Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 22


Ang masasabi ko lang ay mapayapa. Mapayapa kaming nakaupo sa student's lane at hinihintay na may matapos kami sa binabasa namin. Tapos naman akong mag-aral kanina kaya pinagmamasdan ko ang mga kasama ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim dahil hindi sila nagtatanim ng sama ng loob. Hindi na rin nila binukas ang issue na nangyari dati dahil si Saturday na mismo nagsabi sa amin na huwag na kaming magpadala sa galit.

May dahilan ang bawat nangyayari.

Anong klaseng dahilan na iyon para tanggapin niya lang?

"Ang sisipag niyo ngayon," bati ni Side na bitbit ang gitara niya. Umupo siya sa tabi ni Dom na seryosong nagbabasa ng libro.

"Huwag kang magulo," sabi naman ni Reddie na nakahiga sa bisig niya at may nakatakip na libro sa kanya. Kada minuto ay sisilip siya sa binabasa niya at ibabalik na naman sa pagkatakip ng mukha niya. Siguro, may sinasaulo 'to.

"Dudugo na ang utak ko ngayon." Napahahawak pa si Saturday sa ulo niya.

"Kahit naman sulyapan mo lang 'yang binabasa mo, matatandaan mo na eh," sabi ni Ever habang nagbabasa at nagsosolve sa papel niya.

"Uy, grabe. Hindi naman. Slight lang."

Mabuti na lang talaga, wala nang nangt-trip kay Saturday simula noong kinausap ko si Style. Paminsan, nakikita kong nagpaplano si Style kasama ang mga alipores niya pero nang nakikita ako ay napapasama ang tingin niya at naglalakad palayo mag-isa.

Siguro natakot.

Halos lahat kami nagbabasa ngayon, maliban kay Venn na nakangiti na naman habang may pinapanood sa phone niya. Hindi na lang namin pinakialam kasi mukhang masaya naman siya sa pinapanood niya.

"May pupuntahan lang ako." Pagtayo ko ay napatingin silang lahat sa akin.

"Maya ka na, Geo. Turuan mo muna kami rito!" Sinenyasan pa ako ni Dom na umupo ulit kaya sumunod na lang ako. Isang minor subject na kung makaasta ay major subject.

"Omg! Frankee!"

Nakita namin si Frankee sa kalayuan. Napahawak siya sa dibdib niya sa gulat nang sumigaw si Ever. Tumingin siya sa direksyon namin at kumaway. Sinenyasan siya ni Divide na pumunta rito kaya naglakad palapit si Frankee. Aba, mukhang nagkakamabutihan si Divide at Frankee ah.

"Hello! Ang sisipag natin ngayon ah?" natatawang bati ni Frankee at umupo sa tabi ni Divide. 

Wow, ngingiti-ngiti 'tong si Fernandez.

"Saan ka papunta?" tanong ni Divide na parang aso kung ngumiti. Inismiran ko tuloy siya. Siya nga ata itong pafall. Ampota.

"Ah, may 4 PM subject ako sa building na 'yun."

"Talaga? Papunta rin ako roon. Sabay na ako sa'yo." Napatingin sa akin si Divide at may parang pinapahiwatig siya. Nandiyan na ba sa kanya ang hinihingi ko? Hindi natapos ang pagsasalita ni Divide dahil may biglang sumingit.

"Talaga ba?" Napatingin kaming lahat kay Side na cool na tinitingnan ang rubics cube.

Biglang inagaw ni Vertex ang hawak niya kaya napasigaw siya. "Akin na 'yan!"

"Hindi mo alam mag-ayos nito! Umamin ka nga, Side. Bakit hindi mo pinapansin si Frankee? Last week pa kayong hindi nagpapansinan, eh kayo naman 'tong unang nagkakilala," tanong ni Vertex.

 Biglang napaubo si Frankee.

"Okay ka lang?" bulong ni Divide matapos himasin ang likuran niya. Tumango naman si Frankee bilang sagot. Palihim akong natawa sa reaksyon ni Side. Nakakunot ang noo at parang nandidiri sa nakikita niya.

"Alam mo ba kung ano nangyari nung kinuha ko ang ID ni Vertex sa kalagitnaan ng flagpole?" Kitang-kita sa mukha ni Side 'yung pagkainis at the same time, pagkadismaya. Napapalakpak pa siya bago magstorytelling. The usual Side kung nagkukwento ng mga naranasan niya. With matching mga hand gestures pa.

"Umakyat na ako kasi 'di ba, nagmamadali ako. Habang umaakyat, may sumigaw sa ibaba, 'hoy ano ginagawa mo d'yan?' Oh, si Iowa na 'yun." Tinuro pa niya si Frankee. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Ginaya pa niya ang boses ni Frankee. Napapaabante pa ang katawan niya na parang may dedeclamation.

"Siyempre kawawa 'yung baby ko na naiwan lang sa baba kaya sabi ko, 'beb! Pakibantay gitara ko saglit!' Tapos tinatanggal ko na 'yung nakataling ID lace ni Vertex. Tapos sabi niya, 'Beb! Bumaba ka na d'yan! Maraming tumitingin!' Dinalian ko na pagtanggal nun pero hindi pa rin matanggal kaya halos sirain ko na ang lace ni Mario." 

Napapansin ko ring napatakip ng bibig sila Dom sa storytelling ni Side, pinipigilan din ang tawa. 

"Shuta, mga bebe. Ang daming tumitingin." Napatigil siya saglit sa pagkukwento at napahawak sa dibdib niya. Parang hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Nakita kong aliw na aliw si Frankee sa pakikinig sa pagkukwento ni Side.

"Siyempre ulit, malapit na matanggal 'yung ID lace. Kaso itong si Iowa, 'Beb! Baba na! Sirain mo na 'yan! Baka mahuli ka pa!' Natataranta na ako kaya sabi ko naman, 'Malapit na, Beb! Malapit na!' . Tapos atlast natanggal ko na. Puta mga bebe nadulas ako sa flagpole pero buti na lang napakapit ako! Kalmado pa ako nun kasi MVP ako noong palosebo. Pero si Iowa sa baba, nagpapanic. 'Beb! Kapit lang! Huwag bibitaw please! Kapit lang!' Imbis na magpanic ako dahil nadudulas ako, nagpapanic ako dahil nagpapanic si Iowa." 

Napahilamos pa siya sa mukha niya bago ituloy ang kwento niya.

"Pucha, ang daming tumitingin sa amin. Habang nagpapanic si Iowa sa baba, nagmumukhang nagpapakamatay ako kaya pinapakalma ko si Iowa sa ibaba. 'Beb kalma lang. Ayos pa ako dito. Bababa na ako,' oh ayan, nakababa na ako sakto andoon na 'yung mga council. Bago pa sila makalapit sa amin. Binigay ko na kay Iowa 'yung ID tapos sabi ko kay Iowa na ibigay sa lalaki na nasa guard house. Tapos ayun. Nagmukha akong babasagin na vase na hawak-hawak ng council. Nagsasabi ng motivational words about life. Tapos pagkarating sa detention room, pinanood ako ng mga documentaries ng mga nag-attempt ng s-word at nagbago ang buhay. Dudes, Iㅡ"

Hindi ko na kaya. Nagsitawanan kaming lahat sa nangyari kay Side.

Biglang nagulat si Venn na nagtawanan kaming lahat kaya napatawa rin siya na nakakunot ang noo. Sa mga tawa namin ay siya ang naiiba kaya napatingin din ang iba sa kanya. Para siyang batang palipat-lipat ng tingin. "Bakit kayo nagtatawanan?"

---

"Talagang ganun tinatawag ni Side sa iba?" tanong ni Frankee sa amin. Naglalakad kami ngayon papuntang building na papasukan niya. Muntikan kong makalitan na may usapan pala kami ni Divide dahil may ibibigay siya sa akin. 'Yung kwento kasi ni Side, sobrang nakakatawa.

"Oo. Tawag sa amin, bebe ko." Nagtawanan sila at napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Style na may kausap na mga babae. Pumasok sila sa isang room at mukhang may binabalak siya sa kilos niya dahil nagmamadali siya.

"Paano pala pagkabigkas ng second name mo..?"

"Iowa."

"Ee-ohwa?"

"I-owa," natatawang pagkokorek ni Frankee.

"EeㅡFrankee na lang nga." Tumawa si Divide. "'Yung pagkabigkas ni Side ng second name mo, tama ba?"

"Yep. Dito sa A.S.O., siya lang ata ang nakatamang pagpronounce ng second name ko. Hahaha." Naramdaman ko ring napatigil sila sa paglalakad nang makitang napatigil ako sa paglalakad.

"Mas easy naman first name moㅡuy Geo, bakit?"

"Hatid mo na si Frankee sa room niya. Kita tayo rito." Napatango siya at nilagpasan na nila ako rito. Pumwesto ako sa gilid ng pintuan kung saan pumasok sila Style. Sumandal ako roon. Sigurado akong si Style 'yun dahil sa buhok niya.

"Ito ang afternoon class niya. Siguraduhin niyong maayos ang pagkakagawa niyo para hindi ko babawasan ang bayad ko sa inyo. Tapos paglakad niya dito, lagyan niyo ngㅡ" Bumukas ulit ang pintuan at nakita kong may hawak na papel si Style, halatang nagpaplano. Napatingin siya agad sa direksyon ko. Binati ko siya nga ngisi. 

Nahuli ko na naman siya.

Sinamaan niya ako ng tingin. Harap-harapa niyang nilukot ang papel na hawak niya. Hindi pa rin tinatanggal ang tingin niya sa akin nang ibigay ang punit na papel sa mga alipores niyang sinusundan siya.

 Inirapan niya ako at naglakad palayo. Iniwan ang mga kasama niya na napakamot ng batok. "Ito na naman, hindi matutuloy ang plano." Hindi na nila ako pinansin at dumaan sa kabilang direksyon kung saan dumaan si Style.

Natawa na lang ako.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Umiling ako sa tanong ni Divide. May hawak na siyang nakatuping papel at inabot sa akin. "Iyan na ang schedule at rooms ni Style Harris."

Binuklat ko ang papel. Napatango nang makita na ang schedule niya. "Thank you." Binulsa ko na ito at nahuli kong pinanliliitan ako ng mata ni Divide.

"Doㅡ" pinakita ko ang palad ko sa kanya bago siya asarin, "Sorry. Hindi ako nakikipag-usap sa mga pafall."

Susugurin niya sana ako pero tumakbo ako palayo.

---

"May kasalanan ka."

Napatigil ako sa sara ng main door namin dahil nakapameywang si Mama sa harapan ko. Napakunot ako ng noo at hawak-hawak pa rin ang doorknob. Anong meron akong kasalanan?

Kagagaling ko lang sa school at kapapasok ko pa lang sa bahay, may kasalanan na ako?

"Ano po 'yun?" Matapos kong irecall ang mga ginawa ko these past days, wala naman akong masamang ginawa?

"Sinasadya mo man o hindi, kasalanan mo pa rin 'yun." Bakit nagtataray 'tong si Mama ngayon? Hindi pa rin mawala ang kunot ng noo ko at sinara na nang tuluyan ang pintuan.

"Ha?"

"'Yung nalasing ka!" Oh? Ano na naman kasalanan ko? Pumayag na naman siyang uminom ako?

"Umuwi ka agad! Hindi tuloy natuloy make love namin ng Papa mo! Ayun na eh! Malapit na kami magsimula tapos nagdoorbell ka na sa labas kaya pinasok ka namin na lasing na lasing!"

Umiwas bigla ako ng tingin kay Mama dahil nabalutan ako ng hiya.

"Ma, please." Nagsimula akong maglakad papunta sa kwarto ko pero sumunod pa rin siya sa akin.

"Nako naman Geo! Ayun na eh!"

Pagpasok ko sa kwarto ko ay mabuti na lang na hindi na siya pumasok. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko pa naman kung akong kasalanan ang nagawa, 'yun lang pala.

Buong gabi ay pagkatapos kong mag-aral ay nanood lang ako ng Avengers: Age of Ultron bilang pampatulog.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng movie ay napatingin ako sa phone ko at may nagchat sa akin.


---
  

9:38 PM

Vertex:

Hoy

Geo

Himala bakit walang nangyayari kay Saturday ngayon?

I mean mabuti naman kung ganun

Anong ginawa mo?

Don't tell me pinatay mo 'yung mastermind,!?!?!

Geometry:

gago hindi

Vertex:

Bakit nga???

Anong ginawa mo???

Hindi ako inutusan ni Ever na tanungin ka ah

Wala ring kaalam-alam si Saturday

So weird

Geometry:

basta

---

Tinamad na ako magtype kaya tinapon palayo sa ang phone ko para ipagtuloy ang pinapanood ko.

Tumunog na naman ang phone ko. Inis ko iyong inabot at nanlaki ang mga mata ko na may tumatawag na number lang. Nagdadalawang-isip ako sagutin ito hanggang sa tumigil na lang ito.

Sino naman kaya 'yun?

Tumawag ulit kaya sinagot ko na.

"Geo?"

Napabangon at natahimik ako dahil narinig ang boses ni Saturday. Hindi ako nakapagsalita agad dahil naramdaman kong bumabagal ang pagtibok ng puso ko.

"Geo, si Sat 'to.."

Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko napigilan ang emosyon ko. Hindi ko pa kayang magsalita dahil nakikita ko ang imahe nilang dalawa ni Rogers sa utak ko. Iyon ang dahilan sa ginawa ko.

"New phone and number. Hahaha." Napapikit ako. Tumango rin ako. As if, nakikita niya ako. Magsalita ka lang, please. Gusto kong bumalik kami sa dati pero simula noong naging okay na ang lahat ay hindi na kami masyadong nagpapansinan kahit magkasama kami. Ramdam ko ang distansya. Besides, magkasama rin sila palagi ni Rogers.

"Save mo na lang ah?"

"O-Okay."

Tahimik akong napabuntong-hininga. Ayaw kong marinig niya na nababasag ang boses ko.

"Okay."

Hindi ko na kaya. Pinatay ko ang tawag at napatakip ng mukha. Ilang minuto kong hinahabol ang paghinga ko dahil ang bigat-bigat ng nasa dibdib ko.

Kahit hindi ko pa kayang hawakan ang phone ko dahil sa sobrang panghihina. Pinilit ko ang kamay ko na isave ang number niya sa contacts ko.

Nilock ko ang phone ko at napatitig muna ako sa lockscreen.

Wala pang dalawang minuto ay umilaw na naman ang phone ko. Nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

From: Saturday
Good night :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com