Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

30th

Tamara's POV

Napa hinto silang lahat sa sinabi ni Hugh. Parang hindi na nga sila humihinga eh.

" C'mon mom, dad. Don't act as if hindi nyo alam na may fiance ako "- Natatawang sabi ni Hugh at umiling.

" Alam naman namin na may fiance ka... hindi ko lang maintindihan bakit si Tamara "- Sagot ni tito na nakapagpa-kunot ng noo ko.

" Dad "- Sabi ni Hugh na bakas ang pag babanta.

Napa tingin ako kay Hugh at nakitang ngumisi sya sa step brother nya.

Pinagpatuloy na ulit nila ang pag kain kaya kahit na nag aalangan ay tinuloy ko ng kumain.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami at isa-isa ng niligpit ng mga maids nila ang pinakainan namin.

" Hugh. Sumama ka sakin sa taas. We need to talk "- Seryosong sabi ni tito at umakyat.

Sinundan ko ng tingin si tito at napa tingin kay Hugh nang tumayo sya. Hinawakan ko ang kamay nya.

" I'll be fine "- Natatawang sabi nya at hinalikan ang ulo ko bago umalis. Sumunod naman si tita sa kanila.

So ang naiwan is ako at yung Deus.

Tumayo na ako, siguro sa sala ko nalang iintayin si Hugh.

Naramdaman kong naka sunod sakin yung step brother ni Hugh pero hindi ko nalang sya pinansin.

Umupo ako sa sofa at inilabas ang phone. 

Hindi ako kumportable. Kanina pa naka tingin sakin yung step brother ni Hugh at naaawkward na ako.

Kinagat ko ang pang ibabang labi at ibinalik sa bag ang phone at tumayo.

" Uhm... mag ccr lang ako "- Nahihiyang paalam ko sa step brother ni Hugh.

Nakita ko namang tumango sya, sign of approval.

" Manang Nina paki samahan naman- "- Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.

" No need. Kabisado ko parin naman tong bahay nyo "- Naka ngiting sabi ko at dali-daling umalis.

Umakyat ako. May CR naman sa baba pero wala lang. Mas feel kong sa taas mag CR. 

Agad akong pumasok ng banyo at nilock ang pinto.

Wala naman talaga akong gagawin dito. Gusto ko lang maka-layo dun sa step brother ni Hugh.

Lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili. Habang tinitignan ang sarili sa salamin ay napa-isip ako.

Bakit pakiramdam ko may mali ? Ewan ko kung ano pero may hindi talaga tama sa mga nangyayare.

Pumikit ako ng madiin at nag hilamos nalang para mahimasmasan.

After kong mag hilamos ay lumabas na ako ng banyo. Pababa na sana ako nang biglang may humila sakin papasok sa isang kwarto. Napa sigaw ako dahil dun.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang step brother ni Hugh.

" A-anong- "- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong yakapin.

Ewan ko ba pero na-estatwa ako dahil sa ginawa nya. 

" I missed you "- Bulong nya at bahagyang hinigpitan ang yakap sakin.

Napa-pikit ako nang biglang may nag flash na imahe. Isang pangyayare.

Inaayos nung girl yung necktie nung lalaki kasi hindi nya magawa. She even fixed his hair.

Ang nakakapagtaka, bakit ako yung babae ? And the guy's face was blurred.

Umiling ako para mawala yung imahe na yun at buong lakas ko syang itinulak.

" A-ano bang g-ginagawa mo ? "- Kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Lumapit ulit sya sakin at hindi ko naman nagawang maka-alis kaya he pinned me to the door using his stares.

Naka tingin lang sya sa mata ko at sobrang seryoso nya.

" I should be the one asking you that. Ano ba tong ginagawa mo ? "- Seryosong sabi nya. Napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

" H-hindi ko a-alam yang sinasabi mo. W-wala akong ginagawa sayo "- Sagot ko sa kanya at iniwas ang tingin.

May kung ano sa mata nya na gusto kong titigan pero feeling ko hindi tama to.

Ihinarang nya ang mga kamay nya sa gilid ng ulo ko kaya napa tingin ulit ako sa kanya.

" C'mon Tamara. Don't act as if may amnesia ka. Dalawang taon kang nawala tapos ganito ? So ano ? Gusto mong gumanti sakin kaya mo ginagawa to ? "- Sabi nya.

H-hindi ko maintindihan. Anong sinasabi nya ?

" Gumanti ? Saan ? H-hindi kita maintindihan "- Sagot ko sa kanya.

" I-if you'll e-excuse me. B-baka hinahanap na ako ni Hugh "- Nauutal na ani ko sabay slide ng kamay papunta sa door knob. Akmang pipihitin ko na ito nang hawakan nya ang kamay ko at ilagay ito sa may itaas ng ulo ko.

" Hindi ka lalabas ng kwarto na to hanggat hindi mo sinasabi sakin kung ano tong ginagawa mo "- Seryosong sabi nya sakin.

Nag pumiglas ako para tanggalin ang kamay nyang naka hawak sakin nang hawakan nya rin ang kabilang kamay ko at ilagay ito sa taas ng ulo ko.

" A-ano ba !? B-bitawan mo ko ! "- Pagpupumiglas ko. Pero dahil lalaki sya, mas malakas sya sakin kaya wala ring nagawa ang pag pupumiglas ko.

Tinitigan nya ako sa mata at ewan ko ba, this time hindi ko naiwas ang tingin ko sa kanya.

" You have no fuckin idea how worried i am nung nawala ka bigla "- Seryosong sabi nya.

" Ni-hindi ko manlang nalinaw sayo yung mga nangyare "- Dagdag nya.

" Tapos ngayon bumalik ka malalaman ko nalang na ikakasal na kayo ni Hugh "- He bitterly laugh a bit at umiling.

" Ganun ba talaga kalaki ang galit mo sakin para gawin to ? "- Ani nya at ewan ko ba, pain was written in his eyes.

" Kung sabagay, deserve ko naman to. Of all those pain na ibinigay ko sayo, walang wala pa to "- Mapait na dagdag nya.

" A-ano bang sinasabi mo ? H-hindi talaga kita m-maintindihan "- Sabi ko at sa wakas, naiwas ko na ang tingin ko sa kanya.

I flinched a bit nang hawakan nya ang baba ko na naging sanhi ng pag tingin ko sa kanya.

" I'm sorry. I'm very sorry "- Sincere na sabi nya habang naka tingin sa mga mata ko.

Ano bang sinasabi nya ?

Bakit ba sya nag sosorry sakin ?

Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayare.

" M-mawalang galang na p-pero... n-naka drugs ka ba ? "- Alangan na tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman na bahagya syang natawa at yumuko.

" B-bakit ? A-anong nakakatawa ? "- Tanong ko.

Ini-angat nya ang tingin nya sakin at ewan ko ba.

Ang ganda ng ngiti nya.

" Same old Tamara "- Natatawang sabi nya habang umiiling.

" Lalo mo lang akong pinagsisisi sa ginawa ko sayo noon "- Sabi nya.

Ano ba kasing sinasabi nya ?! Anong noon ? 

Hindi ko naman sya kilala eh ! Ngayon ko lang sya nakita ! Ano tong mga sinasabi nya.

Bigla ulit syang sumeryoso at tinignan ako.

" Please Tamara. Sabihin mong hindi totoong engage kayo ni Hugh "- Sabi nya at unti-unti nyang nilapit ang mukha nya.

Akala ko hahalikan nya ako pero pinag dikit lang nya ang noo naming dalawa.

" Please Tamara. I-i love you "- Bulong at hinalikan ang noo ko.

Nagulat ako sa ginawa nya.

May imahe nanaman akong nakita.

Yung lalaki, unti-unting nilalapit sakin ang mukha nya at hinalikan ako sa noo sabay sambit ng "goodluck baby"

This time sumakit ang ulo ko kaya napa hawak ako dito.

Agad naman na humiwalay sakin yung step brother ni Hugh at hinawakan ang balikat ko.

" A-are you okay ? "- Nag aalalang tanong nya.

Sa sobrang sakit ng ulo ko ay nanlambot ang tuhod ko kaya napa salampak ako sa sahig.

" T-tamara ? "- Tawag nya habang pilit na inaangat ang ulo ko.

Napa pikit ako ng madiin at diniinan din ang pag sabunot sa buhok ko.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak dahil sa sobrang sakit.

" AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH "- Umiiyak na sigaw ko habang naka hawak sa ulo ko.

" T-tamara a-anong- "- Hindi na natapos ni Deus ang sasabihin nya nang biglang bumukas ang pintuan.

" Tamara ! "- Narinig kong sigaw ni Hugh.

Naramdaman kong may humawak ng balikat ko at iniharap ako sa kanya.

Ini-angat ko ang tingin ko at nakita si Hugh. 

" H-hugh m-masakit "- Humihikbing ani ko habang hinihila ang damit nya.

" Shhh i'm here "- Sabi ni Hugh.

" Open the fuckin lights "- Seryosong sabi ni Hugh kay Deus.

Bumukas naman ang ilaw at kasabay ng pag bukas ng ilaw ay syang pag dilim ng paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com