Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

36th

Tamara's POV

It's been a week nang ma-hospital ako. And i'm keeping a distance from Hugh's step brother.

Sinimulan na ang pag build ng bagong building namin, at kaya ako nasa Pinas ay para bantayan ito. Every morning pumupunta ako sa site. Kinakausap ko naman sya dahil sa business hanggang dun lang. Hindi ko sya kinakausap kapag wala na akong maitatanong regarding sa business at sa building.

Since that day, lagi ko ng kasama si Hugh. Lagi syang nasa tabi ko.

Except ngayong araw.

" I'll be fine "- Ani ko sa kanya.

" Sumama ka nalang kasi sakin. Isang linggo lang naman yun "- Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Andito kami sa bahay nila ngayon at tinutulungan ko syang mag impake. Pupunta kasi syang Boracay ngayon dahil may photoshoot sya doon.

" I badly want to come with you pero may trabaho pa akong kailangan gawin dito sa Manila "- Sagot ko sa kanya at pinag patuloy na tupiin ang polo nya na nasa lap ko.

" Paano kung may mangyare nanaman sayo ? Wala ako dito para samahan ka "- Nag-aalalang sabi nya.

Inilagay ko sa isang gilid ang polo nang maitiklop ko na ito.

" Andyan si Jen, Hugh. Don't need to worry okay ? "- Naka ngiting ani ko at hinawakan nag pisngi nya.

" Tapusin mo nalang kaagad ang shoot para maka-uwi ka kaagad "- Biro ko at itinuloy na ang pag tiklop ng damit nya.

" Sumama ka na kasi. Hindi ako mapapanatag "- Parang bata na sabi nya habang naka yakap sa likod ko.

Hindi ko naman mapigilan na mapa-ngiti dahil sa inaakto nya.

" You don't need to worry babe, hindi naman kita ipagpapalit sa step brother mo "- Natatawang asar ko sa kanya.

Para naman syang napa hinto dahil sa sinabi ko.

Bahagya ko syang nilingon.

" Why ? May problema ba ? "- Tanong ko sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

" Hindi mo ako ipagpapalit ah ? "- Sabi nya na naging dahilan ng pag kunot ng noo ko.

" Ikaw lang ang meron ako Tamtam "- Ani nya at niyakap ako.

" Ayaw ko na pati ikaw maagaw sakin "- Bulong nya siguro para sa sarili nya pero narinig ko.

Niyakap ko sya pabalik at tinap ang likod.

" I talked to your parents "- Ani nya at kumalas na sa yakap.

" Huh ? Tungkol saan ? "- Tanong ko at bumalik na sa ginagawa.

" About our engagement party "- Sagot nya.

" What about our engagement party ? "- Tanong ko ulit sa kanya.

" I asked them kung okay lang sa kanila na next month na gawin "- Sagot nya na naging sanhi ng pag tingin ko sa kanya.

" Pumayag sila ? "- Excited na tanong ko.

Ngumiti naman sya at tumango bago ako hinalikan sa noo.

" Kaya pag-uwi ko galing Boracay, aayusin na natin ang party "- Sabi nya at inilagay sa tenga ko ang iilang strands ng buhok ko.

Lumawak ang ngiti ko. At last ! Maayos na ang engagement namin.

Naka ngiti kong inilagay sa maleta ang mga damit nyang tiniklop ko.

" Mag ayos ka na "- Sabi ko at tumingin sa orasan na nasa may side table nya.

" Baka ma-late ka sa flight "- Pag papatuloy ko at isinarado ang maleta nya.

Tumayo naman sya at kumuha ng damit bago dumaretso sa banyo.

Nang maisarado ko na ang maleta nya ay itinayo ko na ito at umupo sa kama nya.

Humiga ako at inilibot ang paningin. Napako ang tingin ko sa isang shelf. Tumayo naman ako at lumapit dito.

Napa ngiti ako at kinuha ang frame.

Ito ang picture naming dalawa sa Hongkong. Naka talikod kaming dalawa at magka-hawak ang kamay tapos punung-puno ng makulay na fireworks ang langit.

Nalipat naman ang tingin ko sa katabing picture nito. Katulad lang rin sya nung unang picture kaso ito, naka tingin kami sa isa't isa. 

Hindi ko naman mapigilang mapa ngiti ng malawak sa last na picture. Katulad rin sya ng unang picture pero this time, he kissed my lips.

Naalala ko tuloy na ito ang unang beses na nahalikan nya ako sa labi simula nung aksidente. I remember the feeling, na parang may sariling fireworks sa tyan ko. 

Naka ngiti kong ibinalik ang frame sa shelf at tinignan ang mga librong nasa shelf nya.

Napa ngiti ako nang makita ang set ng percy jackson sa shelf nya. Naalala ko tuloy yung kinuwento nya sakin. Ang unang pagkikita daw namin is sa powerbooks. Isang set na lang daw kasi ang meron dun at nagkasabay kami ng pag kuha. Ang sabi nya, imbes daw na awayin ako ay ibinigay nalang nya sakin ito. Mas masaya siguro kung hindi na nya kailangan ikwento sakin yung mga pangyayari na yun, mas masaya sana kung naaalala ko iyon, kaso hindi eh. Dahil sa aksidente.

Napa kunot ang noo ko sa isang libro doon. Wala itong title sa spine kaya kinuha ko ito. Pag buklat ko ay nagulat ako nang makita ang sandamakmak na picture ko.

May isang picture na nahulog kaya agad akong umupo at kinuha ito. Napa kunot ang noo ko nang makita na kasama ko sa picture na ito ang step-brother nya.

Nag gigitara ang step brother nya at naka-pikit na kumakanta samantalang ako ay naka-titig lang sa kanya.

Bakit may picture akong ganito ?

Kilala ko na ba noon pa ang step-brother nya ?

Bakit hindi ko alam to ?

Tinignan ko pa ang ilang picture pero puro ako na ito.

Itong picture na ito lang talaga ang may kasama ako.

Narinig ko ang pag patay ng shower kaya napa lingon ako sa banyo kaya dali-dali kong ibinalik sa libro ang mga picture at ibinalik sa shelf.

Agad akong umalis doon at umupo nalang sa kama nya.

Maya-maya lang ay lumabas na sya. Naka suot sya ng plain white t-shirt at ripped jeans. Napa ngiti ako nang makita sya.

" Ang gwapo naman po pala "- Natatawang ani ko at lumapit sa kanya.

" Akin na, ako na mag aayos ng buhok mo "- Sabi ko. Ngumiti naman sya at inabot saakin ang towel na ginagamit nya at umupo sa kama.

Agad kong pinatuyo ang buhok nya gamit ang towel at sinuklay ito.

" Ayaw mo talagang sumama ? "- Naka ngusong tanong nya habang sinusuklay ang buhok nya.

" Wag makulit okay ? "- Natatawang sagot ko naman sa kanya.

" Pumunta nalang tayo ng Boracay kapag tapos na lahat ng gawain okay ? "- Ani ko.

Naka nguso naman syang tumango. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na pisilin ang ilong nya kasi ang cute nya.

Nang tapos na syang mag-ayos ay lumabas na kami ng kwarto nya.

Kasabay namin na naka-dating sa may hagdan ang step brother nya. Agad naman akong nag tago sa likod ni Hugh at hinawakan ang kamay nya.

Nag lakad na si Hugh pababa kaya sumunod ako sa kanya, habang nasa likod ko naman ang step brother nya.

" Ah, Deus "- Sabi ni Hugh at humarap sa kanya. Hindi ko sya tinignan.

" Pwede ka bang sumama samin sa airport "- Agad kong nai-angat ang tingin ko kay Hugh.

What was he thinking !?

" Para may kasama si Tamara sa pag punta sa site. Hindi kasi ako mapanatag kapag alam kong sya ang nag ddrive "- Sabi nya.

" Okay lang ako. Kaya ko naman Hugh "- Mabilis na sabi ko.

Nilingon naman ako ni Hugh.

" Wag na makulit okay ? Kailangan mo ng kasama. Hindi California ang Pinas, mas gusto kong may kasama ka "- Sabi naman nya at nilingon ulit ang step brother nya.

" Okay lang ba ? "- Tanong ni Hugh.

Tinignan ako ng step brother nya.

" Okay lang. I'll drive "- Sabi naman nya.

Ngumit si Hugh at inabot kay Deus ang susi ng sasakyan nya at lumabas na kami ng bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com