Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 10



"SINONG HINDI NATULOG?"

Napabangon tuloy ako sa pagkahiga sa mga bisig ko. Pinatong ko nalang sa palad ang panga ko dahil sa sigaw ni Vertex. Pilit kong idilat ang mga mata ko pero ang bigat-bigat talaga.

"SINO ULIT ANG HINDI NATULOG?"

Hindi natuloy ang paghulog ng ulo ko dahil agad ko itong binalik matapos dumulas sa palad ko. Sumigaw din naman itong si Dom sa tabi ko kaya pilit kong ibangon ang katawan ko. Hindi rin madilat ang mga mata ko dahil mukhang nasisilaw ako sa paligid ng cafeteria.

"SINO ANG NAPUYATㅡ??"

"Can you please stop?!?"

Bago pa matapos ang pagsigaw ni Venn ay galit kong tinanong 'yun. Natahimik sila, sa wakas. 

"Ingay niyo kasi. Tsk." Narinig ko rin ang pagkadismaya ni Ever sa tabi ni Vertex. Nagdaldalan na naman sila kaya hindi ko na sila pinansin.

Napahiga ako sa bisig ko. Inaantok pa rin talaga ako. Buong umaga, nakapikit lang ako habang nakikinig sa mga discussion. Nakayuko nga lang din ako. Naalala kong nilagyan pa ako ni Reddie ng ballpen sa kamay habang tulog para raw magmukhang nagsusulat ako habang nagdidiscuss sa isang subject na magclassmate kami.

Mabuti, medyo effective 'yun kaya umabot na ang lunch at pilit kong bumabawi ng tulog.

Nakalimutan kong ibalik ang earbud ng babae kanina sa sobrang antok. Ngayon ko lang naalala bigla. Naiwan ko 'yun sa mesa ko sa bahay dahil nagmamadali akong naligo. Baka ibalik ko na lang kung magkita kami ulit. Simula bukas, dadalhin ko na para sa mga pagkakataon kung magtatagpo kami. Hindi ko rin siya mahahanap dahil hindi ko siya kilala.

Bakit sobrang pamilyar niya? Kung hindi lang siguro ako inaantok, siguro nakilala ko na siya.

"Oh anong nangyari d'yan?" Narinig ko ang boses ni Side.

"Ewan ko ba. Baka hindi nakatulog nang maayos," maayos na sagot ni Reddie.

Ang ingay nila. Hindi ako makatulog nang maayos.

  
  
---
 

Saturday Sundays

4:32 PM

Ever:

Saturday?

@Saturday Sundays

Ghorl?

Nasaan ka?

Side:

HINDI RAW SIYA NAKAPASOK NG LAST SUBJECT?????

Divide:

Lumabas daw siya kanina??

Side:

WALANG MAY ALAM

Vertex:

Umuwi???

Baka umuwi????

Dom:

Hindi 'yun uuwi agad

Hoy 'di nakakatuwa gais

Nagtanong ako sa guard, wala raw lumalabas na babae kaninang 3 PM

Venn:

Try niyong tawagin

Baka umuwi na??

Divide:

Hindi nga raw nagswipe ng ID palabas

Walang record ni Saturday

HOY TAWAGAN NIYO NGA

Reddie:

Asan si Geo?

Geometry tawagan mo nga si Saturday

Kanina pa raw wala

Ever:

HOY KINAKABAHAN NA AKO TEKA MAGPAPALOAD NA AKO

SAAN KAYO

Side:

Galing ako sa building nila. Nagtatanong!!!

Dom:

NANDITO AKO NGAYON SA RIGHT WING

TUMATAKBO.

Vertex:

Samahan na kita Ever malapit na ako sa guard house

Ever:

Ito na, binibilisan na paglakad ko

Venn:

Sus walang label

Side:

Ehem label ehem

Dom:

DUMIDILIM PALIGID KO

WALA AKONG MAKITANG LABEL

Reddie:

BENTA 'YAN HAHAHAHA

Ever:

HOY PUTA NAWAWALA SI SATURDAY PLS MAYA NA YAN

Side:

@Geometry Metro

Bro.

---

Napabangon bigla ako sa mesa ng library nang mapagtantong labasan na pala.

Walang prof na pumasok kanina kaya natulog ako sa library. Pero ano 'to? Anong nawawala si Saturday? Agad akong naglakad paalis ng lamesa pero nakalimutan kong ibalik ang librong kinuha ko para matakpan ang mukha ko. Bumalik pa ako sa mesa at siniksik ang libro sa shelf.

Tumakbo ako palabas habang pinupunasan ang mga mata ko dahil baka may muta pa ako.

Binilisan ko ang takbo ko sa hallway. Dina-dial ang number ni Saturday pero mukhang nakapatay ang phone niya. Tinuloy ko pa rin ang pagtawag sa kaniya kahit hindi nagriring.

---  

Geometry:

sumagot na ba?

hindi siya sumasagot

Ever:

HINDI PA RAW SIYA LUMALABAS!

PAPUNTA KAMI NGAYON SA BAHAY NILA SATURDAY

BAKA UMUWI KANINA PA

Venn:

HINDI NGA LUMABAS DIBA

Dom:

Malay natin, nag-over de bakod sa likod

Side:

Okay first, that's weird

Second, hindi nagcucut ng class si Sat

Last, hindi 'yun gagawin ni Sat

Nasa lane ako ngayon

Iniisa-isa mga mukha dito

Reddie:

Creepy mo d'yan sa part na 'yan, Side

---

Halos tinakbuhan ko na ang buong building pero hindi ko pa rin makita si Saturday. Imposible namang mag-isa lang siyang umuwi dahil palagi siyang may kasama sa pag-uwi. Kung hindi ako, sila Ever o Side. Hindi rin naman siya aalis nang kusa. Magpapaalam siya muna sa amin kung ganun.

Damn! Where are you?

Kahit hinihingal na ako, bumalik ako sa first floor at sinilip ang mga room. Baka nandoon lang siya, nag-iisa.

Napapamura ako kung makitang walang katao-tao sa mga room. Kahit anim na palapag itong building kung saan ako ngayon ay kaya kong isa-isahin ang rooms para hanapin si Saturday.

---

Geometry:

check niyo kada rooms ng mga building

Dom:

Sorry this is not the time to react pero ANG HABA NG MESSAGE NI GEO!!!

NASA FIELD AKO NGAYON

Venn:

ANDITO AKO SA BUILDING NG MGA TOURISM HEHEHEHHE

PERO NAGHAHANAP AKO GEO AH

HINDI AKO LUMALANDI AH

SI SATURDAY HINAHANAP KO

AT CHICKS

Ever:

HINDI PA RAW UMUUWI SI SATURDAY, SABI NI TITA SARAH.

HINDI KO SINABI NA NAWAWALA SI SAT KASI BAKA MAGPANIC SI TITA

TAMA BA 'YUN?

Side:

Hanapin na lang natin pls

Kung wala pa rin, patulong na tayo sa pulis at sabihin na rin kay Tita

Divide:

Wala talaga, putangina.

Sinubukan niyo na bang tawagin ulit?

Baka sabay-sabay kayong tumatawag kaya di siya nakakatanggap ng tawag???

Ever:

OUT OF REACH BRO

Venn:

GUYS

NAKAHANAP AKO CHICKS

Dom:

Gago Grams, HANAPIN MO NA SI SATURDAY

Reddie:

Geo, ikaw ba 'yung tumatakbo sa kabilang building?????

---

Ikaapat na palapag, kahit napapagod na ang mga paa ko ay patuloy lang ako sa pagtakbo. Tagaktak na ang pawis ko pero wala akong oras na magpahinga at magpunas. Kada room ay sinisilip ko. Ang iba ay may klase pa pero sure akong wala roon si Sat kasi ibang programang nandoon.

Alam ko ang schedule niya. At wala na dapat siyang pasok ngayon.

Hindi ako gumamit ng elevator dahil sira. Isa pa, pakiramdam ko hindi ako mapapakale kung tatayo lang ako habang umaakyat ng palapag. Kaya sa hagdanan ako dumaan.

Sa ika-limang palapag ay nagsimula akong sumilip sa mga room. Ang iba ay walang klase at sarado na ito. Paliko na ako sa isa pang side ng hallway nang makita ko ang isang sobrang pamilyar na lalaki na ang dahilan kung bakit napuno ang galit ang buong katawan ko.

Binilisan ko ang lakad ko kaya napatigil siya sa paglalakad kasama ang kasama niya.

Magkaharap kami ngayon. Automatic na napayukom ako ng kamao. Hindi niya ako kilala pero sinamaan ko siya ng tingin. Gustong-gusto ko siyang suntukin sa oras na 'to.

"Sorry.. sino ka?" mahinahon niyang tanong. Napakunot ang noo ko. At may gana pa siyang maging mahinahon??

"Oo nga. Sino ka raw?" biglang singit ng katabi niya. Ano 'yan, echo?

Binalik ko ang tingin ko kay Rogers. "Asan si Saturday?"

Nag-iba ang paningin niya. Iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit biglang nag-aalala 'to? "Hindi pumasok si Saturday kanina. At hindi ko na siya classmate sa susunod sa subject.." mahinang bulong niya. Parang sarili niya ang kausap niya. 

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Oo nga!" singit nung lalaking kasama niya.

"Billion, nasaan si Style?" tanong ni Rogers sa katabi niya pero hindi ito lumilingon. Diretso lang siyang nakatingin sa kawalan na tila may iniisip pa.

"Hindi ko nakita ngayon, Minute. Siya na naman ba ang may gawa nito?" bulong nung katabi niya pero rinig ko. 

Hindi sumagot sa kanya si Rogers at muli akong tiningnan. "Saan ka na naghahanap?"

Kahit galit pa rin ako dito sa gago na 'to, pumapangibabaw sa akin na kailangang hanapin si Saturday dahil maggagabi na.

"Dito."

Napatango siya. "Sa taas kami maghahanap." Agad siyang tumakbo palayo at naiwan ako kung saan ako nakatayo. Pilit kong ibalik ang lakas ko para icheck ulit ang mga room dito sa ikalimang palapag.

---

Side:

Guys gabi na

Andito ako sa lane

Asan kayo?

Ever:

Naglalakad papunta d'yan

Venn:

Kasama mo si Vertex?

Ever:

Oo

Dom:

Ang dilim na talaga

Ever:

Gago Domain, wag mong ituloy

Divide:

Hihingi na ako ng tulong sa council

Tangina hindi na 'to maganda

Reddie:

@Geometry Metro

???

Geo nahanap mo na si Sat?

Divide:

Go signal mo na lang ang kailangan

Vertex:

Geo, ikaw na lang ang wala dito sa lane

Saan ka? Nahanap mo na ba si Sat?

---

Hingal na hingal akong umaakyat papunta sa ikaanim na palapag. Tanging hawakan ng hagdanan ang nagiging suporta ko sa katawan ko. Mabibigat na hakbang ang binibigay ko habang patuloy na naglalakad. Kaya ko pa. Kakayanin ko pa 'to.

Nang makarating sa pinakataas na floor ay nakita ko sa kalayuan si Saturday kaya bumalik ulit ang lakas ko. Pilit tumakbo palapit sa kaniya.

Pero hindi siya nag-iisa. Habang nakaupo siya sa sahig ay andoon si Rogers. Nasa harapan niya at pinupunasan ang mukha ni Saturday gamit ang panyo niya. Nawala ang kunot ng noo ko dahil nag-aalala ako kay Saturday. Paulit-ulit niyang pinapalo ang dibdib niya, 'yun ang ginagawa niya tuwing kinakabahan siya.

Hahakbang sana ako para makalapit pa sa kanila kaso hindi natuloy. Nakita ko 'yung kasama ni Rogers na tumatakbo na may dalang bottled water. Pero habang tumatakbo ay nadulas ito sa harapan nila kaya natawa si Saturday. Nakangiti na siya sa oras na 'to kaya tumalikod na ako at naglakad palayo.

---

Reddie:

Uso reply Geometry

Dom:

Tatawag na ba ng student council?

Divide:

Hoy Geo

Anuna

Naiiyak na si Ever dito

Venn:

Cinocomfort naman ni Vertex

Dom:

Ang dilim na talaga. Lalong dumidilim paningin ko

Geometry:

she's ok

Side:

Kasama mo na ba siya?

Reddie:

Papunta na kayo rito?

---

Hindi na ako nagreply dahil pinipilit kong maglakad palapit sa kanila. Naaninag ko na sila sa student's lane, nakaupo sa palagi naming inuupuan.

Mukhang nakita rin nila akong naglalakd na parang zombie kaya tumakbo na palapit sa akin si Vertex. "Oks lang tayo, dude?" pabiro niyang sinuntok ang braso ko kaya medyo nawalan ng balanse ang katawan ko pero agad akong napahawak sa braso niya.

"Uy!" Hinawakan niya ang braso ko.

"Anong nangyari?" Tumakbo palapit sa amin si Side at hinawakan ang kabilang braso ko. Inalalayan nila akong maglakad papuntang upuan. 

Pag-upo nila sa akin ay nagsalita si Divide. "Bigyan niyo muna ng space si Geo."

Wala munang nagtanong sa akin habang minamasahe ang mga binti ko. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil sa nakita ko kanina.

"Akin na." Umupo sa tabi ko si Dom at kinuha ang paa ko kaya napahugot ako ng hininga ko. Masakit ang parte na 'yun pero medyo kumalma ako nang minamasahe niya ang binti ko. Mas masakit pa ata ang nakita ko kanina.

"Hulaan ko, kagigising mo lang tapos tumakbo ka kaagad para hanapin si Saturday," sabi ni Divide.

"Dude. 6 floors! Kingina kung ako lang 'yun madededz ako!" sabi naman ni Vertex.

"Sus, paano kung si Ever 'yung hindi mahanap?" asar ni Venn kaya napatingin kaming lahat kay Vertex na parang sinabugan sa gulat ang mukha.

"Uhm.. siyempre hindi ako madededz," mahinang sagot niya kaya napatili sa pandidiri si Venn.

"NANDIDILIM TALAGA PANINGIN KO. WALA AKONG MAKITANG LABEL!" sigaw ni Dom sa tabi ko. Natawa naman ang iba samantala napapalo ng lamesa si Ever, mukhang pikon na pikon sa kanila.

"Andito na si Saturday." Napatingin kami kung saan nakatingin si Reddie. Andoon nga si Saturday. Tumatawa habang pinapanood 'yung Rogers at ang kasama niya na sumasayaw ng mga weird na steppings. Mukhang inaaliw nila si Saturday.

Napatingin sila Reddie sa akin. Tinitingnan kung ano ang reaksyon ko.

"Ay barbie sabi ko na!" pagkakanta pa nung kasama ni Rogers. Billion ba ang pangalan nun?

Habang naglalakad sila papunta sa amin ay sabay pa silang kumekembot.

Parang pinapasaya nila si Saturday matapos ang mangyari kanina.

Natahimik tuloy ang mga kasama ko habang pinapanood nila akong nakatingin sa babaeng gusto ko na pinapasaya ng iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com