28th
Tamara's POV
Tinanggal ko ang shades ko at pumikit. Ngayon nalang ulit ako naka uwi ng pinas. And it feels good to be back.
Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Jen. Awtomatiko akong napa ngiti nang makita sya. Agad kong hinila ang maleta ko at tumakbo papalapit sa kanya.
" JEEEEEEEEEEN "- Tuwang tuwa na ani ko at niyakap ng mahigpit ang kaibigan ko.
" OMG TAMMY I MISSED YOU "- Tuwang tuwa na ani naman nya pabalik habang magka-yakap kami.
" Ito na po ang gamit nyo young miss "- Ani ni Assistant Kim sa likod ko. Sya ang inatasan ni daddy na mag hatid sakin dito sa manila.
" Thank you Assistant Kim "- Naka ngiting pasasalamat ko at nakita kong isa-isa ng kinuha ang maleta ko at ipinasok ito sa sasakyan na dala ni Jen.
" Mauuna na po kami "- Paalam ni Assistant Kim at nag bow.
" Thank you ulit sa pag hatid sakin. Ingat sa pag balik sa Cali "- Naka ngiting sabi ko naman. Nginitian nya ako pabalik at umalis na. Hinarap ko si Jen.
" So where are you going to stay ? "- Tanong ni Jen sakin habang pasakay kami ng sasakyan nya.
" Sa condo. May condo daw na binili sakin sila mom eh "- Naka ngiting sagot ko naman.
" Alam mo, why don't you stay in your house here in Manila ? "- Ani nya at pinaandar ang makina ng sasakyan.
" I think it's too big for me. Mag-isa lang ako tapos ang laki ng bahay "- Sagot ko naman. Nakita ko ang pag rolyo ng mata ng kaibigan.
" So anong tingin mo sakin ? Hindi kita sasamahan ? "- Mataray na sabi ni Jen na naging sanhi ng bahagya kong pag tawa.
" Okay okay dun tayo sa bahay "- Natatawang sabi ko naman at tumingin sa bintana.
As usual, traffic.
Dalawang taon na akong nawala traffic parin ? Nakakaloka na ah.
" You can take a nap Tammy. Medyo matagal ang byahe natin "- Ani ni Jen.
" Alam mo ba ang way papunta doon ? "- Tanong ko.
" Yup ! I've been there before right ? "- Sagot naman ni Jen.
Yun na ang cue ko kaya isinuot ko ulit ang sunglasses ko at ipinikit ang mata. Medyo matagal din ang naging byahe ko from Cali to Philippines and swear ang sakit ng ulo ko kaya matutulog talaga ako.
Makalipas siguro ang ilang minuto o isang oras ay nagising ako nang may kumalabit sakin. Kaya unti-unti kong minulat ang mata.
" Tammy andito na tayo "- Ani ni Jen kaya umayos ako ng upo at tumingin sa bintana. At oo nga. Andito na kami.
Tinanggal ko na ang seat belt ko at bumaba na.
Nakita ko naman na isa-isa ng nilalabas ang mga gamit ko sa sasakyan.
Agad kong binuksan ang pintuan at pumasok ng bahay.
Puro puting tela ang makikita mo sa loob. Sa tagal naman kasi ng walang tao dito.
Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Sumunod naman sakin ang mga may dala ng gamit ko at pinasok ito sa kwarto.
" Salamat po "- Pasasalamat ko nang maipasok na nila lahat ng gamit ko sa kwarto.
Binuksan ko ang bag ko at binigyan ko silang lahat ng tip.
" Iba na talaga pag galing ng California. Pa-tip tip nalang "- Umiiling na sabi ni Jen sa may pinto.
" Ako ? Wala ba akong tip ? "- Tanong nya habang naka lahad ang kamay. Bahagya ko naman syang pinalo.
" Loko "- Natatawa at umiiling na ani ko. Isinarado ko na ang pintuan ng kwarto at sabay kaming bumaba ni Jen.
" Lunch tayo Tammy. Gutom na ko "- Sabi ni Jen habang pababa kami.
" Sige. Tanggalin muna natin to "- Sabi ko at hinila ang isang puting tela.
Ginaya naman ako ni Jen at nag simula na kaming linisin ang bahay. Hindi naman totally linis kasi hindi naman maalikabok ang paligid. Siguro pinalinis na nila dad bago ako dumating.
Nang matanggal at maitabi na namin lahat ng tela ay lumabas na kami ng bahay.
Agad kaming sumakay ng sasakyan at umalis. Dumaretso kaming dalawa sa pinaka malapit na mall kasi gutom na gutom na daw itong kasama ko.
Hindi ko naman mapigilang ngumiti dahil sa naka busangot na itsura ng kaibigan ko.
" Of all restaurants and fast food chains here, bakit sa jollibee pa Tammy !? "- Asik nya.
" Ehh namiss ko kumain ng jollibee eh "- Naka ngusong sagot ko naman.
" Love mo naman ako diba ? "- Sweet na tanong ko at nag puppy eyes pa. Napa rolyo naman ang mata ni Jen sa ginawa ko.
" Oo love kita, kaso mas love mo sya "- Kunyareng nagtatampo na ani ni Jen. Napa iling nalang ako at kumain na.
Kahit naman anong gawin ni Jen, at kahit ayaw nya dito. No choice sya kasi bukod sa naka-order na ako, wala talaga syang magagawa kasi gusto ko dito hahaha.
After ilang minutes ng pag kain ay biglang nag ring ang phone nya.
" Excuse me "- Ani nya at tumayo.
Tahimik nalang akong kumain ng fries at maya-maya lang ay bumalik na sya.
" Pinapatawag nila ako Tammy. Sasama ka ? "- Ani nya sabay kuha sa fries ko.
" Hindi na. May pupuntahan ako "- Sagot ko at uminom ng coke at tumayo na.
" Where ? "- Tanong nya.
" Sa bahay nila of course "- Natatawang sabi ko.
" Oh i see. Ihahatid nalang muna kita sa bahay nila bago ako pumunta dun "- Sabi nya at dumaretso na kami sa parking lot.
Agad naman nyang pinaandar ang sasakyan. Buti nalang ay tanda ko pa ang bahay nila. Buti nalang ay dinala ko yung pasalubong ko para sa kanya at kila tita.
Hindi ko naman mapigilang mapa ngiti sa thought na makikita ko sya. I miss him so damn much.
Despite talaga sa nangyare noon, sya parin. Kami parin.
Tinuro ko lang kay Jen ang way papunta sa kanila at maka lipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay nila.
" You sure dito bahay nila ? Nako Tammy isang malaking kahihiyan kapag hindi ito ang bahay nila "- Pagbabanta ni Jen sakin.
" Ito yun "- Natatawang sabi ko naman at tinanggal na ang seat belt ko.
" Ingat sa pag ddrive Jen "- Naka ngiting paalam ko sa kaibigan at nakipag beso.
" See you later "- Naka ngiting sabi naman nya at bumaba na ako ng sasakyan.
Isasarado ko na sana ang pinto nang mag salita sya.
" Wag isusuko ang bataan ah ! "- Napa iling nalang ako at isinara na ang pinto. Inintay ko munang maka-alis ang sasakyan nya bago ako humarap sa malaking gate.
Inilibot ko ang tingin sa bahay nila. Itong ito yung natatandaan kong bahay nila. Tho iba na ang kulay ng bahay pero sure na sure akong ito yun.
Pinindot ko ang door bell at makalipas ang ilang minuto ay nakita kong may lumabas ng pintuan at hindi ko naman napigilang ngumiti nang makita kung sino ito.
" Manang Nina "- Naka ngiting sabi ko nang maka-lapit sya sa may gate.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako.
" M-ma'am T-tamara ? "- Parang hindi maka paniwalang sabi nya at binuksan ang gate.
Agad naman akong pumasok at niyakap sya.
" The one and only manang ! Bakit gulat na gulat ka at parang nakakita ng multo ? Nawala lang po ako ng dalawang taon "- Natatawang ani ko nang humiwalay ako sa yakap.
" Ito nga po pala ang pasalubong ko sa inyo "- Naka ngiting sabi ko at ibinigay sa kanya ang isang box ng toblerone at pabango.
" Andyan po ba sya manang ? "- Tanong ko habang sumisilip sa pinto.
" O-oo an-andito sya "- Nauutal na sagot ni manang at nag simula ng mag lakad.
" Eh sila tita po ? "- Tanong ko nang maka pasok kami sa bahay.
" Ta-tamara ? "- Napa angat ako ng tingin at doon ko nakita ang mommy nya na parang gulat na gulat din katulad ni Manang Nina.
Naka ngiti akong lumapit kay tita at niyakap sya.
" I miss you tita "- Naka ngiting ani ko habang yakap sya.
" Sorry po kung dalawang taon ko kayong hindi nabisita dito. Busy po kasi sa California eh. Pero madalas naman po akong dinadalaw ni- "- Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ang boses nya.
I missed that voice damn much.
" Tamtam ? "- Napa ngiti ako at nilingon sya.
" Hugh ! I missed you so much "- Ani ko at niyakap sya ng mahigpit.
" I missed you more baby. Hindi mo naman sinabi na uuwi ka pala ! Edi sana nasundo kita "- Ani nya at hinalikan ang noo ko.
" Syempre, i want to surprise you "- Naka ngiting ani ko at medyo humiwalay sa kanya.
Napa tingin ako sa may hagdan.
" T-tamara ? "- Ani ng isang lalaki. Hindi ko sya kilala kaya napa kunot ang noo ko.
I heard Hugh chuckled kaya napa tingin ako sa kanya.
" Oo nga pala. He's Deus. My step brother "- Ani nya. Hinampas ko naman sya sa dibdib.
" May step brother ka ?! You should have told me ! Edi sana nabilhan ko rin sya ng pasalubong "- Iritang ani ko sa kanya.
Nakakahiya sa step brother nya ! Wala akong dala for him !
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com