Her 51
Chapter Theme: When I Look at You by Miley Cyrus

"Any questions?"
Silence filled the whole room while I'm already packing up my things. It's the last day of school this year and I have never been this tired to welcome the Holidays. "Okay, enjoy your Christmas vacation." The instructor left the room as well as the rest of the class while I was still on my seat, staring at my bag while realizing something.
"Shet.. wala pa pala akong regalo sa kambal." I mumbled and blew a breath of disappointment before wearing my jacket and hanging the strap of my bag on my shoulder.
I was yawning while walking in the middle of the hallway. It has been a hella year and even sleep can't help me anymore. Sleeping the whole day was not enough because waking up tired is always the worst thing I'm experiencing.
Tinutulog ko na lang ang mga libreng oras para matapos lang ang bawat araw ko. At ngayon ay December na naman, maraming alaala naman ang pumapasok sa akin. Siguro, sanay na ako sa mga ganito. Sa pagiging sanay ko ay wala na akong maramdaman habang nagiging malabo na ang bawat imahe sa utak ko.
Napapahawak ako sa batok ko habang binabasa ang summary ng isang junior novel na tiningnan ko sa book store. Nahihilig na kasi si Styler magbasa ng mga libro. Sa huli, binili ko ang unang libro na nabasa ko na tungkol sa robots.
Habang nag-iisip ako para sa ireregalo kay Stylie ay napatingin ako sa paglalakad nang makita ang sarili ko sa salamin.
I was wearing my all-white Allied Health uniform. I look like a nurse but the design was different from them. I was wearing make-up but not that visible. I'm still wearing it to cover my pale face. I tied my hair into a ponytail and something caught my attention. My own eyes.
Taking a glimpse of my drained eyes made me forget what I am today and continued to walk away.
In the end, I bought a set of coloring materials since I saw her collecting coloring books.
Bumili rin ako ng pen para kay Mom. 'Yung palagi kong nakikita na nakasabit sa coat niya. Pero ang binili ko ay may LED laser light para gagamitin niya tuwing may seminar sila.
Binibilang ko pa ang pera ko isipan ko habang nakatitig sa necktie na nakadisplay sa department store. May pera pa naman ako at nagdadalawang-isip ako kung pipiliin ko ba ang plain blue tie or 'yung may polkadots kasi magkaiba ang presyo nila.
Hindi naman kami nagpapansinan ni Dad kasi.. ganun pa rin. Busy pa rin siya sa pag-angat ng business namin. Ang alam ko ngayon ay nasa South Orwell siya ngayon para kunin ang mga gamit namin sa bahay namin dahil may nakabili na rin ng lupa.
Ano pa ang mararamdaman ko? Masyado na akong namanhid sa buong dalawang taon.
"Kung red pipiliin ko, mukha siyang agent sa mga movies.." bulong ko. Hindi rin kasi ako mapakali. Baka ayaw niya o ano.
Gusto ko rin naman makipag-ayos kay Dad. Kung ayos naman kami ni Mom, gusto ko sa kanya rin kasi siyempre, tatay ko pa rin siya. Nasa loob ko pa rin na magkaroon ng tatay.
"Baka magalit naman sa akin lalo kung hindi ko man lang siya binigyan.." bulong ko pa rin. Seryoso ring naghihintay ang salesman sa tabi ko. Nakakatuwa lang ang reaksyon niya dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ko dahil Filipino.
"I'll take this." I pointed the green necktie since our Real Estate's main color is green.
Meron pa naman akong pera kaya bumili ako ng bagong make-up, highlighter stick, blush stick at matte eyeshadow palette para sa sarili ko. Kailangan ko ring mag-ipon ng lakas kaya bumili na lang din ako ng cookies at shake pauwi. Buong effort kong tinago ang mga binili ko dahil nasa sala pala ang kambal. Halos ipasok ko sa loob ng uniform ko ang mga ito kaya kunot-noo nila akong pinapanood maglakad paakyat sa kwarto ko.
"Ate Lai, do we have a Christmas Tree?" tanong ni Stylie kaya nanlumo ako nang makarating sa sala. Wala man lang kadecoration ang bahay namin kahit magpapasko naman.
1st week pa lang ng December at last year, wala rin kaming decoration. Biglaan lang ang pag-uwi ni Mom at kumain ng mga binili niya bilang Noche Buena namin... at birthday ko.
"Bili tayo ng decorations ngayon?" I asked them.
Napalundag si Stylie at tumango nang maraming beses. "Let's decorate, Ate Lai! We want to decoraaaatee!" Niyugyog pa niya ang balikat niya kaya tumawa ako.
Binihisan ko sila ng sweaters dahil medyo malamig na ngayon. Parang kitikiti si Stylie na sumasayaw pa habang iniipitan ko ng buhok. Si Styler naman nakakunot ang mukha habang pinapanood ang kambal niya.
Nang lumabas na kami sa bahay ay natigilan ako nang may makita mula sa kalangitan.
"Oh my gosh! It's snowing na!" Napatalon-talon ang kambal habang sinasalo ang munting niyebe mula sa kalangitan.
"Ang aga ngayon ah.." bulong ko at napabuga ng isang mahinang tawa. Pinapasok ko ulit ang kambal para suotan ng coat nila at mga sumbrero nila. Last year ay medyo nalate ang pagsnow sa inaakala namin at natapos ito late March. Ngayon ay maaga nagparamdam kaya siguro maaga ring matatapos ang season.
Noong una namin dito ay sobrang lamig. Ibang-iba sa Pilipinas kaya grabe ang mga suot namin para hindi lamigin. Pero ngayon ay nakapag-adjust na rin kami.
"I want the pink hat, Ate!" sabi ni Stylie habang tinuturo ang pink niyang sumbrero kaya 'yun ang sinuot ko sa kanya. All pink na ang suot niya at may white scarf akong pinaikot sa leeg niya at halos tinago ang bibig niya para hindi rin mag-ingay.
Si Styler ay nakaskyblue coat at white hat. Inikutan ko rin siya ng dark blue scarf at hindi naman siya nagreklamo na nakatago ang bibig niya.
Nagpatong na rin ako ng gray long coat hanggang tuhod ko. I was wearing black slacks and a white sweater underneath. Nagblack scarf lang ako at lumabas na kami. Medyo lumakas din ang pag-ulan ng snow kaya binilisan na lang namin pumunta sa proper para bumili ng ibang decorations. Hindi lahat ng decoration ay binili namin kasi baka hindi pasok sa budget ko.
Nagdadalawang isip ako kung bibili ba ako ng malaking artificial Christmas Tree kasi medyo mahal. Bumili na lang kami ng medium size kasi maliit din naman ang bahay namin.
Bumili kami ng ream of construction papers. Gagawa na lang kami ng paper chains pandagdag lang ng kulay sa bahay.
Bago kunin ang pinamili namin ay kumain muna kami sa isang Fast Food Chain. As usual, hindi naubusan ng kwento si Stylie at nakinig ako sa mga napanood niyang cartoons kanina.
Pag-uwi namin ay tinanggal na namin ang coat namin at excited nilang nilabas ang mga pinamili namin. Dinadasalan ko na lang ang pera ko na dumami na lang ulit kasi medyo malaki-laki ang nagastos ko.
Tinanggal ko ang cabinet na ginawang pantakip ng fireplace sa sala namin at nilinis ito. Sinarado ko kasi 'to baka gawing bahay-bahayan ng kambal. Mahirap na.
Tinuruan ko ang kambal na gumawa ng paper chains kasi para malinisan ko rin ang chimney. May nakapatong kasi roon pantakip.
It's a tough work pero naayos ko rin naman agad dahil may mahabang stick sa likod ng bahay at 'yun ang ginamit ko para tanggalin ang takip kaya nagkaroon ng ingay sa bubong. Narinig ko ang matinis tili ni Stylie dahil sa gulat.
Kumuha rin ako ng stock ng firewood sa maliit naming storage room. Marami-rami ring andoon dahil binili pa namin 'to last year.
Pagod akong umupo sa harapan ng fireplace nang nagsimula na itong mag-apoy at makaramdam ng init sa sala. Napagod din ako sa paglinis ng bahay kaya hindi ko napansin na nakaidlip ako sandali habang nakapatong ang ulo ko sa sofa.
Medyo nagising ang diwa ko dahil may naramdaman akong nakatali ang buong katawan ko. Gusto ko sanang magstretch dahil namamanhid ang buong katawan ko sa pwesto ko pero napadilat ako dahil may nagtali sa buong katawan ko.
Tumawa nang napakalakas ang kambal habang pinapanood akong tinatanggal ang scarf na nakatali sa buong katawan ko. "HOY!" sigaw ko pero tumawa lang sila habang kinikiliti ako sa hawak nilang feather.
Gusto kong maiyak sa sobrang kiliti kasi masyado akong mahina sa bandang leeg kaya nang matanggal ko ang nakagapos sa akin ay sila ang hinabol ko.
Naghabulan lang kami sa buong bahay hanggang sa naggabi na kaya tinapos na namin ang pagdedecorate ng Christmas Tree. Sinabit ko na rin ang paper chains sa taas kaya nang matapos na kami ay kumain na ng dinner bago ko pinatulog ang mga kambal.
Bumaba ako para ligpitin ang ibang kalat. Nakita kong masaya talaga ang kambal ngayon kaya parang wala lang sa akin ang pagod. Napapasulyap pa ako sa buong sala habang nakasandal sa sofa.
Naramdaman ko rin na malapit na ang Pasko sa series na nakasabit sa kisame. Kinuha ko ang remote at pinatay ang ilaw kaya nagmistulang mga bituin sa itaas ang mga gintong ilaw.
I played Lover by Taylor Swift in a slow tempo that made me feel a nostalgic feeling with the atmosphere. I exhaled softly as I lay my head on the sofa. It really felt something. Something... I've seen and felt before.
My vision began to blur but I just stared at the golden series attached on the ceiling. And I saw someone..
Standing infront of me and it looks like he's saying something but I can't hear it. I even forgot what are the exact lines he's stating that time. But I don't feel nothing at all. Everything was blur. It also looked like it's already fading.
I can't even remember his face.
Everything was hard to remember. It's also a tiresome to find things to remember those.
It's better this way, right?
---
"Merry Christmas!"
I'm glad that Mom was home to celebrate Christmas. Dad's not here tho, nasa South Orwell pa kasi siya.
"Happy Birthday Ate Lai!"
Napalingon ako at nagulat ako nang may hawak pala silang cake at kandila. Napatili ako at napalundag sa tuwa. They remembered my birthday! Until I blew my candles immediately, making them confused.
"You're not making a wish?" tanong ni Stylie pero umiling ako habang nakangiti.
"I don't want to ask for something because I'll do anything to make it true."
And I saw a wishing well in my mind.
Natauhan ako bigla nang pinahirap ako ni Styler ng icing sa bisig ko kaya napangisi ako. Napasigaw si Mom na may hawak na cake dahil nilagyan ko ng icing ang mukha niya.
Gumanti rin si Mom at nilagyan ng icing ang mukha ko kaya nagtawanan kami. Naghabulan pa kami hanggang sa kumain kami ng Noche Buena dahil nagugutom na raw si Styler.
It was fun. It was really really fun.
Kinabukasan ay naglaro kami ng UNO cards nila Mom at tinuturuan siya ng kambal kung ano ang dapat niyang hinulog. Tapos ang laro ay naging one-on-one sa aming dalawa.
"You put this." May tinuro si Stylie sa cards ni Mom kaya nagdalawang-isip pa siya na nilapag ito.
Naging ganun ang laro namin, tinutulungan siya ng kambal para manalo siya pero ako pa rin ang nananalo sa huli kaya nakailang ulit na kami ng rounds. Hindi niya kasi matanggap na natatalo siya busy ako sa pagshushuffle.
Mukhang napagod na si Styler manood sa side ni Mom kaya lumipat siya sa akin para tingnan ang mga cards ko.
Hindi nagtagal.. "UNO!" sigaw ko nang isa na lang ang card ko kaya pinanliitan ako ng mga mata ni Mom. Marami pa kasi ang cards niya at imposible na siyang manalo.
Pagkalapag niya ng yellow ay napasayaw ako sa inuupuan ko nang nilapag ang huling yellow na card ko. Tinawanan ko ang reaksyon nilang dalawa at pinatuloy ang pagsasayaw ko.
"Gets ko na ang laro." Ngumisi si Mom kaya kinabahan ako bigla.
Sumali na 'yung kambal kaya nagulat ako nang biglang maglapag kaagad si Mom ng isang +4 cards sa akin. Napanguso akong bumunot ng apat. Patagal nang patagal, pumapangit ang mga cards ko kaya napapasigaw ako sa inis, "MADAYA KAYO!"
"HAHA!" Paglapag ni Mom ng isang +2 para sa akin ay napasapo ako ng noo. Pero nang makita ko na iisa lang ang card niya ay sumigaw ako, "UNO!" Inunahan ko siya sa binelatan niya ako at pinakitang dalawa pa ang cards niya. Sa huli, apat ang nadagdag sa akin.
"UNO!" sigaw ni Mom kaya hindi na maipinta ang mukha ko. Tawang-tawa ang kambal sa reaksyon ko kasi umabot ng 15 ang cards na hawak ko.
Pakiramdam ko talaga, dinadaya na nila ako dahil sa mga cards ko. "Ampanget-panget-panget-panget-panget-panget ng cards ko," diin ko habang tinititigan ang puro pula ang cards ko. Eh nilalapag nila ay puro dilaw at berde. Wala rin naman akong ibang numbers na hinuhulog nila. Palagi silang nagpopowercards kaya hindi ako nakakatira.
"Sige, huwag niyo akong patirahin," sarcastic kong sabi. "Okay lang. Huwag niyo na talaga akong patirahin."
Matapos ang ilang minuto ay atlast naglapag si Styler ng pula. Siguro naawa siya sa akin pero hindi naawa sa akin ang sarili kong nanay na naglapag ng color switch card. "Green," dagdag pa niya kaya napatakip ako ng mukha sa inis.
Kahit pinagtulungan nila ako ay ayos lang. Mukhang nag-enjoy naman sila kaya parang nag-enjoy na rin ako.
Mabilis lang din ang araw at New Year na naman. Kaso may duty si Mom kaya papadalhan ko na lang siya ng mga niluto ko para may makakain din sila sa ospital.
Nagluluto ako ng carbonara at iba pang kaya kong lutuin kasi ang ibang pagkain ay inorder ko lang sa mga malapit na restaurant.
Nakahanda na ang mga dadalhin ko pero nagdadalawang-isip ako kung paano ang kambal na nasa sala ngayon. Nagbabasa si Styler at nagco-color naman si Stylie. Napahawak ako sa noo ko para mag-isip pero mas inuna ko na lang maligo.
Naglagay din ako ng make-up kasi lalabas ako. Nakakahiya naman na lumabas akong haggard, 'di ba? Nagdadalawang-isip na naman ako kung maglagay ako ng matte eye shadow dahil gabi naman. Baka abutan ako ng bagong taon sa labas. Pero naiisip kong, parang ayoko rin maglagay. Sa huli, wala akong nilagay na foundation at tanging blush, liptint at kilay ang nilagay ko sa mukha ko. Gustuhin ko mang magmascara pero parang masyado na kaya nagsuot na lang ako ng specs ko.
Sumilip ako sa labas at hindi pa naman nags-snow pero nagsuot ako ng itim na long coat ko. Nakatuck-in ang gray knitted sweater ko sa black pants ko. Nagsuot na rin ako ng scarf sa leeg kaya pagharap ko sa kambal ay napalundag sa tuwa si Stylie. "Ate Lai, so pretty!"
Mahina akong natawa habang tinataas ang zipper ng silver boots ko.
Muli akong nagpose sa harapan ni Stylie kaya binigyan niya ako ng dalawang thumbs up.
Magtatanong sana ako kung magsusuot pa ba ako ng sumbrero nang napatingin kami sa pintuan dahil may pumasok. Nanlumo kaming lahat nang makita namin si Dad, mukhang galing pa sa Pilipinas.
Hindi pa naman kami ganoong kaclose kaya napatitig lang muna kami sa kanya. Hanggang sa binaba ang dala niyang bagahe. Kinunutan niya kami ng noo bago napabuga ng mahinang tawa. Ngumiti siya sa amin at binuka ang mga bisig niya. "Happy New Year, mga anak ko."
May kung anong natunaw sa puso ko at biglang namuo ang mga luha sa mga mata ko. "Daddy!" sigaw ni Stylie at tumakbo para yakapin si Dad. Kinarga agad niya si Stylie at tumakbo rin si Styler at niyakap ang mga binti niya.
Gusto ko talagang maiyak. Hindi na ba siya galit sa akin? Tama ba ang narinig ko? Anak na ba niya talaga ako?
"Lai."
Napayuko ako nang una niyang beses na binanggit ang nickname ko. Napatakip ako agad ng mga mata dahil sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam? Umaapaw ang saya sa puso ko dahil parang nawala na lang bigla ang lahat ng alaala ko noon. Parang naglaho lahat ng sakit, luha at galit na naramdaman ko dati.
"Bakit ka umiiyak?" natatawa niyang tanong at binalot niya ako ng yakap.
"Hala.. make-up ko.." nasabi ko na lang kaya napabuga na naman siya ng tawa.
Niyakap ko siya pabalik at doon na ako nakahinga nang maluwag. Kakaiba talaga sa pakiramdam kapag siya ang kayakap ko. Parang kumonekta agad ang loob ko sa kanya dahil siya ang tatay ko.
"Saan ka papunta? May shooting ka?" biro pa niya.
Natatawa akong pinupunasan ang luha sa pisngi ko. "Kay Mom po. Ibibigay 'yung Media Noche." Tinuro ko ang mga tupperware na nasa lamesa.
"Ano sasakyan mo?"
"I can take the bus. I'm okay. You can eat with the twins. You must be hungry," sabi ko at tinulak siya paupo sa dining table.
Sa huli, pumayag din siyang lumabas ako para ibigay ang pagkain nila Mom. Pero bago ako umalis sa bahay ay nagretouch ako ng blush dahil natanggal sa pag-iyak ko.
Masaya akong tumungo sa ospital kung saan ngayon si Mom. Tatawagan ko pa sana siya nang makita ko siya na tumatakbo para salubungin ako sa entrance. "You didn't tell me!" bati niya at niyakap niya ako sa gitna.
"Happy New Year! If may free time na kayo, salo-salo kayo," sabi ko at pumunta kami sa office nila. May mga doctor din doon at pinakilala niya ako na anak, na nagpangiti sa akin. Gustuhin ko mang pumarito hanggang magbagong taon pero mukhang anytime ay may emergency kaya sinabi kong uuwi na ako dahil hinihintay ako ng kambal. Atsaka, tinext pala siya ni Dad na papunta ako kaya nagmadali raw siyang lumabas kanina.
Nakangiti akong lumabas ng ospital. Kahit malamig ngayon ay parang umiinit ang puso ko tuwing inaalala ang ngiti ni Mom at Dad kanina. Parang may pag-asang bumuo sa akin.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makapunta malapit sa Times Square. Hindi ko naman napansin kung gaano na kalayo ang nilakaran ko dahil sa sobrang saya ng puso ko. Balak ko sanang sumakay pauwi pero nakita kong napakaraming tao roon at naalala ko lang ulit na magbabagong taon na pala.
Kanina pa ako naglalakad at napansin kong 7 minutes na lang bago magpalit ng taon kaya nagpasya na lang ako na dumito na lang at maghintay ng fireworks habang nasa Times Square. Ang dami talagang tao at malayo man ako sa Ball Drop ay naaninag ko naman ito sa kalayuan. Hindi na rin ako makapunta roon dahil ang siksikan ang mga tao roon.
"Argh." Hinipan ko muna ang mga kamay ko bago ipagkiskis ito dahil sa sobrang lamig. Dapat nagsuot ako ng gloves. Hays. Sumisingit ako sa mga tao roon habang naghihintay magcountdown. Naghahanap ako ng space para pagtayuan ko. Ang dami kasing mga tao. 'Yung iba, may naghahalikan na kaya napapakunot ako ng noo.
Maliwanag din dito sa Times Square dahil sa mga ilaw rito.
"30 SECONDS!"
I sighed in defeat and didn't bother to move an inch after knowing I spent too much minutes just to find the perfect spot for this moment.
I put my hands inside my pocket and I am almost shivering because it feels so cold.
"20 SECONDS!"
"I promise to be with you every new year."
When I heard his voice inside my mind again, my sight was stuck at the billboard. Something just charged inside me and I almost took a step backwards because of the impact of that memory.
I heard his voice again. The voice I haven't recalled for months... I held my head and trying to remember his face but everything was unclear inside me. My head is spinning and I've been recalling those memories, every memory with him. But all of them were like shattered glasses.
I wanted to cry because I can't remember his face. I can't also recall what his touch felt like. I can't remember his scent. Even his eyes... it's really hard to remember.
Masyado ba akong nagpakababad sa pag-aaral at sa sakit kaya humantong na ako sa puntong ito?
"10!"
Everyone was shouting along with the LED Screen above. I gave up remembering him. I failed this time.
"5!"
What's the point of celebrating? Another year without him is still the same as last year.
I sighed as I'm planning to leave my place but someone from a far caught my eyes. He was wearing a brown coat and a cream turtle neck underneath. His side profile made me cover my mouth when I realized who he is. It's him. I saw him again.
"3! 2!"
I bursted into tears as the fireworks explode at the dark sky. The Ball dropped and it was already raining confetti.
While everyone was looking above the sky, I was just watching him.. painted by the colorful lights from above. I'm just watching him smiling. After all these months, it was not easy to recall him because everything became a blurry memory back then... but this time, he became the clearest view I'm seeing right now.
I'm not dreaming. I'm really sure that I'm not dreaming. He's really here! He's with me right now!
But why is my home far from me?
I can't handle my sobs anymore. Both of my hands were covering my mouth to control my cries. I really want to run to him. I want to hug him very very tight. That moment, I will never let him go again. It's like I really want to go home to him. I want to be with him again but shame and regrets from the past were pulling me away from him. I'm afraid if we meet again, things will never be the same.
I was like in a dark side of the world and he was my light. I would rather watch him glowing alone without... me, still a disaster.
The whole hour, I was watching him, cherishing each second because I know it will last later.
One thing I knew, he was gone from my sight as people began to walk away from their places.
Kung totoo man siya o hindi, atleast naalala ko rin siya 'di ba?
Umuwi akong nakayuko at halos hindi na alam ang gagawin. Parang gusto kong bumalik at hanapin siya. Pero mapapasabunot na lang ako sa sarili ko dahil alam kong baka masira ang plano ko na ibangon ang negosyong pinaghirapan ni Dad.
Pero maiintindihan naman niya 'di ba? Hihintayin niya kaya ako?
Gusto kong sumigaw sa gilid ng kalsada sobrang gulo.
Tanginang love can wait.
Wala na talaga akong maintindihan lalo na't pumasok sa isipan ko kung totoong siya 'yun, anong ginagawa niya rito?
Sumakay na ako ng bus pauwi at parang pabigat nang pabigat na naman ang nararamdaman ko.
Nang makarating sa bahay namin ay parang tumahimik na naman ang mundo ko na malayo sa siyudad. At dahil sa tahimik dito ay malinaw na malinaw sa utak ko ang nakita ko kanina.
Pumasok ako sa bahay na nakayuko. Gusto ko na lang matulog kasi baka mawala naman 'to bukas.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Dad sa lamesa at umiinom ng alak. Nang makita niya ako ay sumenyas siya na umupo sa bakanteng upuan sa harapan niya.
Kinabahan ako at lumapit na rin. Pakiramdam ko talaga may pag-uusapan kami. Natakot tuloy ako nang slight.
"Bakit natagalan ka?" tanong niya.
"Nanood po ako ng Ball Drop sa Times Square.."
Napakunot ang noo niya. "Maraming tao roon. Kumusta naman?"
"Nasa kalayuan naman po ako, hindi ko man makita 'yung Ball Drop nang malapitan, umabot naman po sa pwesto ko 'yung confetti," natatawa kong sabi pero nakita ko na naman siya sa utak ko.
Napatango siya at natahimik saglit. Inalok pa niya ang alak niya pero umiling ako na nagpatawa sa kanya.
"Alam mo ba, noong una kong makita ang Mom mo ay nagalit ako sa kanya?" panimula niya kaya nagtaka ako. Bakit naman siya magagalit kay Mom? Lalo na't first time nilang nagkita?
"Kasi, bigla akong tinamaan sa kanya at alam kong masisira ang mga plano ko sa buhay. Ang plano ko naman kasi, palaguin ang ipapamana sa akin ng lolo mo pero nilandi ako ng nanay mo kaya bumigay naman ako." Napabuga ako ng tawa kung paano siya magkwento. Hindi ko talaga inexpect na may ganitong side siya kasi dati ay halos palagi akong pinapagalitan.
"Siguro 'yun din ang kabilang epekto kung magmahal ka. Masyadong nauna ang pagmamahalan namin at halos naghati-hati na ang mga desisyon ko sa buhay dahil ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay namin ng nanay mo hanggang sa nakakalimutan ko ang una kong priority. 'Yun din siguro ang kasalanan ko kaya sobra-sobra ang pagkukulang ko. Dahil din siguro roon ay nakalimutan kong may anak pala ako."
Huminga ako nang malalim at nakinig na lang sa mga sasabihin niya.
"Inaayos ko 'yung kumpanya. Ginagawa ko ang lahat para hindi ito bumagsak kasi gusto ko kapag nasa kamay mo na ay hindi ka na mahirapan." Napakamot siya ng ilong at napaubo. "Kaso ibang field ang gusto mong tapakan kaya doon na ako nandilim ang paningin. Ginawa ko ulit ang lahat para iangat 'yun hanggang sa umuuwi ako sa bahay ay nabubuhos ko ang galit sa'yo. Na 'yun ang pinakamalaking kasalanan ko." Napasandal siya sa sandalan.
"'Yung Rogers ang huli naming alas ng Mom mo kasi nalaman naming gusto mo si Minute kaya kahit doon ay maging masaya ka habang umaasa na maging maayos ang lahat kung magpabuhat tayo sa pag-advertise nila pero mukhang palpak kasi si Minute ay walang kataste-taste. Ang ganda-ganda kaya ng anak ko tapos babalewalain lang niya?" Napasimangot ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matotouch ba ako sa sinabi niya o matatawa dahil sa paraan ng pagsasalita niya.
"Tapos iba na pala bumihag ng puso ko." Tumawa siya bago uminom sa baso niya.
Napaangat bigla ang tingin ko. "Po?" Alam niya kaya?
Nang ibaba niya ang baso niya ay napapisil siya sa ilong niya bago napailing. "Ang gusto lang namin ay maging maayos ang magiging buhay mo pero kami rin pala ang nagsisira. Natabunan ang pagmamahal namin bilang magulang dahil natuto kami sa pagkakamali namin dati at ayaw naman namin iparanas sa'yo ang mga 'yun. Tanginang pag-ibig 'no?"
Huminga siya nang malalim at napaubo sa pait ng alak. "Pero kung pag-ibig man ang usapan, andito na 'to. Mahal ko kayo. Mahal na mahal at gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay niyo." Napayuko naman ako habang dinadamdam ang mga salita niya.
"Sorry, Style sa mga ginawa ko sa'yo noon. Sa mga sinabi ko at sa lahat ng nangyari. I should be a great father to you. Siguro, hindi 'to mangyayariㅡ"
"Hindi po, Dad. Ako po dapat ang humingi ng patawad dahil nabalutan lang po ako ng sakit dahil hindi ko maramamdaman ang pagmamahal niyoㅡ"
"Sige, mang-angkin pa tayo ng mga kasalanan."
Alam ko na kung kanino ako nagmana. Napabuga na lang ako ng tawa at napailing.
"Lai, aaminin kong kulang na kulang ako bilang ama sa'yo pero sana, maniwala kang mahal kita. Nagulat lang ako na may lumapit sa akin at sinabing mahal ka niya kaya doon may humukay sa mga mga nangyari at doon ako napaisip ng mga mali ko. Kung dati ay nasobra ako sa pagmamahal at hindi ko na nabigyan ng pansin ang pangarap ko para sa tatay ko, ay naging sumobra na ako sa pagbibigay pansin sa pag-abot ng pangarap ko, para pa rin sa tatay ko, para rin sa inyo pero sobrang nagkulang na ako sa atensyon at pagmamahal para sa inyo."
"Daddy naman..." Napahawak ako sa sentido ko, "Mas marami naman po pinagsasabi niyo kaysa sa pinagsabi ni Mommy," biro ko kaya tinuro niya ako. Pero natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Sino po nagsabi nun?" Hindi ako pwedeng magkamali, may nagsabi raw na mahal niya ako.
Napakamot siya ng batok. "Anong pipiliin mo? Pera o kasiyahan?"
Natahimik ako saglit para isipin ang bawat panig. Kung ibang tao lang ako ay kasiyahan ang pipiliin ko pero sa sitwasyon ko ay mukhang kailangan kong piliin ang pera. Kailangan ko munang maging matagumpay sa buhay para sumaya.
"Kailangan ko pong makatapos ng Chiro para makapasok po ako sa Business School para may alam po ako kapag tulungan na kayo sa business," taas-noo kong sabi sa kanya kaya napatango siya. Mukhang namangha sa sagot ko. Kaya ko na ngayon dahil unti-unting lumalakas na ang loob ko.
"Paano siya?"
Bakit ganun? Siya agad ang naisip ko? Gusto ko talaga siyang tanungin tungkol doon pero parang mahihirapan lang ako lalo.
"Hirap 'no?" tanong niya kaya napatango ako.
"Pero gagawin ko ang lahat, Dad. Gagawin ko po ang lahat para maging maayos po ang lahat. Promise po. I'll be better." Pinagdikit ko pa ang mga palad ko para ipakita kung gaano ako seryoso sa pinagsasabi ko. Nakita kong napangiti siya at pinatong ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko.
"Eveything will be fine. Just do your best."
---
Okay na kami ni Dad at napakagaan talaga sa pakiramdam. Nakangiti ako habang nakasandal sa railings ng balcony. Hawak-hawak ko ang phone ko at nag-iisip kung tatawagin ba siya.
Natatakot pa rin ako lalo na't puro salita pa lang ako ngayon. Gusto kong maging maayos muna ang lahat dahil nangako ako sa mga magulang ko. Aayusin ko muna ang mga nasira ko at ang sarili ko bago siya ulit harapin balang araw.
Is this the time to let him go?
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaactivate ko ang FB at Messenger account ko. Huminga pa ako nang malalim habang tinitingnan ang convo namin. Dalawang taon na pala.
Pumapasok talaga sa utak ko na kailangan ko na siyang pakawalan dahil dumadating pa rin ako sa point na baka puro salita lang ako. Baka mapahiya pa rin ako at umabot sa oras na hindi ko na kayang ipakita ang mukha ko sa iba.
Kailangan ko munang ayusin ang lahat bago siya harapin ulit.
Hindi pa man ako sigurado sa magiging kinabukasan pero kailangan ko na talaga siyang pakawalan.
Pikit mata kong tinawagan siya sa voice call. Kinakabahan talaga ako na nagriring ang kabilang linya. Hanggang sa napadilat ako nang sagutin na niya ito.
Biglang nawala ang naipon kong lakas ng loob nang nagsimulang gumalaw ang mga segundo sa voice call namin. Para akong naging pipi sa narealize ko at gustuhing mahimatay na lang.
Hindi siya nagsalita sa kabilang linya at halos lumabas na ang puso ko sa kaba. Hindi na rin ako makahinga nang maayos dahil ang daming pumapasok sa utak ko.
Umabot na ng dalawang minuto ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa kaya pinatay ko na ang tawag. Dali-daling nagdeact ulit ng account. Inuninstall ko ulit ang Messenger ko atsaka napasandal ang likod sa railings ng balcony. Napahawak na lang ako ng dibdib sa lakas ng kabog nito.
Ayaw ko siyang pakawalan. Hinding-hindi ko siya papakawalan.
All my life, I've been selfless. I always understand people until I'll blame myself for everything what happened.
I want to be selfish this time...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com