Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

39th

Tamara's POV

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako naiinis sa nakikita ko.

Naiinis ba ako o nasasaktan ?

I mentally slap my face. Why would i feel those things towards to Deus ? Ano namang pakielam ko kung may kayakap sya ?

" Ma'am "- Tawag nung nurse sakin kaya napa lingon ako sa kanya.

" Uhm... gusto nyo po bang pumasok nalang muna ulit ? "- Nag aalangan na tanong sakin ng nurse.

" No, i'm fine "- Sagot ko at binigyan pa sya ng ngiti.

Napa lingon ako ulit sa dereksyon nina Deus at saktong napa lingon sya sa dereksyon namin. Nawala ang ngiti nya sa labi at agad na humiwalay dun sa babae. Mukhang nag taka naman yung babae at napa lingon din sya sa dereksyon ko at mukhang nagulat sya nang makita ako.

" Okay ka na ? "- Tanong ni Deus at agad na lumapit sakin.

" She need to rest po sir and use ice po hanggang mawala yung pamamaga ng paa nya "- Ani ng nurse. Tumango naman si Deus sa sinabi ng nurse.

" Thank you. I'll take it from here "- Sabi ni Deus at ipinulupot sa bewang ko ang kamay nya.

Hindi ko alam pero bahagya akong napa talon sa ginawa nya. 

Why do i suddenly felt some electricity when he touched my waist ?

Napa lingon ako sa kanya at binigyan nya ako ng ngiti.

" Tamara ? Is that you ? "- Napa lingon ako sa babaeng nasa harap ko.

" OMG ! Ang tagal mong nawala ! "- Parang gulat na gulat na sabi nya.

Napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

" Sorry ? But i don't know you "- Nag aalangan kong sabi sa kanya.

" C'mon ! Don't tell me nalimutan mo na ako ? It's me ! Talia "- Pakilala nya.

Napa titig ako sa kanya.

Ah, so sya si Talia ? Yung babaeng nag text kay Deus ? Akala ko ba next pa sya babalik dito ? Ang ganda ng next week nya ah. 

I mentally rolled my eyes at her at pinilit na ngumiti ng kaunti.

" I'm sorry, naaksidente kasi ako noon and nawala ang iba kong memory. By any chance, kilala na ba kita noon ? "- Tanong ko sa kanya.

Akmang sasagot na yung Talia nang bigla akong buhatin ni Deus. Napa tili ako dahil sa gulat at tinignan sya ng masama.

" I guess kailangan mo ng umuwi "- Sabi ni Deus at nag simula ng mag lakad.

He suddenly looks uneasy tho.

Napa lingon ako sa likod at nakitang naka sunod saamin si Talia. Nang makita nyang naka tingin ako sa kanya ay nginitian nya ako. Agad naman akong napa iwas ng tingin.

Maya-maya lang ay nasa sasakyan na kami. 

" Sa passenger's seat nalang ako "- Ani ko nang akmang bubuksan na nya ang shot gun seat.

" No- "- Hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang may mag bukas ng pintuan. Nginitian kami ni Talia at umupo sya ng shot gun seat.

Since naka upo na si Talia sa shot gun seat, walang nagawa si Deus. Binuksan ko ang pintuan at umupo nalang sa passenger's seat.

Okay, so ito pala ang feeling ng third wheel. Wow, ang saya.

Binuksan na ni Deus ang makina ng sasakyan at umalis na kami ng site. Kinuha ko nalang ang phone ko sa bag at tinignan kung may text ni Hugh pero wala parin.

Namimiss ko na si Hugh. Napa simangot naman ako at ibinalik na sa bag ang phone at sumandal.

Gusto ko sanang mag make face kaso makikita nila ako. Usap kasi ng usap yung dalawa. Well, maybe miss na miss lang talaga nila yung isa't isa. Kami din naman ni Hugh ganyan.

Bakit ba ako naiinis !? Ano bang problema ko !?

" Tammy ? "- Napa angat ako ng ulo nang marinig ang pangalan ko at tumingin sa rare mirror.

" Huh ? "- Nagtatakang responde ko.

" Are you okay ? "- Tanong ni Talia habang naka silip sakin.

" I'm fine. Don't mind me "- Naka ngiting ani ko sa kanilang dalawa.

Mukha namang nag aalangan si Deus kasi sinusulyap-sulyapan nya ako.

" Deus, i'm kinda hungry. Pwede bang dumaan muna tayo sa Mcdo or Jollibee ? "- Tanong ni Talia.

" Yeah sure "- Sagot naman ni Deus at agad na iniliko ang sasakyan.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa Jollibee na kami.

" Tammy, is it okay kung dito ka lang sa car ? "- Tanong ni Talia habang abala sa pag tanggal ng seat belt nya.

" Kasi diba you can't walk properly because of your sprain "- Dagdag nya at nilingon ako.

" No, hindi natin sya pwedeng iwan dito sa sasakyan "- Sagot naman ni Deus.

Bakit ba feeling ko parang gusto nitong si Talia na malayo ako kay Deus ?

Syempre nga naman Tammy, namiss nya ang boyfriend nya. Gusto nya ng QUALITY TIME with him.

" No, i'll be fine here. Kumain na kayo "- Simpleng sagot ko.

" No. I won't leave you Tammy. Never again "- Ani ni Deus bago bumaba ng sasakyan.

Bakit parang may ibang meaning yung sinabi nya ? 

Binuksan ni Deus ang pintuan sa side ko at akmang bubuhatin ako.

" Wait, mag lalakad nalang ako "- Pagpipigil ko sa kanya.

Mukhang wala namang nagawa si Deus at inalalayan akong maka baba ng sasakyan.

Akala ko aalalayan nya ako mag lakad hanggang sa loob pero nagulat ako nang buhatin nya ako at nag simula ng mag lakad papasok ng Jollibee.

Pag pasok na pag pasok namin, all eyes were on me and Deus. Sino banaman kasing hindi mapapatingin ? Eh buhat buhat nya ako.

" Deus, please put me down "- Bulong ko sa kanya.

" I'll put you down once na may table na tayo "- Sagot naman nya at umakyat sa taas.

Puno na kasi sa baba. Buti naman, pag akyat namin ay wala masyadong tao kaya naka hanap kami kaagad. 

Agad naman akong ibinaba ni Deus at naka hinga naman ako doon ng maluwag. Sumunod naman si Talia.

" What do you want to eat ? "- Tanong ni Deus kay Talia nang maka-upo ito.

" You know it already "- Naka ngiting sagot naman ni Talia.

" Ikaw Tammy ? May gusto ka bang kainin ? "- Tanong nya sakin.

" Cheeseburger and coke float will do "- Simpleng sagot ko at akmang kukuha na ng pera kaso hindi ko nga pala dala ang bag ko. 

" I'll pay you later, hindi ko dala ang bag ko "- Sabi ko kay Deus.

" No need. Bibili lang ako "- Ani ni Deus at umalis na.

Kaming dalawa nalang ni Talia ang naiwan at ewan ko ba pero naaawkwardan ako.

" How are you feeling Tammy ? "- Tanong ni Talia.

" Uhm about my sprain ? Medyo masakit parin sya "- Sagot ko naman sa kanya.

" I've heard na you and Hugh's getting married soon "- Panimula nya. Awtomatiko naman akong napa-ngiti dahil sa sinabi nya.

" Kelan ang kasal ? "- Tanong nya sakin.

" Well, as of now wala pa talaga kaming exact date kung kelan. Aasikasuhin muna kasi namin yung engagement then yung kasal after nun "- Naka ngiting sagot ko naman.

" I'm happy for the both of you "- Naka ngiting ani naman ni Talia kaya mas lumawak ang ngiti ko.

Maya-maya lang ay dumating na si Deus dala-dala ang pagkain na inorder namin.

Bakit bigla akong nanlumo nang tumabi sya kay Talia imbis na sakin ?

Tahimik ko nalang na kinuha ang burger ko at kumain.

" Hmm ! I forgot "- Ani ni Talia at uminom ng coke nya.

" Wala kasi akong place na matutuluyan while i stay here. Pwede bang sa condo mo nalang ulit Deus ? "- Tanong ni Talia kay Deus

" Sure. You should have told me earlier para napaayos ko kaagad "- Sabi ni Deus at kinuha ang phone nya.

" Nah don't bother ! Ako nalang bahala mag ayos dun "- Ani ni Talia.

" Pero, pwede bang samahan mo ako dun while i stay ? Alam mo namang hindi ako sanay mag-isa right ? "- Sabi ni Talia.

Laki laki mo na hindi ka parin sanay mag isa ? 

" It's fine with me "- Simpleng sagot ni Deus.

Bakit bigla akong nainis sa sagot nya ? Kung anu-anong kababalaghan naman ang pumasok sa utak ko kaya napa iling ako. The thing is, they'll be staying in one unit and pisses me. Big time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com