Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

3rd

Tamara's POV

Deus texted me na he'll fetch me kaya iniintay ko sya ngayon. Sabi nya he'll be here in 15 minutes pero i've been waiting for him almost an hour now. OMG why do i feel like i'm being conyo ? Pfft

I was startled when my phone buzzed. It's a message from Deus.

From: Babe 

I'm here

Agad kong kinuha ang bag ko at sinarado ang pinto bago bumaba.

Agad akong lumapit sa kotse nya at pumasok.

" Hi babe ! "- Masiglang bati ko sa kanya.

" Bakit ngayon ka lang ? Sabi mo you'll be here in 15 minutes "- Sabi ko habang naka nguso.

" May dinaanan lang "- Simpleng sagot nya at pinaandar na ang sasakyan.

I shrugged a bit and looked at the window. Binaba ko ang bintana at malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sakin. Pinikit ko ang mata ko at hinayaang hanginin ang buhok ko.

I heard a small laugh kaya napa lingon ako kay Deus.

" Anong tinatawa mo dyan ? "- Nag tatakang tanong ko sa kanya.

Nakita kong naka ngiti sya at umiling. Ewan, nahahawa ako sa ngiti nya.

" Para kang si Talia "- Nawala yung ngiti ko nang banggitin nanaman nya si Talia.

Agad akong nag iwas ng tingin at pinahid yung luhang tumulo galing sa mata ko.

Kikiligin na sana ako kasi akala ko ako na yung reason ng pag ngiti nya. Si Talia parin pala.

Nawalan ako ng gana kaya sinarado ko na ang bintana at tumahimik nalang. Hindi naman nag initiate ng conversation si Deus kaya tahimik ang naging byahe namin papuntang school.

Maka lipas lang ang ilang minuto nasa school na kami. Agad na pinarada ni Deus ang sasakyan nya at agad na bumaba.

" BIANCS ! "- Sigaw ko nang makita si Bianca. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

" OMG I MISS YOU SO MUCH "- Tuwang tuwa na sabi nya habang paikot-ikot kami habang magkayakap.

Kumalas na kami sa yakap at nakita ko naman na nag fist bump sina Deus at Bridger.

" Tara ? "- Pag yaya ni Bridger at sabay-sabay kaming umalis.

" Itetext nalang namin kayo "- Sabi ni Bianca at agad na lumiko papunta sa building namin.

Nasa iisang building lang kami pero hindi kami magkaklase. I'm taking Accountancy while Bianca's on Legal Management. Gusto kasi nya maging CPA-Lawyer.

Habang nag iintay kami ng turn namin, nag kwentuhan muna kaming dalawa ng kung anu-ano lang, hanggang sa napunta ang usapan namin sa relasyon namin ni Deus at nag simula ng maging seryoso

" You're still with him ? "- Tanong nya

" Look Tammy, hindi naman sa against ako sa relasyon nyo ah pero bakit ? He can't love you back "- Ani nya. Napa buntong hininga naman ako.

" Just let me Biancs. Masaya ako sa kanya "- Naka ngiting sabi ko.

" Are you ? "- Tanong nya nakapag pahinto sakin at mapa yuko.

" Look, ikaw lang ang gumagawa ng paraan para masaktan ka. Alam mo na nga na hindi ka kayang mahalin bat pinipilit mo parin yung sarili mo sa kanya ? And oh please you call that relationship ? He doesn't even care for you "- Kunot noong sabi nya.

" It's easy for you to say because you're not in the situation Biancs. I love him. I love him to the point na halos wala na akong itira para sa sarili ko. I'm willing to give anything and everything Biancs. "- Nakita ko ang pag buntong hininga at pag tayo nya.

" Alam ko naman na alam mo yang ginagawa mo Tammy. Hindi na ko kokontra basta andito lang ako. And please, wag kang selfless. Mag tira ka ng kahit kaunting pag mamahal para sa sarili mo "- Nginitian nya ako bago lumapit sa desk.

Napa buntong hininga naman ako at umiling. Sumandal ako at pinikit ang mata ko.

Napa mulat ako when someone poke my cheeks. 

" Ikaw na "- Sabi ni Bianca kaya agad naman akong tumayo at lumapit sa desk. After a few minutes, binigay na nila sakin ang schedule ko kaya agad din kaming umalis.

" Ano ba yan ! Kahit isang subject manlang ! "- Sabi nya habang tinitignan ang schedule ko kung magkaklase ba kami sa ibang subject.

" Bakit ba nila tayo pinag lalayo "- Pag dadrama nya kaya napa iling nalang ako

" Pero atleast magkapareho tayo ng vacant and ng uwian "- Pagpapatuloy nya at binalik na sakin ang schedule ko.

Kinuha ko ang phone ko and texted Deus na tapos na kami.

" Biancs, alam mo ba "- Panimula ko at binalik sa bag ko ang phone.

" Gaga, malamang hindi pa "- Sabi nya at umirap pa.

" Leche "- Natatawang sabi ko.

" So ito na nga. Nitong nakaraang araw, may lagi akong nakakasabay sa elevator galing condo ni Deus "- Panimula ko.

" I really don't know why pero naka sabay ko sya nung nasira yung eco bag ko nung bumili ako ng grocery para kay Deus, sya yung tumulong sakin tapos kahapon nung galing ako sa condo ni Deus binigyan nya ako ng panyo nung nakita nyang umiiyak ako "- Pagpapatuloy ko.

Akala ko tatadtarin nya ako ng tanong kung bakit ako umiyak and such pero napa poker face ako sa mga tanong at sinabi nya.

" OMG !? Gwapo ba ? "- Parang kinikilig na sabi nya

" Biancs, inabutan nya ako ng panyo kasi UMIIYAK ako "- Sabi ko, hoping na itatanong nya kung bakit.

" OMG WEH !? Super bait naman nya ! Hindi ka nya kilala pero pinahiram ka ng panyo. Baka sya na destiny mo Tammy ! "- Napa face palm ako sa sinabi nya.

" So ano, pogi ba ? Ha ? Ha ? "- Parang mas interesado pa sya dun sa elevator guy kesa sa dahilan ng pag iyak ko.

" Well i admit cute sya "- Kibit balikat na sagot ko

" Pero mas gwapo padin si Deus ko syempre ! "- Dagdag ko.

" Pero nag tataka ako, yun lang ang first meeting namin, yung nasira yung eco bag ko pero he looks familiar. Para bang i saw him before na hindi ko lang matandaan "- Nag tatakang sabi ko.

" Baka kasi sya ang forever mo "- Natatawang sabi ni Bianca at bahagya pang binangga ang balikat ko.

" May Deus na ko no "- Sabi ko sabay flip hair. Napa tingin ako sa hallway at nanlaki ang mata ko.

" OMG "- Napa takip ako sa bibig ko.

" Bakit ? "- Takang tanong ni Bianca

Hinila ko sya papalapit sakin at bumulong.

" Si elevator guy ! "- Bulong ko at sakto ang pag daan nya sa gilid ko at nakita ko na bahagya syang ngumiti at nilampasan kami.

Sinundan namin sya ng tingin ni Bianca hanggang sa lumiko sya. Bigla namang tumili si Bianca at parang kilig na kilig.

" OMG SYA !? SYA SI ELEVATOR GUY !? "- Parang hindi makapaniwalang tanong nya. Tango lang ang sinagot ko

" OMG OMG OMG  HINDI MO SYA KILALA !? "- Tanong nya. Napa tingin ako sa paligid at halos lahat naka tingin samin.

" Kumalma ka nga "- Sabi ko at pinanlakihan pa sya ng mata bago hinila pababa.

" Hindi ko sya kilala. Sino ba yun ? "- Tanong ko habang pababa kami.

" OMG ANG SWERTE MONG GAGA KA ! SI HUGH SAAVEDRA NA YUN  ! YUNG SIKAT NA MODEL LIKE OMG ANG SWERTE MO "- Kinikilig na sigaw nya habang pababa kami. Ang sarap sabihin na hindi ko kilala tong babae na to.

" PAANONG HINDI MO SYA KILALA ?! TSK DEUS KA KASI NG DEUS ! OMG IKAW NA TALAGA GURL ! "- Sabi nya habang inaalog ako.

Can somebody please save me ? Kawawa na ako kay Bianca ! 

Kaya pala parang nakita ko na sya, pero hindi eh. Hindi sa tv or sa internet. Basta parang nakita ko na sya. Aish bat ko ba pinoproblema yun ? Hindi naman na importante yun at sigurado naman ako na hindi na ako natatandaan ni elevator guy- i mean Hugh. Nilampasan ngalang ako kanina eh.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com