting tanong ko. Ngumiti rin sya pabalik at tumango.

Naka ngiti akong lumapit sa bag ko tsaka inilagay ang libro.

After naming mag ayos ni Hugh ay bumaba na kami ng secret hideout namin.

Binuksan nya ang pinto ng rooftop para maka-labas na kami at saktong pag bukas ng pinto ay napa hinto ako.

Nasa harap namin si Deus. At kung titignan sya, mukhang galit na galit sya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com