Him 06
Saturday Sundays
10:02 PM
Dom:
Can't sleep
Ever:
Upuan?
Dom:
Upuan????
Ever:
Chair
Dom:
Chair???????
Ever:
Chair mo lang
---
Saktong pagkatapos kong magshower, hindi ko mapigilang mapakunot ng noo sa nababasa ko sa group chat. Hawak-hawak ko ang phone ko habang pinapatuyo ang buhok ko.
Mabuti na lang walang pasok bukas kaya mukhang makakabawi ako sa pagtulog. Nag-iisip na ako kung ano ang gagawin ko ngayon. Manonood ba ako ng movie? Marvels? Simulan ko kaya sa pinakauna?
Dahil hindi pa ako nakakapagpasya, hinayaan kong bukas ang phone ko para tingnan ang mga sunod-sunod na mensahe nila.
---
Dom:
Really
Can't sleep
Bakit kasi yaya ang tawag niyo sa akin
Hmmp
Hala hi Saturday!! Nagseen ka
Tulog na u?
Saturday:
Can't sleep din :((((
---
Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Saturday.
Iba na talaga.
Iba talaga ang tama ko sa kaniya.
Kaso hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman kasi ako madaldal tulad nila. Wala rin akong maisip na topic. Kaunti lang din naman ang interes ko.
Napatitig na lang ako habang nagdadaldal sila sa group chat namin. At hindi na ako nagtaka kung nagparamdam din ang iba dahil halata namang hindi pa tulog ang mga ito.
---
Side:
Tara sleepover hehehehe
Ever:
OMG BET KO 'YAN
Dom:
Sus gusto mo lang makita si Vert
Ever:
Yuckssss
Next pls
Dom:
Si Geo gusto mo???
Ever:
No thanks
Baka may magalit
Or pwedeng ikaw na lang?
Dom:
YUCKSSSSSS
Ever:
Arte nito
Side:
Tara kina Geo tayo
---
Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako. Atsaka, hindi ako nagpapasleepover dito. Hindi pa nga sila nakakapunta sa bahay namin. Ayaw ko ng gulo, ayaw ko ng kalat, ayaw ko ng ingay at ayaw kong maglinis. Kaibigan ko sila at matatanggap ko pa na sa ibang bahay sila magkalat.
---
Geometry:
gago k b
Side:
HOY LANGUAGE
Venn:
Oy may nakita akong chix
Side:
The who?
Geometry:
?
Venn:
HALA
INTERESADO
Vertex:
PATAY TAYO DYAN
INTERESADO ANG BATO
Side:
EHEM EHEM
---
Napailing ako. Dapat hindi na ako nagchat. Masydong maissue ang mga sakit sa ulo.
---
Dom:
Wag niyo ngang asarin si Geo
Alam niyo namang loyal 'yan
Sana all
Who the chick??
Venn:
Education peeps
Brilliant Standstill!!!
CHiCXX
Ever:
Standstill??????
Divide:
Yow.
Standstill who?
Venn:
Oo
Standstill apelyido
Reddie:
Weird name
Geometry:
pinakaweird sayo
Vertex:
OWWWWWW
NAPASO SI REDDIE HAHAHAHAHAHAHAHGA
Side:
SHET BORN
Divide:
SHET BORN
Dom:
SHET BORN
Venn:
SHET BORN
BORN BABY BORN
Reddie:
GAGO KAYO
TAKSIL!!!!
Dom:
Pero bakit ba yaya ang tawag niyo sa akin?
Hindi manapatag ang loob ko
Gago ba kayo
Bakit niyo lang ako sineen?!?!?!
---
Hihiga na sana ako pero bumangon ulit ako nang makita ang pangalan ni Saturday sa notification ko.
Agad ko itong binuksan.
Nagigising ako tuwing nakikita ang pangalan niya.
---
Saturday:
Bakit Yaya tawag kay Dom?????
Curious din ako :(((
Di ko pa rin gets
Heheheheheheh
Geometry:
ano full name niya?
Saturday:
Domain??
Mendoza??
Domain Mendoza????????
---
Siguro nag-iisip pa rin siya kaya paulit-ulit nagpapakita ang tatlong tuldok sa convo namin. Hindi natatanggal ang mga tingin ko sa nakangiti niyang profile picture.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatanggap ulit ako ng reply niya.
---
Saturday:
OH MY GOSH
YAYA???
YAYA DUB?
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
OMG AFTER ALL THESE MONTHS
'YUN PALA
Geometry:
hahaha oo
---
Natatawa rin ako dahil naririnig ko ang tawa niya sa isipan ko. Gusto ko sanang patagalin ang pag-uusap namin pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napaangat na lang ang tingin ko sa kisame at iniisip kung ano ba talaga ang problema ko.
Ang iikli ng mga reply ko. Kahit sa mga pagkikita namin ay tahimik lang ako, mukhang si Saturday lang ang nakakausap kong matino. Pati rin si Mom at Ever, sila lang ang babaeng nakakausap ko hanggang ngayon. Ganito talaga ata ako? Ayos lang.
Bumalik ako sa group chat namin dahil hindi na nagreply si Saturday at doon na pala siya nagchachat.
---
Saturday:
Parang kilala ko si Brilliant!
Venn:
Pakilala mo naman sa akin, Sat!!
Vertex:
Sa tingin ko, mas bagay sila Reddie at Brilliant.
Venn:
BAKIT HINDI AKO?????
Ever:
Gets ko! HAHAHAHAHHAHAHAHAHHHG
Vertex:
DI BA HAHAHAHAHAHHAHAHHHAHAHAHA
Ever:
OMG ANG GALENG
Saturday:
Bagay talaga kayo ni Vertex, Ever
Hahahahahahhaha
Dom:
Pls
Hanapan niyo na nga ng jowa si Venn
Gusto ko na magkajowa
Masyado akong naguguilty na haggang ngayon wala pa rin siyang jowa
Divide:
Owwww Go and Standstill HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAGAHAH
SHET LT HAHAHAHHAHAHAHAHAHAH
Side:
REDDIE PORMAHAN MO NA HAHAHAHAHAHA
Reddie:
Yoko nga
Venn:
Uy!! Sige sa'yo na si Brilliant. Akin na lang si Style
Side:
Style who?
Divide:
Style?????
Venn:
STYLE HARRIS BRUH
CHIXX!@@@
Saturday:
Style..?
Ever:
Kilala mo, Sat????
Venn:
KILALA MO SAT??? PAKILALA MO NAMAN AKO HAHAHAHAHA
Saturday:
Ah haha hindi
---
Medyo nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa message ni Saturday. Kilala niya kaya ang sinasabi nila? Is-stalk ko sana 'yung Style na 'yun kung anong itsura niya pero nakatanggap ako ng private message mula kay Ever kaya mas inuna ko 'yun kaysa sa pagstalk doon.
---
Ever:
Sat needs help
Geometry:
?????
Ever:
Actually nahihiya siya pero I can't labas na here sa bahay
U busy??
U goin out???
---
Felt bored. Kaya patype sana ako ng reply ay napatingin ako saglit sa bintana. Mabuti, maganda ang panahon ngayong gabi. Mukhang lalabas muna ako. Siguro, pahangin din? At alamin kung ano ang kailangan ni Saturday.
---
Geometry:
planning to
why?
Ever:
She needs pads
Hshahahah
Nagtatanong siya sa akin kung meron pa raw ba akong extra kasi umuwi na ang mom niya. Meron ako pero hindi ako makakalabas
Wala siyang pads sa bahay
Masakit daw puson niya :((((( hindi siya makalabas.
Pwede, Geo????
Kung okay lang. Or kina Vertex na lang ako hihingi ng favor
Geo??
Baka puro dugo na siya huhu
Geometry:
ah ok omw
Ever:
THANK U GEO
AJUJUJU
Geometry:
no prob
para sa kanya
not sent
---
Nagtaka ako kung bakit hindi nasend. Nagdisconnect ako sa WI-FI at inopen ang data ko. Ganoon din, walang signal. Napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay ko sa inis. Ngayon pa talaga nagkaproblema ng signal? Napatayo na ako at kinuha ang hoodie ko. Kinuha ko rin ang wallet ko bago bumaba.
Gising pa pala si Mama, nagtitimpla ng kape.
"Saan ka, Geo?"
Napakamot ako ng batok, paano ko ba 'to sasabihin? "Convenience store. Bibili.. um.. napkin?" That sounds awkward kaya napakunot ang noo niya. Medyo nagloading pa siya kung bakit ako bibili ng napkin.
"Kay Sat," mahinang dagdag ko kaya napatango siya agad.
"Sige! Uwi ka agad ha?"
Nakahinga ako nang maluwag at napatango. Hindi na ako masyadong nailang dahil sa bibilhin ko.
Naglakad na ako habang nilalaro ang susi ng kotse ko. Bago pa ako makalabas ng bahay ay nilingon ko si Mama.
"You want something?" tanong ko. Napaturo siya sa akin at nag-iisip ng ipapabili niya.
"Uh, tinapay." Napatango ako at tumungo na sa kotse ko. "Hindi mo talaga papalitan 'yang asul na Chery QQ mo?" Sumunod pala si Mama.
Tiningnan ko siya. Humindi ako sa kaniya. I don't like spending too much. Atsaka gumagana pa naman 'to. "Nevermind. Ang cute pa rin n'yan. Bye! Ingat!"
Napakamot ako ng batok bago sumakay at nagmaneho. It's already 11 PM. Medyo wala nang tao pagkarating ko sa Southern Mart. Agad ako pumunta sa section ng mga hygiene at pumili ng kung anong puwedeng bilhin.
Hawak-hawak ko ang phone ko. Bakit kasi walang signal? Magtatanong sana ako kung anong brand. Baka hindi comfortable si Saturday sa mabili ko.
No choice, wala pa ring signal kahit saan ko ilagay ang phone ko. Kinuha ko na lang ang night pad since gabi ngayon.
Pumunta na ako sa cashier at may nakapila doon na babae.
She's wearing an expensive jacket, I didn't care what kind of brand she was wearning. Actually, I don't want to look at her but she's too shiny. Underneath, it looks like it's a violet tube. She's wearing a high-waist pants with Gucci belt, white boots and she's even wearing sunglasses.
Dude, maghahating gabi na tapos nakasunglasses pa siya.
In short, she looks like a spoiled brat. And damn, amoy alak pa 'to. Marami ba 'tong naimon? Well, I don't care. Palihim kong tinakpan ang ilong ko dahil sumasakit ang ilong ko sa tapang ng alak niya.
Ang tagal nito.
Masakit na ang ilong ko.
Napatingin ako sa binibili niya, limang pack ng marshmallow. Napakunot ang noo ko. Bakit ang tagal? Napatingin ulit ako sa babae, nakaangat ang kamay niya na may hawak na cellphone sa gilid habang nakaharap pa rin ang katawan niya sa cashier. What kind of posture is that? Nagmumukha siyang si Thor na hinihintay ang Mjolnir.
Mukhang takot 'yung cashier kaya hindi ito nagrereklamo. Mukhang kanina pa nga siya nandito.
"Damn it, bakit walang signal?" Matapos niyang tiningnan ang phone niya ay binalik niya ang pustura niya kanina.
Mahaba naman ang pasensya ko kaya hinayaan ko na lang muna at naghintay.
Napasandal muna ako habang hawak-hawak ang napkin na bibilhin ko. Putangina naman. Hindi naman sa nahihiya ako sa bibilhin ko pero ang tagal-tagal talaga nito. Napatingin ulit ako sa babae at doon ko narealize na ash gray ang buhok nito.
"Tabi, mga putanginang shits!"
When I remembered something, I can't help myself pursing my lips. Ito 'yung babaeng walang respeto noong first day of school! Tangina naman. Pati ba naman dito?
"S-Sir, pwede po muna kayong magbayadㅡ"
"Fuck? Can't you see na I'm still here? Respect naman." Hindi naituloy ang sasabihin sa akin ng cashier dahil nagsalita 'yung babae at mukhang galit. Medyo napairap ako at iritang napahinga. Wow, coming from her.
Siguro umabot na kami ng sampung minuto ay nakataas pa rin ang kamay niya, naghihintay ng signal.
Siyempre, iniisip ko na si Saturday baka masyado na siyang naghihintay kaya napalakas ang bulong ko sa hangin para marinig niya.
"Are you still waiting for the Mjolnir to fly towards you?"
Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat siya sa tanong ko. Panigurado na narinig niya dahil medyo napanganga siya. Gamit ang isang kamay niya, tinanggal niya ang sunglasses niya at bumungad sa akin ang nags-sparkle niyang mata. Oh, she's watching Marvel Movies too?
Magsasalita pa sana siya pero nilapit ko ulit ang mukha ko sa tenga niya.
"But you're not worthy."
I let out a small sarcastic smile, the reason why she rolled her eyes at me. Gumanti rin ako ng matigas na irap. "Can you please hurry?" tanong ko kasi mas lalo lang tumatagal. Halatang nairita siya and worst, mukhang nagalit. Pagkabaling niya ng tingin sa harapan ay nagbubulong pa siya ng rants. Pinaglihi ba talaga 'to sa sama ng loob?
"Damn, Mommy. 'Yung card ko!" nanggigigil niyang sabi kaya napabuntong-hininga ako.
Hinarap ko ang cashier at inabot ang napkin na hawak ko. "I'll pay for those."
Napaangat ang tingin ng babae sa akin.
I just rolled my eyes at her.
Ang tagal eh. Naghihintay na sa akin si Saturday.
Inabot ko na ang pera ko para matapos na ang lahat. Maraming minuto akong nasayang dito.
"T-Thank you, Sir." Mabuti na lang, pinaghiwalay niya ang binili ko. Hindi ko na hinintay ang babae na magsalita at naglakad palabas doon. Pumunta ako sa kotse ko. Saglit na sumandal doon at nilabas ang phone ko.
Wala pa ring signal.
Paano malalaman ni Saturday na papunta na ako sa kanila?
Tinaas ko ang phone ko sa gilid ko, naghahanap ng signal. Napasilip din ako sa plastic bag na hawak ko para tingnan ang dala ko.
"Don't wait for the Mjolnir to fly towards you." Nakita ko na naman 'yung babae na nasa harapan ko habang hawak-hawak niya ang pinamili niya... na binayaran ko.
"Because you're not worthy also," dagdag niya. "If you could've just waited because I can handle myself."
Umakto na lang ako na hindi ko siya narinig at pumasok sa kotse ko.
"You're welcome," I whispered before going to Saturday's.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com