31st
Tamara's POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napa pikit naman ako ulit dahil sa sobrang liwanag.
" Tamara "- Unti-unti ko ulit minulat ang mga mata ko at bumungad saakin ang nag aalalang itsura ni Hugh. Agad naman nya akong niyakap.
" Good thing you're awake now "- Bulong nya habang yaka-yakap ako. Bahagya nyang inilayo ang sarili sakin at inayos ang buhok ko na naka harang sa mukha ko.
" Are you okay now ? Masakit pa ba ang ulo mo ? May kailangan ka ba ? Nagugutom ka ba ? "- Sunud-sunod na tanong nya sakin. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong matawa ng kaunti.
" I-i'm fine Hugh "- Naka ngiting sagot ko sa kanya at umupo.
" What happened ? "- Tanong ko.
He heaved a sigh at nakita kong inabot nya ang bag ko sa gilid.
" Drink your medice first Tamara. Hindi na kita napainom ng gamot kasi bigla kang nag pass out "- Ani nya habang hinahalungkat ang bag ko.
Nang makita na nya ang puting bote kung nasaan ang gamot ko ay binuksan nya ito at kumuha ng isang tableta at inabot ito sakin.
Kinuha ko ito sa kanya at inabutan ako ng tubig.
Agad ko namang ininom ang gamot na binigay nya sakin at ibinalik sa kanya ang baso.
" Anong oras na ? "- Tanong ko sa kanya.
" It's 2:45 in the morning "- Sagot nya na nakapagpa-laki ng mata ko.
" Don't worry about Jen. Sinabihan ko sya na hindi ka makakauwi "- Sabi nya at bumuntong hininga bago umupo sa kama.
Hinawakan nya ang kamay ko at bakas na bakas sa kanya ang pag-aalala.
" Hey... don't worry i'm fine "- Naka ngiting ani ko. Agad naman nya akong tinignan.
" You have no idea how worried i am "- Sabi nya at pinag-dikit ang mga noo namin.
" You slept for almost 6 hours "- Dagdag nya.
" Sorry for making you worry "- Mahinang ani ko pero sapat na para marinig nya.
Medyo inilayo ko ang sarili sa kanya at tinignan sya bago sinuklay ang buhok gamit ang daliri ko.
" You should sleep now "- Sabi ko habang sinusuklay ang buhok nya.
" Ako naman mag babantay sayo "- Naka ngiting sabi ko at tinignan sya.
Umusod ako ng kaunti para magkaroon sya ng space at tinapik ito. Senyales na tumabi sya sakin. Hindi naman sya umangal at tumabi sakin.
Hinawakan nya ang kamay ko at pinag-intertwine ito. Isinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib nya at hinalikan nya ang ulo ko.
Bigla kong naalala yung ginawa ng step brother nya sakin kanina.
" Hugh... about what happened earlier "- Panimula ko.
" Oo nga pala. Anong nangyare ? "- Tanong nya. Umayos ako ng upo at tinignan sya.
" Y-your step brother keeps on telling me things that i don't know "- Mahinang paliwanag ko. Bago ko ipagpatuloy ang sinasabi ko ay napa iwas ako ng tingin.
" A-and he kissed me on the f-forehead "- Dagdag ko.
I heard him sigh bago nya hinawakan ang baba ko para tumingin ako sa kanya.
" I-i'm sorry "- Naiiyak na dagdag ko.
" Shh don't be baby "- Sabi nya hinila ako papalapit sa kanya at niyakap.
" Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ni Deus. Pero sa tingin ko mas mabuti nalang na lumayo ka sa kanya "- Bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko. Tumango nalang ako bilang sagot.
Medyo inilayo ko ang sarili ko sa kanya at sumandal na ulit sa head board ng kama at ipinatong ang ulo sa dibdib nya.
Katahimikan ang bumalot saming dalawa.
" Hugh ? "- Tawag ko sa kanya.
" Hmm ? "- Tanging sagot nya atsaka hinalikan ang ulo ko.
Napa kagat ako sa pang ibabang labi ko bago sya tinignan.
" Nagugutom ako "- Nahihiya at naka ngusong sabi ko sa kanya.
Natawa naman sya at umiling.
Holy shit, bakit ba ang gwapo nya ?
" Let's go "- Sabi nya at naunang bumaba sa kama.
Inilahad nya ang kamay nya. Agad ko naman itong tinanggap at inalalayan nya akong maka baba ng kama.
Inilagay nya ang kamay sa bewang ko at lumabas kami ng kwarto. Miski sa pag baba ng hagdan ay naka hawak nya sa bewang ko at inaalalayan ako.
" Hugh, i'm not disabled or something. Kaya kong bumaba "- Natatawa at umiiling na ani ko.
" Just let me "- Natatawang sabi naman nya at dumaretso na kami ng kusina.
Binuksan nya ang ilaw at umupo kami sa may counter.
" Anong gustong kainin ng mahal kong prinsesa ? "- Tanong nya na naging sanhi ng bahagyang pag tawa ko.
Lumapit sya sa ref at binuksan ito.
" Ano bang meron dyan ? "- Tanong ko habang sinisilip ang laman ng ref nila.
" Ako "- Sabi nya at nilingon ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay tapos kinindatan nya ako.
" Don't me babe. Ano ngang meron dyan ? "- Natatawang sabi ko. Ngumuso naman sya at tumingin na ulit sa ref.
" May chocolate cake tapos- "- Hindi na nya natapos ang sinasabi nya.
" YUN NALANG ! "- Tuwang tuwa na sabi ko. Napa iling sya at inilabas ang box ng chocolate cake.
Kumuha sya ng dalawang platito at nakita kong nilagyan nya ito ng tig isang slice ng cake. Ibinalik na nya ang cake sa ref atsaka sya tumabi sakin habang dala-dala ang mga platito na may cake.
" Saan ka pupunta ? "- Tanong nya nang tumayo ako.
" Gagawan kita ng hot chocolate "- Naka ngiting sagot ko at ipinag timpla sya ng hot choco. Syempre nag timpla din ako ng akin atsaka tumabi sa kanya
Hindi ko naman mapigilan ang sarili na matakam sa chocolate cake. Ewan ko rin pero bigla akong natakam nang sabihin nyang may chocolate cake sila.
" Babe "- Napa angat ako ng tingin at doon ko lang napansin na pumunta si Hugh sa harap ko at itinapat sakin ang camera ng phone nya.
Gustung-gusto nya talagang pinipicturan ako.
Agad naman akong nag pose.

" Gorgeous as always "- Malokong sabi nya atsaka ako kinindatan. Napa iling nalang ako at mya-maya lang ay tumabi na ulit sya sakin at nag simula na kaming kumain.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain nang bigla kong maalala yung mga imahe na nakita ko kanina.
" Uhm... Hugh ? "- Tawag ko sa kanya.
" Hmm ? "- Tanging sagot nya.
Ibinaba ko ang tinidor na hawak ko at tinignan sya.
" May nakita akong mga imahe kanina "- Panimula ko.
" Anong mga imahe ? "- Tanong nya at sumubo ng cake.
" As usual, blurred yung mukha nung lalaki pero sure naman akong ikaw yun. Yung una, inayos ko daw yung neck tie mo kasi hindi mo daw magawa then inayos ko din yung buhok mo. Tapos yung isa, bago ako mag pass out eh hinalikan mo daw ako sa pisngi bago binulungan ng 'goodluck baby'. Nangyare ba yun noon ? "- Tanong ko na naging sanhi ng pag ngiti nya at tumango.
Pero bakit parang may iba sa ngiti nya na hindi ko maintindihan ?
" Buti naman bumabalik na yung ala-ala mo "- Sabi nya at kumain na ulit. Ngumiti naman ako at kumain na rin ulit.
Nasa kalagitnaan ako ng pangalawang slice ko ng cake; oo pangalawa; nang tawagin ako ni Hugh. Nilingon ko naman sya at tinignan ng masama. Malakas na tawa naman nya ang sumunod doon.
Ano ang ginawa nya ? Nung lumingon lang naman ako eh naka tapat sa pisngi ko ang hintuturo nya na may icing. At ang resulta ? Nalagyan ng icing ang pisngi ko. Hinampas ko naman sya sa braso atsaka inirapan.
" Sorry na "- Natatawang sabi nya at hinawakan ang braso ko pero agad ko itong tinanggal.
" Maganda ka parin naman eh "- Natatawang dagdag nya. Hindi ko sya pinansin
" Hala babe sorry na "- Medyo seryosong sabi nya pero hindi ko ulit sya pinansin.
Kunyareng galit kong kinain ang natitirang cake ko at nang maubos ko na ito ay tumayo na ako at lumapit sa lababo para hugasan ito.
" Sorry na nga babe eh "- Parang bata na sabi nya habang naka yakap sa likod ko.
" I hate you "- Padabog na sagot ko at hinugasan nalang ang platito.
" I love you "- Bulong nya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
Bakit ba parang pakiramdam ko ngayon lang nya sinabi sakin ang mga katagang iyon ? Kinikilig parin talaga ako.
Hinarap ko sya at hinalikan ang tip ng ilong at nginitian sya.
Unti-unti nyang nilapit sakin ang mukha nya and claimed my lips. Ipinulupot ko naman ang mga kamay ko sa leeg nya at ngumiti.
Okay na sana eh. Ang sweet na ng atmosphere nang biglang may tumikhim. Awtomatiko akong napa layo kay Hugh.
At ang epal na tumikhim ? Ang step brother lang naman ni Hugh na sobrang sama ng tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com