Him 07
Saturday Sundays
11:56 PM
Saturday:
Sorry sa abala, Geo HUHUHUHU
Pero THANK YOU SO MUCH!!!
THANK YOU TALAGA HUHUHU
MYGOSH NAKAKAHIYAAAAA!!!
---
Hanggang ngayon, ay binabasa ko pa rin ang message sa akin ni Saturday. I just left it seen because I don't know what to say. However, I feel so appreciated. I mean, palagi namang pinaparamdam ni Saturday sa amin na naappreciate niya kami.
"Mamememorize mo na 'yang message ni Saturday," sabi ni Divide na nasa tabi ko. Nakaupo kami sa bench ng student's lane ng school namin at hinihintay ang labasan ng iba. It has been days since that night. And I keep reading her message until now. Namumukha na ata akong hibang kaya tinago ko na ang phone ko at muling binasa ang librong hawak ko.
"You're planning to continue Tito Geon's business? Metronde?" tanong pa niya at tumango na lang ako.
"That's the plan."
"So, plano mo rin ba na umamin kay Saturday?"
Napatigil ako sa pagbabasa at napahawak nang mahigpit sa libro. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano kasi wala pa akong planong umamin sa kaniya. I still remember when we first met and what I felt that time is what I'm feeling until now. Natatakot akong umamin.. baka masira lang pagkakaibigan namin.
"Ah, may nalaman pala ako kay Rogers at Sat." Napatingin ako agad kay Divide. "Friends ata sila noong 3rd year high school hanggang 4th kaso lumipat ng school si Saturday."
Friends dati pero galit si Saturday sa kaniya.
May nangyari siguro.
"Be right back."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Lumabas ako sa campus. Hindi na siya sumunod dahil hinihintay pa niya ang ibang sakit sa ulo. At siguro, kailangan ko ring mag-isip. Naappreciate ko rin naman na concern ni Divide sa feelings ko kay Saturday dahil first time niya akong nasaksihan na ganito. Kaso gusto kong ako ang makafigure out nito.
Kahit may store na malapit sa school namin ay dumeretso ako sa Southern Mart na medyo may kalayuan. Sa sobra kong pag-iisip, andito na ako sa tabi ng Nursery School. Napatigil saglit para pagmasdan ang mga bata na naglalaro. Naalala kong mahilig pala si Saturday sa mga bata.
Muntikan ko nang makalimutan na malapit nang matapos ang last subject niya kaya nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Baka gusto ni Saturday ng maiinom.
Napatigil ako bigla sa pagpasok sa store dahil nairita na naman ako. Naalala ko 'yung nangyari noong gabi na 'yun dahil sa babaeng may ash gray na buhok. Babalik sana ako dahil nalagpasan ko na ang isa pang convenience store na mas malapit sa school namin. Pero pinatuloy ko na lang ang pagpasok sa Southern Mart since nandito na rin naman ako.
Pagkarating ko sa loob ay dumeretso ako sa beverages section. Nahagip ng tingin ko ang chocolate drink na palagi kong binibili para kay Saturday kaya kumuha ako ng isang piraso. Pagtalikod ko ay narinig ko sa utak ko ang mga reklamo ng iba kasi si Saturday lang ang binilhan ko. Sa huli, pinalitan ko ang isang piraso sa dalawang box ng tig-anim na chocolate drink.
Pagtalikod ko ulit ay may nakita akong batang lalaki na kasalukuyang nakatitig sa akin.
Hanggang tuhod ko lang siya kaya angat na angat ang tingin niya. And he's... round.
Hindi siya nagsalita at nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Matataba ang mga pisngi niya parang pinaglihi sa siopao, lalo na't maputi ito. Nakasuot siya ng uniform ng nursery mula sa school na malapit dito.
Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa loob ng store kung may iba pa ba na andito. Kaso mukhang ako lang. Wala ba siyang kasama? Nagdadalawang-isip pa ako kung kakausapin ko ba dahil sabi ni Vertex ay hindi raw ako approachable sa mga bata. May kapatid siyang batang babae at nakakahiya man sabihin pero takot 'yun sa akin. Kahit anong ngiti ko ay takot sa akin. Ewan ko ba, baka tinuruan ng hindi maganda ni Vertex.
No choice, baka wala siyang kasama. Ibabalik ko siya sa school niya baka may naghahanap sa kaniya.
"H-Hey.." Umupo pa ako para magkaheight kami. Sinubukan kong ngumiti pero parang hindi siya natatakot. Mukhang ako ang natatakot dito. Parang bubugbugin ako sa tingin niya.
"What's your name?"
Hindi siya nagsalita kaya napatango ako. Mukhang magkakasundo kami nito.
Pagtayo ko ulit ay napatingin ako saglit sa chocolate drink na hawak ko. Inalok ko ang kamay ko sa kaniya at agad niya itong kinuha kaya nakahinga ako nang maluwag. Nakakakaba naman dahil sana hindi siya ganito sa iba.
Dumaan kami sa snacks section. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil siya sa paglalakad para ituro ang maliit na pack ng marshmallow. Napatingin din siya sa akin, parang nagpapabili.
Napatango ako. Kaya kong bilhin lahat ng ituturo niya. Ang cute naman kasi nito.
Bago pa niya kunin ang maliit na pack ay inunahan ko na siya sa pagkuha ng malaking pack. Mukhang nagulat siya kaya hindi ko mapigilang matawa. Tinanguan ko na lang siya para makabayad kami. Habang kinukuha ko ang wallet ko ay napatingin ako sa kaniya na may kinukuha sa maliit niyang bag na may design na Incredible Hulk.
Hinintay ko kung ano kukunin niya nang umikid siya. But I bursted a silent chuckle when he tried to reach for the counter to give the one thousand play money.
Napangiti ako at napailing.
Hinawakan ko ang kamay niya. Pinakita na ako magbabayad kaya binawi niya ang play money niya at napanguso.
"Kapatid niyo, Sir?" Napailing ako sa tanong ng cashier. Siya pa rin pala ang cashier noong pumunta kami ni Saturday dito at 'yung gabing walang signal.
"Thank you, Sir. Come again!" Kinuha ko na ang paper bag na laman ang pinamili ko at inabot ang kamay ko sa bata.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa Nursery School. Umupo kami sa bench malapit doon. Tinulungan ko siya sa pag-upo dahil mataas ang bench para sa kaniya.
May mga puno sa tabi namin kaya hindi kami natatamaan ng araw.
"No class?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ko tusukin ng straw ang inumin na ibibigay ko sa kaniya.
"Done na po." Napaangat ang magkabilang kilay ko dahil nakapagsalita na siya. Sumandal na lang ako at pinanood siyang uminom ng chocolate drink.
Binuksan ko rin ang marshmallow pero bago ko pa siya alukin ay may nilabas akong alcohol. Nilagyan ko ang mga kamay niya at mga kamay ko.
"Thank you po, Kuya."
Napangiti ako at kumain kami habang pinagmamasdan ang paligid.
4 PM pa lang naman. Siguro matagal-tagal pa 'yung labasan ng mga sakit sa ulo.
Pinapanood lang namin ang mga dumadaang sasakyan kalayuan sa amin. Medyo mahangin din kaya hindi masyadong mainit.
"Ler po."
"Hmm?" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya kaya medyo lumapit ako sa kaniya.
"Ler po name ko."
Napatango ako. "I'm Geo."
Napatango siya at katahimikan na naman. Kumuha na rin ako ng inumin para sabayan siya. Dinuduyan niya ang magkabilang paa niya habang ang dalawang kamay ay hawak ang chocolate drink.
I really want to have a little brother since then. Kaya lang, busy na parents ko. Ganun din, busy na ako sa college at baka napakalaking gap pa ang meron kami.
"Can I have one more, Kuya?" nahihiyang tanong niya.
"For you?" tanong ko rin habang kumukuha ng isa pang drink.
"For my sister, Lilie. She's there with her friends." Tinuro niya ang Nursery School kaya napatango ako. Binigyan ko siya ng isa at laking gulat ko na tumayo siya sa bench para sumigaw. "LILIE!" Nanlaki na naman ang mga mata ko dahil ang lakas ng boses niya. Napatingin tuloy ang mga bata na naglalaro doon. May isang batang babae na tumakbo palapit sa amin. She's wearing a uniform same as Ler. She looks like him but this one is gleaming and jolly. She's like a ball of sunshine.
"You're so noisy!" sigaw din niya kay Ler. If Ler is a chubby kid, Lilie is not that chubby but her cheeks are white and fluffy. I was shocked because she's still neat after she played inside the school. Mukhang galing sila sa isang mayamang pamilya.
"This is from Kuya Geo." Inabot ni Ler ang inumin at tinaggap agad 'yun. Napatingin siya sa hawak niya at mukhang nagdadalawang-isip kung iinumin ba or hindi kasi hindi niya ako kilala.
"It's okay, Li. I was with him nung nagbuy siya," sabi ni Ler at pinaupo si Lilie sa tabi niya.
"Are you Kuya Geo?" tanong niya kaya napatango ako. "Oh! You're from ASO! Our ate is there too!" pagdadaldal ni Lilie kaya medyo napakunot ang noo ko pero hindi nawawala ang ngiti ko. Kung gaano katahimik si Ler, ganoong kadaldal si Lilie.
"You know Ate Lai?" Okay, hindi ko 'yun kilala kaya napailing ako. Napanguso silang dalawa kaya mahina akong natawa.
"You have no class, Kuya?"
"Wala na."
"What's your family name, Kuya?"
"Metro."
"You have girlfriend, Kuya?"
"Lilie, you're noisy."
Mahina na naman akong natawa dahil sa reaksyon ni Lilie matapos pagsabihan ni Ler. Ang kulit nila. Nakakatuwa.
"You have girlfriend, Kuya?"
Napangiti ako at napailing.
"Oh." Napayuko siya bago napatingin kay Ler na puno ng marshmallow sa bibig. "I think he will not like Ate Lai because she's evil." Evil? "Kuya Geo is too nice for Ate Lai. They are not bagay," dagdag ni Lilie. Hindi rin ako interesado dahil kay Saturday.
"Kuya Geo, if you meet Ate Lai, you will not like her. She's always screaming, palagi siyang galit and she's galit. Oh, galit talaga," pang-uulit ni Lilie.
I guess that Lai was harsh. "Bad siya sa inyo?" tanong ko. Malay ko ba, baka sinasaktan nun ang magkapatid.
"No, she's like that sa iba. Pero she's always taking care of us. She's a bit strict but she loves us!" Napahighik pa siya at uminom sa inumin niya. Mabuti naman kung ganun. "She's bad to others. Lalo na kung may nag-aaway sa amin or kay Ler! She's like Hulk kung galit."
"Galet, usto manaket," dagdag ni Ler kaya napatawa silang dalawa. I think she's not that bad. She's just protecting her siblings. Iba lang pagkaintindi ng mga bata.
"How old are you?"
"We're 4! We're twins!" Sasagot sana si Ler pero inunahan siya ni Li na mabilis magsalita. They also speak well. But they still look babies. Kambal pala sila. Kaya pala magkamukhang-magkamukha.
Nagdaldal na naman si Lilie habang nakikinig lang si Ler na kumakain ng marshmallow. Kinuha ko ang phone ko at may nakitang chat galing kay Divide.
---
Divide:
Andito na sila Sat.
Wer u?
---
"Kuya needs to go, Kids," paalam ko matapos ibulsa ang phone ko.
"Aww." Nalungkot sila kaya medyo nakonsensiya ako. Hindi ko naman puwedeng ibulsa ang kambal kasi baka makasuhan ako bigla ng kidnapping.
"You'll come back, Kuya? Soon?" malungkot na tanong ni Lilie at napatango naman si Ler, sumasang-ayon sa sinabi ni Lilie.
"Soon. Kuya's busy." Mas lalo silang nalungkot.
"We'll look for you!" sigaw ni Lilie at tumayo sa bench. Napailing ako. Baka mapahamak pa sila.
"Don't. We'll meet soon. If I'm not busy." Medyo nakuha ko na 'yung pagsang-ayon nila kahit medyo nalulungkot pa rin sila.
"Study well, okay?" sabi ko pagkatayo ko kaya napatango silang dalawa. Pero bago pa ako makalakad ay nilabas ko ang phone ko. "Picture tayo," aya ko sa kanila at agad nila akong pinagitna. Medyo bumaba ako para magkapantay kaming tatlo. Nakatayo na kasi sila sa bench. Yakap-yakap ni Lilie ang leeg ko at nakaakbay si Ler sa akin. Malapad ang ngiti namin sa picture kaya napangiti ako habang tinitingnan 'yun habang naglalakad palayo. Ipapakita ko 'to kay Saturday.
"Bye Kuya Geo! Thank you!" sigaw nilang dalawa kaya lumingon at kumaway ako. Habang dala-dala ang marshmallow ay pumasok na ulit sa School.
Hindi pa rin mawala ang ngiti ko pagkarating ko sa student's lane. Nandoon pa rin si Divide sa inuupuan namin. Kasama na sila Venn at Saturday na naglalaro ng thumb wrestling.
Pagkalapag ko ng paper bag ay napatingin silang tatlo sa akin. Napangiti bigla si Saturday sa akin. Pangiti sana ako pabalik kaso tumayo si Venn sa gitna namin. "'Yun oh!" Kumuha agad siya ng inumin.
Kumuha na rin ako para ibigay kay Saturday. "Thank you, Geo!" sabi niya.
"Nag-abala ka pa, Geo. Ang sweet mo naman! Nafafall na tuloy ako." sabi ni Venn kaya seryoso ko lang siyang tiningnan.
Ginantihan naman niya ako ng titig habang humihigop ng inumin. Sa pamamagitan ng tingin ko, sana matanggap niya ang nasa isip ko na sinasabihan siya ng mandiri siya sa mga sinasabi niya. Kung matanggap niya 'yun, papasalamatan ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com