Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 08



"OMG! Ang cute nila!"

Pinapanood ko lang si Saturday na nakatitig sa picture namin nila Ler at Lilie na nakangiti. Mas napapangiti ako sa reaksyon niya.

"Ano name nila?" Sinalubong niya ang tingin ko kaya nawala ang ngiti ko dahil sa sobrang gulat. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Hindi pa rin mawala ang ngiti niya kaya pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin sa mga labi niya. Sa huli, umiwas ako ng tingin. Nawawala talaga bigla ang mga nasa isip ko kung nagkakasalubong ang mga tingin namin.

"Ler and Lilie," I answered.

I saw her nodding before looking away. I looked at her again. She's still smiling.

Nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko magawang lumunok dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Pasimple na lang akong umiwas at tumabi kay Venn na nasa kabilang banda ko.

"Walang pambara diyan?" tanong niya habang umiinom ng chocolate drink na binili ko. Babarahin ko sana siya pero napatingin kaming lahat kay Reddie na tumatawa at tagaktak ang pawis. Kakarating pa lang niya.

Kinunutan namin siya ng noo dahil nakangiti siya. Iyon ang pinakamalawak na ngiti na nakita ko, sa buong buhay na kaibigan namin si Reddie. Ang lawak talaga ng ngiti niya at parang hinihingal pa dahil galing palang siya sa pagtakbo.

Kumuha siya ng chocolate drink na nakangiti. Kahit sa pagtusok niya ng straw ay mahina siyang natatawa. Pati na rin sa pag-inom ay parang nanalo siya sa lotto.

Nagkatinginan din kami ni Saturday dahil napapansin din niya 'yun. Bumalik din ang tingin niya kay Reddie na nakapatong ang siko sa tuhod niya. Kagat-kagat pa ang straw. Unti-unti na akong napapaisip na hindi ako ang pinakamalala rito.

Tumawa ulit siya kaya nagulat kami lalo. 

"Inlove ka boi?" tanong ni Venn matapos batuhin ng walang laman na chocolate drink sa mukha ni Reddie pero hindi siya nagalit. Bawat minuto na lumilipas ay palala nang palala ang gulat namin.

"Natatawa lang ako sa pangalan ko."

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Samantala sila Divide, Venn, at Saturday ay napahalakhak. Nawala ang ngiti ni Reddie at sinamaan kami ng tingin.

"Anong nangyari, Reddie?" Kahit natatawa pa rin si Saturday ay natanong pa rin niya 'yun kaya huminahon si Reddie. Iyon ang kapangyarihan ng isang Saturday Sundays.

"Tinatawag ako ni Uncle Syn kasama si Auntie Selena," pagkukuwento ni Reddie.

Pero sumingit bigla si Venn. "Si Auntie Selena Go? Selena Seagull? 'Yung sikat na singer?" Napatayo pa siya dahil sa sobrang gulat. 

Tumango si Reddie kaya nagwala si Venn. "Bakit hindi mo ako tinawag? Magpapapicture ako!!" pagdadrama niya kaya napailing kami lahat dahil ninakaw niya ang atensyon ng nasa lane.

"Hi, mga bebe ko!" bati ni Side na kararating pa lang at bitbit ang gitara niya. Nawala rin ang ngiti niya nang makitang nagdadrama si Venn. Mabilis ding bumalik agad ang ngiti niya at umupo sa tabi ni Reddie. "May selfie kami ng mother-in-law ko!" Dali-dali niyang nilabas ang phone niya at hinarap sa amin ang picture nila ng Auntie Selena ni Reddie. Selfie nila 'yun kaya nagwala lalo si Venn.

"Taposㅡ" hindi pa rin matuloy ang pagkukuwento ni Reddie dahil dumating si Vertex na kasama si Ever.

"Andito na ang dalawang walang label," anunsyo ni Domain na nasa likuran pala nila. Babatukan sana ni Vertex si Dom pero umilag agad ito at umupo sa tabi ni Reddie. Ginawa pa itong shield ni Dom na akmang sasakalin ni Vertex.

Napailing na lang si Ever at tumabi kay Saturday.

"Baka naman patapusin niyo ako sa kuwento ko?" iritang tanong ni Reddie.

Minasahe ni Dom ang balikat nito. "Spill the tea, siz!"

"Ayun, alam ko naman na kukulitin nila akong maghanap na mag-g-gig sa Bargone. Kukulitin na naman ako para pagsabihan si Side." 

Napatigil sa pag-iinom si Side at tinuro si Reddie. "Kayo nga pala may ari ng Home for the Aged! Eh 'di sana pumayag na ako dati pa! Pupunta pa ba ako sa Northernville para mag-gig pa?" tanong niya.

"Gagi? Meron ding Bargone sa Southernville!" malakas na sagot ni Reddie kaya napahawak sa dibdib si Side dahil kunwari nagulat nang nasigawan siya.

"Sorry naman! Akala ko pa naman pupunta na ako sa Northernville para makita na si Music. Malapit na akong magsabi ng at last!" Nagsisigawan na sila. May pinipindot ba sa kanila para pahinaan ang volume nila?

"Huwag ang pinsan ko!" Napatayo na silang dalawa kaya hindi na kami umawat. Hahayaan na lang namin na mag-away kasi 'yun naman ang trip nila.

"Ang sarap ng chocolate drink 'no?" pag-iiba ng topic ni Venn para nakawin ang atensyon namin. "Pero mas masarap kung marami 'no?" pagpaparinig pa niya kaya seryoso ko na naman siyang binato ng tingin ko.

"Eh 'di bumili ka," sabi ko kaya nagsitawanan ang iba. 

Huminahon na 'yung dalawa at umupo na.

"Tapos ito 'yung nakakatawang part, guys," pagpapatuloy ni Reddie. "Tumakbo ako palayo kay Uncle Syn kasi sabi ko may gagawin ako. Tinawag niya bigla ang buong pangalan ko. Habang tumatakbo ako, may kasabay ako na babae na tumatakbo rin. Paglabas namin sa building, tinanong ko kung bakit siya tumatakbo. Sabi niya, may sumigaw kasi na ready set go kaya tumakbo ako bigla. Tawa ako nang tawa! Puta!" Mag-isa siyang tumawa kasi nagloloading pa kami sa kwento niya.

"Ah, tumakbo siya dahil narinig ang pangalan moㅡHAHAHAHAHA!" Nauna nang tumawa sa amin si Divide. Nagets din namin ang kuwento kaya nagsitawanan kami. Mahina lang akong tumatawa. Samantala ang lakas-lakas ng tawa ni Vertex na halos mahigop ang nasa tabi niya.

That was the funniest story I've ever heard.

"Kaway kayo, guys!" Napatingin kami kay Ever na kinukuhaan kami ng video kaya todo pacute 'tong si Venn na nasa tabi ko.

"Hi mga bebe ko!" bati ni Side pagharap sa kaniya ng cam ni Ever.

"Hi sa baby ko na may hawak na phone!" bati rin ni Vertex kaya tinaas ni Ever ang pinky finger niya. Kinindatan na lang siya ni Vertex. Kumaway lang sila Reddie sa video at iniwas ko ang tingin ko pagpunta sa akin ng cam. Paglipat ng phone kay Saturday ay todo-kaway si Saturday habang nakangiti. Napangiti rin tuloy ako.

"Nasa IG story ko na, mga peeps," sabi ni Ever nang umupo ulit. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang story niya sa Instagram.


@greenever
lovies.


'Yun ang text na nasa gilid ng video at andoon nga kami. Tinanggal niya siguro ang sounds kaya tahimik lang ang video. Napapansin ko ang filter na bumagay sa paligid namin. Nakita ko ang mukha ni Saturday sa video na nakangiti. Nahagip ako sa video na pinagmamasdan si Saturday.

Agad kong sinamaan ng tingin si Ever. Ngumisi lang siya sa akin.

"Grabe, I love the air." Ngumiti si Reddie habang pinapanood ang IG story ni Ever.

"Speaking of love." Nagkatinginan kami ni Divide dahil may balak siyang buksan iyon. Kinunutan ko siya ng noo. Nakatingin kasi siya sa akin, mukhang may plano. "Guys, nainlove na ba kayo?" tanong niya.

May kaniya-kaniya kaming reaksyon sa biglaang tanong. Naintindihan ko rin kung bakit niya binuksan 'yun. Kung sumagot kaming lahat, malalaman kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Rogers dahil sa magiging sagot ni Saturday. Medyo matalino si Divide sa part na 'yun pero gusto ko siyang sapakin saglit. Huwag naman siyang mangbigla! 

Napatingin ako kay Saturday. Laking gulat ko na saglit na napatingin sa akin pero agad niyang binawi iyon.

"Oh, Geometry. Nainlove ka na ba?" natatawang tanong ni Venn. Nagdadalawang-isip pa siya kung tatanungin 'yun dahil sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang siya ang una kong masasapak ah.

"Isa pang tanong, hindi ka magkakagirlfriend," mabilis kong pagbabanta sa kanya kaya agad siyang kumatok sa mesa.

"HINDI NA AKO MAGTATANONG," nagpapanic niyang sabi.

"Ikaw, Side. Nainlove ka na?" pagpapatuloy ng topic ni Dom, halatang nang-aasar dahil may nangyari dati noong high school.

Tumawa na lang si Side at niyakap ang gitara niya. "Oo. Nainlove na ako." Hinalikan pa niya ang gitara na nakabag kaya nadismaya ang iba dahil akala nila ay tao.

"Ikaw, Divide?"

Tumawa lang si Divide habang kagat-kagat ang straw ng chocolate drink. Lakas ng loob namang pangunahin 'yun, hindi naman sasagot.

"Ikaw, Reddie?"

Natawa si Reddie. "Posible ba ang love at first sight?" 

Bigla siyang kiniliti ni Vertex at Dom dahil sa tanong niya. Inasar pa namin siya dahil naging marupok na siya.

"Love at first run," natatawang sabi ni Divide.

Napakamot ng batok si Reddie. "BS initials niya.. nakalimutan ko 'yung full name eh. Sayang!" Napailing na lang siya dahil nadismaya.

"Ikaw, Vertex?"

"Nah." Aba, nagpanggap pa na walang ganap noong high school. Pero naiintindihan ko naman dahil baka isa iyon sa ayaw niyang pag-usapan. 

"Eh ikaw, Ever?"

Lumipat ang tingin namin kay Ever.

"Ayaw ko," sagot niya at parang wala siyang pake.

"Ikaw, Dom?" tanong pabalik ni Ever na merong malawak na ngisi.

Napakibit-balikat si Dom. "Isang beses. At hindi na mauulit." Napatango ako dahil alam ko ang kuwento niya.

"Ikaw, Sat?" Hindi ko magawang tumingin kay Saturday dahil ayaw kong marinig ang sagot niya. Parang.. nagseselos ako? Nasasaktan ako? Lahat ng mata ay nasa kaniya, naghihintay ng sagot. Hindi ko pa naririnig ang boses niya kaya dahan-dahan akong sumilip sa kaniya.

Nahuli ko ulit siyang napasulyap sa akin at umiwas. Ngumiti lang siya at hindi sumagot. Hindi malaman kung nainlove na ba siya o hindi pa.

"Uyyyyy sino 'yaaan?" pang-asar ng iba pero napatingin ako kay Divide. Tumaas ang kilay niya at napakibit-balikat dahil mukhang parehas kami ng iniisip.

---

Sabay kaming naglalakad ni Saturday pauwi sa bahay nila, tahimik. Ang pagkakaiba nga lang sa katahimikan ay ayaw ko ng meron sa amin ngayon. Kahit kinakabahan ako na ayaing ihatid ko siya, naghintay pa rin ako. Mas lalo akong kinabahan nang natagalan siya bago sumagot. Pumayag na lang siya.

Tahimik lang siyang naglalakad. Pakiramdam ko, may kakaiba. Alam kong may nag-iiba.

I saw her hands trembling.

I really want to hold her hand.

Pero may pumipigil sa akin. Pakiramdam ko, may masisira kapag nahawakan ko siya.

"You good?" nahihirapan kong tanong kaya napatango siya. I know her. I almost knew everything about her. Her family, her problems, but there's something she didn't want to tell.

"Sino si Minute Rogers?" 

That's it. 

Hindi ko na kaya itago 'to. I need answers.

"He's nothing," walang emosyong sagot ni Saturday. Naningkit ang mga mata ko. Napapansin kong nag-iba na siya. Hindi na siya gaanong ngumingiti tuwing kasama ako. Palaging may bumabagabag sa kaniya simula first day of school. Kung ngingiti naman siya kapag kasama kami, parang nagpapanggap lang siya.

Damn, I really want to hold her.

I just watched her playing with her trembling hands. She's also pre-occupied. She's thinking deeply that bothers me a lot.

Napaangat ang kamay ko para hawakan ang kamay niya pero humarap siya sa akin.

That made me froze.

Napapikit siya. Sinara ang bibig niya. Hindi niya pinatuloy ang sasabihin niya kaya naglakad siya ulit. Sinundan ko naman siya. Kinakabahan na ako sa kaniya. 

May problema talaga.

Second attempt, I was about to hold her hand. Pero hinarap niya ulit ako.

"Umuwi ka na, Geo. Kaya ko na ang sarili ko."

Napakunot ako ng noo. Bakit?

"Kailangan kong mapag-isa."

That was the first time she left me hanging.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com