Him 21

One thing for sure, I haven't admitted to myself directly that I've already fallen in love. Even for myself, I keep on denying because I already know that it will take time to grow, it will take time to determine that love is the something that is running through every inch of our body.
And I don't think if love is with me right now.
"Mahal mo pa rin siya?"
Wala akong idea kung tama ba ang umaapaw sa loob ko.
Kailan ko ba rin makikilala ang sarili kong nararamdaman?
"Ang sakit, Geo.."
Nasaktan din naman ako eh.
Pero buo na ang desisyon ko na ito.
Hindi ko mapigilang mapaisip tungkol sa nararamdaman ko kay Saturday. Kung gusto ko siya, bakit hindi ako lumaban?
Dahil magkaibigan kami.
At merong ibang nagpapasaya sa kanya.
Wala man lang ako magawa dahil sa kanya na mismo ko narinig na mahal niya rin.
Ano pa nga ba ang magagawa ko para sumaya siya?
"Bakit kailangan pa akong ilayo sa lalaking mahal ko? Bakit kailangang maraming humahadlang sa amin?"
Nakarating na ako sa Room 8A habang naririnig ang boses ni Saturday. Hindi ko na kinakayang nakikita siyang umiiyak, lalo na ibang lalaki ang iniiyakan niya. Kampante ako sa kakayahan ko na hindi siya paiyakin kaya napapatanong nalang ako sa tadhana kung bakit hindi na lang ako? Bakit ba kailangan dumating pa ako sa puntong pupunta pa ako sa room ng may dahilan ng lahat ng ito?
Hinanap ng mata ko ang babaeng may kulay ash gray ang buhok. Nang makita ko siya na napapaligiran ng mga alipores niya ay napaangat ang gilid ng labi ko at walang paalam na pumasok sa room nila. Narinig ko ang tilian, bulungan at pagkabigla ng mga tao roon pero natahimik nang tumayo ako sa likuran ng babae ito.
"Nararamdaman ko na malapit na siyang bumigay. We need to try harder! That's what she gets when she's messing up with my lovelife."
"U-uh.. Style..?"
"Wala na ba kayong naiisip na ibang idea? Huwag niyong sayang ang mga ginagastos ko sa inyo. Now, sigurado bang malinis ang ginawa niyo kanina? Sinong kumuha ng video?"
"S-Style.."
"What?!" Paglingon niya sa akin ay napaangat ang mukha niya para makita ako. Napatili ang lahat nang kinuha ko siya at kinaladkad habang hawak-hawak ko ang uniform niya. "What theㅡhoy Geometry!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Nakikita ko sa hallway na maraming napapatingin hanggang sa makarating kami sa likuran ng building kaya mahina ko siyang tinapon malapit sa basurahan. Kung hindi lang 'to babae ay baka mapagbubuhatan ko pa 'to ng kamay. Pero masyado kong pinigilan ang sarili ko. Alam kong galit ang umaapaw sa akin ngayon.
Magulo na ang buhok at uniform niya. At siya pa ang may ganang magalit, huh?
"Ano bang problema mo?!"
Ningisihan ko siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para ayusin ang tayo niya. Huwag siyang umarte na mahina siya. Kung matapang siya para gawin ang lahat ng bagay na iyon kay Saturday, pwes, ipakita niya sa akin. Dahan-dahan kong nilapit ang katawan ko sa katawan niya. Napapaatras siya hanggang sa dingding na ang naasasandalan niya. Kinulong ko agad siya matapos kong ilagay ang kamay ko sa pader.
"Listen, Style Harris."
Narinig kong napalunok siya.
"Kapag hindi mo tinigilan si Saturday, malala pa ang mangyayari sa'yo," bulong ko. Sinubukan niya akong itulak palayo pero walang nangyari. Hindi ako umalis sa pwesto ko. "Naintinidhan mo?"
"And why on earth na titigilan ko si Saturday, huh? Ayoko! Deserve niya 'yunㅡ!"
Natahimik siya nang sinipa ko ang basurahan na nasa tabi namin. Tiningnan ko ulit siya sa mata at nakikita kong puno iyon ng takot.
Natawa ako. "Bakit ka nanginginig?" tanong ko habang humahakbang palapit lalo sa kanya "Natatakot ka na roon? Ni hindi pa kita nahahawakan," bulong ko at balak hawakan ang pisngi niya kaya agad siyang napapikit nang mariin.
Hays.
Nawalan ako ng gana. Napaangat ang tingin ko dahil nandidiri ako nang may biglang pumasok sa isipan ko. Napailing ako bigla dahil baka sabihin niya na may balak ako sa kanya.
Hindi talaga ako pumapatol sa babae pero sa kanya, hindi na ako magdadalawang isip na pag-trip-an siya. Hindi ko siya sasaktan. Tatakutin ko lang.
Binawi ko na ang kamay ko. Siguro naramdaman niya 'yun kaya unti-unti siyang napadilat.
"Iwasan mo silang dalawa."
Ang kaninang takot ay napalitan ng inis. "O-Of course not! Ano ka sinuswerte? Bahala ka diyan sa buhay mo!" Agad siyang umalis at tumakbo palayo kaya natawa ako.
I warned you, Style Harris.
Nang maiwan ako roon ay pinapakalma ko ang sarili ko. Punong-puno ako ng sakit at galit kaya ganito ang nangyayari sa akin. Kailangan ko munang kumalma bago humarap ulit sa kanila. Totoo ngang hindi ako ang kanina.
Hindi ko na nakikilala ang sarili ko.
Napapikit ako at napahawak bigla sa dingding sa sobrang pagod sa nangyari ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng buong katawan ko. Nakakailang buga na ako ng hininga, maraming mangyayari ngayon.
Inayos ko ang sarili ko, tinanggal ko ang itim na sweater na suot ko ngayon at mabuti na lang, may itim pa ako na t-shirt na suot. Nang isabit ko ang sweater ko sa bisig ko ay napasandal ako sa dingding para muling huminga nang malalim.
Masyado akong naging bayolente kanina..
Napadilat ako matapos mag-isip-isip ng mga gagawin.
Hihingi siguro ng tawad kay Rogers. Alam ko namang gusto niya talaga si Saturday at hindi niya talaga ginusto ang nangyari. Mahal din siya ni Saturday kaya wala na iyon sa kontrol ko.
At ngayon kailangan kong pigilan si Style sa mga plano niya dahil sigurado akong baka hindi 'yun titigil paa sirain sila Saturday at Rogers.
Kalmado na.
Naglakad na ako papunta sa building namin na parang walang nangyari.
Siguro lutang pa ako nang makarating sa locker ko, andoon na sila Dom na mukhang kalalabas pa lang ng detention. Halos makukumpleto na rin sila rito ngayon.
"Geo." Napatingin silang lahat sa akin. Nilapitan ako agad ni Vertex para tanungin kung okay lang ba ako. Tumango ako bilang sagot.
"Si Saturday. Kasama si Frankee at Ever sa CR ng mga babae." Napahawak si Divide sa balikat ko kaya napatango ako.
"At Geo, walang P.E uniform sa locker mo," sabi ni Venn kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Isa kang scam!" Bigla siyang binatukan ni Reddie.
"Nag-explain kami sa mga nangyayari kanina," sabi ni Dom.
"Kung sino man ang gumawa nito, magpasalamat siya na mapapatawad ko pa siya dahil may puso pa ako," sabi naman ni Divide habang nakasandal sa mga locker.
"Thank you sa inyo." Napatingin kaming lahat kay Saturday na bagong ligo. Suot din niya ang binili kong damit para sa kanya. Mabuti na lang, kasya sa kanya ang binili ko.
"Please, ireport niyo ang nangyari ngayon," pagsusuggest ni Frankee sa tabi ni Saturday.
Agad umiling si Saturday. "Huwag na. Tama na. Hayaan niyo na lang."
"Anong hahayaan na lang, Saturday? Sobra-sobra na ang ginawa sa'yo! Tapos sasabihin mong hayaan na lang? Hindi ka santo, parang awa naman, Saturday," biglang nagsalita si Dom na galit na galit.
"Kalma lang," bulong ni Reddie at inakbayan niya ito.
"Please.. nagmamakaawa ako. Huwag na. Hayaan na lang." Nabasag na ang boses ni Saturday kaya napapikit ako nang mariin. Masyado siyang mabait na pinapabayaan lang ang nangyari.
Ano ba ang pumipigil sa'yo, Saturday? Ano ang hindi ko pa alam?
"Magrereklamo tayo. Sobra na 'to." Parang naubusan na ng pasensya si Side.
Napahawak si Saturday sa braso niya para pigilan siya. "Huwag na please.."
"Saturday pleaseㅡ" sumingit na si Ever na mukhang naubusan din ng pasensya.
"Ayokong magkagulo laloㅡ"
Tuluyang naubusan na ng pasensya ang mga tao rito.
Hindi rin natapos si Saturday dahil sumigaw si Vertex. "Saturday! Mas lalo lang sila manggugulo kung hindi tayo magsumbong para pagsabihan ngㅡ!!"
"GANITO NA ANG NANGYAYARI SA AKIN! SANAY NA AKO!" sigaw niya kaya napatahimik kaming lahat.
"Hindi habang buhay, ganyan ang mangyayari sa'yo, Saturday. Kailangan din 'yang tumigil," mahinahong sabi ni Reddie kaya napatalikod si Side sa galit.
"Bakit ba nangyayari 'to?" tanong ni Venn. "Bakit kailangan mong tiisan ang lahat?"
Hindi makasagot si Saturday dahil umiyak na naman siya. Dahan-dahang hinila ni Ever si Frankee palayo dahil balak sana niyang hawakan si Saturday. Nang naguluhan si Frankee, bumulong si Ever kaya napatango siya.
Pinanood ko na namang umiyak si Saturday.
"Hindi ko na alam... ayaw ko na rin nito.. ayaw ko na.." bulong niya at pinunasan ang luha niya.
Hindi na kaya ng puso kong makitang umiiyak si Saturday.
"Hindi na mangyayari ulit ang nangyari kay Saturday."
Napatingin silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Mukhang naguluhan sila roon.
"What do you mean, Geo?" tanong ni Ever.
Diretso lang ang tingin ko kay Saturday na napatigil sa pag-iyak at nakatingin sa akin habang naguguluhan.
"If you're happy with him, be with him," sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. "Just be happy. Ako na ang bahala." Halos naging bulong na lang ang huling sinabi ko dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko.
Natahimik silang lahat kaya tumalikod na ako at naglakad palayo.
Naduduwag ako pagdating sa kanya dahil wala akong kasiguraduhan. Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan namin.
Sa desisyon ko ba na ito ay masasabi ko na magiging matapang ako?
Damn, ang daming nangyari ngayong araw.
"Tangina, ano 'yun?!" Nang makalabas na ako sa building ay sinundan pala ako ni Divide. Agad niyang hinawakan ang balikat ko at hinarap sa kanya. "Geometry, ano 'yun?!"
Hindi ako sumagot sa kanya. Napatingin na lang ako sa langit. Malapit na pala maggabi.
"Anong ginawa mo?!"
Napabuntong-hininga ako.
Tama na, Divide. Sumuko na tayo. Wala talagang mangyayari sa amin ni Saturday.
Ningitian ko siya na mukhang gulat at gulong-gulo sa nangyayari.
"Fernandez, let's do the Math," panimula ko. "Rogers loves Saturday. Saturday loves Rogers. In short, they love each other. Walang problema roon kung hindi 'yung babaeng kontrabida sa pagmamahalan nila. 'Yung babaeng nagsisira ng kasiyahan nila," pagdidiin ko. ]
Kumunot ang noo niya dahil sa sabi ko. "You went to Style.." bulong niya kaya napaangat ang mga balikat ako.
Tama siya.
"Come to think of it. Kapag napunta si Rogers kay Harris, magiging masaya ba siya? Kung napunta sa akin si Saturday, magiging masaya ba siya? That's why I'm taking Style out of the picture. Atleast kapag dalawa silang magkasama sigurado talagang masaya sila," sabi ko na lang.
Doon na tayo sa sigurado.
"So, that's the plan? What the actual fuck, Geo! Malapit mo nang makuha si Saturday! Akala ko ba mahal mo siya?!? Ganoon ba kadali sa'yo ang balak mo?"
Marami pa siyang sinabi kaya I'm just mocking his words. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang chocolate drink na ibibigay ko sana kay Saturday kaninang umaga bago ako utusan ng librarian. I just kept mocking Divide's words in my mind. Hanggang sa tinusok ko na ang straw sa box.
"Oh ano, ipapafall mo si Style sa'yo ganun?"
"Of course not!" Umiling ako. Wala iyon sa plano ko. "Ipapatigil ko lang siya sa mga plano niyang sirain ang relasyon nila, Fernandez." Hindi kasi ako nakinig sa kanya kanina kaya iiklian ko ang plano ko.
"Alin ba talaga ang plano mo?"
"This is my plan, Fernandez," pagdidiin ko. Magsasalita pa sana siya pero natigilan siya nang napangisi ako at inangat ang chocolate drink na hawak ko.
"To the one who always ruins someone's lovelife." And took a sip from my chocolate drink.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com