7th
Tamara's POV
Unang linggo palang ng pasukan eh stress na stress na kaming lahat. Sabado ngayon at kasalukuyan akong nag luluto ng agahan namin ni Deus. Mamaya pa kasi ako babalik sa apartment.
Makalipas lang ang ilang minuto ng pag luluto, eh kumatok na ako sa pintuan ng kwarto ni Deus.
Hindi sya sumagot kaya pumasok na ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.
Ghad, bat ang cute nya matulog ?
" Deus~ "- Malambing na bulong ko sa kanya.
" Babe~ gising ka na "- Bulong ko ulit. Natawa ako ng bahagya nang parang nairita sya at humarap sa kabila.
Lumipat ako sa kabila at lumuhod at humalumbaba habang tinititigan sya.
" Babe gising na kakain na tayo ng breakfast "- Malambing na ani ko ulit.
Medyo lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan na ang balikat nya nang bigla nya akong hilahin at yakapin. Napa sigaw naman ako sa gulat.
" Ang ingay mo "- He said in his bedroom voice.
" Nakakagulat ka naman kasi babe ! "- Asik ko at hinampas ang braso nya.
Hinigpitan lang nya ang yakap nya sakin at napa ngiti naman ako doon.
Medyo nilayo ko ang sarili ko sa kanya at tinignan sya, minulat naman nya ang kanang mata nya.
" Bumangon ka na dyan, kakain na tayo "- Natatawang ani ko.
" Mamaya na "- Sabi nya at niyakap ulit ako. Hindi na ako nag pumiglas pa at hinayaan nalang syang hakapin ako.
Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko.
" Babe, gumising ka na, nagugutom na ko "- Natatawang sabi ko. I heard him groaned.
Kumalas na sya sa yakap at umupo sa kama. Ngumiti naman ako at tumayo.
" Bilisan mo na ah. Dun lang ako sa kusina "- Naka ngiting sabi ko at lumabas na ng kwarto nya.
Ewan ko ba pero parang ang sweet ni Deus sakin ngayon.
Maya-maya lang, lumabas na sya ng kwarto at tumabi sakin. Nag umpisa na kaming kumain.
" Kelan daw babalik si Bianca sa apartment nyo ? "- Tanong nya.
Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago ko sya sinagot.
" Ang sabi nya sakin mga 5 o' clock daw "- Sagot ko.
" Wala pa kayong pagkain dun right ? I mean diba hindi ka pa nakakabili ng stock nyo ? "- Tanong ulit nya.
" Yeah wala pa "- Simpleng sagot ko.
" Sasamahan na kitang mamili "- Sabi nya at tumayo.
Nilagay na nya yung mga pinag kainan nya sa lababo at pumuntang sofa. Inubos ko na din ang pagkain na nasa plato ko at dinala ito sa lababo at hinugasan.
Sumunod naman ako sa kanya sa sala at tahimik na nanood ng tv.
" Kinakausap ka parin ba ni Hugh ? "- Pag basag nya ng katahimikan. Nilingon ko sya.
" Well, kinakausap parin "- Mahinang sagot ko.
" Pero iniiwasan ko na sya "- Dagdag ko.
" Bakit ba parang ang laki naman ng galit mo sa kanya ? Wala naman syang ginagawang masama eh "- Ani ko.
" Basta "- Simpleng sagot nya. Hindi na ako nag tanong pa kasi baka mauwe lang to sa sagutan katulad nung nakaraan.
Pinipilit ko kasing itanong sa kanya kung bakit ganun nalang kalaki ang galit nya kay Hugh, hanggang sa ayun, nauwi sa away yung pag-uusap namin. Isang buong araw kaming hindi nag pansinan pero ako na ang nakipag ayos pag dating namin sa condo nya.
Napa lingon ako sa kanya nang mag ring ang phone nya. Agad naman syang tumayo at sinagot ito. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa pumasok sya sa kwarto nya.
Ibinalik ko nalang sa tv ang atensyon ko. Maya-maya lang bumalik na sya.
" Sinong tumawag ? "- Tanong ko.
" Si Bridger. Nag yayaya sa bar "- Sagot nya at umupo sa tabi ko.
" Pupunta tayong bar ? "- Tanong ko.
" Kami lang. Hindi kayo kasama "- Napa nguso naman ako sa sinagot nya.
" Ang daya naman kung kayong dalawa lang ! "- Reklamo ko.
" Sama kami ni Bianca dali na. Please ? "- Sabi ko at nag puppy eyes.
" Bakit ba gusto mong sumama ? "- Kunot noong tanong nya.
" Ayoko lang naman na may mga babaeng umaligid sayo dun "- Mahinang sagot ko.
" Tsaka, hindi naman kami mapapahamak kasi andun naman kayo ni Bridger "- Dagdag ko.
I heard him sighed in defeat.
" Just don't wear revealing clothes. Ayokong mabastos kayo "- Ani nya. Napa ngiti naman ako.
" Yaaay ! I'll tell Bianca "- Naka ngiting ani ko at kinuha ang phone sa may lamesa at agad na tinext ang kaibigan ko.
" Maligo ka na para makapamili na agad tayo "- Sabi nya at tumayo. Dumaretso sya sa banyo.
" Ikaw na gumamit ng banyo ko "- Pahabol nya bago tuluyang sinara ang pinto.
Tumayo na ako at pinatay ang tv bago pumasok sa kwarto nya. Sinarado ko ito at naligo na.
Pagkatapos kong mag ayos, naabutan ko syang naka upo sa may sofa at nag lalaro ng piano tiles.
" Tara na ba ? "- Tanong nya ng hindi inaalis ang atensyon sa laro nya.
" Tara na "- Sabi ko at isinukbit ang bag ko sa balikat. Tumayo na sya at kinuha ang isa kong bag na puro damit at lumabas na ng condo nya.
Agad kaming sumakay sa sasakyan nya at umalis na.
" Babe, saang bar daw ba tayo pupunta ? "- Tanong ko.
" Hindi ko padin alam ang pangalan pero ang alam ko, pagmamay-ari yun ng pinsan ni Bridger "- Sagot nya.
" Ang alam ko opening mamaya eh kaya niyaya ako ni Bridger "- Dagdag nya. Tumango nalang ako at tumingin nalang sa labas.
Gosh, kelan ba mawawalan ng traffic ? Susko.
" Anong oras tayo pupunta ? "- Tanong ko ulit.
" Mga 9 daw "- Sagot naman nya.
Maya-maya lang, nasa mall na kami. Agad kaming dumaretso sa supermarket. Sya ulit ang nag tutulak ng push cart at ako ang nag lalagay ng kung anu-ano sa cart.
" Akala ko ba wag kakain masyado ng instant noodles ? "- Kunot noong sabi nya nang makita na kumuha ako ng isang pack ng pancit canton.
" Minsan lang naman. Pag tinatamad kaming mag luto "- Natatawang sabi ko at nag peace sign.
Agad din kaming nag bayad at nang mapansin namin na medyo maaga pa, pina package counter muna namin ang mga pinamili namin at nag ikot-ikot sa mall.
" Thank you dito babe ! "- Tuwang-tuwa na sabi ko at pinakita pa sa kanya ang cotton candy.
Ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko.
" Gusto mo bang mag arcade ? "- Tanong ko sa kanya. Nilingon naman nya yung tom's world sa likod ko at tumango.
Hinawakan nya ang kamay ko at pumasok kami. Bumili kami ng token. Syempre agad syang dumaretso sa basketball.
Pinanood ko lang muna syang mag laro at chinicheer habang kumakain ng cotton candy.
" Wooo go babe "- Cheer ko habang nasa cotton candy ang atensyon.
" Wooo galing mo talaga "- Sigaw ko pa ulit. Napa angat ako ng tingin dahil sa bahagyang pag tawa nya.
" Kanina pa tapos yung laro Tamara, cheer ka pa ng cheer dyan "- Natatawang sabi nya.
" Ay ? Hahaha sorry "- Natatawang sabi ko at umalis na kami dun.
" Babe ! Sayaw tayo ! "- Sabi ko at hinila sya dun sa may just dance habang wala pang tao.
" Dyan ka lang "- Sabi ko at umalis. Nag bayad ako ng 150 at may nag assist para mag laro kami.
" Thank you ! "- Naka ngiting sabi ko dun sa lalaki at umalis na.
" Ikaw na pumili babe "- Sabi ko sa kanya.
Nag hanap naman sya ng kanta at Sorry Sorry ng super junior ang sinayaw namin.
Sayaw lang kami ng sayaw. May nga tao na din na nakikinood saaming dalawa.
Hindi ko mapigilang mapa-irap dahil sa iilang mga babaeng kinikilig kay Deus.
Natapos na ang 30 minutes namin at hingal na hingal kami. Ewan ko ba dyan, tawa kasi ng tawa habang sumasayaw, edi natatawa din ako.
" Ang galing mo pala sumayaw "- Puri nya at ginulo ang buhok ko tsaka ako inakbayan.
" Tara kain na tayo para maka-uwi na tayo "- Sabi nya at umalis na.
Kumain kami sa jollibee at kinuha ang pinamili namin kanina.
Hinatid nya ako sa may apartment namin at tinulungan nya akong dalhin iyon sa room namin.
" Akala ko di na kayo dadating eh "- Bungad ni Bianca.
Nilapag ni Deus yung iilang paper bag sa may lamesa.
" Susunduin ko nalang kayo mamaya "- Sabi nya at lumabas na.
" Ingat ka ! "- Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi and waved my hand. Ngumiti naman sya at umalis na.
Bumalik na ako sa loob at inayos ang mga pinamili namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com