Him 09
Divide Fernandez
10:22 PM
Divide:
So, ex niya 'yung Rogers?
Geometry:
idk
wdyt??
Divide:
Pakiramdam ko, oo.
Anong plano mo?
---
Plano ko? Kailangan ba talaga may plano ako sa ganitong lagay?
Napabangon ako at ginulo ang buhok ko sa sobrang inis. Napapikit rin ako nang mariin. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga nalalaman at sa lahat ng naiisip ko na posibilidad. Puro ito tungkol kay Saturday at 'yung gagong Rogers. Inaamin ko talagang nagseselos ako at nakakaramdam ng inis sa Rogers.
Dapat may plano ako. Dapat talaga!
Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ni Saturday. Pero napatigil ako nang makita ang contact picture na nakangiti, malayong-malayo sa Saturday na kasama ko kanina.
Nanginginig ang hinlalaki ko na balak pindutin ang dial button. Ito na ba? Aaminin na ba ako?
Ito ang unang beses na aamin ako. Maraming pumapasok sa isipan ko at hindi na namamalayan na pinagsasabihan ko na rin ang sarili ko kung tama ba itong ginagawa ko. Aamin ba ako ngayon kung kailan magulo rin ang sitwasyon? Magmumukha akong tarantado nito.
"Hello?" Natauhan ako nang marinig ang boses niya sa kabilang linya.
Napakurap ako bago nilagay ang phone sa tenga ko. "S-Sat."
"Geo? Okay ka lang?"
"S.." Napakagat ako ng labi dahil alam kong marami siyang iniisip ngayon. Dadagdag pa ba akong umamin sa kaniya? Baka gumulo lalo ang isip niya kaya napabuntong-hininga ako.
"Are you.. okay?" I'm being careful right now.
"Ah, yes. I'm okay."
Napatango ako na parang nakikita niya ako sa oras na 'to.
Sasabihin ko na ba ang nararamdaman ko?
Pagkakaibigan namin ang nakataya kapag sabihin ko ang nararamdaman ko.
"Saturday.."
"Inaantok na ako, Geo. Good night."
Pagkapatay niya ng tawag ay parang may bumagsak sa dibdib ko. My lips just parted when I realized that she ended the call that fast. Hindi ganun ang Saturday na nakilala ko.
Ilang minuto akong nakatulala habang nakatingin sa screen ng phone ko. Matinding galit ang bumubuo sa loob ko. Bakit ba kasi nangyayari 'to?
Umabot na ng hatinggabi, hindi pa rin ako makatulog. Kaya ito muna ang plano ko sa ngayon, lumabas at magpahangin. Saka na ako mag-isip ng plano.
Walang katao-tao sa daan pero mabagal lang akong nagmamaneho ng kotse ko. Hindi na rin ako makabuo ng matinong plano. Ano bang plano sa ganitong lagay? Ayaw kong madamay relasyon namin ni Saturday dahil baka hindi na niya ako pansinin kapag umamin ako.
Paano kung ngayon lang 'to?
Pero andoon ang Rogers na 'yun, imposibleng babalik sa normal ang lahat.
Siguro, hindi solusyon ang pag-amin ko. Baka lumala lang ang lahat kaya bigyan ko muna ng space si Saturday.
Paano kung kailangan niya ng kausap?
Napapreno ako bigla. Mabuti na lang, naka-seatbelt ako. Kung hindi, baka tumama ang mukha ko sa salamin.
Biglang sumakit ang ulo ko. Siguro, sa kakaisip 'to.
Napasandal ako nang makita na nakapark pala ako sa labas ng Southern Mart na palagi kong napapadparan. Bibili na lang siguro ako ng inumin at uupo saglit. Bago lumabas ng sasakyan, Inayos ko ang sweater at bonnet ko. Nararamdaman ko na ang malamig dahil hatinggabi na.
Pagkasara ko ng sasakyan ay pumasok na ako sa loob.
At bumati sa akin ang isang bahing ng babaeng nakaupo sa upuan doon.
Tiningnan ko kung sino iyon kaso nakatalikod siya sa akin. Nakasuot siya ng puting hoodie. Hindi ko rin makita ang ulo niya dahil sa hood niya.
Kitang-kita na pinupunasan niya ang ilong niya gamit ang pamunas na hawak niya. Pero ninakaw ng atensyon ko ang pinapanood niyang Thor Ragnarok sa MacBook na nakapatong sa lamesa.
Bumahing ulit siya at suminghot.
Napailing ako. Dumeretso sa beverages section. Kumuha ako ng inumin ko kaso nahagip ng tingin ko ang bottled pure calamansi juice na nasa tabi ng snack section. Naalala ko tuloy 'yung babae roon.
Hindi ako nagdalawang-isip para kumuha rin ng para sa kaniya. Mukhang kailangan niya ito. Hindi pa ako nakuntento dahil weird man, pero gusto kong manood ng Thor. Kung ano-ano na lang ang hinablot kong puwedeng makain sa snack section at binayad sa counter.
Ngayon lang ako nagdalawang-isip pa ako kung ibibigay ko ba ito sa kaniya, kung kailan nabayaran ko na ito. Eh kasi naman, Thor Ragnarok pinapanood niya! Medyo nacurious din ako sa kaniya. Bihira lang ako makakilala ng ibang tao na nanonood ng Marvel Studio movies. Hindi naman mahilig sila Side sa ganoong genre. Ang pagkakaalam ko ay mas prefer nila ang rom-coms. Si Reddie lang ata ang mahilig sa horror o suspense na movies.
Paglapag ko ng calamansi juice sa lamesa ay napaangat ang tingin niya sa akin. Pinause pa niya ang pinapanood niya para tingnan ako.
Namamaga ang ilong niya, dahil siguro sa sobrang pagsisinghot at pagpupunas. Tama nga ako, babae siya.
"Uh, for your..." Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil mukhang nagets niya ang ibig kong sabihin. Kasabay ang pagbitaw ko sa inumin kaya napatingin siya doon.
Binasa niya ang label ng inumin bago tumingin ulit sa akin. "T-Thanks."
Napatango ako. 'Yun na lang 'yun?
Paalis sana ako nang inusog ang upuan na nasa tabi ko gamit ang paa niya. "Nood ka?" Inalis din niya ang isang wireless earbud at inalok sa akin.
That's.. something.
"Is it okay?" Muntikan na akong mautal.
Nakita ko siyang tumango kaya panibagong taranta ang naramdaman ko. Bago pa ako magpalamon sa kaba, umupo ako sa tabi niya. Naiilang pa ako pero kinuha ko ang inalok niyang earbud at sinuot ito sa akin. Inadjust na rin ang MacBook niya para makapanood din ako ng movie.
Kanina, para akong naliligaw. Para akong nawawalang bata sa loob ko. Pero nang umupo ako sa tabi niya, tumahimik ang lahat. Gumaan din ang pakiramdam ko kaya nakakapagtaka. The small gestures that she made just now.. it meant a lot.
Seryoso siyang nanonood ng movie. Gusto ko ngang idikit na mismo sa screen ang mga mata ko dahil hindi ko mapigilang mapasulyap sa mukha niya. Itim ang buhok niya na nakalugay sa loob ng hood, walang bahid ng make-up, at sobrang putla niya. But she still looked pretty tho. Nagpaulan ba siya?
"Ang asim," natatawang sabi niya pagkatapos tikman ang binili ko. Doon ko napansin ang boses niya. Mababa at namamaos. Kahit natuwa ako sa ekspresyon niyang nangasim ay napanatili ko ang blangko kong ekspresyon.
"Geez, 'yung post-credits pa," bulong niya.
Pinanood namin ang post-credit scene nila Thor at Loki. Tahimik lang kaming nanonood hanggang sa pinakahuling scene. Siya lang ang kilala kong hinihintay hanggang sa huli ng movie. Sigurado akong pinapanood niya rin ang ibang Marvel Movies. Nakakabighani.
"You look.. familiar," bulong ng babae habang hindi tumitingin sa akin. Ako tuloy ang napatitig sa kaniya. Nagkita na ba kami? Wala akong maalala. Pilit kong inalala ang mga nangyari these past days pero wala talaga akong maalala. Para rin kasing hindi ko maconvert ang mga nasa isip ko sa pamamagitan ng salita para bigkasin. Sa huli, nawawala na lang din sa utak ko.
"Ano gusto mong panoorin?" tanong niya habang nags-scroll sa files niya. Unang nahagip ng tingin ko ang Avengers: Endgame.
"Endgame," sagot ko kaya napatingin siya sa akin, na nanlalaki ang mga mata.
"3 hours?!?"
Tumango ako. "3 hours."
Nagdadalawang-isip pa siya roon. Gusto ko sanang bawiin dahil naisip ko kung may pasok ba siya bukas. 1 AM na at tahimik ang paligid. Naririnig nga rin ang inconsistent na katahimikan sa labas ng convenience store. Napapansin kong hindi siya mapakale kaya habang nagsisimula na ang movie ay hindi niya naiwasang mapatanong matapos ang saglit na katahimikan.
"You have class tomorrow?"
"10," I lied.
I want to finish the movie.
And I don't want to leave her here alone. Sa ganitong oras pa naman ay maraming gumagalang lasing. "You?" tanong ko pabalik.
"Afternoon pa."
Napatango ako. Damn, 8 AM pasok namin bukas. Iniisip ko na ang posibleng mangyari. Mukhang 'yun pa ang nagpalipas ng oras ko na imbis na itutuon ko ang atensyon ko sa pinapanood namin. Matagal pa matapos ang movie pero tatapusin ko 'to.
"For you, is Loki still alive?" Napatingin ako sa kanya dahil nasa part na kami ng pagkuha ni Captain Marvel kay Tony. Napakibit-balikat ako. I have no idea. I am not the type of person who's involving my perspective when watching movies. I just... watch.
"He's the God of Mischief." My words are enough to see her nod.
"'Yung sinabi niya kay Thor sa Infinity War.. I guess, he's still alive. Making us believe his tricks again." Bigla akong napangiti nang kaunti dahil sa narinig ko sa kaniya. She sounds so determined to believe in her own words. At last, I found someone who has the same interest with me.
Matatapos na ang movie at napansin kong ubos na ang calamansi juice niya. Hindi na rin siya gaanong bumabahing at sumisinghot kumpara kanina. Medyo gumaan ang pakiramdam ko roon.
"Shit." I heard her whispered while secretly wiping her tears when the movie was about to end. Nakakailang beses ko na itong pinanood na movie but it never failed me to drop a tear. Matapos kong pinanood 'yung babaeng pinunasan ang mga luha niya ay binawi ko na ang tingin ko at pinunasan din ang luha ko.
"That was... fun." Nasabi ko na lang dahil hindi ko alam ang sasabihin matapos ang credits ng movie.
Tiningnan niya ako na nakakunot ang noo. "Fun?!? My fave man and my fave widow just died!"
Sabi ko na nga ba dapat tumahimik ako. Napakamot na lang ako ng batok habang may kinakalikot sa MacBook niya.
"Are you... homeless?" Hindi ko alam kung tama ba 'tong tanong pero wala talaga akong maisip dahil gulong-gulo utak ko. Mali tuloy ang word na nagamit ko! "I meanㅡ"
Imbis na mainis siya sa pagkakamali ko ay natawa siya. "Can't you see I'm wearing the most expensive clothing line?" Pilit niyang pinapakita ang brand ng suot niyang hoodie pero nabigo siya kaya hinarap niya sa akin ang MacBook niya. "Homeless? Naka-MacBook?" Tumawa pa siya parang hindi makapaniwala kaya napasandal siya sa sandalan ng upuan.
Wait. I think I remember this girl.
Bakit ba hindi gumagana ang utak ko ngayon?
Bakit ang ganda ng mga mata niya?
What.. No. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Hindi ba.. puwedeng grounded ako?" nahihirapang tanong niya habang tumatawa.
Napakunot ang noo ko. "Grounded? Sa labas?" Bago 'yun ah. Ang pagkakaalam ko, kapag grounded sa loob lang ng kuwarto?
"Ang alam kasi ng parents ko na, kapag sa loob lang ako ng kuwarto ko, hindi ako matututo." Nagsimula siyang magkuwento kaya nakinig ako habang nakatitig siya sa mesa "Kaya ito, pinalayas ako. No cards, no phones, no cash, no car. Haha! Itong MacBook, tinago ko lang nga 'to sa hoodie ko para may libangan ako sa labas. Siguro, practice na 'to."
Sinara na niya ang MacBook at muling inekis ang mga bisig niya. Napatingin siya sa akin at kita sa mga mata niya ang inis na dinadaanan na lang sa tawa. "Kampante kasi ang parents ko na wala akong mapupuntahan sa labas kasi wala akong kaibigan."
Palihim akong napakagat ng ibabang labi.
I feel sorry for her.
"Who needs friends? Ha! I don't want dramas. Mamayang 7 AM makakapasok na ako sa bahay. So.." Tinaas niya ang kamay niya at napapikit siya. "...back to normal." Napataas ang kilay niya na parang babalik siya sa dating gawi niya. Pinagmasdan ko siya lalo. Narinig ko sa kaniya ang determinasyon niya na maniwala sa sarili niyang salita.
"Ikaw? Bakit ka nandito? Are you homeless?" Ginaya pa ang boses ko sa huling tanong. Pinipilit pa niya talagang magsalita kahit wala na siyang boses.
"I'm just thinking." Wala na. Wala akong maidadagdag.
Napatango siya kunwari, may napala sa sagot ko.
"It's already 4:30 AM. Ain't sleepy?" tanong niya at napailing ako.
Damn, I'm already sleepy. Hindi ko lang siya maiwan dahil mag-isa lang siya rito. Baka may mangyari sa kaniya. Better make her safe than anything else. Wala sa prinsipyo ko na mang-iwan ng babaeng nakasama ko sa kalagitnaan ng gabi.
Nakakatuwa lang dahil ngayon lang ako nagstay sa labas ng bahay sa ganitong oras. Hindi rin ako nag-iisa. Ito ang unang beses ko sa ganito kahit may klase pa mamaya. I found it exciting tho. Nawala rin ang kaunting panghinayang ko dahil pinapanood namin ang pagliwanag ng langit sa labas habang may komportableng katahimikan.
Makukumpara talaga ang dilim kanina sa liwanag ngayon.
"Gotta go." 5 AM na. Kailangan ko nang umuwi. Siguro naman, kaya na niya dahil hindi na gaanong kadilim. Atsaka malapit nang mag-7 AM kaya makakapasok na siya sa bahay niya.
"Thank you," sabi niya.
Napangiti ako nang kaunti. Parang nagulat pa siya nang makita akong napangiti kaya bago pa ako makaalis ay tinuro niya ako.
"You look good when you smile. Para kang yelo kanina," pagpupuri niya na may halong asar sa huli.
Tinago ko ang mahina kong tawa sa pag-iling ko.
"You look fine to me tho," I whispered while walking away.
Napatigil ako sa pagpasok sa sasakyan ko nang makita siyang sumilip sa pintuan ng Southern Mart. "You sure na hindi ka aantukin sa klase niyo?" tanong niya na medyo may kalakasan dahil malayo na kami sa isa't-isa.
Napailing ako. "Ain't that sleepy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com