Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

33rd

Tamara's POV

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ngayon. Isang linggo na rin akong nandito sa pinas at kailangan ko ng simulan ang paggawa sa bago naming business here.

" Tammy ! Hugh's here ! "- Narinig kong sigaw ni Jen sa baba.

" Coming ! "- Sigaw ko pabalik at minadali na ang pag-aayos ng sarili.

After kong mag pabango ay kinuha ko na ang shoulder bag ko at agad na bumaba.

Naabutan ko naman si Hugh sa baba na naka-upo sa sofa.

Agad ko syang nilapitan at hinalikan sa pisngi.

" Sorry to keep you waiting "- Ani ko.

Tumayo na sya at hinalikan ako sa noo.

" No, it's okay "- Naka ngiting sabi nya kaya napa ngiti din ako. Inilagay nya ang kamay nya sa bewang ko.

Lumingon ako sa dereksyon ng kusina.

" Jen ! Una na kami "- Paalam ko sa kaibigan.

" Okay ! Ingat kayo ! "- Sagot naman nya.

" We will. Ikaw din ! "- Pahabol ko bago kami tuluyang lumabas ni Hugh ng bahay.

As usual, Hugh being a gentleman, he opened the door for me. Inalalayan nya akong sumakay bago sya umikot at sumakay sa driver's seat.

Agad naman nyang binuksan ang makina ng sasakyan at agad na umalis.

" Where will be the meeting held ? "- Tanong nya sakin.

" Ang sabi sakin ni dad sa isang uhm wait "- Sabi ko at kinuha ang phone para tignan ang email sakin ni dad.

" Oh ! Sa glass garden daw "- Sabi ko at bahagyang pinakita sa kanya ang phone ko since naka-stop ang sasakyan namin.

Binasa naman ni Hugh ang email sakin ni dad at tumango bago umayos ng upo.

" Maaga pa naman, gusto mo bang kumain muna ? "- Tanong nya sakin habang nasa daan ang atensyon.

" Pwede rin, medyo nagugutom na ako "- Sagot ko naman.

Nakita ko naman na ipinarada nya ang sasakyan sa Mcdo dahil ito ang unang fast food na nakita namin.

As usual, inalalayan nya akong bumaba ng sasakyan. 

Humanap muna ako ng upuan.

" Anong gusto mo "- Tanong nya sakin.

" Chicken fillet with large fries "- Naka ngiting sabi ko naman sa kanya.

Naka ngiting umiling si Hugh at umalis na para umorder.

Humalumbaba naman muna ako habang tinatap ang nails sa lamesa.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may naka tingin sakin kaya luminga-linga ako pero wala naman akong nakita na nakatingin sakin.

Maya-maya lang ay may nag lapag ng tray sa lamesa at pag tingin ko ay si Hugh.

" May problema ba ? "- Tanong nya habang tinatanggal ang mga nasa tray.

" Wala naman "- Umiling ako at nginitian sya. 

Ibinigay naman nya sa isang waiter ang tray at nag simula na kaming kumain ng tahimik.

" Are you staying here for good Tamtam ? "- Tanong ni Hugh sakin. Uminom muna ako bago ko sya sinagot.

" I guess so ? "- Kibit balikat na sagot ko.

" I'm sure na ako ang iaappoint nila mama na mag handle ng company here sa Philippines and we're getting married so i guess we'll stay here for good "- Naka ngiti kong sagot sa kanya.

Ngumiti naman pabalik si Hugh at kumain na ulit.

" Yung tungkol sa engagement party natin, kailan daw ? "- Tanong ulit ni Hugh.

Masyado kasi kaming busy kaya hindi namin masyado naasikaso ang tungkol sa engagement party. Napa-isip din tuloy ako tungkol dun.

" Hindi naman natin pwedeng antayin na matapos muna yung building kasi i'm sure na aabutin yun ng taon "- Ani ko habang hinihiwa ang chicken fillet ko.

" What about next month ? "- Tanong nya sakin kaya napa-angat ako ng tingin.

" Pwede rin. I'll ask mom and dad para matulungan nila tayong mag set ng date para sa engagement "- Naka ngiting sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya pabalik at kumain na ulit kaming dalawa.

Kanina ko pa talaga nararamdaman na may naka tingin sakin. Nakakainis na.

Lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita na naka tingin sakin or something suspicious at nang pag tingin ko sa harap, sa pinaka dulong table may nakita akong dalawang tao na naka tingin sakin.

" Bianca talaga "- Umiiling na sabi ko bago uminom ng inumin ko.

" Huh ? "- Tanong ni Hugh.

" Sina Bianca at Bridger andito. Kaya pala feeling ko may naka tingin sakin kanina pa "- Natatawang ani ko at tinuro yung table nilang dalawa.

Lumingon naman si Hugh at umiling nang makita sina Bianca.

" Teka lang "- Paalam ko kay Hugh at tumayo atsaka lumapit kila Bianca.

Para namang ewan si Bianca na kunyare patay malisya pati si Bridger. Nagtatakip pa sila ng newspaper sa mukha.

" Bianca, alam kong ikaw yan "- Naka pamewang na sabi ko at nilingon ko naman si Bridger na katapat nya.

" Nice Bridger. Ngayon ko lang nalaman na baliktad ka pala mag basa ng dyaryo "- Natatawang sabi ko.

Agad naman nyang binaba yung dyaryo na hawak nya at binaliktad ito. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na matawa sa ginawa nya.

Binaba na rin ni Bianca ang hawak nyang dryaryo at ngumuso.

" Kasama mo nanaman si Hugh "- Sabi nya sakin habang naka nguso.

" Syempre boyfriend ko yun eh "- Natatawang sabi ko.

Ngumuso lang si Bianca pero si Bridger sumeryoso yung mukha.

" Si Hugh ? Boyfriend mo ? How come Tammy ? "- Seryosong tanong nya.

Bakit ba ganyan yung reaksyon nila ? Bakit ba parang against sila sa relationship namin ?

" Bridger "- Tawag sa kanya ni Bianca na may tono ng pagbabanta at naramdaman ko pang sinipa ni Bianca ang paa ni Bridger.

" Why ? Masama ba mag tanong ? Kasi alam ko two years- ARAY "- Hindi na natapos ni Bridger ang sasabihin nya nang sipain nanaman ata sya ni Bianca.

I took a step backwards.

" Uhm i better go. May pupuntahan pa kami ni Hugh "- Sabi ko at akmang aalis na nang hawakan ni Bianca ang kamay ko.

" Samin ka naman muna sumama ! Lagi nalang si Hugh kasama mo eh "- Sabi nya na para bang nag tatampo.

" I'll set a date tapos bonding tayo. Hindi kasi ako pwede ngayon, may meeting pa akong pupuntahan "- Naka ngiting sabi ko kay Bianca.

" Promise ah ? Text mo ko "- Sabi ni Bianca at ibinigay saakin ang phone nya.

Agad ko naman itong kinuha at inilagay ang number ko dito.

" Nag missed call ako "- Sabi nya at inilagay na sa bulsa ang phone.

" Save ko nalang. Nasa bag kasi yung phone ko "- Sabi ko naman at bahagyang lumingon sa table namin ni Hugh.

Biglang napa taas ang kilay ko nang may makita akong dalawang babae na nasa harap ni Hugh.

" I gotta go "- Paalam ko nang hindi sa kanila naka tingin at nag lakad na pabalik sa table namin.

" Babe ? "- Tawag ko kaya napa lingon si Hugh sakin pati yung dalawang babae.

" Lat's go ? "- Tanong ni Hugh.

Tumango naman ako at kinuha na ang large fries at ang binili nyang extra gravy.

" Sorry may pupuntahan pa kasi kami ng girlfriend ko "- Naka ngiting paalam ni Hugh dun sa dalawang babae.

Lumapit naman agad saakin  si Hugh at inilagay ang kamay sa bewang bago kami lumabas at sumakay ng sasakyan.

Napa nguso naman ako nang maka sakay na ako sa sasakyan. Agad naman na pinaandar ni Hugh ang makina at umalis na kami.

" Bakit ka naka busangot dyan ? "- Natatawang tanong nya.

" Bat kasi ang gwapo gwapo ng fiance ko "- Ani ko at isinawsaw sa gravy ang isang fries atsaka ito isinubo.

" Bakit kasi isang model boyfriend ko "- Dagdag ko at isinawsaw ulit ang fries sa gravy.

I heard Hugh chuckle at umiling.

" Don't worry, sayo lang naman to "- Banat nya sabay kindat pa. Napa iling nalang ako sa ginawa nya at kumain nalang ng fries.

" Gusto mo ? "- Alok ko sa kanya at itinapat sa bibig nya ang fries na sinawsaw ko sa gravy. Kinain naman nya ito.

Maka lipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng sinasabi ni dad na Glass Garden. 

Agad naman kaming bumaba at pumasok.

" Kayo po ba si miss Tamara Anderson ? "- Tanong sakin nung receptionist. Tumango naman ako bilang sagot.

" This way po ma'am "- Sabi nya at lumabas ng desk.

" Call me pag tapos na ah ? "- Sabi ni Hugh saakin at hinalikan ako sa noo.

" Ingat sa pag ddrive. Wag masyado magpa-pogi sa photoshoot ah ? "- Natatawang sabi ko at hinalikan sya sa pisngi bago sumunod dun sa babae.

Dinala nya ako sa isang parang conference room.

Napa hinto ako nang bumukas ang pintuan at ang taong nandun palang ay ang step brother ni Hugh.

Why is he here !?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com