Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter [4]


Chapter [4]


Siena's POV


"ate malalate nako nakita mo ba ung sapatos ko?" ako yan paano kasi di ko mahanap dito sa shoe rock namin dito ko lang naman iniwan un kagabi pagkauwi ko

"siena hindi ko nakita iba nalang suotin mo may extra black shoes ka naman diba?" ate

"sige po sige na ate bye bye nak" paalam ko saka ko sia kiniss sa pisngi, dalawang taon na rin ang nakalipas , bale isang taon na ung baby ko... kamukhang kamukha sia ng tatay nia


haaaay~hindi ko nga sia kilala eh , wag na nga isipin ung lalaking un




Papasok na kasi ako sa trabaho malayo pa naman un dito samin, sa manila kasi ung University na pinagtatrabahuan ko e ayaw ko namang lumayo dito sa bahay at pumunta sa manila para mas malapit, so I travel for 2 hours para lang makapasok , ayaw ko kasing iwan sina ate dito sa bahay lalo na't inaalagaan niya pa ung anak ko..


Pagkarating ko dito sa university


"goodmorning mam" bati sakin ng mga co- teachers ko dito

"goodmorning din sige tuloy nio nayan aayusin ko lang ung table ko" sabi ko


naging maayos naman ang araw na toh dahil mababait naman ung students ko kaya hindi ako nastress

pagkauwi ko sa bahay sinalubong ko si baby ko ng isang kiss

"o siena mabuti naman at nandito kana may sasabihin ako sau" sabi ni ate karga nia kasi si Aidan eh


" ano yun ate? pakarga naman ako namiss ba ko ng baby ko?" saka ko kinuha si aidan kay ate

" haha mukha ba kong seryoso? joke lang wala namang mahalagang akong sasabihin its just that may good news ako kasi may cable na tayo so meaning makakapanood na tayo ng channel sa korea haha"

"ngek kala ko naman kung ano "

"magandang balita un noh, tsaka uso ang kpop ngaung panahon natoh, "

"sige nga switch mo ung tv nang makapanood tayo"

kaya binuksna ni ate ung tv

"ano bang magandang channel ? ah eto umpisa na pala ung bagong magdedebut na group, di ko sila kilala eh pero EXO daw ung pangalan"

"ah sige panoorin natin"

at nanood na nga kami


.............................................................................


Kyungsoo's POV



eto na ung araw na pinakahihintay namin dahil magdedebut na kami as EXO ,


kabadong kabado kami pero ang mabuti prepared kami kasi nagensau talaga kami ng maigi ng ilang buwan para dito


showcase day na kasi namin ngaun april 8, 2012


hindi ko maipaliwanag ung kaba ko pero kakayanin para sa pangarap namin


nandito na kami sa backstage mine- make up -an na kaming lahat ako tapos na ung iba sina Chanyeol nalang at Tao nalang ang hindi pa tapos


nang matapos na silang make up an


"ok guys let's go magready na kayo .. mag uupisa na ung trailer nio saka na kayo lalabas ok!"

"yes manager" sabi namin


eto na ang showcase sana maging maayos ang lahat



...............................................................................


Siena's POV



habang nanonood ako nung trailer ewan eh.. parang kinakabahan akong panoorin toh ..hindi naman kasi ako maka kpop... sakto lang kasi since tumira din kami sa korea kaya gusto ko narin sila tsaka siyempre masaya pakinggan ng kanta nila ...


"yan na sila lumabas na silang lahat"

"oo nga no----" nagulat ako. kasi namumukaan ko ung isa sa kanila


SIYA !! SIYA UN!!!!



"uy!! Siena ok ka lang ba parang nakakita ka ng multo ah" sabi ni ate


naaalala ko na kahit lasing ako nun,... pero tanda ko ung mukha nung lalaki nung gabing un!!


"ATE ATE !! SIYA UN !!"


"sinong siya ?"


"yun oh...." sabay turo ko sa lalaki sa may TV


"oh sino naman siya"


"SIYA UNG TATAY NI AIDAN" sabi ko



"ANO?!!!!! sure ka sienna teka.. nga " saka lumapit si ate sa Tv


at saka nia tinitigan si Aidan na hawak ko ngaun


"oo nga siena kamukhang kamukha siya ni Aidan grabe talaga nagugulat ako sayo siena eh"


"ako rin naman ate eh"


"paano nang gagawin mo? sasabihin mo ba sa kanya na may anak kayo?"


"nge!! pano ko naman sasabihin un ate eh tingnan mo ang layo niya samin tsaka isa pa... artista na siya ate... dati hindi pa siya artista tsaka hindi na nia ako tanda.. kasi dalawang taon na ang nakalipas ate at isang bes lang kami nagkita..."


"hindi rin siena.. baka di kapa nia limot.. tara punta tayo sa korea!!"


"ate wag na masaya na tayo dito.. tsaka kaya naman natin buhayin si Aidan eh .. tama nang single ka single ako haha"


"alam ko siena gusto mo sia makita ulit.. tsaka isa pa sia ung tatay ni Aidan may karapatan siya sa anak nio.. tsaka kawawa naman ang pamangkin ko walang ama.. tanging ikaw at ako lang ang nagaalaga sa kanya"


"ok lang yun ate.."


"basta siena concern lang ako kay Aidan .. diba noh baby"" saka nia kinuha sakin si Aidan at si ate na ang nagkarga...


muli akong tumingin sa Tv di parin sila tapos magsayaw.. kinabahan ako bigla at natakot... ngaun ko lang ulit siya nakita at ang malala sa Tv pa isa na pala siyang artista


nanood pako hanggang sa malaman kong Do Kyungsoo pala ung pangalan nia at D.O ang screen name...


may anak na kami't lahat lahat ngaun ko lang nalaman ung pangalan nia


muli din akong tumingin sa anak ko


kailangan nia pabang makilala ang ama nia ? kasi naman eh.. hindi kami magkakilala at higit sa lahat aksidente lang lahat nang nangyari saming dalawa


baka masaktan lang ako kasi baka di nia tanggapin si Aidan bilang anak nia....... ang sakit nun bilang isang ina ...na hindi matanggap ng ama ng anak nia ang anak nila


.........................................................................


Kyungsoo's POV



"ang galing nio guys congratulations succesful ang showcase nio" yan ang sabi ni manager..


"nakakatuwa talaga di ko akalain na ganun kadami ang nagpunta sa showcase natin" sabi ni Suho hyung


sabagay totoo un, ang dami ngang nagpunta at nakatuwa kasi lahat sila nagchecheer samin.. at alam na agad nila ung kanta namin na History at Mama


kakatapos lang kasi namin magperform.. at nandito na kaming lahat sa backstage.. nakakapagod man pero sulit kasi sa tagal ng dalawang taon sa wakas nag debut narin kami


close narin naman kaming lahat tsaka masaya ako mapapakita ko na kung ano ung kaya ko sa pagkanta


matutuwa sina mama nito ibabalita ko na rin mamaya


..


pauwi na kasi kami sa dorm namin


"uy d.o ayos ah kinabahan ako kanina ikaw ba?" tanong sakin ni baekhyun nandito kasi kami sa kusina naghahanda ng pagkain


" oo naman kinabahan ako pero ayos lang atleast di tayo nagkamali" sabi ko


"oo nga eh.. ang daming pumalakpak satin noh.. buti lumabas narin ung album natin sana maraming bumili"


"marami yan tiwala lang..."


"tama.. pano ba yan tayo na ung main vocalist ng Exo-K haha... eto talaga ung pangarap ko eh"


"ako rin naman eh.. dream come true noh"


"pero nga pala may meeting tayo bukas diba para sa mga guestings na natin ?"


"oo nga pala .. bukas un sakto gabi narin kain na tayo saka na matulog"


"sige tara na"


at saka na kami kumain lahat... natawagan ko narin kasi si Eomma kanina ,,, sabi nia nanood daw sila ng TV at congratulations daw kasi nga ang galing daw namin haha nakakatuwa talaga sila


makapaghanda na nga matutulog na kami eto na ung umpisa ng madaming gagawin haha


................................................................................


Shane's POV {Ate ni Siena}



haaaay~ nahihirapan ako para sa kapatid at pamangkin ko...

kasi pano ba namang hindi? malalaman mo nalang na ung D.O pala ng EXO ay un ung tatay ni Aidan... at higit sa lahat mas bata pa siya kesa kay Siena at artista pa.. ang layo ng estado nila sa buhay pero gusto ko mabuo ang pamilya nila... tumatanda narin kasi kami ni Siena at lumalaki na si aidan


gusto ko magkaron siya ng ama


nung una aaminin ko nagalit ako kay siena kasi paanong nangyari un? nabuntis siya ng isang lalaking hindi naman nia kilala


akala ko nga anak un nung dati niang boyfriend pero hindi pala.. kasi nga nagbreak na daw sila nung araw na un... at may nakilala nalang na lalaki si siena at may nangyari sa kanila... pinagalitan ko nga sia eh pero ngaun ok naman na wala naring magagawa at least may dumating naman na anghel samin si aidan un.. ang gwapo nung pamangkin ko eh


hawig na hawig kasi nung D.O di mo mapagkakaila na mag ama sila ....pero ayaw ni Siena eh.. na bumalik ng korea para malaman ni D.o na may anak sila


sabagay baka masaktan lang ung kapatid ko kasi baka di siya matanggap ni D.o lalo na't sa dalawang taon na nakalipas ang tagal na nun ... madami nang nagbago sigurado


pero gagawa ako nang paraan para mabuo silang pamilya



........................................................................................


waaaaaaaaaaah nakapag update din sa wakas hehe


dahil bakasyon na mag uupdate nako lagi haha


btw hindi umabot sa 12 votes ung nakaraang update eh ang taas ata sige 8 votes nalang ulit para mag update ako at tsaka 4 comments


VOTE AND COMMENT





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com