Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

32nd

Tamara's POV

Hinatid ako ni Hugh sa bahay kinaumagahan. Wala naman akong naabutan na Jenica sa bahay kasi kailangan nya daw pumunta ng maaga sa trabaho. 

" What do you want for breakfast ? "- Tanong ko sa kanya pagka-pasok na pagka-pasok namin sa bahay.

Hindi na kasi namin nagawang mag breakfast sa kanila kasi gusto kong maka-takas sa isang awkward na sitwasyon.

" Anything. Kahit naman anong iluto mo masarap eh "- Pambobola ni Hugh habang naka sunod sya sakin sa kusina.

Hindi ko naman napigilang mapa ngiti sa sinabi nya at umiling.

" Pero may groceries ka na ba ? I mean kakarating mo lang kahapon "- Sabi niya.

" Hugh, knowing my parents i'm 101 percent sure na punung-puno na ng pagkain ang ref na ito "- Kampanteng sabi ko sabay bukas ng ref.

" Wow, sobrang dami "- Natatawang sabi nya kaya napa tingin ako sa ref at halos lumuwa ang mata ko sa laman.

Nice mom and dad. Ang daming laman. Wow thank you. I so feel the love.  (don't forget to use sarcasm here)

At isang malakas na tawa ni Hugh ang narinig ko. Wala kasing ka-laman laman yung fridge. As in isang pitcher lang na may tubig ang laman.

" So anong mga dish ang maluluto mo babe ? "- Natatawang tanong nya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na mapa-nguso at isinara ang ref.

" I hate you "- Naka ngusong sabi ko at nilagpasan sya. Naramdaman ko naman na naka sunod sya sakin.

" I love you too "- Pang aasar nya habang naka sunod sakin. Kunyaring galit akong umupo sa sofa.

Umupo naman sya sa tabi ko at inakbayan ako pero tinignan ko sya ng masama at tinanggal ito.

" Hey, galit ka talaga ? "- Tanong nya sakin. Imbis na sagutin ay tinalikuran ko sya.

" Babeeeeee wag ka na magalit tara na sasamahan na kita mag grocery "- Sabi nya sakin habang kinakalabit ako. I looked him over my shoulder at inirapan.

Naramdaman ko naman na ipinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko.

" Wag ka na mag tampo please ? "- Sabi nya habang naka back hug sakin.

" Say the magic words first "- Parang bata na ani ko.

Iniharap nya ako sa kanya at kita ko ang confusion dito.

" Magic word ? "- Kunot noong tanong nya sakin. 

Tumango naman ako bilang sagot. Tila'y nag-isip sya kung ano ang magic word na tinutukoy ko.

" Uhm... open sesame ? "- Nag aalangan na sagot nya. Tinignan ko sya ng masama.

" Okay, sabi ko nga hindi yun eh "- Bulong nya at nag-isip ulit.

" Maganda si Tamara ? "- Nag aalangan na tanong ulit nya.

" Alam ko na yun, don't state the obvious. No "- Mataray na ani ko sabay flip hair.

" I'll treat you ? "- Panghuhula ulit nya.

" Okay ! Sabi mo yan ah "- Masiglang sabi ko at tumayo na.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Hugh at hinagod ang buhok bago tumayo.

Kinuha ko ulit ang bag ko at isinukbit ito sa balikat bago kami lumabas ni Hugh ng bahay.

Isinukbit ko ang kamay ko sa braso ni Hugh at sabay kaming nag lakad papunta ng sasakyan nya.

Agad kaming umalis at pumunta sa pinaka malapit na grocery store.

" Babe, gutom na ako "- Naka ngusong sabi ko habang tulak-tulak ang isang cart.

" Gusto mo bang kumain muna ? "- Tanong nya. Tumango naman ako kaya iniwan namin ang cart sa isang gilid at pumunta sa pinaka malapit na pwedeng pagkainan.

" What do you want ? "- Tanong nya habang naka tingin kami sa menu.

" Uhm... i can't choose. Ikaw nalang pumili para sakin "- Sabi ko at luminga-linga para mag hanap ng table.

" Hahanap na ako ng upuan "- Paalam ko sa kanya at nag hanap ng table.

Well maaga pa naman kaya medyo madami pang table ang bakante. Nang maka hanap ako ng magandang pwesto ay umupo na ako at inintay na dumating si Hugh.

Habang nag iintay naman ako ay kinuha ko ang phone ko at tinext si Jenica na mag gogrocery kami ni Hugh ngayon.

" T-tamara ? "- Napa angat ako ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong tumili at ihagis ang katawan sa kanya.

" BIANCAAA "- Tili ko habang yakap-yakap ang kaibigan.

Wala na akong pake kung pinagtitinginan kami ng mga tao. 

" WAAA OMG BRIDGER ANDITO KA RIN ! "- Tuwang tuwa na sabi ko at niyakap si Bridger. Mukha naman syang nagulat sa ginawa ko.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita sa likod ni Bridger yung step brother ni Hugh. Agad akong napa hiwalay ng yakap kay Bridger.

Napa tingin naman ako agad kay Bianca nang birahin nya ako ng sigaw.

" OMG KAMUSTA KA NG BRUHA KA !? PUNYETA KA SANG LUPALOP NG MUNDO KA NAG TAGO NG DALAWANG TAON HINAYUPAK KA ! "- Sigaw ni Bianca. Hindi ko naman napigilan ang sarili na matawa ng kaunti dahil sa sinabi nya.

" Try muna kaya nating umupo ano ? "- Natatawang sabi ko at umupo. 

Lumingon ako sa may cashier para hanapin si Hugh at nakita kong sya na ang nasa cashier.

" May kasama ka ? "- Tanong ni Bridger. Tumango naman ako bilang sagot.

" Huh ? Sino ? "- Tanong naman ni Bianca.

" Boyfriend ko "- Naka ngiting sagot ko.

They literally dropped their jaws nag sabihin ko na kasama ko ang boyfriend ko.

" Boyfriend !? Sino !? Hindi ba si D- "- Hindi na natapos ni Bianca ang sinasabi nya nang dumating si Hugh.

" Thank you "- Naka ngiting sabi ko nang ilapag ni Hugh ang order ko sa lamesa. Umusod naman ako para maka-upo sya.

" Hey, bat ba gulat na gulat kayo dyan "- Natatawang sabi ko sa kanila.

" Alam kong kilala nyo sya kaya bat ganyan ang mga reaksyon nyo ? "- Natatawang dagdag ko at umiling.

Sinimulan ko ng haluin ang biniling pasta saakin ni Hugh.

" Tammy, nauntog ka ba or something ? "- Tanong ni Bianca na nakapagpa-taas ng kilay ko.

" Huh ? What are you talking about ? "- Takang ani ko sa kaibigan.

Akmang mag sasalita pa sya nang sikuhin sya ni Bridger sabay turo ng tingin kay Deus. Awtomatiko namang natahimik si Bianca.

" W-wala nevermind hehe "- Sabi niya.

Katahimikan ang nag hari samin. Pinagpatuloy nalang namin ni Hugh ang pag kain.

" So ano na nga te ? Bakit ka nawala ng dalawang taon ? "- Pag basag ni Bianca sa katahimikan.

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko at uminom ng tubig bago sya sinagot.

" I was with my parents "- Panimula ko.

" Kinuha nila ako at pinag-stay sa California "- Dagdag ko.

Para namang naguluhan si Bianca sa sinabi ko.

Akmang magtatanong pa ulit sya nang sikuhin nanaman sya ni Bridger at panlakihan ng mata. Inirapan lang nya si Bridger at ipinag patuloy ang pagtatanong sakin.

" So nasa California ka for 2 years !? Tapos hindi mo manlang ako naalalang icontact !? "- Galit na sabi ni Bianca. Napa kagat naman ako sa pang ibabang labi ko.

" Uhm... about that i'm sorry Bianca. Masyado lang kasi akong naging busy since ako na ang pinag handle nina mama at papa ng business "- Pag papaliwanag ko sa kaibigan.

Nakita ko namang ngumuso si Bianca at pinag krus ang mga kamay.

" Kahit na ! Tampo parin ako "- Animo'y nagtatampo na ani nya. Napa tawa naman ako ng bahagya.

" I'll make it up to you i promise "- Naka ngiting sabi ko at inubos na ang pagkain na nasa plato.

Umorder narin sila Bianca ng makakain nila.

Saktong pag dating ng order nila ay syang pag tapos namin ni Hugh kumain. Tumayo na kami.

" Guys, gustuhin ko mang mag stay pa pero may lakad kasi kami ni Hugh "- Paalam ko sa kanila at tumayo na.

" Bianca i'll text you okay ? Kung kelan tayo mag bobonding "- Naka ngiting sabi ko.

" Invite them "- Sabi ni Hugh. Buti nalang pinaalala nya sakin ! Nawala iyon sa isip ko.

" Oo nga pala. You guys are invited sa engagement party namin ni Hugh. Wala pa kaming exact date at invitation pero punta kayo ah ? Sige bye ! "- Naka ngiting paalam ko sa kanila.

Ewan ko ba pero awtomatiko akong napa tingin kay Deus na seryosong naka tingin saakin. Agad ko naman iniwas ang tingin sa kanya at lumabas na.

~~~*~~~

[A/N: Happy new year guys ! :* love lots~]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com