Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 20


3:42 PM

Dom:

Wer ka, Sat?

@Saturday Sundays

Ever:

Dude

'Di ba, wala siyang phone ngayon?

Tinapon sa swimming pool last last week?

Dom:

Pucha oo pala

Nawawala id ko mga tol

Nakatago ako sa janitor's room puta

Ever:

Sino kasama ngayon ni Sat?? Pakibantay siya pls. Inutusan ako sa Faculty Room. Hindi ako pinapalabas hangga't di pa ako tapos magstapler

Vertex:

Tangina pinalabas ako ng guard

Ever:

WTF??

Vertex:

Nawawala rin ID ko!! Nahuli ako ng Guard kaya pinalabas ako

Divide:

Wtf

Di ko kasama si Sat, may last subject kami ngayon

Dom:

Akala ko wala na kayong pasok??

Divide:

Tangina, 'yun na nga eh

Si Prof Pasko pa naman 'to

Dom:

Kingina naman

'Yung striktong lutang na may edad na?

Divide:

Oo

Sure akong wala na kaming klase pero mukhang may naggulo ng schedule niya kaya akala niya 4 hours kami ngayon puchaaa

Reddie:

Hulaan niyo kung sino nadetention :)))))

Dom:

Wth

Anong nangyari Set??

Reddie:

DI KO ALAM KUNG BAKIT MAY CONDOM NA NAHULOG SA BAG KO!!! TANGINA

HOY WALA AKONG BINIBILING CONDOM

MAY NAGSUMBONG ATA!! NANG KINUHA AKO NG COUNCIL, MAY NAHULOG NA CONDOM MULA SA BAG KO

Divide:

Tangina sumusobra na 'to

Pakiramdam ko iniisa-isa tayo

Ever:

Asan si Side? Si Geo?? Si Venn?????

Venn:

PUTA ANONG NANGYAYARI???

NAWAWALA BAG KO TANGINA

ANDOON PHONE KO

NASAAN SI SAT???

NAKIKIONLINE AKO SA KABLOCK KO

Dom:

Tangina tangina

Side:

MAY NAKITA AKO ID!!! NAKASABIT SA FLAGPOLE BULLSHIT

Dom:

Ay tangina ulit

Side:

KUNIN KO ID MO, DOM OR VERTEX!! HANAPIN NATIN SI SAT BAKA KUNG ANONG MANGYARI SA KANYA

Geometry:

wtf is happening

Side:

Dude saan ka???

Geometry:

inutusan ako dito sa library

isang oras na akong nagbubuhat ng mga libro para ilipat

tangina bakit nakabantay 'tong babaeng librarian


Reddie:

Alis na ba ako dito

Tagong tago ako habang nagpphone

Dom:

Gusto mo bang pagalitan ni Tito Rendal?

Reddie:

TANGINA HINDI NAMAN 'YUN AKIN

Divide:

Ako aalis dito

Teka lang

Ever:

MALAPIT NA AKO DITO MATAPOS!!!

---

Binibilisan kong maglipat ng mga makakapal na libro sa kabilang shelf. Gusto ko talagang magmura. Bakit bantay na bantay sa akin 'yung librarian? Ano bang problema nito? Inutusan din ba siya?

"Itong medical books, ilagay mo sa kabilang buildinㅡ" hindi ko na siya pinatapos at kinuha ang limang makakapal na libro na nakapatong sa lamesa. Agad akong tumakbo palabas ng library dahil baka mag-utos na naman. Kung may grado naman 'to, maiintindihan ko pa. Pero wala eh. Wala rin naman akong sweldo kaya bakit ko pa ipapatagal ang paglalagay ng mga libro roon? Kailangan kong unahin si Saturday. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa kabilang building.

Pagkarating ko sa isa pang library ay nilagay ko sa cart ang mga libro at saglit na huminga dahil hiningal ako masyado sa pagtakbo. "Excuse me. Medical books ba 'yan?" Napalingon ako sa librarian at tumango.

"Sa 5th floor 'yan," mahinahon niyang sabi kaya napakunot ako ng noo. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinuha ko ulit ang mga libro para tumakbo palabas. Dumaan pa ako sa hagdanan.

Sinubukan ko ring magchat sa group chat habang tumatakbo.

---

Side:

HELLO DETENTION. HELLO REDDIE

Divide:

WHAT THE FUCK IS HAPPENING

Dom:

NAKUHA MO 'YUNG ID????????

Side:

KAY VERTEX ID.

Divide:

AKIN NA

NAKALABAS AKO

DALI ASAN

Side:

Pucha andito na yung tanda

Binigay ko sa babae!!! Nakiusap ako!!

Sinabi kong ibigay sa lalaki na nasa labas ng campus!!

Divide:

SINO??

SAAN??

HOY SIDE

Dom:

PUCHA LALABAS NA AKO

Venn:

ATLAST NAKITA KO NA BAG KO

GUYS ASAN NA KAYO

ASAN SI SAT

ASAN KAYO

Geometry:

leche nasa 5th floor ako

galing akong mini lib puta

nakita niyo si sat?

Venn:

SIGE PUNTA NA AKO

Divide:

ANO TSURA NG BABAE SIDE

DI KO MAKITA SI SAT DUMAAN AKO SA LANE

Venn:

BAKA MAY PASOK???

Reddie:

Nakaponytail daw ang babae, Divide

Divide:

DAMING NAKAPONYTAIL TANGINA

Vertex:

PUCHA ITO NAKAPASOK NA AKO

WALA NA BANG PASOK SI SAT???

Divide:

WALA.

Dom:

HELLO DETENTION, HELLO SIDE, HELLO REDDIE

Reddie:

Tago mo phone mo sa brief, Dom para magamit sa loob

Dom:

Tangina seryoso???

Reddie:

Tangina oo

---

Habang nagtatype ako ng labas mula sa 5th floor ng building kung nasaan ako ngayon, nakikita ko si Saturday na naglalakad sa baba kaya nagsimula na akong tumakbo. Pagbaba ko sa 4th floor ay napatigil ako nang makita siyang napatigil sa paglalakad.

May mga tao roon na pumalibot sa kanya. Wala pang isang kurap at pinagbabato siya ng itlog. 

"FUCK!" sigaw ko at mas binilisan ang pagtakbo pababa. Sa bawat hakbang ko ay napapatingin ako sa labas. Binuhusan na siya ng harina kaya hindi ko mapigilang magmura habang tumatakbo. Para akong hihimatayin. Halos matumba na ako sa hagdanan habang nagsisigaw. Bakit ba hindi nalang ako tumalon kanina?!

Tumigil ulit ako sa ikalawang palapag para tingnan kung andoon pa sila. Nagtaka ako kung bakit wala nang katao-tao at tanging si Saturday na lang ang nakatayo roon, marumi at umiiyak sa gitna ng kawalan. Aalis sana ako sa pwesto ko nang makita ko na napaangat ang tingin niya. Andoon si Rogers, nakatingin sa kanya. Humakbang palapit si Rogers pero tumakbo palayo si Saturday.

Hindi ko na kaya.

Galit na galit ako ngayon. Walang makakapantay kung gaano ako nag-aapoy sa galit.

Handa na akong makipagsapakan nang makarating kung saan naganap ang pagdudumi kay Saturday pero laking gulat ko na walang bahid ng dumi mula kanina. At paano sila naglinis agad-agad?! Ano bang kapangyarihan ang meron sila?

Andoon pa rin si Rogers nakatayo at nakatitig sa field kung saan dumaan si Saturday. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad hinawakan ang kwelyo niya. "Tangina mo!" sigaw ko at nag-iipon na ng lakas ang kamao ko para suntukin siya ngayon. Kahit konektado siya sa nangyayari kay Saturday ay ayoko pa ring makasakit dahil sa sobrang galit ko.

"Nasaktan ko na naman siya.." bulong niya kaya hindi ako makapaniwala na may gana pa siyang malungkot sa nangayari.

"GAGㅡ"

"HOY ANO BA!" Biglang may pumagitna sa amin at tinulak ako palayo. Andito na ang Miles na echo na siyang humahamon ng away ngayon. 

"Isa ka pangㅡ" biglang may pumigil sa akin. Nandidilim ang paningin ko. Pilit kong pumiglas sa humahawak sa akin.

"Geo. Kalma muna. Geo," pagpapakalma ni Divide na nakayakap sa akin. Pumagitna rin si Vertex at nakaangat ang dalawang kamay para sa distansya.

"Kaharap mo na siya! Tangina! Bakit hindi mo niligtas?!? 'Di ba putagris na knight in shining armor ka?!?! Nagmamagaling ka! Dapat pinakita mo!" sigaw ko at nararamdaman kong marami nang tumitingin sa amin. Napayukom ako ng kamao.

"Tama na, please. Maraming tumitingin." May babaeng pumagitna sa amin. 

Bumulong si Divide sa akin, "Hindi ikaw 'yan, Geo. Kumalma ka."

Huminga ako nang malalim saka niya ako binitawan.

"Salamat, Frankee sa tulong mo kanina," pagpapasalamat ni Vertex sa babae at napatango lang ito. Masama pa rin ang tingin ko kay Rogers at Miles na seryosong nakatingin sa amin.

"Hindi namin alam na ganun ang mangyayari," mahinahong sabi ni Rogers. Hinugot ko ang hininga ko pero hinawakan ni Venn ang braso ko dahil balak ko sanang sumigaw. Pero ang naipon kong boses ay naging hininga na lang.

"Oo nga," singit ni Miles.

Tangina.

"Kakausapin ko siya," sabi ni Roger.

"Nakita mo ba kung paano siya tumakbo palayo nang nakita ka niya?" paalala ko at binubuo ko na naman ang pasensya ko. Natigilan si Rogers at napayuko.

"Kausapin mo siya, Geo. Makikinig 'yun sa'yo," sabi ni Vertex kaya kumalma na ako.

"Frankee, pwedeng samahan mo si Geo? Para samahan mo rin si Saturday. Baka hindi pa makuntento 'yung mga hampas lupa eh," sabi ni Vertex sa babae kaya napatango ito.

"Samahan ko kayo," sabi naman ni Divide kaya napatango ulit 'yung si Frankee.

Naglakad na kami palayo kung saan dumaan si Saturday. Habang naglalakad kami ay naririnig kong nag-uusap si Frankee at Divide sa likod ko.

"Frankee talaga name mo?" tanong ni Divide.

"Yep, Frankee Iowa Magpakailanman. Tourism Management." Medyo tumawa pa si Frankee.

"Wow. Ang galing." Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Divide.

"Kayo?"

"Ako si Divide Fernandez. Siya naman si Geometry Metro. Parehas Business Management pero magkaiba ng block."

"Ah, si Saturday, taga-Comm?"

"Oo."

Nakarating na kami kung saan ngayon nakatayo si Saturday. Sa tabi ng building habang pinapagpag ang sarili.

"Dito lang muna kayo," bulong ko sa dalawa kaya napatango sila. Nang naglakad ako palapit kay Saturday ay mukhang naramdaman niya na may tao sa likuran niya kaya napalingon siya.

Nanlumo ako nang makita ang tsura niya ngayon. Bago pa ako makapagsalita ay umiyak siya sa harapan ko.

"Saturday?" 

Umiiyak na naman siya. Hindi ko man lang siya mahawakan dahil 'yun ang pinakaayaw niya. Kapag umiiyak siya ay ayaw niyang hinahawakan siya. She feels so weak and she hates it. Ni hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko dahil nahihirapan na rin ako sa nakikita ko.

Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko habang pinupunasan niya ang luha niya. Kahit paghikbi niya, alam ko kung bakit siya umiiyak.

Hindi na ako nagtanong kung ano ang problema niya at pinagtiisang panoorin siyang umiiyak. Tumatak na sa isipan ko na ayaw niyang pinagsasabihan siya. As long na alam ng kausap niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ay ayos na siya roon.

Damn you, Minute Rogers.

Napabuntong-hininga ako nang makita siyang pilit pinapakalma ang sarili niya. Humakbang ako palapit sa kanya dahil naramdaman ko na kailangan na niya. Kaya inalok ang panyo ko. Palagi na akong nagdadala ng isa pang panyo para sa kanya. In case na umiyak siya, ibibigay ko. Napakaiyakin kasi talaga ng babaeng 'to. Kung pwede ko lang suntukin ang lalaki na 'yun ngayon ay baka nasa guidance na ako kanina pa.

"Ang sakit, Geo.."

"I know, dude," sabi ko na lamang at nakita siyang tumawa. Baliw na ata.

"Hindi ko siya magawang kalimutan." Paulit-ulit niyang pinupunasan ang mukha niya dahil sunod-sunod na tumutulo ang luha niya. "Bakit kasi nahihirapan akong lumayo sa kanya kahit may humahadlang sa amin?"

Okay this time, damn you, Style.

"Pwede na kitang hawakan?" tanong ko kay Sat at napatango siya. Kinuha ko ang panyo niya. Pinunasan ko ang mukha niya na puno ng harina at luha.

"Pwede ka na maging ensaymada." Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya pabiro niya akong sinuntok sa braso. Napailing na lang ako habang may dinudukot sa bulsa ko. "Oh." Inabot ko ang panyo at susi ng locker ko.

"Kunin mo ang P.E. uniform ko roon. 'Yun muna ang suotin mo."

Tinalikuran ko na siya pero nagsalita siya ulit. "Saan ka pupunta, Geo?"

Lumingon ako."May aayusin lang." 

"Asan siya? Iniwan mo lang?" tanong ni Divide nang dinaanan ko sila ni Frankee.

"Kunin niyo na siya." Aalis sana ako pero hinawakan ulit ni Divide ang braso ko para pigilan ako.

"Saan ka pupunta?"

Seryoso ko siyang tiningnan. 

"Sa plano ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com