Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

4th

Tamara's POV

Ilang araw nalang may pasok na ulit. Haharapin ko nanaman si Accounting. Iiyak nanaman ako ng dugo. Iniisip ko palang na mag aadjusting entries na ulit kami naiiyak na ako.

" Tamara "- Napa balik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Deus. Nasa mall kasi kami at kasama ko syang mamili ng mga gagamitin namin.

" Bakit ? May sinasabi ka ba ? Sorry hindi ako nakikinig "- Mabilis na sabi ko.

" Ang sabi ko kung gusto mo ba munang kumain bago tayo mamili "- Simpleng sabi nya.

" Hindi pa naman ako nagugutom. Mamaya nalang "- Naka ngiting sabi ko at kumapit sa kanya. Hindi naman nya inalis yung kamay ko at patuloy lang na nag lakad.

" Babe natatandaan mo yung lalaking kinuwento ko sayo nung nakaraan ? Yung lalaking tumulong sakin "- Tinignan naman nya ako at tinaasan ng kilay.

" Anong meron dun ? "- Parang bored na tanong nya.

" Nakita kasi namin sya ni Bianca sa school. Model pala yun ? Hugh Saavedra daw pangalan "- Napa hinto sya nang banggitin ko ang pangalan ni Hugh tapos biglang mas naging seryoso ang mukha nya.

" Wag ka na ulit lalapit dun "- Seryosong sabi nya at pinag patuloy ang paglalakad.

" Huh ? Bakit naman ? Mukha naman syang mabait ah "- Kunot noong sabi ko.

" Basta wag kang lalapit sa kanya "- Madiin na sabi nya at pumasok na sa National.

Bigla naman akong napa ngiti sa inasta nya. Bahagya ko syang siniko kaya napa tingin sya sakin.

" Nag seselos ka ba babe ? "- Malokong sabi ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

" Normal lang naman yan babe kaya wag ka ng mahiyang aminin "- Malokong dagdag ko.

" Hindi ako nag seselos no "- Kunot noong sabi nya.

" Okay sabi mo eh. Kunyare nalang hindi kahit totoo naman "- Kibit balikat na sabi ko at dumaretso dun sa mga filler notebooks.

" Kahit naman hindi mo na ako sabihan. Hindi naman na talaga ako lalapit sa kanya. As if naman na magkikita at makakalapit pa ko sa kanya "- Dagdag ko.

Agad naman kaming kumuha ng mga kailangan namin.

" Babe may titignan lang ako "- Sabi ko at pumunta sa mga libro.

Agad kong hinanap kung may percy jackson na set.

" Ayun ! "- Tuwang tuwa na sabi ko at agad na pumunta.

Kaso bago ko pa man mahawakan may naka kuha na. Nanlumo naman ako bigla kasi nag iisa nalang yun.

Pabalik na ako kay Deus nang tawagin ako nung lalaki.

" Miss "- Tawag nya at hinawakan ang siko ko.

" Here "- Sabi nya at inabot sakin yung set.

" Hindi na, nauna ka eh "- Sabi ko at pilit na binabalik sa kanya yung set.

Akmang sasagot pa yung lalaki pero tinawag na ako ni Deus.

Tinignan ko yung lalaki, omg ngayon ko lang na-realize na ang creepy nya.

Nasa loob ng mall naka cap at shades ? Aba ang taas naman ng sikat ng araw sa national.

Nginitian nya ako at umalis. Sinundan ko sya ng tingin at kibit balikat na pumunta kay Deus.

" What took you so long ? "- Kunot noong tanong nya.

" Wala, yung lalaki kasi "- Sabi ko at tinuro kung saan ako galing.

" Anong lalaki ? "- Kunot noong tanong nya.

" Nauna nyang nakuha tong set, tapos nung aalis na sana ako tinawag nya ako at binigay sakin "- Sagot ko at pinakita pa sa kanya ang set.

" And ang creepy nya babe, naka cap and shades ? Seriously maaraw ba dito ? "- Pag kkwento ko.

Agad naming binayaran yung mga pinamili namin at sya na ang nag dala, may kinuha din akong isang bag para di sya mahirapan.

" Nagugutom ka na ba ? "- Tanong nya nang madaanan namin yung Chowking.

Napa lingon ako at biglang nag crave sa chao fan.

" Kain muna tayo "- Sabi nya at pumasok sa loob.

Sumunod ako sa kanya at nakita kong may nahanap na syang upuan at inilagay dun ang mga pinamili namin.

" Chao fan sakin babe, yung may lumpia "- Sabi ko at umupo.

Umalis naman sya at umorder. Kaya habang iniintay ko sya nilabas ko muna ang phone ko at nag selfie.

Maya-maya lang bumalik na si Deus at umupo sa harap ko. Nag simula na kaming kumain.

" May gusto ka pa bang bilhin ? "- Tanong nya habang kumakain kami.

" Gusto ko sana mag shopping, pero sa susunod nalang kapag si Bianca nalang kasama ko "- Naka ngiting sabi ko.

" Sige na sasamahan na kita "- Sabi nya bago uminom ng coke.

" Ha ? Hindi na baka ma-bored ka lang at mapagod kaka-sunod sakin "- I insisted.

He looked at me seriously.

" Wag ka ng makulit Tamara. Sasamahan na kita tutal andito na din naman na tayo sa mall "- Napa buntong hininga nalang ako at tinuloy ang pag kain.

Agad din kaming umalis nang tapos na kami kumain.

" Should we put this in the car ? "- Tanong nya at bahagyang tinaas ang mga dala nya.

Tumango ako at dumaretso kami sa parking lot. Nilagay muna namin sa trunk ng sasakyan bago kami bumalik sa loob ng mall.

Agad kaming pumasok sa department store at nag libot.

Kung anu-anong damit at sapatos ang triny ko, lagi ko ding tinatanong kay deus kung bagay ba sakin or not. Mukha naman na syang bored pero pag niyayaya ko na sya umuwe lagi nyang sinasabi na wag ko daw syang alalahanin, mamili lang daw ako.

" Babe ito ? Okay lang ? "- Tanong ko at umikot pa.

" Okay lang but no. The skirt is too short and you're exposing your shoulders. Kumuha ka ng iba "- Tuluy-tuloy na sabi nya. Napa nguso naman ako at bumalik sa loob ng fitting room.

Nag bihis na ako at kinuha yung mga damit na inaprubahan nya at lumabas.

Napa taas ang kilay ko nang may makita akong kumpol ng mga babae sa gilid ni Deus.

Mukhang lalapit na yung mga babae kay Deus kaya agad akong lumapit sa kanya.

" Babe sorry natagalan ako "- Naka ngiting sabi ko at nilagay yung mga damit sa push cart.

" Anong kailangan nyo ? "- Naka ngiting tanong ko dun sa mga babae nung naka lapit na sila at kumapit sa braso ni Deus.

" Don't mind them. Tara na "- Bored na sabi ni Deus at hinila na ako paalis.

Hindi ko naman mapigilan na mapa ismid. Napaka obvious naman kasi ng mga babae na yun eh. Halatang pinagpapantasyahan yung boyfriend ko. Badtrip.

" Bat naka busangot ka dyan ? "- Tanong nya nang maka pila kami sa cashier.

" Naman kasi ! Nakakairita yung mga babae na yun. They're checking you out ! "- Kunot noong asik ko.

Narinig ko naman ang bahagyang pag tawa nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" Hayaan mo sila. Hanggang tingin lang naman sila eh "- Sabi nya at kinindatan ako. Namula naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko at nilagay na lahat ng pinamili ko sa desk ng cashier.

Maka lipas lang ang ilang minuto, tapos na kami at agad na lumabas sa mall.

" Thank you sa pag sama sakin mamili ! Kahit na bored na bored ka na sinamahan mo parin ako "- Naka ngiting sabi ko at lumapit ng kaunti sa kanya.

" Wala yun "- Simpleng sagot nya at sumakay na ng sasakyan.

Nilagay ko muna ang mga pinamili namin sa likod at sumakay sa tabi nya at umalis.

Habang nasa byahe kami, nilabas ko ang phone ko at nag selca ulit.

Oh my ghad. Bat ang cute ko ?

" Babe sa tingin mo ba dapat ko ng tanggalin tong bangs ko or nah ? "- Tanong ko sa kanya at bahagyang inayos ang bangs.

Nilingon nya ako ng kaunti bago sumagot.

" Maganda ka parin naman. May bangs man o wala "- Hindi ko mapigilang mapa-ngiti.

Anong meron kay Deus ngayon at panay ang banat nya ? Nakakainis na sya ! Mapupunit na tong bibig ko sa kaka-ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com