Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

8th

Tamara's POV

Nag aayos na kami ni Bianca ngayon. Nag text kasi sakin si Deus na susunduin nya kami mamayang 8:30 eh 8:00 na.

Nag suot ako ng crop top na puti at high waist na short. Si Bianca naman naka bralette then high waist na pants.

Medyo kinulot namin ang buhok namin at nag apply ng light make-up. Maya-maya lang may narinig kaming nag doorbell. Lumapit ako at binuksan ito.

" Ready ? "- Tanong ni Deus.

" Yep ! Wait kukunin ko lang shoulder bag ko "- Paalam ko at lumapit sa sofa tsaka kinuha ang shoulder bag.

" Biancs ! Tara na "- Tawag ko sa kaibigan ko at sabay kaming lumabas. Sinarado ko na ang pinto at tuluyan ng umalis.

Sumakay kami sa sasakyan ni Deus at maka lipas lang ang ilang minuto nasa isang bar na kami. Hindi pa ito bukas pero andami kaagad na tao. Pagkatapos namin mag park, lumabas na kami at natanaw naman namin si Bridger sa may entrance.

" Yow "- Bati nya samin. Nginitian ko naman sya at ganun din ang ginawa ni Bianca.

" Akala ko ba pinsan mo owner nito ? Bat hindi pa tayo pumapasok ? "- Reklamo ni Bianca.

" Hindi pa kasi ata tapos yung mga tables sa loob "- Sagot naman ni Bridger sabay tingin sa wrist watch nya.

" 5 minutes nalang naman "- Dagdag nya.

Kami ang nasa pinaka unahan ng entrance. Luminga-linga ako at may iilang celebrity din akong nakita. 

" Ang big time siguro ng pinsan mo "- Sabi ko habang tinitignan yung mga tao.

" Mga kaibigan nya yan. Yung iba naman syempre inimbita lang din ng kaibigan nya "- Sagot ni Bridger.

Maya-maya may isang magarang itim na sasakyan ang huminto sa gilid kaya napa lingon kaming lahat. May isang sobrang gwapong lalaki ang lumabas. Agad syang kumaway-kaway sa mga taong naka-pila.

" OMG !? PINSAN MO YAN !? "- Hindi maka-paniwalang sabi ni Bianca habang tinutulak si Bridger.

" Aray ko naman ! Oo pinsan ko yan ! "- Asik ni Bridger.

" OMG IPAKILALA MO KO LECHE KA "- Kinikilig na sabi ni Bianca habang tinutulak-tulak si Bridger.

" HINDI MO NAMAN AKO ININFORM NA MAY GWAPO PALA SA LAHI NYO ! "- Dagdag ni Bianca.

" Aba ! Anong sinasabi mo !? Hindi ako gwapo ganun !? "- Hindi maka-paniwalang ani ni Bridger.

" OO ! ANG PANGET MO KAYA ! DUH ! "- Sabi ni Bianca at umirap pa.

" OMG ANG GWAPO TALAGA NG PINSAN MO ! PAKILALA MO KO "- Dagdag ni Bianca at tinulak-tulak nanaman si Bridger.

" Tammy ! Pakalmahin mo naman tong kaibigan mo ! Kanina pa sigaw ng sigaw akala naman nya ang layo-layo ko sa kanya ! "- Sabi ni Bridger saakin. Bahagya naman akong napa tawa.

" Wag ka ng umasa ! May girlfriend na yan ! "- Sabi ni Bridger na nakapag-pahinto kay Bianca.

" Wala akong pake ! Mag bebreak din sila ! "- Asik naman ni Bianca. Napa iling nalang ako.

Napa hinto si Bianca sa pag palo kay Bridger nang maka-lapit na ang pinsan nito.

" Insan "- Naka ngiting ani nung lalaki at nag banggaan sila ng balikat.

Lumapit na sya sa pinaka pinto at ginupit ang ribbon. Biglang nag sigawan ang mga tao at bumukas na ng tuluyan ang pinto.

" Enjoy guys ! "- Sigaw nya at pumasok sa loob. Sumunod naman kami at grabe, napaka ganda ng bar na to !

Agad kaming humanap ng pwesto at may dinala agad na drinks samin. Akmang kukunin ko yung blue na cocktail nang pigilan ako ni Deus.

" Hindi yan pwede sayo "- Sabi nya at kumuha ng cocktail.

" Ang daya ! Bat si Bianca !? "- Asik ko at tinignan si Bianca.A ba ! Dinilaan ako at ininom yung isang baso ng cocktail nya.

" Ang unfair "- Kunot noong sabi ko at pinag krus ang mga kamay sa may dibdib.

" Bata ka pa daw kasi "- Natatawang sabi ni Bridger. Agad ko naman syang tinignan ng masama.

" Sagot ko na shake mo "- Natatawang sabi ni Bianca at umorder ng shake.

" I hate you guys "- Naka ngusong ani ko.

Medyo napa-talon ako nang biglang tumugtog ng malakas ang mga speaker. Napa hawak naman ako sa may dibdib ko. Isang malakas na tawa galing kina Bianca at Bridger ang natanggap ko.

" Bawasan mo ang pagkakape Tammy "- Natatawang ani ni Bridger.

Biglang dumating ang shake ko at kasabay nun ang pag dating din ng pinsan ni Bridger. Biglang kinilig si Bianca at umayos ng upo.

" Nag eenjoy ba kayo ? "- Naka ngiting tanong nya samin. OMG ang cute nya ! Yung dimples nya lumalabas.

" Ee nemen, eng serep ng ceckteil "- Pabebeng sagot ni Bianca.

" Bianca, kinapos ka ba sa vowels ? Puro letter e lang narinig ko eh "- Mataray na ani ko. Narinig ko ang bahagyang pag tawa ni Deus at nung pinsan ni Bridger.

" Since you're with my cousin, kahit anong drinks libre na para sa inyo "- Naka ngiting sabi nya.

" Alis na ko "- Paalam nya at sumaludo pa samin bago sya umalis.

" Napaka pogi nya talaga "- Ani ni Bianca. Parang naging heart shape yung mata nya.

" Wag mo na nga kasing pagnasaan si Wade "- Umiiling na sabi ni Bridger.

" OMG WADE PANGALAN NYA !? SUSKO PATI PANGALAN ANG GWAPO ! "- Sigaw ni Bianca.

Napa iling nalang ako at sumandal sa upuan. Napa lingon ako kay Deus na lumilinga-linga.

Sya nanaman hinahanap nya. Sya nanaman naalala nya

Napa buntong hininga ako at inikot-ikot ang basong hawak ko.

" Tammy "- Napa angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Bianca. Kita ko ang pag aalala nya.

" Sayaw tayo "- Pag yaya nya sakin at tumayo. Hinila nya ang kamay ko at pumunta kami sa may dance floor.

Akala ko pa naman pipigilan nya kaming sumayaw.

" Okay ka lang ? "- Tanong nya sakin habang hila-hila ako.

" Oo naman. Bakit naman magiging hindi ? "- Natatawang sagot ko.

Huminto sya at hinarap ako.

" Wag ka na ngang mag panggap ! Alam kong hindi ka okay "- Sabi nya.

" Alam kong kaya sya pumunta sa bar na to kasi nag babakasakali parin syang makita si Talia. Nag babakasakali syang babalikan parin sya "- Iritang sabi nya.

Well, Wade and Talia were siblings. But they're not blood related. After mamatay ng mommy ni Wade, pinakasalan ng daddy nya ang mommy ni Talia. Yan ang alam ko. Sinabi sakin ni Bridger dati.

Napa yuko naman ako sa sinabi ni Bianca. Bumuntong hininga sya at niyakap ako.

" Sorry "- Bulong nya. May waiter na dumaan at kumuha sya ng isang cocktail.

" Here "- Sabi nya at inabot saakin yun. Kinuha ko naman at ininom agad.

Hinila nya ulit ako papunta sa gitna ng dance floor at sumayaw kaming dalawa.

Habang sumasayaw kami, hindi ko mapigilang matawa. Si Bianca kasi, kung anu-ano ginagawa. Hindi nya inaayos yung pag sayaw nya.

Nagulat ako nang may lalaking humapit sa bewang ko at kasabay nun ang pag tugtog ng sweet song. Hinarap ko ang lalaki at nanlaki ang mata ko nang makita si Hugh.

" Hugh "- Sabi ko at bahagya syang tinulak para magkaroon ng space sa pagitan namin.

" Hi Tamtam ! Hindi ko akalain na makikita kita dito "- Naka ngiting sabi nya. Umatras ako.

Ayokong makita kami ni Deus. Baka mag-away nanaman kami.

" Yeah hindi ko din akalain "- Sagot ko at luminga-linga. Nasaan na si Bianca !?

Hinanap ng mata ko si Bianca. Hindi ko sya makita ! 

" May kasama ka ba ? "- Tanong nya sakin.

" Yeah meron. I better get going. Maybe they're looking for me "- Sabi ko at akmang aalis na nang hawakan nya ang kamay ko.

" Iniiwasan mo ba ko Tamtam ? "- Naka pout na tanong nya.

" Hindi ah ! Kailangan ko na talagang umalis "- Sabi ko at pilit na binabawi ang kamay ko pero ayaw nya akong bitawan.

" Wala kasi akong kasama, pwede bang samahan mo muna ako saglit ? "- Tanong nya.

" Sorry Hugh- "- Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may humila na ng kamay ko.

Tinignan nya ng masama si Hugh tsaka ako hinila.

Nagpa-hila lang ako kay Deus. Nakita kong pumunta kami sa may table namin.

" Mauuna na kami "- Seryosong sabi nya tsaka ako hinila palabas ng bar.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com