29th
Tamara's POV
I really don't know pero titig na titig sakin yung step brother ni Hugh at seryoso it gives me chills.
Niyaya ako ni tita na mag dinner sa kanila at hindi ko naman iyon hinindian. Namiss ko kayang sumama sa kanila sa dinner.
" Tara dun tayo sa garden "- Sabi ni Hugh kaya napa tingin ako sa kanya. Nasa sala kasi kami kasama yung step brother nya pati si tita.
Nginitian ko naman sya bago tumango. Hinawakan nya ang kamay ko at umalis kami ng sala.
Agad kaming umupo sa bench. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at tinignan ang kamay naming magka-intertwine. Napa ngiti naman ako.
" I missed you "- Sabi ko at tinignan sya.
God knows how much i love his smiles.
" I missed you more "- Sagot naman nya at hinalikan ang buhok ko.
I know i'm no longer a teenager but damn these butterflies in the stomach.
Katahimikan ang nag hari saming dalawa pero hindi sya awkward. As in tahimik lang.
" Hugh ? "- Pag basag ko sa katahimikan.
" Hmm ? "- Sagot naman nya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri nya.
Umayos ako ng upo.
" Bakit hindi mo sinabi sakin na may step brother ka ? "- Naka ngusong tanong ko sa kanya.
Napa kamot naman sa batok si Hugh.
" I'm sorry about that babe. Siguro hindi ko lang naalala na sabihin sayo. "- Parang nahihiyang sagot nya.
Nginitian ko sya.
" It's okay "- Naka ngiti kong sabi at pinisil ang ilong nya bago isinandal ulit ang ulo sa dibdib nya.
" Hindi naman sya importante eh "- Kibit balikat na dagdag ko.
" Bakit mo nga pala naitanong ? "- Tanong naman nya saakin.
" Wala lang. Nakakahiya kasi. Hindi ko manlang alam na may step brother ka "- Sagot ko naman sa kanya.
" Hindi ko manlang sya nabilihan ng pasalubong "- Dagdag ko. Bahagya namang natawa si Hugh sa sinabi ko.
" He don't mind naman "- Natatawang sagot nya.
At katahimikan ulit.
" Oo nga pala. Bakit ganun yung reaksyon ni tita kanina ? "- Pag basag ko ulit sa katahimikan at umayos ng upo.
" Bakit parang naka kita sya ng multo ? Gulat na gulat si tita nung nakita nya ako "- Dagdag ko.
Ngumiti naman si Hugh at inayos ang magulo kong buhok.
" Maybe because you're gone for two years "- Kibit balikat na sagot nya.
" Atsaka siguro nagulat lang sya sa biglaang pag-uwi mo "- Dagdag nya. Tumango tango naman ako at sumadal sa bench.
" Namimiss ko na si Bianca "- Ani ko at bumungtong hininga.
Dalawang taon ko na syang hindi nakikita. Dalawang taon na kaming walang communication. Kamusta na kaya yung babaita na yun ?
" Gusto ko syang makita "- Dagdag ko.
" Your wish is my command princess "- Ani nya at hinalikan ang noo ko.
" I'll set an appointment with her tomorrow since she's busy. Hindi pwede ang walk-in sa office ni Bianca "- Natatawang dagdag nya.
" Don't tell her na nasa pinas na ulit ako ah ? I want to surprise her too "- I said and giggled a bit.
Napa iling nalang si Hugh and messes my hair.
Hindi namin namalayan na pagabi na pala.
" Tara, dun na tayo sa loob "- Yaya nya sakin at sabay kaming tumayo at magkahawak ng kamay na pumasok sa bahay nila.
" Gusto kong tumulong kay tita mag luto "- Sabi ko habang naka tingin sa daan papunta ng kitchen nila.
" You want to help ? "- Tanong nya. Tumango naman ako bilang sagot.
Ngumiti si Hugh at hinila ako papunta ng kitchen. Doon namin naabutan si tita na nag luluto.
" Ma, gusto daw tumulong ni Tamara "- Sabi ni Hugh kaya naman napahinto sa pag hihiwa si tita at nilingon kami.
" Ma here's the- "- Napa lingon ako sa nag salita at doon ko nakita ang step brother ni Hugh na naka-suot ng apron at may hawak hawak na patatas.
Ano nga ba pangalan nito ?
Zeus ?
Ah ! Deus ! Bakit parang familiar ?
I just shrugged off the thought at tumingin nalang kay tita.
" You sure iha ? "- Tanong ni tita sakin. Tumango naman ako bilang sagot.
" Okay go ahead "- Naka ngiting sagot ni tita at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa kanina.
Nginitian ko si Hugh bago tinali ang buhok. Lalapit na sana ako kay tita nang hawakan ni Hugh ang kamay ko kaya napa lingon ako sakanya. I gave him a confused look.
Nakita kong kinuha nya ang isang puting apron at isinuot ito saakin. Napa ngiti naman ako sa ginawa nya.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagka-kilig when i heard Hugh's step brother snorted. Napa rolyo nalang ako ng mata at lumapit na kay tita.
" Ano po ang maitutulong ko ? "- Tanong ko.
" Paki-hiwa naman yung mga patatas iha "- Sabi nya habang busy sa pag check ng pinapakuluan nya.
" Okay po "- Naka ngiting responde ko.
" Deus, give those to her "- Sabi ni tita nang hindi kami tinitignan. Nilingon ko ang step brother ni Hugh at nginitian sya bago kinuha ang patatas sa kanya.
Malinis naman na ang mga papatas kaya kumuha na ako ng chopping board at ng kutsilyo. Pumunta ako sa may bar stool at doon nag simulang mag hiwa.
Nasa kalagitnaan ako ng pag hihiwa ng papatas nang tawagin ako ni Hugh. Pag angat ko ng tingin ay nakita kong naka tapat saakin ang camera ng phone nya kaya agad akong ngumiti.

" Ang ganda talaga ng girlfriend ko "- Naka ngiting sabi nya na naging dahilan ng pag pula ng pisngi ko.
And i heard Hugh's step brother tsked.
Siguro wala syang girlfriend kaya ganyan ang mga reaksyon nya samin ni Hugh ?
Hindi ko nalang pinansin ang step brother ni Hugh.
" Syempre naman. Maganda talaga ako "- Malokong sagot ko at kinindatan pa si Hugh. Napa iling nalang sya at ibinalik ko na ulit ang atensyon sa ginagawa.
Ako at yung step brother ni Hugh ang tumutulong kay tita mag luto. I wonder kung masarap mag luto yung step brother ni Hugh. Well, malalaman ko yan mamaya.
Maka lipas ang ilang minuto ay tapos na kaming mag luto at kasabay nun ay ang isang busina sa labas ng bahay. Senyales na andito na si tito.
Isa-isa na naming inilabas ang mga iniluto. Habang busy sila sa pag-aayos ng hapag kainan ay naiwan ako sa kusina.
Tinanggal ko na ang apron ko pati ang pagkakatali ng buhok ko. Kinuha ko ang kanin at palabas na nang maka salubong ko ang step brother ni Hugh.
Nginitian ko sya at akmang lalampasan na nang harangan nya ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
" Ako na "- Sabi nya. Wala naman na akong nagawa nang kunin na nya sakin ito at umalis.
I don't really understand Hugh's step brother. Well, maybe because i just met him today.
" Andyan na si papa. Tara "- Hinawakan ni Hugh ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kusina.
Napa ngiti naman ako nang makita si tito.
" Hi tito ! "- Masiglang bati ko kaya napa tingin sya sa dereksyon namin ni Hugh.
And just like tita's reaction. Parang gulat na gulat si tito.
Ngayon nalang kasi nila ulit ako nakita eh.
Naka ngiti ko syang nilapitan at nag mano.
" Here tito. Pasalubong ko po for you "- Naka ngiting sabi ko sabay abot ng pasalubong ko sa kanya.
Lutang na tinanggap ni tito ang pasalubong ko. Nginitian ko ulit sya at tumabi kay Hugh.
Parang gulat na gulat ulit si tito nang tabihan ko si Hugh.
" H-hindi mo ba tatabihan si D-deus ? "- Tanong ni tito na nakapagpa-kunot ng noo ko.
" Why would i sit beside him tito when Hugh's my boyfriend ? Nako tito, baka mag selos to "- Natatawang sagot ko naman.
Okay ? I don't really get it. Bakit parang gulat na gulat silang kami ni Hugh ?
Parang na-tameme si tito.
" Kumain na tayo "- Sabi ni tita at nag simula na kaming kumain.
Ang tahimik namin at hindi ako sanay. Kapag tuwing kumakain ako dito lagi kaming nagkukwentuhan. Ang saya-saya nga namin tuwing dinner pero bat ang tahimik ngayon ?
Nasa kalagitnaan ako ng pag kain nang hawakan ni Hugh ang kamay ko na naging sanhi ng pag tingin ko sa kanya. I gave him a confused look when he squeezed my hand.
" I think it's the right time para sabihin natin sa kanila "- Panimula nya. Parang huminto sina tito at tita sa pag kain, pati na rin yung step brother ni Hugh at tumingin samin. Napa ngiti naman ako at tumango.
" Mom... Dad... "- Ani nya at huminga ng malalim.
" Tamara and i are getting married "- Naka ngiting sabi nya kasabay ang pag taas nya ng kamay ko kung nasaan ang engagement ring ko.
~~*~~
[A/N: Merry Christmas ! Love lots :*]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com