38th
Tamara's POV
Hindi ko alam pero napa-titig ako sa wallpaper nya.
Alam kong hindi ito recent picture kasi black pa ang buhok ko dito. Ang hindi ko lang maintindan, bakit may picture kaming dalawa na hindi ko alam ?
By any chance... kakilala ko na ba sya noon pa man ?
Napa kurap ako at iniangat ang tingin at doon ko nakita si Deus na naka tayo at naka tingin sakin.
" Bakit may picture tayong dalawa ? "- Tanong ko kaagad sa kanya.
Hindi naman sya naka sagot kaagad. Naka tingin lang sya sakin. Huminga ako ng malalim at pumikit.
" Bakit may picture tayong dalawa Deus ? "- Pag uulit ko.
Akmang sasagot na sya nang tumunog ang phone nya kaya pareho kaming napa lingon ni Deus dito.
I shouldn't be reading his text messages i know but sorry, hindi ko napigilan ang sarili kong basahin ang text message sa kanya.
Napa kunot ang noo ko nang mabasa ang text.
09*********
I'll be home in a week ! Hope to see you soon Deus :) i miss you, you know ? Ako ba namiss mo ? Haha see you soon :* By the way, this is Talia :)
Talia ? Hindi kaya ang Talia na ito ay yung babaeng tinutukoy sa panaginip ko ?
Napa iling ako sa thought na yun. C'mon Tammy, ang daming Talia sa mundo.
Hindi ko alam pero bakit bigla akong nairita.
Hinawakan ko ang phone nya and handed it to him.
" Looks like your girlfriend missed you "- Sarcastic na sabi ko sa kanya.
Hindi nya kinuha ang phone nya na hawak hawak ko kaya tinignan ko sya at tinaasan ng kilay at nilapit ulit sa kanya ang phone nya.
" Don't you miss your girlfriend ? Go on, replyan mo "- Sabi ko at inabot sa kanya ang phone nya.
" It's not what you think Tammy- "- He tried to explain but i cut him out.
" Why are you explaining yourself ? Wala naman akong pake "- Simpleng sagot ko and shrug a bit.
Pinag patuloy ko nalang ang pag kain ng mojos at uminom ng coke.
Bumuntong hininga naman si Deus bago sya umupo sa dating pwesto nya, which is sa harap ko.
Tahimik kong kinain ang mojos ko at hindi na pinansin si Deus.
Hindi ko talaga alam pero naiirita ako. Bigla akong nairita nang mabasa ko yung text sa kanya.
" Tammy... "- Tawag nya sakin.
" Don't call me Tammy. We're not even friends "- Sagot ko sa kanya at kinagat ang straw ng coke ko.
" Hindi naman kasi- "- Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at agad na tumayo.
" Tara na sa site. May pupuntahan pa ako "- Pag dadahilan ko kahit wala naman talaga akong pupuntahan. Isinukbit ko na sa balikat ko ang dala kong bag at agad na naglakad palabas.
Ramdam ko naman na naka sunod sya sakin. Huminto ako sa tapat ng sasakyan nya at agad na sumakay sa shotgun seat. Sinuot ko nag glasses ko and put my earphones on.
Ewan, ayaw ko sya kausapin. Lalo na kung tungkol dun sa Talia na yun.
Nakakainis ! Nakakainis ! Palihim ko syang iniirapan. Hindi naman nya nakikita since naka glasses ako.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at hindi ko namalayan na naka tulog pala ako.
Nagising ako sa pag yugyog sakin. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at tinanggal ang earphones ko.
" Andito na tayo "- Napa lingon ako sa kaliwa ko at oo nga pala. Kasama ko si Deus.
Tinanggal nya ang seat belt nya at ganun din ang ginawa ko at sabay kaming bumaba ng sasakyan.
Nauuna akong mag lakad sa kanya. Inikot namin ang site. Binabati naman ako ng mga manggagawa at syempre, binabati ko naman sila pabalik.
Well, it's been a week nang simulan ang paggawa sa building and i was impressed dahil mabilis silang mag trabaho. I will definitely give them bonus once the building was built.
Lakad lang ako ng lakad habang naka tingala. Ang ganda kasi ng ulap ngayon, parang ang sarap titigan. Hindi ko napansin na may kumpol pala ng bato sa daanan ko at napa tili ako nang matapilok ako sa mga ito.
Akala ko madadapa ako, pero may humila ng kamay ko kaya napa ikot ako paharap sa kanya at na-out of balance. Hindi naman kami natumba pero napa subsob ako sa dibdib ni Deus.
" Okay ka lang ? "- Puno ng pag aalalang tanong nya sakin.
Hinawakan nya ang braso ko at inalalayan akong maka tayo ng maayos.
" May masakit ba sayo ? Ano ? "- Tanong ulit nya sakin. This time, naka tingin sya sakin at kitang kita ko ang concern sa mukha nya
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ? May kakaiba sa mga mata nya na ang sarap titigan. Hindi ko alam pero may kung ano sa sarili ko na gusto syang yakapin.
Bahagya akong umiling at kumurap.
" O-okay lang ako. T-thank you "- Nauutal na sagot ko at bahagyang inilayo ang sarili sa kanya.
Mukhang ayaw pa nyang bitawan ang kamay ko kaya ako na mismo ang bumawi ng kamay ko at tumalikod na sa kanya. Napa kagat naman ako sa pang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan.
" Ouch "- Inda ko nang ilakad ko ang kanang paa ko.
Naramdaman ko naman na nasa tabi ko kaagad si Deus at hinawakan niya ang siko ko.
" Are you really okay ? "- Tanong nya sakin.
" M-masakit yung paa ko "- Sagot ko sa kanya.
Binitawan naman nya ang siko ko at agad na umupo.
Medyo iniangat niya ang laylayan ng jeans ko.
" May sprain ka "- Seryosong sabi nya at iniangat ang tingin sakin.
" I'll take you to the clinic "- Sabi nya at agad na tumayo. Next thing i knew, nasa braso na nya ako at buhat buhat na parang bagong kasal.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapa titig sa kanya.
Napa pikit ako ng madiin nang may matinis akong kung anong narinig and here comes the visions again.
Nasa bar yung babae, may kasama syang dalawang lalaki. Nag punta sa restroom yung babae at pag balik nya sa pwesto nila, narinig nyang nag uusap yung dalawang lalaki about Talia. The girl heard it all, na hinahanap parin ng lalaki si Talia at hindi ito nawawalan ng pag asa na makasama nya muli ito. Tinakpan ng babae ang kanyang bibig at agad na pinahid ang luha na tumulo sa mata nya.
" Are you okay ? "- Napa mulat ako nang marinig ni Deus.
" Y-yeah "- Sagot ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa dibdib ni Deus.
Medyo masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Mukhang kailangan ko ng magpa-check up ulit. These visions gives me chills. Parang totoo. Parang andun talaga ako sa pangyayare na yun.
Hindi ko naman alam if i'm just hallucinating or imagining things or if it's my memory. Nagtataka lang ako, if ever na memory ko ang mga iyon, bakit parang ang sakit sakit naman ? Parang pinagkaitan naman ako ng kasiyahan. Base on my parents and Hugh's story, masaya kami before the incident happened. Halos lahat nga ng ikinukwento nila sakin ay masaya, they never told me that i cried nor i was hurt.
Naramdaman kong inilapag ako sa isang malambot na parang kama kaya iminulat ko ang mata ko. May nurse naman na agad na lumapit saakin.
" Ano pong nangyare ? "- Tanong nito.
" Mukhang may sprain sya, check her please "- Sabi naman ni Deus. Tumango yung nurse at agad na lumapit sa right foot ko at tinignan ito.
" I'll wait outside "- Paalam ni Deus. Tumango naman ako at lumabas na sya.
Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan nalang ang nurse na gawin ang kailangan nyang gawin sa paa ko.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na daw sya sa paggamot sa paa ko. At may sprain nga ako.
" Mag pahinga nalang po muna kayo and use ice po until the swelling goes down. As of now, masakit pa po talaga sya "- Ani ng nurse. I gave him a slight smile bago umupo sa kama.
" Thank you "- Pasasalamat ko sa kanya. Nginitian naman nya ako pabalik.
" Ma'am, mas better po siguro kung wag nyo nalang muna suotin itong sapatos nyo "- Sabi nya saakin at pinakita ang sapatos ko.
" Oh, okay "- Sagot ko naman. Iniabot nya sakin ang sapatos ko at inalalayan akong maka baba.
Naka alalay saakin yung nurse hanggang sa maka labas kami ng tent.
Napa hinto ako sa nakita ko.
" Ha ! You didn't expect my soon this soon right ? I missed you Deus ! "- Ani ng babae habang naka yakap kay Deus.
Bakit parang nasasaktan ako sa nakikita ko ? At bakit parang ang sakit lalo kasi parang ang saya-saya ni Deus habang kayakap yung babae na iyon ?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com