45th
Tamara's POV
I'd been busy-no we'd been busy sa pag aayos at pag oorganize ng engagement party. Nakaka pag taka lang na engagement party palang naman pero parang ang bongga na ng gusto ng parents ko.
Agad akong umupo sa couch at sumandal tsaka ko ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang pag galaw ng couch which means may umupo sa tabi ko.
" Mukhang pagod na pagod ang prinsesa ko ah "- Narinig kong bulong ni Hugh at naramdaman ko ang pag gilid nya ng buhok na naka harang sa mukha ko.
Binuksan ko ang kanang mata ko at bumuntong hininga.
" Nakaka stress sila mama "- Ani ko at bumuntong hininga ulit. Isinandal ko ang ulo sa balikat nya.
" Nako, parang hindi ka pa nasanay kina tita "- Natatawang ani nya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri nya.
" Nagugutom ka na ba ? Almost 1 na "- Ani nya.
" Gusto ko na kumain "- I whined. I heard him chuckle a bit.
" Antayin nalang natin yung invitations tapos kakain na tayo. Saglit nalang naman na daw eh "- Ani nya habang sinusuklay ang buhok ko.
Para naman akong naka hinga ng maluwag dahil sa sinabi nya. After matapos nung invitations, we'll start na ipamigay na yun mamaya.
Ipinikit ko ang mata ko at para naman akong inaantok dahil sa ginagawa ni Hugh.
Hanggang sa hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ako.
Nagising nalang ako sa mahinang tugtog ng radio. Unti-unti kong minulat ang mata ko at umupo.
" Gising ka na pala "- Ani ni Hugh at sinulyapan ako thru the rare mirror. Nasa likod kasi ako.
" Sorry, baka kasi magising ka kung iuupo kita sa shotgun seat at baka sumakit rin ang leeg mo or something kaya inihiga nalang kita dyan sa likod "- Ani nya habang nasa daan ang tingin at bahagya syang napa kamot sa batok nya.
" Okay lang "- Sagot ko sa kanya at umayos na ng upo.
" If you want, andito yung invitations. Tignan mo nalang "- Sabi nya ata itinuro ang shotgun seat.
I leaned at doon nakita ang isang box. Kinuha ko ito at binuksan. Puno ng invitation ang box.
" Na-check mo ba to lahat ? "- Tanong ko sa kanya. Tinignan nya naman ako thru the rare mirror at ibinalik rin kaagad sa daan ang tingin.
" Yah, maayos lahat. I checked it bago tayo umalis "- Sagot naman nya.
" Sorry hindi kita natulungan "- Pag hingi ko ng sorry. I heard him chuckle a bit at tinignan ako ulit saglit thru the rare mirror.
" Ano ka ba, okay lang "- Natatawang ani nya. Napa nguso naman ako.
" Kahit na "- Bulong ko at tinignan ang invitation na hawak ko.

Napa ngiti ako sa ganda ng invitation. Ang gusto kasi namin ni Hugh simple lang pero elegante tignan.
Binuksan ko ang invitation at napa hinto ako nang makita ang pangalan ni Deus sa envelope. Pag bukas kasi ng invitation, may pangalan doon sa may gilid. Kinuha ko ang card, nandoon naka lagay kung tungkol saan ang invitation, kung saan, kelan at anong oras.
Bigla akong nainis dahil sa pangalan ni Deus. Kung pupwede ngalang sabihin na wag na syang imbitahin sinabi ko na kay Hugh, kaso step brother nya ito kaya imposibleng hindi ito imbitado.
Naalala ko nanaman tuloy yung sinabi nya sakin na gamot daw for migraine yung iniinom ko pero hindi naman pala. Tch gumagawa sya ng paraan para lang masira kami ni Hugh. Nakakainis ! Ano bang gusto nya !?
Isinandal ko ang likod at pumikit.
" You okay ? Gutom ka na ba ? "- Narinig kong tanong ni Hugh. I heaved a sigh at ibinalik na ang card sa loob ng invitation.
" Medyo. Malapit na ba tayo ? "- Tanong ko sa kanya habang ibinabalik sa box ang invitation at sinarado ito.
" Ah oo, may malapit ng Mcdo dito "- Sagot naman nya. Ngumuso ako.
" Ayaw ko sa Mcdo "- Ani ko sa kanya. Napa taas naman ang kilay ni Hugh dahil sa sinabi ko at tinignan ako saglit.
" Saan mo gustong kumain ? "- Tanong nya sakin.
" I don't know "- Naka ngusong sagot ko naman.
" Ayan ka nanaman "- Natatawang ani nya at umiling.
" Parang gusto ko sa buffet ? "- Nag aalangan na sabi ko sa kanya.
" Sige po mahal na prinsesa "- Ani nya. Napa irap naman ako dahil sa sinabi nya at natawa ng bahagya.
" Oo nga pala, dadaan pa ba tayo sa site mamaya ? "- Tanong nya sakin.
Oo nga pala, isang linggo na akong hindi nakaka daan o bisita doon.
" Bukas nalang siguro, medyo pagod na ako ngayong araw "- Sagot ko. Tumango naman si Hugh.
Natahimik na kaming dalawa at makalipas ang ilang minuto ay nasa mall na kami.
" Saang buffet mo ba gusto ? "- Tanong nya sakin habang nag lalakad kami sa Mega Mall.
" Kumain muna Tammy "- Natatawang ani nya while cupping my cheeks para maiwas ang tingin ko sa power books.
" Kumain muna tayo tapos daan tayo dito bago umuwi okay ? "- Naka ngiting ani nya and pinched the tip of my nose.
" Promise ah ? "- Ani ko habang pinansisingkitan sya ng mata. Tumango naman sya at hinawakan na ang kamay ko at nag escalator na kami.
Madaming mata ang napapa tingin sa dereksyon namin. Well sino banaman ang hindi mapapa lingon kung sobrang gwapo ng kasama ko ?
" Alam mo minsan, gusto ko nalang takpan yang mukha mo "- Sabi ko while cupping his cheeks.
" Bakit kasi kailangan mo maging ganito ka-gwapo ? "- Ismid ko at pinisil ang pisngi nya.
" Don't worry. Marami mang tumitingin sa gwapo na to, ikaw lang naman ang titignan ko "- Banat nya and nudge me a little bit atsaka nag taas baba ng kilay.
Hindi ko naman napigilan ang sarili na ngumiti at mamula ng bahagya dahil sa sinabi nya. Umiling ako at bumaba na ng escalator.
" Akala mo ba ako lang tinitignan nila ? "- Ani nya at inayos ang beanie na suot nya.
Napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.
" Hindi lang naman ako ang pinag titinginan. Ikaw din kaya. Tch "- Ismid nya at hinawakan ang kamay ko at pinag intertwine ang mga ito.
" Ang sarap tanggalin nung mga mata nila dahil sa tingin nila sayo "- Dagdag nya at bahagyang humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
Umiling nalang ako at nag lakad nalang kami ng tahimik.
Maya-maya lang ay nasa taas na kami kung nasaan ang mga buffet.
" Saan mo gusto ? "- Tanong nya sakin habang nag lalakad at tinitignan ang mga naka hilerang buffet.
Luminga-linga ako at ewan ko pero napa hinto ang tingin ko sa isang buffet for sweets.
Cajun
Bakit parang familiar ?
Napa kurap ako nang biglang may mag flash na imahe.
Nag lalakad yung babae paakyat. At nang nasa taas na floor na sya ay tinignan nya ang papel na hawak nya na may naka sulat na 'Cajun' hinanap nya ito at nang makita nya ay sarado ang mga ilaw pero maya-maya lang ay umilaw ito at may lalaking naka upo sa gitna. Puno ng paper hearts ang sahig at ang paligid. Agad nyang nilapitan ang lalaki.
' Ano to ? ' nag tatakang tanong nung babae habang tinitignan ang buong paligid.
' Ang sakit naman na hindi mo naalala tong araw na to ' malungkot na sagot naman nung lalaki at doon lang nya naalala na 1st anniversary nila. Binigyan sya nung lalaki ng teddy bear at ng singsing as a gift.
" Tammy ? "- Napa kurap ako at bahagyang na-out of balance. Buti nalang nasa tabi ko si Hugh at inalalayana ko.
" Hey, are you okay ? "- Punung-puno ng pag aalalang tanong nito.
Lumunok sya at tumango.
" I guess gutom ka na talaga. Dito nalang tayo sa Dads "- Ani ni Hugh at inalalayan na akong mag lakad papasok dito.
Agad naman kaming naka hanap ng lamesa. Pinaupo na nya ako at sya na ang kumuha ng pagkain ko.
Napa sandal ako at ipinikit ang mata. Maya-maya lang ay bumalik na si Hugh na may dalang pagkain at nag simula na kaming kumain.
Nag tagal kami sa buffet dahil gutom kaming pareho. Bandang 6 na kami naka labas dahil kumain talaga kami ng kumain.
" Gusto mo bang dumaan muna sa bahay ? "- Tanong ni Hugh habang nag ddrive. Pauwi na kasi kami ngayon.
" You know, to give mom and dad the invitation "- Pag papatuloy nya.
Well medyo matagal ko na ring hindi nakikita sina tito at tita.
" Yeah, sure "- Sagot ko naman.
Tumahimik na kaming dalawa at makalipas ang halos isang oras ng pag ddrive ay nasa bahay na nila kami.
Hugh being a gentleman, opened the door for me at sabay kaming pumasok sa loob.
Naabutan namin sila tita sa may sala na nanonood. Napa hinto ako sandali nang makita si Deus at agad na iniwas ang tingin nang mag tama ang mga ito.
" Good evening po tito, tita "- Naka ngiting bati ko sa kanila.
" Good evening din iha "- Naka ngiting bati naman nila sakin.
Hugh handed them the invitation na ipinag taka nila.
Tinignan ako ni Hugh and jerked his chin to his step brother. Huminga ako ng malalim at inabot ito kay Deus.
Hindi maipinta ang mukha nina tito at tita nang mabasa ang nasa loob ng invitation.
" Hugh, let's talk "- Seryosong sabi ni tito at umakyat sa taas.
Sumunod naman si Hugh.
" Wait here Tammy, saglit lang kami "- Pahabol ni Hugh and kissed my foreheard at sumunod na kina tito.
So naiwan nanaman kami ni Deus. At ang awkward nanaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com