2nd
Tamara's POV
2 days ko ng di nakikita at nakakausap si Deus and i miss him so much ! I tried to text him pero hindi naman nya ako nirereplayan.
Tumayo na ako sa pagkakahiga at naligo. Pupuntahan ko nalang sya sa condo nya.
Nang makapag bihis at makapag ayos na ako, lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ko.
Habang nasa byahe ako, tinawagan ko sya. Nag riring lang hindi nya sinasagot. Napa buntong hininga nalang ako at inend call. Mamaya magalit pa sya sakin kasi kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya.
Ayaw panaman nun ng makulit. Pero sorry sya ako ang girlfriend nya kaya kukulitin ko sya !
Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng snacks naming dalawa at ng nabayaran ko na, agad din akong umalis.
Agad kong pinarada ang sasakyan ko at pumasok ng building. Sumakay ako ng elevator at maya-maya lang nasa tapat na ako ng unit nya. Kahit naman may susi ako eh kumatok at nag doorbell ako. Naka ilang katok na ako pero hindi parin nya ako pinag bubuksan kaya nilabas ko na ang susi ko. Akmang gagamitin ko na ng bumukas ang pinto.
" Hi babe ! Kanina pa ko kumakatok bat ngayon mo lang binuksan ? "- Naka ngusong tanong ko sa kanya at pumasok na sa loob.
" May dala pala akong snacks ! "- Masiglang sabi ko at pinakita sa kanya ang dala kong supot.
" Bakit ka ba nandito ? "- Tanong nya at kinuha yung isa Pick A at pumunta sa sala.
" Wala namiss lang kita "- Kibit balikat na tanong ko at tumabi sa kanya.
Kaya pala antagal akong pinag buksan. Nanonood ng Avengers.
Inalok nya ako ng Pick A kaya share naming kinain at tahimik na nanood.
" Babe, kelan tayo mag-eenroll ? "- Tanong ko sa kanya habang nanonood kami.
" Shh wag ka maingay "- Kunot noong sabi nya kaya bahagya naman akong natawa.
" Sabi ko nga eh "-Mahinang sabi ko at nanood nalang.
Tapos na ang palabas at ubos na din ang Pick A namin kaya tumayo sya at dinala yung supot ng pagkain na binili ko.
Kinuha nya yung malaking cheese ring at binuksan.
" So, kelan tayo mag-eenroll ? "- Tanong ko habang kumakain.
" Bukas nalang siguro "- Simpleng sagot nya.
" Okay ! Sasabihan ko nalang sila Bianca at Bridger "- Naka ngiting sabi ko at kinuha ang cellphone para itext yung dalawa. Napa hinto ako nang maalala na hindi nya ako nireplayan sa mga text ko.
" Babe ilang beses kitang tinext ! Bat di ka nag rereply ? Alam mo bang sobrang nag aalala ako sayo ? "- Naka ngusong sabi ko. Nilingon nya ako.
" Tinatamad akong mag text "- Simpleng sagot nya.
" Eh bakit yung mga tawag ko ayaw mong sagutin ? "- Tanong ko ulit.
" Wala tinatamad lang ako "- Simpleng sagot nya.
" Babe naman, hindi nakakapagod ang pag swipe sa phone at hawakan ito ng ilang minuto "- Mahinang sabi ko at tinext na yung dalawa na mag eenroll kami bukas.
" Hindi ka pa ba uuwe ? "- Bored na tanong ni Deus.
Napa angat ako ng tingin. Imbes na kay Deus ako tumingin, napako ang tingin ko sa tv nang superman vs batman ang palabas
" Waaa omg ang gwapo ni Batman ! OMG pati ni Superman ! "- Kinikilig na sabi ko.
Crush na crush ko kasi talaga si Bruce Wayne ! Pero di ko bet yung bagong batman. Mas bet ko yung original ! Kahit na may edad na si George Clooney gwapo padin sya para sakin !
Huhu bat nila pinag laban ang dalawang babe ko !? I'm a big fan of batman and superman kaya hindi ko alam kung kaninong side ako kasi i love them both !
" Mamaya na ako uuwe babe. Makikinood muna ako ! "- Sabi ko habang tutok na tutok sa tv.
Seryoso lang ako habang nanonood at ganun din si Deus.
Napa tayo ako nang makita na nasa sahig si superman.
" NOOOO YOU CAN'T DIE ! "- Sabi ko at lumapit sa tv.
" NO CLARK KENT ! YOU CAN'T FUCKIN DIE WAKE UUUUUUP "- Sabi ko habang inuuga yung tv.
" Tch Tamara umayos ka nga "- Iritang sabi ni Deus at hinila ako pabalik ng sofa.
NOOOO HINDI PWEDENG MAMATAY SI CLARK !
Hindi ko na kinayang manahimik nang makita na funeral na ni superman.
" NO ! THIS IS SO NOT HAPPENING- OMG WHAT'S THE MEANING OF THIS !? "- Lumapit ako sa tv nung parang nag pahiwatig na buhay si superman.
" OMG BABE GUMALAW YUNG LUPA ! HINDI PA PATAY SI SUPERMAN ! "- Sigaw ko habang naka turo sa tv.
" OMG I CAN SENSE PART 2 ! "- Tuwang tuwa na sabi ko.
" You're so noisy Tamara "- Iritang sabi ni Deus.
" OMG OMG OMG HINDI PA PATAY SI CLARK ! "- Tuwang sabi ko habang nag tatatalon.
" Babe ! Pag may part 2 nood tayo please ! "- Sabi ko at hinawakan pa ang kamay nya at nag puppy eyes.
" Please please please ? Pretty please ? "- Sabi ko habang hawak ang kamay nya.
" Tch oo na "- Sabi nya at umalis.
" Promise yan ah ? "- Tuwang sabi ko at sinundan sya sa kusina.
" Oo na ng tumigil ka na "- Iritang sabi nya at uminom ng tubig.
Hindi ko naman mapigilan na mapa talon sa tuwa.
" Nagugutom na ko. Mag luto ka "- Sabi nya at nilagpasan ako.
" Okay ! "- Masiglang sabi ko at pumunta sa ref. Nag hanap ako ng pwedeng iluto at napag pasyahan kong mag luto nalang ng nilaga.
Sure ako na hindi ito fail kasi tinuruan ako ni Bianca at nung nag try akong iluto ito ang sabi nya masarap daw.
Tinali ko ang buhok ko at nag suot ng apron bago nag simulang hiwain yung mga kailangan.
Nag simula na akong mag luto at maka lipas lang ang ilang minuto tapos na ito.
Nag simula na akong mag lagay ng kanin sa mangkok at inilagay ito sa lamesa, sinunod ko naman ang ulam.
Hindi ko naman mapigilang napa-ngiti kasi parang mag-asawa kami ni Deus.
" Shit "- Napa lakas ang sabi ko nang dumampi yung kaldero sa hinlalaki ko.
Kaya ang ending, napaso ako. Ayan imagine pa kasi Tamara.
" Okay ka lang ? "- Napa lingon ako nang mag salita si Deus sa likod ko.
" Yes i'm fine "- Naka ngiting sagot ko at binasa ang hinlalaki ko.
Hindi naman sya ganun kalaki pero mahapdi at medyo lumobo.
" Tch di ka kasi nag iingat "- Sabi nya at hinila ako papunta sa sofa.
Umalis sya at maya-maya eh bumalik din sya na may dalang ointment.
Nilagyan nya ng ointment ang hinalalaki ko.
" Para kang si Talia. Ang clumsy mag luto "- Napa hinto ako nang banggitin nya ang pangalan ni Talia.
Para akong si Talia ? Pero bakit hindi mo ko magawang mahalin ?
Mukhang napansin nya ang biglang pag iba ng mood ko kaya agad syang tumayo at binalik yung ointment.
Napa buntong hininga nalang ako at pinahid yung munting luha na tumulo sa mata ko at bumalik sa kusina.
Sumunod naman si Deus at tahimik kaming kumain.
" Ako na maghuhugas "- Sabi ko at nilagay ang platong pinagkainan ko sa lababo.
Nilagay na din nya ang plato nya kaya agad ko itong hinugasan.
Agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit ito sa balikat ko at agad na lumabas ng condo nya.
Pinahid ko yung kaunting luha na nag simulang mag labasan.
Ayokong kinocompare ako, lalo na sa kanya. Alam ko na ngang walang-wala ako sa kanya eh. Oo na sya na mas angat. I fuckin know it.
" Here. I think you need it "- Napa angat ako ng tingin nang may nag abot sakin ng panyo.
It's him again. The elevator guy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com