Her 52

"The owner of Staris Company, Style Harris is here."
I opened the door to a meeting room and eyes from different faces went on me as I smiled shyly. "Traffic jam. I'm sorry," I said quickly because I'm already 15 minutes late for a meeting. "And thank you for waiting," I added and sat at the vacant seat. I was tired but I didn't let them see that. I kept on smiling to the employees of Conreque Organization, our client.
"Thank you also for accepting our request to handle the construction for our new branch." Mr. Madson, the Director of the company and I just nod as he continue to bring up the agenda for the plans of their 5th branch.
This is a big company and Dad said that I should attend the meeting to thank them for trusting our service while he was busy with another big client back in New York.
"Ang bait ng CEO kanina, Ms. Style. Parang gusto ko ngang jowain eh," Engr. Earthlee Dales whispered while the speaker was introducing their org before proceeding to the main agenda.
"Jowain mo na," bulong ko rin kaya napanguso siya. Napailing na lang ako at buong atensyon ang binigay ko sa meeting.
Nauna naman sa akin ang mga representatives ko rito sa meeting room ng Conreque kasi may inayos pa ako sa office ko. Saktong traffic pa pag-alis ko kaya halos iuntog ko na ang ulo ko sa manibela ng sasakyan ko sa sobrang bagal ng pag-usad ng mga sasakyan doon.
I was smiling the whole meeting because the people here know how to handle the meeting well. Siguro, napapangiti rin ako dahil nasa Pilipinas ako ngayon kaso nasa Manila ako nang halos isang taon. Pero kailangan ko ring bumalik sa New York para kunin ang license ko after finishing my Doctor of Chiropractic degree na halos ilang taon kong pinaghirapan.
Our business was back on the lane and I can say that it got better for almost 3 years. While I was studying being a Chiropractor, Dad was teaching and instructing me about our company. Lots of huge clients were on us these past years and we already gained back our employees. Nakilala rin kami ulit matapos ang mga naunang projects namin. Naging isang malaking balita rin ang nangyari sa amin.
Kaso kahit gaano kami umangat ngayon ay nahahanap pa rin ng iba ang tungkol sa pagbagsak namin dati dahil sa pag-atras ko ng engagement at sa mga ninakaw na funds noon ng kamag-anak ni Dad na nagtatrabaho sa amin kaya doon nagpababa sa kumpanya dati. Naalala kong inaabangan pa namin ang balita sa TV para makita kung may pag-asa pa ba kami.
Hindi rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kaya ngayon na hawak ko ang kumpanya namin dito sa Pilipinas ay nagdodoble ingat ako. Buong atensyon kong pinapansin ang bawat projects na nasa amin. Naging maingat din ako sa pagpapasok ng mga empleyado.
Hindi rin ganung kadali noong pinatayo namin ang Staris dito sa Pilipinas dahil nangangamba si Dad noon dahil baka magkulang pa kami sa mga tao. Pero sa isang client namin doon ay tinulungan kaming umangat dito sa Pilipinas dahil meron din siyang kumpanya rito. Naging partner na rin namin 'yung kumpanya na 'yun.
Pagkatapos ng meeting ay nakipagkamayan ako sa CEO nila na isang lalaking nasa 30's at ito ang kinikiligan ni Engr. Dales kanina.
"I heard you're getting your Doctor of Chiropractic License. Congratulations! But who will run your company?" he asked after shaking of my hand.
"My Dad has always been the owner and he also runs our branch here in the Philippines. I was only helping him to make his work easier in two Staris. After building my clinic, they can also ask me for help."
Hindi nagtagal at namaalam na kami pagkatapos ang pagremind nila ang susunod na meeting for the details of the construction kasama ang mga representative ko. Sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng building para pumunta sa parking lot.
"Ms. Style, are you resigning?" tanong ni Engr. Dales kaya napatigil din ang iba kong kasama sa kumpanya para kunotan ako ng noo. Napahilot ako ng sentido ko at napakibit-balikat.
"Dad promised me kung maayos na ang takbo ng Staris at nakuha ko na ang license ko ay pwede na akong gumawa ng clinic ko kung saan ko gusto," medyo nahihirapan kong paliwanag kasi napalapit na rin kasi ako sa mga empleyado ko.
"Eh, sino naman po ang mamamahala rito sa Staris?" tanong ng Project Director kong si Uranie, na halatang nag-aalala at nalulungkot sila sa pag-alis na ako.
"Si Mr. Owen Philip ba? 'Yung assistant ni Mr. Harris sa New York?" gulat na tanong ni Engr. Dales at hindi na nakawala sa mga mata ko ang nagniningning niyang mga mata. Pinanliitan ko siya ng mata habang napatango at mukha siyang nakatama ng lotto.
"Kailan po alis niyo?" tanong pa niya.
"Next week."
"Next week? Hala? Ba't ang tagal?"
Nagtawanan silang lahat at pabiro ko siyang pinalo sa balikat niya. "Baka nakakalimutan mong hindi ka makatulog noong College days mo at may hinahanap ka pa ngayon," asar ko kaya napatigil siya bigla sa pagkilig niya.
Hindi nagtagal ay bumalik na lang kami sa mga sasakyan namin at magkita-kita na lang daw kami sa Staris Building.
Habang nagmamaneho ako papunta roon ay hindi ko mapigilang mapaisip. Nasa Pilipinas naman ako pero parang may hinahanap-hanap pa ako sa tirahan ko.
Nang umangat na ulit ang business ay natuto na ako magmaneho. Hindi naman ganung kahirap pero hindi rin ganung kadali. Kinakabahan ako sa pagdrive tapos naalala ko pang nakahelmet pa si Dad nun habang nagtuturo kaya kinakabahan ako lalo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa pinaggagawa niya.
"Good afternoon po, Ms. Harris!" masiglang bati ng security guard naming si Kuya Polo.
"Good afternoon, Sir Polo!" I gave him a single cute twirl making him laugh.
"Ma'am Harris naman!" Nahihiya siya tuwing tinatawag ko siyang Sir. I admire him naman kasi, hindi biro ang pagbabantay buong araw para sa kaligtasan namin. Kumaway na kami habang naglalakad ako papunta sa lobby ng Staris. Palaging napapaangat ang tingin ko. The huge crystal chandelier dangles from the high ceiling above.
"Good aternoon, Ms. Style!" bati ng mga nasa iba't ibang department at agad akong sinalubong ng assitant kong si Kienna.
"Hello, Ms. Harris! Dapat po pinasama niyo na ako kanina," sabi niya habang sinusundan ako papuntang elevator.
"It's okay. You need rest," I said, that made her pout.
"You need rest din, Ma'am. Halos nagtatrabaho kayo araw-araw," sabi niya kaya napangiti na lang ako.
Habang papunta sa 14th floor ng Builing ay napansin kong hindi siya mapakali at pinipilit tinatago ang phone niya dahil mukhang may tumatawag sa kanya. Napaiwas ako ng tingin para hindi siya mailang sa akin.
"Hello? Babe? Maya na, nasa trabaho pa ako." Napangiti ako bigla sa bulong niya. "Opo, dinner later! I love you too! Bye."
Humugot ako ng hininga kasabay ang pag-angat ng mga balikat ko. Gusto ko mang mainggit pero pumasok na lang sa utak ko ang first and last relationship ko. Kahit gustong bumagsak ng mga gilid ng labi ko ay pinipilit ko lang ngumiti. Ayokong ipakita na naiinggit talaga ako pero may pumipiga sa puso ko nang hindi ko man lang narinig mula sa kanya na mahal niya ako.
Myghad, Style. 7 years na 'yun! Ngayon ka pa ba masasaktan kung kailan, okay na ang lahat? Oo nga naman, masasaktan pa rin ako. Hindi ko man lang alam kung kamusta na siya ngayon. Kung siya na ba ang humahawak ng mall nila, kung masaya ba siya ngayon, kung ayos lang ba siya, kung ayos ba ang kalusugan niya o.. kung may girlfriend na ba siya roon.
Tuluyang bumagsak ang ngiti ko sa labi. Siguro oo, may syota na ata siya. Grabeng pitong taon. Sobrang tagal nun. Pero kung meron man, sana masaya siya.
Siguro, siya na ang namamahala ng mall nila. Sigurado rin akong kasama pa rin niya ang mga kaibigan niya.
Napapahaplos ako sa leeg ko dahil hindi na ako komportable sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang ulit siya naisip. Ngayon ko lang ulit siya naalala pero hindi ko na naman maaninag ang mukha niya.
Mukhang habang buhay bumubuo ang konsensiya sa akin.
"Ma'am?" Napalingon ako kay Kienna. Hindi na naman natuloy ang pag-aalala ko ng mukha niya dahil ang dami ring gawain. Natatambakan na ang utak ko at mukhang wala na talaga siyang mapupwestuhan. Paminsan, nahihirapan na rin ako maghalungkat ng memorya.
"Sana all may jowa," sabi ko na lang habang pinipigilan ko ang tawa ko.
"Hanap ka na kasi jowa, Ms. Style! Ang ganda-ganda mo kaya! Mayaman pa! Sexy, witwiw! Mabait pa! Tanga lang ang dededma sa'yo!" pagbibigay pa niya ng puri kaya natawa ako nang napalakas. Natuwa lang ako sa huling sinabi niya at pumunta na lang sa office namin.
Nakokonensensiya ako.
Marami akong pipirmahan ngayon at chinecheck na previous projects. Kahit sumasakit ang ulo ko sa pagbabasa ng bawat papeles ay nagpapatugtog na lang ako. As usual, Taylor Swift's songs.
Malapit na ang gabi at napansin ko sa CCTV footage na nag-uuwian na ang ibang empleyado. Napahikab ako. Wala akong bahay dito at ako lang mag-isa dahil ang kambal ay nasa New York.
Ilang oras pa akong nanatili sa office ko habang tinatapos ang mga iba ko pang trabaho. Nang makita kong 8 PM na ay kinuha ko na ang bag ko. Minamasahe ang batok ko habang naglalakad palabas ng office ko. Pagkasara ko ng office ko ay para akong zombie na naglalakad papunta sa elevator para pumunta sa 15th floor. Andoon ang ibang units at doon ako naninirahan simula bumalik ako rito sa Pilipinas.
Ayaw ko rin mag-condo dahil pinag-iipunan ko pa rin ang paggawa ng clinic ko. Actually, sobra na ang ipon ko mula sa estimated price ng lahat ng magagastos ko. Baka magamit ko ang iba kong pera para sa pagsettle ng ibang documents sa clinic.
Pagkarating ko sa unit ko ay agad akong nagbihis at nagtanggal ng make-up. Gusto ko man sanang matulog agad pero nagluto na lang ako ng instant noodles bilang dinner. Kumakain naman ako ng matinong dinner dahil nakakapagluto ako pero paminsan, sa sobrang pagod kay ay ito na lang ang makakaya ko.
Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ako ng higaan ko. Bago pa ako sumalpak sa kama ay napatigil ako sa pagpapagpag nang nahagip ng tingin ko ang terrace ng unit ko.
Pumunta na lang muna ako roon para tingnan ang ibang mga building. Masyadong mataas kung saan ako ngayon pero napapangiti na lang ako sa rami ng bituin sa langit.
Inantok na ako sa lamig ng hangin kaya bumalik na lang ako sa kama ko at agad akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko nang may tumawag sa akin kaya kinakapa ko ang phone ko para sagutin kung sino man ang tumatawag.
"Hello.." Inaantok pa ako at nag-iba rin ang boses ko. Sino ba naman kasi tatawag sa akin ng ganitong oras?!?!
"Lai."
"Dad.." Napaayos ako ng higa at tinakpan ang mga mata ko gamit ang bisig ko.
"Kailan ka ulit pupunta rito?"
"Tuesday po ako makakarating diyan," mabilis kong sagot para matapos agad 'to. Anytime, tutunog na lang ang alarm clock.
"Tapos, babalik diyan?"
"Friday, I guess? Bakit po? Anong oras na d'yan?" Humikab ako kaya narinig niya 'yon at natawa sa kabilang linya.
"Nagbobook ako ng flight natin para sabay tayong bumalik diyan."
"Huh? Ano pong meron?"
"May bago tayong clientㅡ"
"Okay po. Sige po. 'Yun lang po?" sunod-sunod kong sabi dahil sumasakit ang ulo ko sa pagpigil ng antok ko. Wala namang bago sa naririnig ko. Kailangan ko pa ng tulog.
"Okay, 'yun lang. Sige, tulog ka na ulit. Ingat diyan."
"See you po." Pinatay na niya agad ang tawag kaya nabitawan ko ang phone sa tabi ko at agad nakatulog.
Bumilis din ang oras kapag umuuwi ako sa unit ko pagkatapos ng napakahabang araw sa trabaho. Sinusulit ko na rin ang bawat oras kasi naayos ko na ang resignation documents ko at kapag andito na si Dad ay ififill out ko na lang.
Bumalik na rin ako sa New York at sa buong biyahe ay tulog lang ako. Ang haba-haba kasi ng biyahe. Wala na rin akong pinapansing iba dahil ang nasa isip ko lang ay gusto kong umuwi at makita ang kambal dahil mahigit isang taon ko silang hindi nakita.
12 years old na sila at tinatrato ko pa rin siyang baby. Si Stylie, lumalabas na ang pagiging fashionista niya. Gusto man niyang matutong magmake-up pero ayaw ko pa. Magsimula na dapat siyang magmake-up kung 16 na siya. Si Styler naman ay nabawasan ang timbang niya at napakatahimik niya. Para na talaga siyang binata dahil ang tangkad-tangkad niya. Nahilig din siya sa pagbabasa at paglaro ng video games.
Hindi ko naman inaakala na pagkarating ko sa New York ay gabi na. Hindi ko napansin sa sobrang tulog at lutang.
"Good evening, Ms. Style." I saw Dad's driver, Roy. Nasa kalagitnaan siya ng waiting area ng airport. Binuhat na niya ang mga bag ko at pinasok sa sasakyan. Gusto ko pang matulog pero buong biyahe ay nakatingin lang ako sa dinadaanan namin.
Lumipat na pala kami ng bahay simula naging okay na ang lahat. Malaki na kasi ang mga kambal kaya kinailangan ng mas malaking bahay.
Nakita ko ang sasakyan ni Mom sa loob kaya napalundag ako pagkababa ko ng kotse. Sabi raw ni Roy na siya na ang maglalagay sa loob ng bahay namin kaya tumakbo ako papunta sa loob ng sala. Pero sumilip muna ako sa sala dahil naglalaro sila ng UNO Flip doon.
"Ang daya niyo naman!" sigaw ni Dad pagkatapos magbunot. Tinawanan lang siya nila Stylie at Mom, samantala si Styler ay seryosong nakatitig sa cards niya.
Nawala na lang tuluyan ang pagod na naipon ko sa biyahe at tumalon sa pwesto nila kaya nakalikha ako ng nakakagulat na tunog na nagpahiyaw sa kanila sa gulat.
Sa sobrang overacting ni Stylie sa gulat ay halos napahiga siya sa sahig. Si Dad at Mom ay napahawak sa mga dibdib nila samantalang si Styler ay nabitawan niya ang cards niya.
Tinawanan ko sila at binato ako ng popcorn ni Mom. "Huwag ka ngang nanggugulatㅡOH MY GOSH STYLE!" Napayakap siya agad sa akin. Nang marealize ng iba na nakauwi na ako ay sumali sila sa yakap namin.
Pinilit pa nila akong kumain kahit medyo nasusuka pa ako dahil sa jetlag. Pero mabuti nawala na lang ang jetlag ko nang maamoy ang luto ni Mom.
Marami silang kwento habang pinapanood nila akong kumakain. Nakakailang man pero kumain na raw sila kaya ako na lang ang pinapakain nila.
Bago matulog ay nag-update lang ako kay Dad sa Staris habang pinapakita ang slides ng mga report about the latest projects and ratings ng kumpanya. Mukhang nasatisfy naman siya kaya sigurado akong makakatulog ako nang mahimbing nito.
Inayos ko na ang sarili ko at napansin kong may mga box sa labas ng kwarto ko. Nang dumaan si Mom galing sa restroom ay tinuro ko ang mga kahon doon. "Mom, ano 'yun?"
"Ah, 'yung mga ibang gamit mo noon sa South Orwell. We sorted it baka may kailangan ka pa roon," sagot niya habang nagpupunas ng mukha niya. Napatango na lang ako. Nasabi niyang nalinis na raw nila ang kwarto ko kaya dumeretso na ako sa loob. Hindi ko muna pinasok 'yung mga box dahil marurumi pa.
Masyado akong nalalakihan sa kama ko kaya pumunta ako sa kwarto ng mga kambal. Naabutan kong nanonood ng movie si Styler sa kwarto niya. Nakita niya ako kaya pinause muna ang pinapanood niya at napatingin sa akin.
"Tabi tayong matulog nila Stylie sa kwarto ko," aya ko at agad siyang napatango. Sinara na niya ang laptop niya at gumapang para makatayo. Sinalubong ko siya ng yakap at inakbayan niya ako habang papunta sa kwarto ni Stylie.
"Lilie," tawag ko kay Stylie na nagcoconcert sa loob ng kwarto niya.
Hawak-hawak pa ang hair brush niya bilang mic niya. "Ate Lai!"
"Tara, tabi tayo matulog," aya ko at tumalon siya para makababa sa kama niya. Tumakbo siya sa akin at niyakap ako kaya sabay na kaming pumunta sa kwarto ko. Parang dati lang, noong mga bata pa lang sila. Ang pagkakaiba na nga lang ay hindi na kami palaging nagkakatabi kasi mga malalaki na sila. Kailangan na rin nila ng privacy pero mabuti na lang pumayag ulit sila sa akin.
"Miss niyo ko 'no?" confident kong tanong sa gitna nila. Tumawa si Stylie at niyakap ako. Halos isiksik niya ang sarili niya sa kilikili ko. Si Styler naman ay nakasandal ang ulo sa balikat ko habang nakayakap din sa akin. Malaki naman ang kama ko kaya kasya kaming tatlo.
"Opo, Ate Lai. How are you? Are you tired? Rest ka na. We're here lang." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanila dahil napakasaya ko na kapatid ko sila.
"I'm okay. Nakakapagod sa Pilipinas pero kaya pa naman. Nakakalungkot kasi mag-isa lang ako roon," pagkukuwento ko kaya napanguso si Stylie.
"Power huuuugggg!" Mas hinigpitan nila ang yakap nila sa akin hanggang naluha na lang ako bigla habang nakatingin sa kanila.
"Why are you crying, Ate?" Styler asked at gamit ang isa kong kamay ay inabot ko ang pisngi ko para punasan ang luha ko.
"Bakit ang laki niyo na? Pwedeng bumalik kayo sa pagkabata? Ayaw kong lumaki pa kayo kasi wala na akong mga baby." Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at naiyak nang pinagmamasdan silang dalawa. Parang kailan lang ay mga baby pa sila at halos paliguan ako ng laway nila. Naiiyak na lang ako dahil namumulat na sila sa mundo at alam kong makakasalubong sila ng mga pagsubok. Parang ayoko ng ganun dahil gusto kong ibaby lang sila hanggang sa huli kahit alam kong imposible 'yun.
"Don't cry, Ate! Ano ba! Kahit big na kami, we still loooove you!" Mas lalo na lang ako naiyak sa sinabi ni Stylie. Masyado ko talaga silang namiss kasi simula noong una ay sila ang naging lakas ko.
"You can make babies na para may babies ma na, ate hihihihi." Napatigil tuloy ako sa paghikbi at pinanliitan ng mga mata si Stylie.
Bago ko pa siya sermunan ay inaya na niya akong matulog kaya nakatulog na rin naman ako sa pagod.
I also thought of that, having my own family. Pero parang wala pa sa plano ko 'yan. Ni hindi ko na nga alam kung ano mangyayari sa buhay ko bukod sa pagtrabaho lang.
Pero may kulang pa rin. Kulang na kulang talaga ang loob ko.
Ilang araw na ang lumipas.. ay ito na. Hawak-hawak ko na ang lisensya ko bilang Doctor of Chiropractic at gusto ko talagang maluha sa sobrang tuwa. Ang daming planong pumasok sa isip ko sa gagawin kong clinic pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pwede. Sa buong biyahe ay inaalala ko ang mga pinagdaanan ko sa bong pitong taon. Matapos kong mag-aral ay nagtrabaho sa clinic ng sikat at magaling na chiropractor dito. Naramdaman ko rin na handa na akong magtayo ng sarili kong clinic kaya handa na ako sa panibagong kabanata ng buhay ko. Akalain kong napagsabay ko iyong lahat?
Nakauwi na ako sa bahay at nagluto ng kaunting handaan para pag-uwi nila Mom, Dad na galing work at ang kambal na galing school ay may handa kami sa pagiging Chiropractor ko. Napapasayaw ako sa sobrang saya hanggang sa naabutan ako ng kambal galing school. Hinalikan nila ang pisngi ko bilang bati at inutusan ko na silang magbihis para ihanda ang dining table.
Umuwi na rin sila Mom at Dad. Kitang-kita ko sa mga mata nila na proud sila sa pagkuha ko ng lisensya ko.
Ang saya talaga kung anong meron kami ngayon. Parang sulit lahat ng nangyari noon dahil masaya at malakas kami ngayon.
"Saan mo gusto magpatayo ng clinic? Dito ba? Sa Pilipinas?" tanong ni Dad habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Mom. Napakagat ako ng labi at napaisip saglit, "Hindi pa po ako sure. Parang gusto ko po sa Pilipinas kasi iilan lang ang Chiropractic Clinics doon." Naisip ko rin 'yun. Nagdadalawang isip pa ako kung saan talaga.
"Just tell us kasi tutulungan ka namin sa paggawa ng clinic mo at pag-ayos ng mga papeles mo," sabi ni Mom kaya nagpasalamat ako sa kanila. Gustuhin ko mang solohin na lang kasi busy rin sila sa mga gawain nila pero gustong-gusto talaga nilang tumulong kaya pumayag na lang ako.
Pagkatapos kumain ay si Stylie ang naghugas ng pinagkainan. Hindi naman siya nagreklamo, excited pa nga siya maghigas dahil bagong bili ang sponge na gagamitin niya.
Habang inaayos na namin ang sarili namin ay pumunta ako sa kwarto ko para ayusin ang kama ko pero napatingin ako sa kahon doon. Ilang araw na 'tong andito at hindi ko pala ito binubuksan dahil nabusy rin ako. Napakamot ako ng dulo ng ilong ko at lumapit doon. Pinatong ko iyong maliit na box sa mesa ko at pinagpag kaya napaubo ako bigla sa alikabok. Halos ilang taon na rin 'to! Parang highschool to college days 'tong mga gamit.
Pagkatapos kong guntingin ang tape ay napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Dad at may dalang... gitara.
"I.." Napatigil siya saglit sa pagsasalita at mahinang pinagpag ang bag ng gitara. "I bought this after ruining your guitar years ago. Gusto ko talagang ibigay 'to sa'yo nang personal pero masyadong busy. Hanggang sa nakalimutan ko na lang at nasa storage room ng dati nating bahay sa Florewoods."
Napabuga ako ng hininga at hindi na ulit nakahinga nang tanggapin ang gitara. Ilang taon na rin akong hindi nakahawak nito. "Is this mine?" I carefully asked and he nodded.
"Thank you so much!" Napayakap agad ako sa kanya at napalundag nang paulit-ulit. Umupo pa kami sa kama para subukan ang gitara.
"Alam mo bang naggigitara rin ako tapos doon nahulog 'yung Mom mo? Makarisma kasi ako. Imagine mo, Tyler Harris ang naghaharana sa kanya." Napasapo ako ng noo habang tinotono ni Dad ang gitara. Napailing na lang ako habang hinahayaan siyang tumugtog ng gitara sa kama ko. Binalikan ko na lang ulit ang box at nanlumo ako sa nakita ko.
Una kong nakita ang itim na scrunchie. Napakagat ako ng labi para pigilan ang emosyon ko. May alaalang bumabalik sa utak ko. May bumabalot din sa puso ko na nagpapaipon ng mga luha sa mga mata ko.
May maliit na box din doon at doon na ako napatakip ng bibig nang makita ulit ang kwintas ko na binigay niya. Hinanap ko 'to dati pero sa pagmamadaling umalis sa South Orwell ay nakalimutan ko na lang 'to.
Pagkasara ko ng box ay nilagay ko ito sa dibdib ko habang pinipigilan ang hikbi ko. Pinaypayan ko pa ang sarili ko para kumalma.
Andito ang iba ko pang gamit sa South Orwell. Andito ang mga dati kong make-up na expired na. Pati rin ang mga notes ko noong nasa A.S.O pa ako ay nandito.
Para akong kinapusan ng hininga dahil nakita ko ulit ang slam book ko noong 2nd year highschool ako. Nanginginig ang mga kamay ko nang kinuha ito. Andito talaga 'to.. sure ako na ito ang slam book ko almost 10 years ago.
Napabuga ako ng mahinang tawa habang pinagmamasdan ang cover nito. Namimiss ko na tuloy si Nang Beth. Hindi ko na siya nakausap simula lumipat kami rito.
Pabagal nang pabagal ang hininga ko habang dahan-dahang binuklat ito. Naalala kong kinuha 'to ni Dad noong nasa South Orwell ako. Tinago niya pala ito.
"Hi my friend! My name is, you can call me," pagbabasa ko sa unang page na walang laman. Medyo nakakaramdam ako ng cringe. Napailing ako at isasara na lang sana ito pero napatigil na lang ako nang may naalala ako. 'Yung lalaking nakasama ko dati... Siya ang una at huling nagsulat dito. Hindi ko pa siya kilala at hindi ko rin alam ang pangalan niya!
"Anong tinitingnan mo?" tanong ni Dad mula sa tabi ko pero hindi ko siya nasagot dahil napahikbi ako nang malaman kung sino ang lalaki noon. Nagsimula siya sa pangalawang page.
Hi my friend! My name is Geometry Metro.
You can call me Geo.
Napatakip ako ng bibig sa una kong nabasa. Nang malaman ko kung sino siya ay naisara ko bigla ang slam book na hawak ko. Napayakap ako rito at pinatuloy ang hikbi ko.
Bigla ko na lang naalala kung anong nangyari noon. Kung gaano ako kasaya noong una ko siyang nakilala. 'Yung oras na kasama ko siya noong nasa 7eleven kami.
Ang liit talaga ng mundo.
Naalala ko ang lahat ng memoryang naitago ko nang ilang taon. May pumuno na naman sa puso ko at binabalutan ito ng kakaibang pakiramdam. Napatigil ako sa paghikbi nang maramdaman ko nang nasa likuran ko na si Dad na nagtataka kung bakit ako umiiyak.
"Are you okay?"
"Dad.." I wiped my tears using the back of my hand before hugging the slam book tightly. "Let's go home.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com