Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

43rd

Tamara's POV

Shock was written all over my face and so in Jen's face. 

" What did you just said ? "- Jen was the once who asked him. I can't seem to find my voice and tear my stare at the tablet at my palm.

" You've got to be kidding me. Yan na ang iniinom nyang gamot since her treatment starts "- Hindi makapaniwalang ani ulit ni Jen.

" Hindi ako nag bibiro. Para sa migraine ang gamot na yan. I was the one buying papa's medicine that's why i know "- Ani habang naka tingin sa mga mata ko.

" If you don't believe me, magpa-second opinion kayo sa ibang doctor. Sa doctor na hindi kilala ng parents mo at ni Hugh "- Seryosong dagdag na ani nya at tahimik na bumalik sa pag kain.

Kaya ba hindi malinaw ang visions ko, ang mukha ng taong nakikita ko dahil ang gamot na iniinom ko ay hindi ako tinutulungan ma-recall ang ala-ala ko ?

Pero bakit ngayon lang nag start magpa-kita ang mga visions na yun ?

Bakit ngayong nakilala ko si Deus lang ?

" Tammy ? "- Tawag ni Jen saakin at doon ko lang nalayo ang tingin at atensyon ko sa tabletas na hawak ko at iniangat ang tingin kay Jen.

" Go and seek a good doctor. Ask him if i'm wrong "- Ani ni Deus na hindi manlang ako tinitignan.

" M-my parents c-can't do that t-to me "- Nauutal at nalilito na sabi ko.

Kaya ba parang hindi tama ang lahat ?

Nag kibit balikat lang si Deus at bumalik na sa pag kain.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Jen sa balikat ko, ang gentleness nito.

" Gusto mo ba ? "- Nag aalalang tanong nya sakin.

" T-they can't do t-that right ? "- Tanong ko kay Jen.

Nag aalangan kung sasagot si Jen saakin or hindi. Parang miski sya may doubt na, na kayang gawin iyon ng parents ko saakin. Pati ni Hugh.

" I-i don't know Tammy. Hindi ko sila kilala before your accident... "- Nag aalinlangan na sagot ni Jen.

" And i guess that's the best thing to do. Kumuha tayo ng second opinion sa ibang doctor "- Ani nya and brushed her thumb on my shoulder.

" Sasamahan kita "- She assured and smiled at me.

I think sa mga panahon na ito, si Jen lang ang maaasahan ko.

Dahan-dahan akong tumayo at itinapon ang tabletas na hawak ko bago dinampot ang lalagyan nito.

" Aren't you coming ? "- Ewan ko pero awtomatiko ko itong naitanong kay Deus nang hindi sya tumayo kahit na wala ng laman ang plato nya.

Umiling sya bago ako nilingon.

" Baka sabihin at isipin nyo gumagawa lang ako ng paraan para masira kayo ni Hugh "- Sabi nya and there was something in his eyes na hindi ko mabasa.

Jen nudge me and guided me out of the mall.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa maka-sakay kami ng sasakyan.

" Saan tayo pupunta ? "- Tanong ko sa kalagitnaan ng byahe naming dalawa.

" My cousin's wife is a Neurologist. She can help us "- Seryosong ani ni Jen.

Tumahimik na ulit kaming dalawa at kinakabahan ako. Halu-halo yung nararamdaman ko na hindi ko ma-explain kung ano.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa maka-rating kami sa isang hospital.

Agad na bumaba si Jen sa sasakyan at agad naman akong sumunod sa kanya.

Sumakay kami ng elevator at para bang alam na alam na  nya ang lugar na ito.

Pag dating namin sa 6th floor ay huminto sya sa tapat ng isang pintuan at kumatok. May nag bukas sa babae at agad naman kaming pinapasok.

" Pasok po kayo ma'am Jennica "- Ani nung babae at tinuro ang isang maliit na office saamin.

" Thank you "- Pasasalamat ni Jen dun sa babae at nauna ng mag lakad. Naka sunod lang ako sa kanya.

Pag pasok ko sa maliit na office ay naabutan kong magkayakap sina Jen at ang isang babae na nasa mid 30's

" I missed you Jen "- Naka ngiting ani nung babae habang yakap-yakap si Jen.

" What brings you here ? "- Tanong nito at humiwalay na sa yakap nila ni Jen.

Napako ang tingin nya sakin kaya nag bow naman ako bilang pag galang.

" She's Tammy ate Dianne "- Pakilala nya sakin at nilahad ang kamay. Lumapit naman ako kay Jen.

" Good afternoon po "- Pag bati ko at nag bow ulit.

" Oh, so ikaw pala ang bff nitong si Jen "- Naka ngiting ani nya.

" Take a seat "- Ani nya ulit at tinuro ang upuan na nasa harap ng table nya.

Agad naman kaming umupo ni Jen. Agad naman na kumuha ng isang folder yung doctor.

" First, what's your real name ? "- Tanong nya nang maka upo sya sa harapan ko.

" Tamara Sue Anderson "- Sagot ko sa kanya at agad naman nyang isinulat ito sa papel na nasa folder.

" Okay Tamara, what's the problem ? "- Tanong nya at inayos ang salamin na suot nya.

" Well, uhm... "- Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang sasabihin sa kanya kaya napa tingin ako kay Jen. She just smiled at me and jerked her chin as if saying 'go on'.

" Naaksidente ako noon and nagka-amnesia ako dahil doon "- Panimula ko.

Nakikinig naman ng mabuti yung doctor and taking notes of what i'm saying.

" Kailan ka naaksidente ? "-Tanong nya.

" Two years ago "- Simpleng sagot ko sa tanong nya at tumango naman sya at sinulat ulit ito.

" Go on "- And that's my cue to continue my story.

" It's been a month already nang umuwi ako dito sa Pilipinas. Then nung nakita ko yung step brother ng fiance ko, i kept on seeing visions but blurred ang mukha nila. Hindi ko alam kung memories ko yun noon or plain imagination. Iba kasi ang ikinukwento ng parents ko saakin sa mga nakikita ko. It's the total opposite "- Pagpapatuloy ko.

Tumango lang sya habang nag nonote.

" Then Deus; Hugh's step brother saw this "- Ani ko at pinakita sa kanya ang lalagyan ng gamot ko.

Kinuha naman nya ito at tinignan.

" Is this your medicine ? "- Tanong nya sakin while examining it.

" Yes, i'd been taking that medicine since the day of my treatment until now "- Sagot ko sa kanya.

" Ang sabi ng parents ko, para raw yan sa pag-recall ng memories ko. Pero ang sabi ni Deus para daw sa migraine ang gamot na yan "- Nag aalangan ako kung itutuloy ko ba ang tanong ko sa kanya.

Jen and i exchanged glances. I heaved a deep sigh before continuing my question.

" Para saan ba talaga ang gamot na yan ? For migraine or para sa memories ko ? "- Tanong ko. 

I felt Jen squeeze my hand.

" Well, wala naman akong nakikita na mali sa gamot mo "- Sabi nya sakin.

Hindi ko alam kung relief ba itong nararamdaman ko o hindi.

" This medicine will really help you recover your memories. Hindi ito pang migraine "- Natatawang ani ng doctor at iniabot saakin ang gamot ko.

" Hindi ito for migraine ate Dianne ? "- Tanong ni Jen. Umiling naman ang doctor sa kanya.

" That medicine is really for amnesia. Hindi sya for migraine "- Ani nito and smiled.

I should be relieved but parang ang bigat ng dibdib ko ?

So gumagawa lang talaga ng paraan si Deus na masira kami ni Hugh ?

Hindi naman kasi nila magagawa ang bagay na iyon. I trust my parents and they know what's the best for me. I believe in Hugh.

" Did i answer your questions already ? "- Naka ngiting tanong nito.

" You can ask me a few more questions if there is something bothering you "- Tanong muli nya pero this time saakin sya naka tingin.

" Bakit blurred yung mukha nila ? "- Tanong ko while looking at her straight in the eyes.

" Don't rush things ija. Babalik rin ang memories mo, don't worry "- Sagot nya sakin ang squeezed my hand.

There was something in her squeeze na hindi ko maintindihan. And sorry was written in her eyes.

Sorry for what ?

" Nakakaloka talaga yung Deus na yun ! Nako ! "- Ani ni Jen at tumayo na sa kinauupuan nya.

" Sinira nya yung gala nating dalawa "- Dagdag ni Jen.

Binitiwan na nung doctor ang kamay ko.

" Wala ka ng itatanong ? "- Tanong nya sakin.

I badly want to ask why she's sorry but i don't have the guts to ask it kaya umiling nalang ako. Nginitian nya ako ng tipid at tumayo sa swivel chair nya.

" Tuloy nyo na ang gala nyong dalawa "- Ani nya habang nilalagay sa isang cabinet ang folder.

" Thank you ate Dianne. Sorry sa abala ah ? Let's go Tammy. Manonood pa tayo ng Beauty and the Beast "- Parang bumalik ang excitement sa mukha ni Jen at hinila na ako palabas.

I took a final glance at the doctor. I saw her mouthed me sorry before shutting the doors close.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com