44th
Tamara's POV
Hindi mapanatag ang loob ko dahil sa sinabi sakin ng doctor. Something's not right.
She mouthed me sorry. Why and where is she sorry ?
" Babe ? "- Nahinto ako sa pag iisip nang marinig ang boses ni Hugh.
Kauuwi lang nya ngayon. Ang alam ko dapat sa susunod na araw pa sya uuwi pero napa aga daw ang wrap up nila kaya andito na sya. Actually na-surprise kami ni Jen kasi pag-uwi namin nasa bahay sya.
" Hey, are you okay ? "- Punung-puno ng pag-aalala na tanong nya at hinawakan ang kamay ko na nasa table.
" Parang kanina ka pa wala sa sarili. May nangyare ba ? "- Tanong ulit nya.
" Something seems bothering you "- Ani nya ulit and squeezed my hand a bit.
I smiled at him at umiling.
" Nothing, everything's fine "- Naka ngiting sagot ko sa kanya.
Tinaasan nya ako ng kilay na para bang hindi sya naniniwala sakin.
" Ano ba, okay ngalang ako "- Natatawang ani ko at binawi ang kamay sa kanya dahil dumating na ang order namin.
Nasa labas kasi kami ngayon para mag dinner.
Hugh shrugs a bit at nag simula na kaming kumain.
" Kamusta naman ang prinsesa ko habang wala ako ? "- Tanong nya at nginitian ako.
Namiss ko yung mga ngiti nya.
Napa ngiti naman ako dahil sa ngiti nya.
" Okay naman, medyo na-stress lang "- Simpleng sagot ko sa kanya.
" Kawawa naman prinsesa ko, tapos nagka-sprain ka pa "- Sabi nya at parang bahagyang humina ang boses nya.
" Sorry kasi wala ako dito para alalayan at tulungan ka "- Mahinang ani nya.
Awtomatiko naman akong napa hawak sa kamay nya ang squeezed it a bit.
" You don't need to be sorry. Andun ka naman for work hindi para mag liwaliw "- Ani ko, nginitian naman nya ako ng tipid at itinuloy na namin ang pag kain.
" Babe ? "- Tawag nya sakin. Iniangat ko naman ang tingin ko at nilunok ang nasa bibig bago uminom ng tubig.
" Hmm ? "- Responde ko.
" Yung about sa engagement party "- Ani nya.
" Oh yeah, the engagement party "- Bigla naman akong na-excite sa pag sambit nya ng engagement party.
" Well, may naka usap kasi akong organizer sa Boracay kahapon. Ngayon din ang balik nya dito sa Manila. Pwede nya tayong tulungan mag organize ng engagement party "- Pag kukwento nya.
" OMG really ? That's nice ! "- Tuwang tuwa na ani ko.
Well as you can see, i'd been waiting for that engagement party for almost a year already. Ang sabi kasi ni Hugh dati, engage na kami bago pa ako maaksidente, kaso ngalang wala pang engagement party. Inaayos na daw namin yung about sa engagement nung mga time na yun kaso nga naaksidente ako, i'd been in coma for months kaya inintay nyang magising ako. Kaso unfortunately, hindi ko sya matandaan nung nagising ako. Kaya ngayon lang kami nagkaroon ng time para ayusin ang bagay na yun.
Napa titig ako kay Hugh as i recall those times na nasa California kami. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa-ngiti sa pag alaala ng mga iyon.
" What ? "- Nag tatakang tanong nya at pinunasan ang gilid ng labi.
" May dumi ba ako sa mukha ? "- Tanong nya habang patuloy sa ginagawa. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa giggle ng kaunti dahil sa ginagawa nya.
" Wala, may naalala lang ako "- Natatawang sagot ko sa kanya. Napa hinto naman sya sa ginagawa nya.
" May naaalala ka na ? "- Tanong nya. Natawa naman ako dahil sa reaksyon nya. Para kasi syang gulat na gulat na ewan.
" Baliw, naalala ko lang kasi yung mga ginawa mo for me sa California "- Natatawang sagot ko at umiling.
Para naman syang naka hinga ng maluwag dahil sa sinabi ko.
" Akala ko kung ano na naalala mo "- Bulong nya na hindi ko narinig dahil sa sobrang hina at kasunod nun ay ang pag buntong hininga nya.
" Huh ? "- Nag tatakang tanong ko. Umiling naman sya at uminom ng tubig.
" Wala "- Sagot nya habang naka ngiti. I shrug a bit at itinuloy nalang ang pag kain.
" Ano namang naalala mo nung nasa Cali tayo ? "- Tanong nya sakin. Lumawak naman ang ngiti ko.
" Naalala ko lang yung efforts mo para mahulog ako sayo "- Naka ngiti at namumulang sagot ko.
" You made me fall for you every single day. You never failed to remind me that i love you so much "- Naka ngiting pag papatuloy ko.
Lumawak naman ang ngiti ni Hugh pero parang may iba sa ngiti nya na hindi ko masabi kung ano pero isinawalang bahala ko nalang iyon.
" Syempre that's my duty as your boyfriend "- Naka ngiting ani nya.
" Matanong ko lang, why me ? Bakit pinag tyagaan mo ako ? I mean you waited until magising ako bat hindi ka nalang nag hanap ng iba ? Tapos may amnesia pa ako kaya hindi kita maalala, bakit hindi mo nalang ako iniwan ? "- Tanong ko sa kanya.
Actually matagal ko ng gusto itanong yan sa kanya, ewan ko ba kung bakit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na itanong iyon sa kanya.
Inilapag nya ang baso na hawak nya.
" Kasi mahal kita "- Simpleng sagot nya habang naka tingin ng deretso sa mga mata ko.
" Mahal kita kaya bakit kita susukuan ? Bakit kita iiwan ? "- Tanong nya na nakapagpa-pula ng pisngi ko.
" Hindi ako napagod na ligawan ka ulit halos araw-araw mapaalala ko lang sayo na mahal mo ako at para mapa-kita sayo na mahal kita "- Ani nya.
I smiled at him. Yes, pagka-gising na pagka-gising ko he started to court me. He's always there. Araw-araw nyang pinaalala at pinakita sakin kung gaano nya ako ka-mahal.
Actually nung una parang may iba. Parang hindi tama pero habang patagal ng patagal nahuhulog na ako sa kanya. I fell for him. So damn hard.
" Remember what i told you before ? Diba mga bata palang tayo nag promise na tayo sa isa't isa ? "- Ani nya at napa ngiti naman ako nang maalala iyon noon nung mga bata pa kami.
Bata pa kami noon nung nag promise kami sa isa't isa. Sya yung first love ko noon, kung hindi ngalang kami umalis at lumipat sa Houston hindi kami magkakahiwalay ng ilang taon.
" Yeah "- Naka ngiting ani ko sa kanya.
" Ang tagal ngalang nating nagka-hiwalay noon tapos wala pa tayong communication kasi hindi ko alam ang address nyo sa Houston at lumipat rin kami sa Manila noon kaya hindi talaga natin na-contact ang isa't isa "- Ani nya na parang inaalala rin yung nangyare noong mga bata pa kami.
" At dahil i'm a man of my words, tutuparin ko ang promise ko sayo noon na kahit anong mangyare, akin ka at sayo ako. I promised to be with you until we grow old at tutuparin ko yun "- Ani nya na nakapagpa-pula ng pisngi ko.
Yan kasi ang promise namin sa isa't isa noon.
" Naaksidente ka man o hindi, i will still choose you. Kasi nga mahal na kita noon pa man. Simula palang mahal na kita at kahit ano pang mangyare hindi mag babago yun "- Ani nya at pinisil ang ilong ko.
" Hay nako ! Tama na nga Hugh Saavedra, pinapa kilig mo ako ! "- Natatawang ani ko at umiling.
" Namiss kasi kita eh "- Ani nya at nag pout.
OMG bat ang cute ng isang to.
I cupped his cheeks and looked at him straight in the eyes.
" Namiss din kita okay ? Sobra sobra "- Ani ko at nginitian sya. Ngumiti naman sya sakin pabalik.
Nagulat ako nang takpan nya ang mukha nya.
" Eeeeh~ tama na Tammy, kinikilig ako "- Kunyare ay kinikilig na ani nya habang naka takip ang kamay sa mukha.
" Baliw, kumain na nga tayo ! "- Natatawang ani ko at umiling. Natawa rin ng bahagya si Hugh sa ginawa nya at ipinagpa-tuloy na namin ang pag kain.
" Bukas daw ng umaga pwede natin maka-usap yung organizer. I'll fetch you by 10 "- Ani nya saakin.
So may engagement party na talagang magaganap. Damn i'm so happy and excited.
But why do i feel that something's not right ?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com