Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

35th

Deus' POV

Agad akong lumapit kay Tamara nang bumagsak sya sa sahig.

" Tammy ! "- Tawag ko sa kanya habang bahagyang tinatapik ang pisngi nya.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa nang makita ang pawis sa noo nya. Sobrang namumutla sya.

Agad ko syang binuhat at kasabay ng pag tayo ko ay syang pag bukas ng pintuan.

" Tammy ! "- She shrieked at lumapit saakin.

" What happened to her !? "- Nag aalalang tanong nya at iginilid ang mga buhok na nasa mukha nya.

" Sumakit yung ulo nya tapos nag pass-out sya "- Sagot ko sa kanya.

" Dalhin natin sya sa hospital "- Sabi nya at agad na lumapit sa bag ni Tamara at lumabas. Sumunod naman ako sa kanya.

Dali-dali kaming pumunta sa parking lot at huminto sya sa harap ng isang itim na sasakyan. Agad nyang binuksan ang back seat. Agad ko namang inihiga doon si Tamara.

" I'll drive "- Sabi nya nang akmang kukuhain ko na sa kanya ang susi ng sasakyan nya.

Tumango naman ako at umikot sa kabila at ganun din sya.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo na Tamara at ipinatong ito sa lap ko. Agad naman na pinaandar nung babae ang sasakyan nya.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong titigan si Tamara.

Hinawi ko ang iilang buhok na naka harang sa mukha nya.

Her blonde hair suits her well.

It's been 2 years pero wala paring nag babago sa itsura nya. 

Pero bakit ibang-iba na sya ? 

" We're here "- Agad naman akong napa tingin sa harap at luminga-linga.

Lumabas na yung babae kaya lumabas na din ako at dahan-dahan syang binuhat.

" What happened ? "- Tanong ng isang doktora nang makita kami.

" Biglang sumakit ang ulo nya at nag pass out sya "- Sagot ko naman at inihiga sya sa isang hospital bed.

Wala naman akong narinig na sagot ng doctor kundi ang pag tango lang nya at kasabay nun ay ang pag guide samin ng isang nurse sa waiting area sa labas ng ER.

Napa upo yung babae at sumandal.

" Kaano-ano ka ni Tamara ? "- Tanong ko sa kanya. Napa mulat naman sya at tinignan ako.

" Kaibigan nya ako "- Sagot naman nya sakin.

Napa kunot ang noo ko. Kaibigan ? Bakit hindi ko sya kilala ?

" Paano kayo nagkakilala ni Tamara ? Sino ka ? "- Sunud-sunod na tanong ko ulit sa kanya.

" I'm Jennica. Nagkakilala kami ni Tamara kasi ako ang nag dala sa kanya sa hospital nung naaksidente sya "- Sagot naman nya. 

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nya.

" Naaksidente ? "- Tanong ko sa kanya.

Tumango yung Jennica at tinanggal ang kamay kong naka hawak sa braso nya.

" Keep your hands off will you ? "- Mataray na sabi nya at umupo.

" Hindi ko na matandaan kung kelan yung exact date pero dalawang taon na nung nangyare yung aksidente "- Panimula nya.

Flashback

Jennica's POV

Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang itim na sasakyan. Sobrang bilis ng paandar nito at hindi nya napansin na ginagawa ang kabilang side ng kalsada.

Agad akong kinabahan nang mapag tanto na bangin ang nasa kaliwa ko at kapag bumangga sya sakin, pareho kaming mamamatay.

Akala ko sasalpok ang sasakyan nya sa sasakyan ko kaya nanlaki talaga ang mata ko nang makita na ikinaliwa nya at sumalpok sya sa isang malaking puno. Agad kong inapakan ang preno ng sasakyan ko at bumaba.

" Oh my god "- Napa takip ako sa bibig ko sa nadatnan ko.

Wasak na wasak ang unahan ng sasakyan at hindi ko makita kung sino ang naka sakay dito dahil tinted ang sasakyan.

Nanginginig man ay kinuha ko ang phone sa bulsa at agad na tumawag ng ambulance.

Mabuti nalang ay mabilis silang dumating at dahan-dahan nilang inilabas ang driver which is isang babae.

Hindi ko man sya kilala, agad akong sumunod sa ambulance hanggang sa hospital.

Agad nilang isinugod ang babae sa ER kaya napa upo ako sa isang upuan na malapit doon.

Napa sandal ako at pumikit ng madiin.

Maya-maya lang ay may lumabas na doctor kaya napa tayo ako.

" Ikaw ba ang pamilya ng pasyente ? "- Tanong nya sakin.

" H-hindi po. H-hindi ko po sya kilala p-pero ako po ang nakakita sa kanya "- Nauutal na sagot ko sa doctor.

" K-kamusta po sya ? "- Tanong ko at bahagyang sinilip ang silid.

" She's not okay. Masyadong malakas ang pagkakabangga nya at dahil sa lakas ng impact, naapektuhan ang kanang kamay at ang mga paa nya. Hindi natin masasabi kung makakalakad pa ba sya o hindi na "- Sabi ng doctor sakin.

Napa takip ako sa bibig ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ko man sya kilala, hindi ko man sya kaano-ano, naaawa ako sa kanya.

" Kailangan ma-contact ang pamilya nya. Wala ba talaga syang ID o kahit ano para malaman ang identity nya ? "- Tanong ng doctor. Umiling naman ako bilang sagot.

Napa buntong hininga ang doctor.

" A-ako nalang po ang sasagot sa b-bills nya, but please. Do everything you can para mabuhay po sya "- Paki-usap ko sa doctor. Tumango naman ito.

" Ililipat na namin sya ng room "- Sabi ng doctor at umalis na sya.

Biglang nanghina ang tuhod ko kaya napa upo ako.

Paano ko malalaman kung sino sya ? Paano ko mako-contact ang pamilya nya ?

Napa sandal ako at pumikit.

Ilang linggo na ang nakakalipas at hindi parin sya gumigising. As usual, lagi ko syang dinadalaw at dinadalhan ng bulaklak.

She really reminds me of Jasmine. Magka-mukha na magka-mukha sila. Kaya siguro ganun nalang ang pag-aalala ko sa kanya.

Napa lingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas.

" Tamara "- Bulong ng isang lalaki at lumapit sa babae.

" Sino ka ? "- Tanong ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto na ang sikat na si Hugh Saavedra ang nasa harap ko.

" What happened to her ? "- Nag aalalang tanong nya sakin.

" Gaano na sya katagal dito ? "- Tanong ulit nya sakin.

" Naaksidente sya, ilang linggo na ang nakakalipas "- Sagot ko naman sa kanya.

" Thank you for taking care of her. Ilang linggo na namin syang hinahanap "- Pasasalamat nya sakin.

Napa ngiti naman ako ng tipid dahil sa sinabi nya.

" Kaano-ano mo sya ? "- Tanong ko.

" Girlfriend ko "- Sagot naman nya.

Napa tango ako at tumayo na.

" Maiwan ko muna kayo "- Paalam ko at lumabas ng kwarto.

Somehow panatag na ang loob ko. Buti naman at may nakakakilala sa kanya.

It's been 5 months already at hanggang ngayon ay coma parin si Tamara. Lagi ko parin syang dinadalaw pati rin si Hugh.

Kaaalis lang ni Hugh at nag paalam na baka hindi raw sya maka dalaw ng ilang araw at dahil may taping daw sya

Inayos ko ang kumot nya at agad na napa hinto nang makita na gumalaw ang daliri nya.

Akala ko namamalikmata lang ako pero gumalaw ulit ito kasabay ang unti-unting pag bukas ng mata nya.

Agad kong tinawag ang doctor at sinabing gising na si Tamara.

Agad syang chineck ng mga doctor at agad kong tinawagan si Hugh na gising na si Tamara.

Saktong pagkatapos i-examine ng mga doctor si Tamara ay syang pag dating ni Hugh.

" Tamara "- Agad syang lumapit kay Tamata at hinawakan ang kamay nito.

" S-sino ka ? "- Paos na tanong nya at tumingin sa paligid.

" N-nasaan ako ? "- Tanong ulit nya.

" Kailangan kong umalis dito baka nag-aalala na si Bianca sakin "- Dagdag nya at akmang tatanggalin ang dextrose nang pigilan sya ni Hugh.

" Hindi ka pa malakas Tamtam, you need to rest "- Sabi naman ni Hugh.

" Si-sino ka ba ? "- Tanong nya kay Hugh.

" Hindi kita kilala "- Dagdag nya. 

Ako ang nasasaktan para kay Hugh. Hindi sya matandaan ng girlfriend nya. Lumabas ako ng kwarto at sumunod sakin si Hugh at kinausap namin ang doctor.

" Doc, bakit hindi ako kilala ni Tamara ? Pero yung kaibigan nya natatandaan nya "- Tanong ni Hugh.

" It's because meron syang Post-traumatic amnesia. Ito ay uri ng amnesia na nakakalimutan ng pasyente ang tao o isang bagay na iniisip nya bago sya maaksidente. Since hindi ka nya matandaan, ang mga memories nya na involve ka ay hindi nya rin marerecall "- Pag papaliwanag ng doctor samin.

" Gaano po katagal bago bumalik memories nya ? "- Tanong ko naman.

" To be honest, having that type of amnesia is either permanent or it will take long for her to recall her memories "- Sabi ng doctor.

" Kung gusto nyang bumalik ang ala-ala nya, take her to places where you've been before, try telling her stories about what you usually does together but don't rush her. It will take time "- Sabi ng doctor bago nag paalam na aalis na sya.

Isang linggo na ang nakakalipas at dumating ang parents ni Tamara. Miski parents nya ay hindi nya maalala kaya napag pasyahan nilang dalhin si Tammy sa California para doon ipagpatuloy ang pagpapagaling nya. After nilang umalis ay sumunod ako dahil andun ang parents ko at simula nun ay naging mag-kaibigan na kami ni Tammy.

End of flashback

[back to Deus' POV]

I clenched my fist after kong marinig ang nangyare kay Tamara.

They're feeding her with lies ! Hindi ko mapapatawad si Hugh sa ginawa nya. Sabi ko na eh, everything's not right !

I'll win her back. Babawiin ko si Tamara.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com