46th
Deus' POV
Tinignan ko ang laman ng inabot sakin ni Tamara at parang gusto kong manapak dahil sa nabasa ko.
Engagement Party
Itinuloy parin nya !
" Itinuloy mo parin ang engagement ? "- Hindi maka paniwalang tanong ko sa kanya.
" Bakit naman hindi ko itutuloy ? "- Matigas na tanong nya sakin pabalik.
Hindi ko na napigilan ang inis ko at tumayo.
" Niloloko lang nya Tamara ! Niloloko ka lang nya at ng parents mo ! For migraine yang gamot mo- "- Hindi ko na natapos ang sinasabi ko.
" STOP IT ALREADY ! "- Sigaw nya sakin na ikinagulat ko.
" Nagpa-second opinion na kami at hindi for migraine to ! Gamot to for my memories ! "- Galit na ani nya. I saw her clenched her fists.
" And pwede ba ? May tiwala ako kay Hugh at sa parents ko. Why would they do such thing huh !? Sayo ako walang tiwala ! SAYO ! "- Dagdag nya
" If you're planning to ruin me and our relationship, nice try dumbass. Hindi mo kami masisira "- Madiin na ani nya.
Tinitigan ko sya at ganun din sya sakin. Hindi nya inalis ang tingin nya sakin.
Kapag hindi ko napigilan ang sarili ko hihilahin ko sya papalapit sakin. Hahalikan ko to.
" Ano bang pakay mo ? Bakit mo ba ginagawa to ? "- Tanong nya sakin. At doon ko lang naiwas ang tingin ko.
Gusto ko lang naman na bumalik ka sakin.
Gusto ko lang naman na malaman mo ang totoo.
Gusto ko lang naman na maging maayos tayo.
Gusto ko lang naman mag sorry sayo at sabihin na nag sisisi ako sa ginawa ko.
Gusto ko lang naman magpaliwanag sayo.
Gusto ko lang naman sabihin na mahal kita. Mahal na mahal.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Yung sa sobrang dami hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
Galit akong napa sabunot sa buhok ko at iniwas ang tingin.
Napa angat ako ng tingin dahil sa narinig kong balita.
Breaking News: Hugh Saavedra was caught in a date. Is she his fiance ?

I clenched my fist at napa tayo. Saktong pababa si Hugh.
Hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya at suntukin sya.
" Oh my god ! Hugh ! "- Sigaw ni Tamara at nilapitan si Hugh na natumba.
Tinignan nya ako ng masama at ganun din ang ginawa ko sa kanya at pinag patuloy na ang pag akyat sa taas.
Hindi na ako lumingon at dumaretso sa kwarto ko. Padabog kong isinarado ang pintuan at hindi napigilan ang sarili na suntukin ang pader ng paulit-ulit.
You think susuko na ako Tamara ? Akala mo ba basta-basta nalang kitang iiwan ? Basta basta nalang kitang pakakawalan ?
Well think again. Because i'm not going to stop until malaman mo ang ginagawa nila sayo.
Tamara's POV
Parang ang bilis masyado nung pangyayare. I didn't see it coming.
" Oh my god ! Hugh ! "- Sigaw ko nang makita ko syang matumba dahil sa suntok ni Deus.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
" Oh my god ! Are you okay ? "- Natatarantang tanong ko sa kanya at inalalayan syang maka tayo.
Tinignan ko si Deus na paakyat sa taas. I glared at him before escorting Hugh to the couch.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Deus kay Hugh.
Ano bang problema nya !?
" Wait here, kukunin ko yung first aid kit "- Mabilis na sabi ko at agad na tumakbo papunta sa banyo at kinuha ang kit.
Pasalamat sya sugat lang sa gilid ng labi ang natamo ni Hugh, kung sakali talagang nagkaroon ng black eye si Hugh hindi na sya sisikatan ng araw sakin !
Agad akong bumalik nang makuha ko na ito at nilapitan si Hugh. Sinimulan ko naman ng gamutin ang sugat nya.
" Ano bang problema nya !? Bigla-biglang nananapak "- Inis na sabi ko habang nililinis ang sugat ni Hugh.
" May problema ba sa utak yung step brother mo !? "- Asik ko ulit
I heard him chuckle a bit at kasunod nun ay ang mag aray nya.
" Ouch "- Napa ngiwi si Hugh nang mapa diin ang pag ano ko ng bulak sa gilid ng labi nya.
" Ayan ! Patawa tawa ka pa kasi ! "- Galit na sabi ko at diniinan ang bulak. This time sadya na !
" Aray ko ! "- Ani nya at inilayo ang kamay ko at tinakpan ang sugat nya.
Ewan ko pero biglang sumakit ang ulo ko.
" Are you okay ? "- Tanong nya nang bigla akong mapa hawak sa ulo ko.
Huminga ako ng malalim at pina kalma ang sarili.
And images come flashing again.
"For the nth time Tamara, aray ! Ang sakit na nga sabi eh !"- Iritang sabi nung lalaki pero hindi ko iyon pinansin.
" Bat kasi nakipag suntukan ? "- Mataray na sabi ko at diniinan ulit ang bulak sa sugat nya. Inilayo nya ang mukha nya sakin at tinignan ako ng masama pero hindi ko yun pinansin.
"Tsk tignan mo, may galos ka tuloy ngayon sa pisngi"- Umiiling na sabi ko at tinuro yung pisngi nya na may sugat.
" Tammy "- Nag aalalang tawag nya sa pangalan ko at hinawakan ang siko ko.
Huminga ako ng malalim at iniangat ang tingin sa kanya.
" Medyo nahilo lang ako "- Sagot ko at itinuloy na ang pag lilinis ng sugat ni Hugh.
" Nainom mo na ba yung gamot mo ? "- Tanong nya.
Napa kagat ako sa pang ibabang labi ko.
I forgot to drink my medicine. At masyado na akong late para i-take ito.
" Ayan, kaya siguro sumakit ang ulo mo "- Ani nya sakin at hinawakan ang kamay kong nag lilinis sa sugat nya.
" Wait, i'll get your medicine. Mas importanteng ma-take mo kaagad yun. I'll be right back "- Ani nya sakin. Tumango naman ako.
Tumayo na sya at lumabas na ng bahay.
I sighed at isinandal ang ulo at pumikit.
Pina kalma ako ang sarili ko dahil sobrang bilis ng puso ko, to the point na parang nahihirapan akong huminga.
" Here "- Narinig kong may nag salita kaya iminulat ko ang mata ko.
Naabutan ko si Hugh na dala-dala ang gamot ko at isang baso ng tubig.
Umayos ako ng upo at kumuha ng isang tabletas at ininom ito.
Nang mainom ko na ito ay pumikit ako at unti-unti namang kumalma ang puso ko pero andun parin yung kaba, yung something na hindi ko maintindihan kung ano.
" Akin na. Tatapusin ko na ang pag lilinis dyan sa sugat mo "- Mahinang ani ko at itinuloy ang pag gamot sa sugat nya.
Tahimik lang kaming dalawa at maya-maya lang ay natapos na ako.
" Ihahatid na kita "- Ani nya nang maibalik ko na sa kit ang mga inilabas kong gamit.
" Ibabalik ko lang to at mag hihilamos lang ako saglit "- Sabi ko at tumayo na.
Ibinalik ko sa banyo ang kit at humarap sa salamin.
Tinitigan ko ang sarili ko at inilagay sa dibdib ang kamay.
Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
Pumikit ako at naalala ko ang imahe na nag flash kanina.
Hindi blurred yung mukha nung lalaki.
Malinaw na malinaw na si Deus ang lalaking ginagamot ko.
Bakit si Deus ?
Biglang nanlambot ang tuhod ko, buti nalang ay naka kapit ako sa lababo.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang gripo at nag hilamos.
No. Wala lang yun. Imagination ko lang yun.
Oo tama, wala lang yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com