Chapter 07
#DTG07 Chapter 07
Para akong bata na nahuling kumukuha ng kendi. Hindi ako naka-galaw nang makita kong pareho silang dalawa ni Niko na naka-tingin sa akin. Alangan na lang akong ngumiti... kasi ano naman ang itatanong ko? Pakiramdam ko kasi ayaw namang pag-usapan ni Vito... Kasi kung gusto niyang pag-usapan, sasabihin niya naman siguro... Kahit nga nung pinuntahan ko siya kanina sa condo niya, wala naman siyang binanggit.
"Oh, thanks," sabi niya nang kinuha niya mula sa akin iyong gamit niya. "You wanna go to the room first? I'll just swing by the clinic," pagpapatuloy niya na para lang wala na kalat na iyong dugo sa benda sa kamay niya.
Marahan akong tumango. Ano naman ang sasabihin ko? Pinanood ko na lang silang dalawang maglakad palayo.
Kinuha ko iyong mga gamit ko. Dumiretso ako sa classroom. Pagdating ko roon, nagtaka ako dahil nandun si Sancho. Madalas kasi kapag malapit ng magsimula iyong klase at saka siya magpapakita, e.
Gusto ko sanang maghi kaya lang merong headphones siya na suot tapos parang seryoso siya sa binabasa niya. Nilagay ko na lang iyong gamit ko sa upuan, pero malikot ata ako kaya naman napa-tingin siya sa akin.
"Saan 'yung dalawang anino mo?" tanong niya.
"Ha?"
"Vito and Niko," sabi niya.
"Ah... Nasa clinic."
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Di ko alam, e... Dumugo kasi 'yung benda sa palad ni Vito," sabi ko na lang. 'Di ko na sinabi iyong narinig ko kanina kasi hindi naman ako sigurado kung tama ba iyong intindi ko. Sabi nga sa Statcon namin, open for interpretation lahat ng bagay... pero kung malinaw, hindi na open for interpretation... Kaso hindi naman malinaw iyong narinig ko kanina.
Napa-iling si Sancho bigla. Parang alam niya iyong dahilan kung bakit. Hindi na kasi siya nagtanong pa.
"Okay lang naman si Vito, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kailangang malaman lahat ng detalye sa buhay niya... Okay na sa akin basta alam ko na okay siya.
"Depende."
"Depende saan?"
"Sa desisyon niya," sabi ni Sancho na nagkibit-balikat tapos biglang tumayo. "Dito ka lang ba?" tanong niya tapos tumango ako. "Pabantay naman ng gamit. Puntahan ko lang sila sa clinic," sabi niya bago naglakad palabas. Grabe... 'Di man lang ako inaya...
Gusto ko ring sumunod sa kanya kaya lang hindi ko naman maiwan iyong gamit niya. Malay ko ba kung ano ang laman ng bag niya. Si Niko lang naman iyong wala talagang kahit ano'ng dala. Cellphone na basag, susi ng sasakyan niya, saka iyong parang money clip niya na puno ng pera at saka credit card. Maswerte na kung may ballpen siya.
Kaysa isipin ko sila nang isipin, nagbasa na lang ako. Kailangan ko na rin kasing mag-advance reading... Baka kasi tawagan na ako para sa trabaho. Alam ko naman na magiging busy na ako kapag nagsimula na akong magtrabaho.
Nagsimula ng dumating iyong mga classmates namin, pero wala pa ring paramdam iyong tatlo. Itetext ko na sana sila nang bumalik na iyong dalawa.
"Nasaan si Vito?" tanong ko.
"Hospital," sagot ni Niko. "He needs stitches."
"Siya lang pumunta mag-isa?" tanong ko. "Di mo sinamahan?"
Tumawa si Niko. "Relax. We brought him to the hospital before we went here," sabi niya. "Will go there after class."
"Pwedeng sumama?" tanong ko.
"Yeah, sure," sabi ni Niko. "What's the subject again?" tanong niya. Malapit na kaming magmidterms pero hindi niya pa rin kabisado ang schedule namin. Kakaiba talaga.
"Consti."
"Ah, fuck. That again," sabi niya bago kinuha iyong libro ko. Bakit ba bumili pa siya ng libro niya kung sa akin din ang gagamitin niya? Dapat dito kay Niko may iPad na lang tapos ebook na lang lahat ng gamit niya, e.
Nang dumating si Atty. Plaridel, mukhang good mood siya dahil naka-ngiti.
"Any volunteer for tonight?" tanong niya. "If no one volunteers, I have no choice but to shuffle."
Agad akong nagtaas ng kamay. Nakita ko na napa-tingin sa akin lahat ng classmate ko. Kapag nagshuffle, baka matawag si Vito. Naka-miss na nga siya ng quiz, e...
"Name?" tanong ni Atty.
"dela Serna po," sagot ko.
Rinig na rinig ko iyong kabog ng dibdib ko habang hinahanap niya iyong class card ko roon. Napa-tingin ako kay Niko na kunut na kunot ang noo. Umiling na lang ako sa kanya. Bahala na. Makaka-sagot naman siguro ako. Nag-aaral naman ako araw-araw kahit madalas na nagku-kwento lang si Sir tungkol sa buhay niya.
"I assigned cases, right?" tanong niya.
"Yes, Sir," sagot ko. Halos mahilu-hilo ako sa haba ng mga kasong naka-assign sa Consti. Minsan, na-tempt na rin ako na digest na lang ang basahin... pero lagi kong pinapa-alala sa sarili ko na sarili ko lang ang niloloko ko. Iba pa rin kapag full text ang binasa mo. Lalo na kung may oras ka naman para basahin...
"Discuss the case of Oposa v Factoran," sabi niya.
Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang magdiscuss. Tatlong oras iyong klase namin. Medyo binagalan kong magsalita tapos detailed iyong sinasabi ko. Mahaba pa naman talaga iyong kaso... 'Di ko na tuloy alam kung gaano na ako katagal na naka-tayo roon.
Nang matapos kong sabihin iyong mga naalala ko sa kaso, nagsimulang magdiscuss si Atty kaya lang ay nalimutan niya ata na naka-tayo pa rin ako... Halos isang oras ata akong naka-tayo roon habang nagsasalita siya. Ang dami niya pa kasing anecdote maliban pa roon sa mismong kaso.
"That will do," sabi ni Atty. Plaridel nang sa wakas ay napansin niya na naka-tayo ako. "Any more volunteer?" tanong niya. Agad akong tumingin kay Niko para kulitin siya na magvolunteer kaya lang ay medyo nabigla ako na naka-taas na iyong kamay ni Sancho. "Last name?"
"Cantavieja, Sir," sabi ni Sancho habang naka-tayo.
"Why are you all volunteering?" bulong ni Niko sa akin. "What the fuck is wrong with the two of you?"
Ayaw ni Niko sa Statcon dahil ang gulo daw ng author ng libro.
Ayaw niya sa Consti dahil nagkukwento lang daw si Sir.
Ayaw niya sa Persons dahil laging absent si Sir.
Ayaw niya sa Crim dahil pinag-iinitan siya ni Prosec.
LegRes na lang ang subject namin na wala siyang reklamo.
"Baka kasi matawag si Vito kapag nagshuffle," sagot ko sa kanya.
"Ah, shit. Do I need to volunteer, too?" parang masama ang loob na tanong niya.
"Nag-aral ka naman... 'di ba?"
"Yeah... but I didn't read the fucking cases. They're so long."
"Kaya nga binigay 'yung cases kasi kailangang basahin. 'Di naman binigay sa 'tin 'yan for fun."
"Whatever, sister Assia," sabi niya tapos ay kinuha iyong notebook ko at saka nagbasa. Kitang-kita ko kung gaano kabilis iyong mga mata niya na binabasa iyong notes ko sa mga kaso. In fairness naman kay Niko... sobrang tamad niya pero mabilis din siyang maka-alala kapag may binasa siyang kaso o kaya concept sa libro. Kung mas aayusin niya lang sana...
Nang ibalik ko iyong atensyon ko kay Sancho, nagtaka ako dahil parang nasa ibang subject na ata sila ni Sir. 'Di ba Consti 'to? Bakit biglang nasa Criminal Law iyong pinag-uusapan nila? Gusto ko sanang magtanong kung ano ang nangyari kaya lang ay nasa pinaka-likod kami tapos wala naman akong katabi dahil absent din si Vito.
Pa-simple akong tumingin sa orasan.
Hala.
Konti na lang magdidismiss na.
Seryoso akong nakinig sa discussion nila kasi parang ang ganda na... Tapos pina-upo na ni Sir si Sancho tapos nagdiscuss na siya ng mga nangyayari sa bansa. Iyong natitirang 45 minutes ay naging sermon sa amin na kapag abogado na raw kami, may responsibilidad kami hindi lang sa sarili namin at sa bansa namin.
"Aren't you worried that he'll fail you?" tanong ni Niko kay Sancho.
"Fail me?"
"Yeah. You basically debated with him."
"I don't think so," simpleng sagot ni Sancho. "Or his ego must be so fragile if he'll fail me just because I questioned some of the things he pointed out."
Pagdating namin sa parking, sumunod ako kay Niko sa jeep niya. Medyo nakaka-panibago dahil tahimik lang siya habang nagda-drive.
"Matagal bang tahiin iyong sugat?" tanong ko dahil tatlong oras iyong klase namin tapos ngayon lang pupuntahan si Vito.
"I think it depends on the cut," sagot niya.
Siguro sobrang lalim ng hiwa sa palad ni Vito... Pulang-pula talaga iyong benda sa palad niya kanina, e... Grabe naman... Saan kaya siya nahiwa?
Pagdating namin sa hospital, naka-sunod lang ako sa kanilang dalawa. Grabe. Wala pa kaming isang taon magkakilala pero dalawang beses na kaming napupunta sa ospital.
Napa-hinto kami sa paglalakad nang makita namin si Vito na naglalakad din. Wala na iyong benda sa kamay niya. Parang ngayon ko lang napansin na may mga sugat pala siya sa pisngi niya at sa braso niya. Ano ba ang nangyari sa kanya?
"Told you I'll just drive myself home."
"Yeah, right. What did the doctor say?" tanong ni Niko sa kanya. Napa-ngiti ako nang makita silang dalawa na nag-uusap. Alam ko best friends silang tatlo, pero parang magkapatid si Niko at Vito. Si Sancho kasi tahimik minsan, e.
Sabay kami ni Sancho na naglalakad sa likod nila. Nang maka-labas kami ng ospital, parang doon lang naalala nung dalawa na may tao pa silang kasama.
"Dinner?" tanong ni Niko.
"Do you need to go home already?" tanong ni Vito sa akin.
Umiling ako. "Sa fastfood na lang tayo, please," sabi ko. Palagi na nila akong nililibre, e... Nakaka-hiya na.
Tumawa si Vito. "Yeah, sure."
Sa wakas.
Alam ng tatlo na 'to ang fast food, pero hindi sila kumakain doon. Ako iyong nagdecide kung saan kami kakain. Dahil gabi na, wala ng masyadong tao doon sa pinuntahan namin. Pinigilan ko iyong tawa ko nang maupo iyong tatlo at parang hinihintay nila na bigyan sila ng menu.
"Ano bang gusto niyong kainin?" tanong ko. "Ako na ang pipila."
Biglang tumayo si Vito. "I'll get it."
"Hala, hindi na. Upo ka na lang d'yan."
"No, it's okay—"
"Oh, for God's sake," sabi ni Niko at saka tumayo. "Let's go get food, Sancho," pagpapatuloy niya at saka hinatak patayo si Sancho. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano... Meron pa rin kasing ibang mga college students sa loob tapos naka-tingin sila doon sa dalawa. Ang tangkad kasi nila tapos nakaka-agaw talaga ng pansin.
Napa-tingin ako kay Vito nang umubo siya.
"Okay ka lang?" agad na tanong ko. Ang sakitin niya naman... May ubo na rin ba siya?
"Yeah," sabi niya habang nag-iwas ng tingin. "Thanks for seeing me. There's no need, really. It was just a stitch," sabi pa niya sabay angat ng kamay.
Napa-buntung-hininga ako.
Iyan pa naman iyong kamay na pansulat niya.
"Papa-photocopy ko bukas iyong notes ko. Iyon na lang ang gamitin mo," sabi ko sa kanya. "Wag mo na akong bayaran ng cake."
Natawa siya. "Is the deal with Niko still going on?"
Tumango ako. "Oo. Ang tamad kasi nun magsulat. Pero sa 'yo, libre na," sabi ko kaya natawa siya ulit.
"Really?"
"Oo... Pati sa notes sa mga assigned case... Pero basahin mo pa rin iyong full text para mas maintindihan mo... Pero iyong notes, ako na bahala sa ganoon mo."
Ngumiti siya. "Thank you."
Ngumiti rin ako. "You're welcome," sagot ko. "Sana gumaling na 'yan. Malapit pa naman na iyong midterms. Paano ka magsasagot?"
Papayag kaya sila kung magta-type na lang si Vito ng sagot niya? Sayang naman kasi kung hindi siya makakapag-exam. Matalino at saka masipag pa naman siya.
"I think I'll be fine in a week or two," sabi niya.
"Sigurado ka?"
Tumango siya. "Yeah... Or I better start learning how to write with my left hand," sabi niya na naka-ngiti.
"Paano iyong sa digest mo? Pasahan na next week. Nasulat mo na ba?"
"Almost done."
"Papayag kaya si Atty na typewritten iyong iba?" Nakita ko na naka-ngiti siya habang nagsasalita ako. "Bakit?"
Umiling siya. "Nothing."
"Hingi ka na lang ng medical certificate..."
"I only have 5 remaining digests. Maybe I'll just write with my left hand."
"Kung left, e 'di iba rin sa sulat mo kapag right?" tanong ko tapos tumango siya. "Ako na lang magsusulat."
Napa-tingin ako nang biglang may tatlong tray na puno ng pagkain ang nasa lamesa. Puno ng burger, fries, chicken with rice, at bottled water iyon.
"Bakit... ang dami?" tanong ko.
"Na-excite si Niko kasi ang mura daw," sabi ni Sancho na naiiling.
Nang tumingin ako kay Niko, may fries na sa bibig niya. "What? I'm starving. I wasn't able to eat my merienda," sabi niya bago nagsimulang kumain. Ang takaw talaga.
"Ano'ng kaso iyong 'di mo pa nasusulat?" tanong ko kay Vito.
"Case? What case?"
"Iyong sa digest. Pasahan na next week."
"Fuck!" sabi niya. Napa-tingin tuloy sa amin lahat ng tao! "Shit, I totally forgot about that!"
"Tinext kita!" sabi ko sa kanya.
"No, you didn't!"
"Nagtext ako sa 'yo pagkatapos kong magtext kay Vito—"
"You two text?" tanong ni Niko.
"Oo. Bakit?"
Ngumisi siya. "Oh, okay..." sabi niya tapos kumain na ulit ng fries. Nalimutan niya na ba iyong sa digest niya? Makaka-graduate kaya siya?
Tumingin ulit ako kay Vito. "Isend mo na lang sa akin iyong title, ha? Bukas ko ibibigay o kaya sa isang araw," sabi ko sa kanya. Magawa na ng maaga bago magsimula iyong exam o kaya iyong trabaho ko.
Ngumiti siya. "Thank you, Assia."
"Unfair. Write my digests, too," sabi ni Niko, pero nagulat ako nang bigla siyang batuhin ng fries sa mukha ni Vito at sinabihan siya na kumain na lang. Parang mga bata talaga.
**
Read advanced chapters on patreon.com/beeyotch
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com