Him 23

Nakita ko si Style na pumasok sa cafeteria habang umiinom ng protein shake. Busy siya sa tinatype sa phone niya. Mukhang busy siya masyado kaya hindi niya ako nakita na nakaupo sa kalayuan. Habang pinapanood siya sa mga galaw niya, binubuo ko ang rubics cube ni Venn. Mag-isa lang ako sa cafeteria dahil may pasok pa ang mga sakit sa ulo.
Kahit busy ang kamay ko sa pagbuo ng rubics cube ay napapasulyap ako sa direksyon ni Style na nagsusulat na pala habang may tinitingnan sa phone niya. Nang mabuo ko na ang hawak ko ay binaba ko ito at inabot ang inumin ko.
Uminom ako sa chocolate drink ko nang nakita kong napaangat ang tingin niya sa akin na hindi gumagalaw ang ulo niya. Diretsong sumama ang tingin niya sa akin. Ningisihan ko lang siya kasabay ang pag-angat ng iniinom ko na parang nakikipagcheers sa kanya.
Tulad dati, nilukot na naman niya ang papel na sinusulatan niya. Galit na naman ata siya sa mundo kaya padabog na kinuha ang shake at phone niya. Padabog din siyang tumayo at naglakad palayo kaya natawa ako.
"Unbelievable," bulong ko at napailing.
I guess the whole week.. literally, whole week, I kept seeing Style Harris. Accidentally. Though, I'm giving her the space I'm willing to give but it's like destiny is doing their work.
"Yawa, palagi na lang ba kita makakasalubong? Seryoso, are you stalking me?"
I laughed. I didn't laugh because of her, accusing me that I'm stalking her, but her cuss. Ibang-iba sa aura niya. I was expecting fuck, shit, the hell, bullshit or anything that suits her aura but the Bisaya term of demon, yawa. I was surprised at the same time, amused.
"Oh ano? Sinasadya mo ba 'to? Hindi ko na nga ginagalaw si Sundays! Uso rin distansya, Metro! Pisting yawa."
It sounds weird but I'm not offended or disappointed at her cursing me in a different dialect. Instead, I'm amazed. Imagine, Style Harris wearing a expensive branded clothes, has ash gray hair, wearing high heeled boots and accessories but using pisting yawa because she's pissed? That's unbelievable.
I can tell she's different. I've been staring at her for a while now and I reached to the point asking myself, why Rogers is pushing this woman away?
"Putangina! Huwag ka ngang harang-harang! Do you know how much is this? Of course not! You can't afford this! Sa tingin mo, maayos ng sorry mo itong sapatos ko?"
Now, this is why.
"My gosh! Huwag mo ngang hawakan! Mas lalong masisira!"
Nalagyan lang ng alikabok dahil sa pagwawalis ng freshman at nagwawala na siya.
While everyone was whispering to one another, looking at the freshman girl sitting on the floor in front of Style, I walked closer to them and help her to stand. "It's okay. You can go."
Tumango agad siya at umalis sa gitna kaya hinarap ko na naman si Style na masama ang tingin sa akin.
"I'm sure you can afford to buy a new one. Bakit ka pa nagagalit?" I asked her.
"Soㅡ"
"Hindi niya sinasadya," I cut her off. Alam ko namang sisisihin pa rin niya ang babae.
"Bakit baㅡ"
Ah, she's so loud.
"Sipag mo naman magtanim." I even nod just to annoy her more.
"What?!?!" Kunot ang noo at halos umusok ang ilong niya. Galit na galit.
"Ang lawak na kasi ng taniman mo ng sama ng loob."
After saying those words, I heard her cursing out loud behind my back. I just shook my head, disappointed.
I understand.
There's no way I'll like this kind of person.
---
"Guys may susuotin na kayo sa Sockie Blast next week?" tanong ni Ever pagkarating niya sa cafeteria. Kanina pa ako nakaupo rito hanggang sa naglabasan na sila at tumambay na rin dito. Hindi ko napansin agad na andito na pala sila.
Malapit na pala ang Soctober Blast, also known as Sockie Blast, an event for us, students during Halloween Day to celebrate before proceeding to the 2nd semester.
"Please, huwag muna ngayon. Nag-iisip pa ako." Nakapikit pa si Side habang nag-iisip kung ano ang susuotin niya.
"Nakakatakot talaga costume ko." Ngumisi si Dom kaya nagsitinginan sa kanya ang iba, siguro nacurious.
"Ano?" tanong ni Vertex pero pataas baba pa 'yung kilay ni Dom.
"Dapat 'yung kakaiba," suggest pa ni Reddie.
"Paanong kakaiba?" panghahamon ni Vertex.
"Basta kakaiba." Ngumisi rin itong si Reddie.
Nagsimula na silang mag-usap sa ibang bagay kaya napailing ako. Gusto kong umalis. Hindi na ako nagpaalam at umalis sa cafeteria. Malapit naman maglabasan. Nakita ko sa schedule ni Style na labasan na nila kaya umupo ako sa bench sa harapan ng building nila.
Of course, I will not fall for her. And I will not let her fall for me.
I'm just doing this because of Saturday.
Naalala ko na naman ang sabi ni Divide at hanggang ngayon ay minumulto ako ng mga salita niya. Kaya hindi matanggal ang ideya na mahuhulog ako sa iba dahil iba ang pinapansin ko. Ang alam ko lang ngayon ay sinisigurado ko na hindi na siya makakalapit kina Saturday. Masaya na sila ngayon.
Nakatingin lang ako sa sahig habang naghihintay na lumabas 'yung demonyo. Paminsan at napapasulyap sa mga lumalabas na estudyante sa building. Napapatingin din sila sa akin pero hindi ko na lang ginagantihan ng tingin. Awkward kaya.
Napaisip ako bigla. If Saturday has the same feelings with mine, are we doing what college lovers do? Hinahatid-sundo siya, we can date, study together or even go to each others houses?
Napatingin ako sa kamay ko. Kung kami ba, mahahawakan ko ang kamay niya na hindi nagdadalawang-isip?
Napabuntong-hininga ako. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko.
Pero napapakunot ako ng noo. Bakit ba pinupuntahan ko 'tong si Style? Iniisip kong dahilan ay ang pagbabantay sa kanya kasi nakakapanibagong hindi siya gumagawa ng magpapahamak kay Saturday. Pero may naiisip din akong iba... dahil ba ayaw kong makita si Saturday ngayon?
Ano na naman 'tong pumapasok sa utak ko?
Sumasakit na naman ang ulo ko.
Habang naghihintay ako sa labas ng building nila, masyadong napupuno ang utak ko sa mga salita na posibleng isipin ng iba. At baka mapagsabihan akong may gusto kay Harris.
Umalis na lang kaya? Ayaw ko rin na maparamdaman sa kanya na ginagamit ko lang siya kasi nakakagulat talaga na andito ako.
"That's bad," bulong ko. Inayos ko na ang upo ko at tatayo na lang sana pero nakita ko na si Style na naglalakad palabas ng building nila. She's not wearing their uniform today. She's wearing denim jumper skirt and cream sweater. Not all of her hair were tied up. And I'm shocked when she's wearing white sneakers.
Inaadjust niya ang bag niya habang bitbit ang mga libro pero nagtama ang paningin namin kaya napairap siya bigla. Palagi na lang 'to umiirap tuwing nagkikita kami. Hindi pa ba sumasakit ang mga mata niya?
Napatigil siya sa paglalakad kaya naglakad ako palapit sa kanya.
"Ano na naman kailangan mo? Tinitigilan ko na si Sundays."
'Yun nga, mukhang tinigilan niya. But, I don't think so.
"Hatid na kita pauwi."
Okay, that was a sudden move. Napakunot na naman siya ng noo. Matapos niya akong titigan ay napaiwas siya ng tingin pero nanatili ang kunot ng noo niya.
"Ayaw mo?" Kasi ako, hindi ko alam kung ayaw ko o hindi. Hindi ko rin naman ginusto 'to. Parang gusto ko lang tingnan ang reaksyon niya.
As she exhaled, her face eased. Said that she's still thinking.
"Papatayin mo ba ako?"
Napahawak bigla ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Mabuti na lang napigilan ko agad kaya hinarap ko ulit siya na walang bahid na reaksyon sa sinabi niya. Umiling ako kaya nagdadalawang-isip pa siya. Can't blame her, she knows I hate her.
But I want to know her.
Ewan ko ba.
Ano ang dahilan kung bakit mo 'yun ginagawa, Style Harris?
Kinuha niya ang phone niya at mukhang may tinawagan kaya nakatayo lang ako sa tabi niya, hinihintay ang sagot niya.
"Hindi ako sasabay sa inyo." She immediately ended the call and looked at me. Prompting me to lead her way through her eyes.
Napalunok ako at kinuha ang mga librong dala-dala niya. Kung nagulat siya sa ginawa ko, mas nagulat ako sa sarili ko. Ang awkward kasi na wala akong nahahawakan sa oras na ito.
Nagsimula kaming maglakad.
"Death loves me," bulong niya kaya napailing ako.
"I'm not that bad as you," bulong ko rin.
Napatingin siya bigla sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya hindi na siya nagsalita pa.
No one dared to talk right now. Kaya napatingin na lang ako sa mga libro niya na bitbit ko.
"Style Harris is your full name?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Diretso lang ang tingin hanggang sa makalabas na kami ng campus.
"Not Style Mae? Style Joy? Ma. Style or Style Jr.?" I joked. As usual, tiningnan na naman niya ako na parang napipikon siya. Hindi na naman siya nagsalita kahit gusto niyang magreklamo sa pinaggagawa ko sa pangalan niya.
"Okay, Style only," sagot ko sa sarili ko.
Katahimikan.
Ngayon lang ako hindi naging komportable sa katahimikan.
I must talk.
"So, why Allied Health Degree?" tanong ko rin. Hindi rin siya sumagot kaya tumango ako sa sarili ko.
Ayos.
Siguro hindi pa kami masyadong nakakalayo sa school ay I've been asking questions from her book. Kunwari may quiz bee pero as expected, she didn't answer.
"So, what's your favorite Marvel Movie?"
Atlast. She stopped walking. Napaharap agad siya sa akin. Akala ko makakasagot na siya pero naglakad na siya palayo sa akin. Bakit ba hindi nagsasalita 'to?
"Aray!" iyak ko kaya napatigil na naman siya sa paglalakad at napalingon sa akin na hawak-hawak ang likuran ko.
Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang likuran ko. "Why? What happened?"
"My back hurts while carrying our conversation."
Hindi ko rin alam kung saan ko napupulot ang mga pinagsasabi ko.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa ko sa reaksyon niya. Nang maikalma ko ang sarili ko ay inayos ko ang pagtayo ko. Ginaya siya kung paano siya nakapameywang sa harapan ko.
"Wala ka bang sasakyan?" reklamo niya.
Napakamot ako ng batok. "I have. Pero I don't use it. 15 minutes lang layo ng bahay ko eh."
"Well, 30 minutes kalayo ang bahay namin," panghahamon niya kaya napatango ako.
"Magiging 45 minutes 'yun kapag tatayo lang tayo rito," sabi ko kaya pinatuloy na naman namin ang paglakad. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang hindi siya nagrereklamo sa paglalakad.
"Do you really like him?" I can't help it. Kahit napakapersonal 'yun, naitanong ko pa rin.
"Yes."
"Bakit ang tipid mong magsalita?" reklamo ko. Inaamin ko naman na tipid din akong magsalita pero ngayon lang ako nagdaldal nang ganito. Lalo na sa babaeng kinaiinisan ko. Pero bakit wala akong nararamdamang inis?
"Wow! Galing naman sa'yo na halos hindi magsalita dati?" Peke pa siyang tumawa. "Ngayon ko lang narealize na hindi lang puro titig at tingin ang alam mo. Alam mo rin palang magsalita."
Natahimik na tuloy ako.
"I don't know what you're doing but I know that you like her so much."
Okay, I wonder if she felt pain when I asked her that question a while ago. Because now, all I feel is pain.
"But I liked him."
Huh?
Nang makarating kami sa main road at lumipat ako sa kabilang side niya, kung saan dumadaan ang mga sasakyan kaya saglit siyang napatingin sa akin.
Nagkatinginan kami.
Ngayon ko lang natitigan nang ganito ang mga mata niya.
She's wearing gray eye contacts. I wanted to ask her if her eyelashes were heavy because her eyes looked like they were carrying too much weight.
Is she okay?
"And I'll do everything just to make him mine."
Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa sinundan ko siyang pumasok sa isang exclusive villa. Sumasabay lang ako kung saan siya dumadaan. Wala man akong pake sa bahay nila noon, atleast ngayon, alam ko na. Malalaki ang mga bahay rito. Medyo naoverwhelm lang ako dahil ang dami at malalaki. Hanggang sa makarating kami sa napakalaking bahay na may malalaking gate.
Mukhang ito na nga.
Hinarap niya ako.
Inabot ko na sa kanya ang mga libro niya.
Napabuntong-hininga siya at muling tiningnan ang mukha ko. I saw her eyes once again. And I can tell that they're sad..
"I don't clearly know what you're planning but I'm not giving up," she said.
"You'll still ruin someone's lovelife?" I asked.
Napatitig siya sa mata ko.
"I'll still do it until I'll get what I want."
Mapakla akong napangisi at huminga nang malalim. Hindi ako makapaniwala. Hindi pa rin siya sumusuko.
"Too bad, hindi lahat ng gusto mo ay matutupad."
Siya naman ang napangisi kaya napatigil ako sa ginagawa ko. "Let's see."
I froze, staring at her face. Side of her lips was raising, showing a smirk. Bigla kong naalala ang picture niyang nakangiti. And all of a sudden, I want to see her smile.
Bakit?
"May date kami bukas ni Minute sa isang five-star restaurant. Sana tigilan mo ako kasi magiging akin din siya."
Inismiran ko siya kaya napairap na naman siya. Pumasok na rin siya sa bahay nila na hindi namamaalam sa akin. Napa-ekis ako ng bisig at napatingin sa bahay nila.
May date sila bukas, huh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com