Him 24
Chapter Theme: I Like Me Better by Lauv

12:45 PM
Geometry:
need ur help
Side:
WAIT BEBEQ
STRESSEDT AKO
TEKA
DAMING ORDERS
HINDI LANG SA MGA BUMIBILI
TAPOS MAY GIG PA AKO
Geometry:
lunch??
gig?? saan??
Side:
BARGONE
PAALIS NA AKO
KASO DAMING SUMASAKAY NGAYON
BAKA NAMAN MAY MAGPASAKAY DYAN
SINCE KAILANGAN DIN NG TULONG KO
HMMMMMMM
??????
:)))))))
Geometry:
omw
---
Nagdadalawang-isip pa ako kung magpapalit pa ako ng damit. Tinatamad na kasi ako magbihis. Palagi naman kasing black t-shirt ang sinusuot ko. Pero wala akong magagawa dahil halos lahat ng damit ko ay ganito.
Habang tinitingnan ang orasan sa phone ko ay naglakad na ako palabas ng kwarto. Kaso napatingin ako sa nakahanger kong black longsleeve kaya napatigil ako saglit.
Bakit ba naging conscious ako sa damit ko?
Ihahatid ko lang naman si Side sa gig niya.
Napailing ako at ipapatuloy ang lakad ko kaso napatigil na naman ako para tingnan ang damit na nakahanger.
Mambubulabog lang naman ako sa date nila Harris at Rogers.
"Oh, bakit kailangang nakaporma..?" bulong ko at sa huling beses kong pagtatangkang lumabas ng kwarto ay nagbihis na ako para sa aking peace of mind.
I can't believe it. Bakit napakaconscious ko sa sarili ko ngayon? Dahil ba magpapakita ako kay Style?
Ngayon lang ako nagkaganito.
Kagabi rin, hindi ako makatulog sa pag-iisip tungkol sa date nila. Parang medyo napapaisip ako kung magpapakita ba si Rogers. Kasi kung magpakita si Rogers, si Saturday ang inaalala ko.
At the same time, kung hindi magpakita si Rogers, si Style ang inaalala ko. Mukhang seryoso at excited pa naman siyang sinabi 'yun kahapon. Ay, ewan ko ba. Ang gulo-gulo.
Buong biyahe ko sa pagpunta ng bahay nila Side at nakakunot ang noo ko. Paminsan nakakausap ko ang sarili ko. Tinigil ko rin agad kasi ang weird nun.
Pagpark ko sa harapan ng bahay nila ay sumilip ako sa store nila Side. Maraming nakapila ngayon at abala si Tita Patola sa pag-asikaso sa kanila. Nakita ko na may binebenta silang kakanin kaya agad kong chinat si Side.
---
Geometry:
pabili ako kakanin
'yung biko
dito na lang ang bayad
---
Buti na lang, naseen agad ni Side. Sumilip ulit ako at nakita ko siya na nagmamadaling mag-ayos habang nakasabit ang gitara sa likod niya. Laking gulat ko nang makita si Style sa utak ko. Agad akong napasandal at halos iuntog ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Bakit ba iniisip ko na ibibigay ko 'yung biko kay Style?
Bakit ba bigla-biglang tumatakbo si Style sa utak ko? Bakit parang ang bilis? Noong kinausap ko naman siya sa likuran ng building nila, wala pa 'yun. Pero simula noong nakakasalubong ko na siya, nakikita ko na siya, pinipigilan siya sa mga plano niya at kahit masulyapan lang siya ay pakiramdam ko napakatagal na 'yun.
Pakiramdam ko, meron akong kinakapitan tuwing naiisip ko 'yun pero nabibitawan ko nang maalala na hindi ako mahuhulog sa isang babae katulad ni Style.
Hindi naman siya ang type ko.
Bago pa ako malunod sa pag-iisip ko ay bumukas na ang pintuan sa backseat at nilagay ni Side ang gitara niya sa likod. Wala pang limang segundo ay pumasok na siya at umupo sa tabi ko. Nakasandal, nakahawak sa noo niya at mariing nakapikit.
"What's wrong?"
"Not now, bebe ko. I'm stressed."
Kumunot bigla ang buong mukha ko dahil sa nakaramdam ng matinding discomfort sa sitwasyon namin ngayon.
Para akong boyfriend niya.
I mean, sanay naman ako na tawagin niya kaming bebe ko peroㅡwhatever. Tinuloy ko na ang pagmamaneho hanggang sa makarating sa malapit na kami sa Bargone.
Medyo nag-aalala ako kay Side dahil mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi ko na lang muna sasabihin kung ano talaga ang pakay ko ngayon.
"Beh, maya na lang 'yung iuutos mo sa akin ah? Kanina pa dapat ako nandito. Baka magalit sa akin mga lolo't lola doon," nagmamadaling sabi ni Side habang tinatanggal ang seatbelt niya. "Pakuha ako mga 9 ah? Bye!"
Hindi na ako nakaangal dahil kinuha na rin niya ang gitara niya sa likod.
Tulala lang akong nakatingin sa harapan at nagpatuloy na naman ang pag-iisip ko.
Of course, hindi ako mahuhulog sa isang katulad ni Style. Nakita ko na 'yung mga pinaggagawa niya sa iba. Pati nga 'yung pagsisigaw niya sa iba dahil lang sa maikli lang ang pasensya niya. Palagi ring sumisigaw, nakakarindi sa tenga. Sobra-sobra manamit! Sobra rin ang make-up! I mean, hindi 'yun problema sa akin. Iba-iba kasi ang mga babae. Malay ko bang doon nagpapaboost ng confidence niya? Pero malay ko ba rin. Sobra-sobra na ang confidence niya na na tipong nakakasipa ng iba.
'Yun ang dahilan ko kung bakit hindi dapat ako mahulog.
Ang pakiramdam ko na kanina ay nadudulas ako sa hinahawakan ko at kahit anong oras ay pakiramdam ko pwede akong mahulog. Bakit ko ba 'to nararamdaman? Bakit ba ako naguguluhan?
Nagsimula na akong magdrive kung saanman ako mapadpad.
It's final.
Hindi ako mahuhulog kay Style.
Pero saang restaurant ba sila nagdadate nung Rogers?
"What theㅡ" saktong napapreno ako ay pula ang stoplight. Saglit kong hinawakan ang noo ko para ulitin ang naisip ko. Never akong naguluhan tulad ng pagkagulo ng utak ko ngayon. Parang bago na naman 'to. Halos inuulit-ulit ko ang mga salita ko at halos ipagdiin ko ang mga sinabi ko sa utak ko.
Huminga ako nang malalim.
Ano ba, Geo?
Hindi ko na inintindi ang mga naiisip ko at nagmaneho papunta sa boundary ng Trowen East at South Orwell. Ang pagkaalala ko ay andoon ang sikat na five-star restaurant dito, Deliciosó.
Kumain na kami roon nila Papa at Mama. Masyado akong nabighani sa mga pagkain doon. Sa presyo at sa presentation ng pagkain ay nakakalula. Halos hindi ko makain 'yun. Pinilit na lang nga ako nun ni Mama na kainin 'yun. Kung hindi, baka nakipagtitigan na ako sa pagkain. Hindi ko rin maalala kung anong tawag doon dahil ang hirap bigkasin.
Nang tumigil na ako malapit sa restaurant ay nakita ko si Style na nakaupo sa bench doon, hinihilot ang paa niya.
Napabuga ako ng hininga habang pinapanood siyang suotin ulit ang heels niya. She's wearing a gray halter dress, heels and her hair right now was black. At nakalugay ito kaya tinatangay ng hangin. Paulit-ulit niya itong iniipit sa tenga niya at napapatingin sa itaas, mukhang may hinihintay siya.
1 PM na ah. Hindi ba sumipot si Rogers?
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kotse ko at nilapitan siya. Lahat ng pwede kong gawin ay nagawa ko na: tinaas ko ang mga sleeves ko, inayos ko ang relo at buhok ko pero nanginginig pa rin ang kamay ko kaya pagtigil ko sa harapan niya, tinago ko ang kamay ko sa mga bulsa ko.
Wow..
Buti pinagdikit ko ang mga labi ko kaya hindi ko 'yun nasabi. Nabighani ako sa mukha niya pero seryoso itong nakatingin sa akin. Parang may nabura sa isipan ko nang tinititigan ko ang mukha niya.
"Oh, come on." Napairap pa si Style. Doon ko ulit natutong huminga at umupo ako sa tabi niya.
"Bakit hindi ka sa loob naghihintay?" mahinang tanong ko habang pinapanood siyang tinatanggal ang buhok niya sa mukha niya.
"Para ano? Para pag-usapan ako sa loob? 'Uy, 'yun ba ang anak ni Mr. Harris? May kadate ba siya? Bakit kanina pa naghihintay?' Nakakasawa," sabi niya habang pinapagpag ang likuran ng kamay niya. "Last time, 'yun ang topic ng buong restaurant kaya lumabas na lang ako."
"You meanㅡ" hindi ako natapos sa pagsasalita dahil tumango agad siya.
"This is not the first time." Napatayo siya at napaunat ng katawan. "I said, magb-breakfast kami rito. Mukhang hindi siya nakaabot kaya sabi ko, lunch na lang. Hanggang sa hindi niya siniseen ang message ko at naghintay ako sa wala."
May parang nabasag sa loob ko sa naririnig ko mula sa kanya.
"Sanay na ako," bulong pa niya kaya napaubo ako.
Shit naman, bakit ganito..
"G-Gusto mong pumasok? Lunch?" mabilis kong tanong kaya napatigil siya sa pag-inat at napatingin sa akin. Napatayo na rin ako kaya medyo napaangat ang tingin niya.
"Hmm." Umiwas siya saglit ng tingin at kinuha ang phone niya sa purse niya. Nilagay niya 'yun sa tenga niya, mukhang may tinatawagan siya.
"Hello, please cancel my reservation. Style Harris. Thanks." Agad niyang binaba ang phone niya at tiningnan ako. "May sasakyan ka?" Nagsimula siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Kinabahan tuloy ako dahil sa sasakyan ko. Masyado akong naconscious dahil baka madismaya siya sa sasakyan ko.
"Please don't expect Porsche, Lamborghini or Mercedez becauseㅡ" Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang Chery QQ kong asul. Napatitig siya doon kaya tinignan ko na lang ang reaksyon niya. Is sheㅡoh, she's smiling.
Wait, she's smiling?
"Halika na!" Agad siyang pumunta sa frontseat at naiwan ko pala itong bukas. Nakailang kurap muna ako bago matauhan dahil ngumiti siya.
"Hoy, Metro! Halika na!" sigaw niya at pumasok na ulit kaya bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay napahaplos ako sa bubong ng kotse ko.
"Thanks," bulong ko at tuluyang pumasok.
Una kong iisipin ay kailangan kong huminga. Este, ano ba ang mga kainan dito?
"Where to?" tanong ko habang tinitingnan niya ang sarili niya sa salamin.
"Kahit Saan."
Napakunot ang noo ko. "Kahit saan?" Napatango siya kaya hindi pa ako nagmaneho at napasandal. Kahit saan? "Kahit saan.. na restaurant? Fastfood?" mabagal kong tanong.
"Kahit Saan.. na eatery.." mabagal din niyang sagot. Nakita niya ang reaksyon ko, napakunot din siya.
"So, kahit saan?"
"Oo nga, Kahit Saan!" Napatingin ako diretso sa daanan. Wala akong alam na eatery dito sa Southernville. Puro fastfood at restaurant ang alam ko.
"So, you want to eat anywhere?" final kong tanong bago pa ako mainis kung saan talaga kakain.
"No! May bagong eatery sa town proper ng Southern. Kahit Saan ang name," sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya. Halos bumagsak na ang mukha ko dahil sa inis, taka at kaba kung saan talaga kami kakain dahil wala akong alam. Pero hindi ko naman din alam na may bagong eatery sa Proper.
Ano bang klaseng marketing strategy niyo, Kahit Saan?
"From a Five-Star Restaurant, you choose Kahit Saan eatery?" tanong ko at nagsimula na magdrive.
"Yas, ilang taon na akong hindi nakakakain sa karienderya. Gusto ko ng pagkaing bahay."
I was like, wow. That's something different from her. It melts my heart though. "Why.. I meanㅡI thought.." I exhale as I realized that I can't compose myself because of shock.
"Oh, come on. You saw something worse than this."
At doon ko pumasok sa isipan ko noong nasa 7eleven kami. I also remebered, I praised her because what she looks and what she is.
Napaisip tuloy ako kung todo kapit ako sa isang lubid para hindi mahulog sa kanya ay 'yung side niya 'yun ang dahilan kung bakit nadudulas ako sa paghawak ko sa lubid. While the rope represents her flaws I should consider to hold for stopping me from falling.
Narinig kong napabuntong-hininga siya kaya napasulyap ako sa kanya bago tingnan ang daanan.
May roleta kaya sa loob ng utak niya at kada minuto ay nag-iiba ang mood niya?
Ibang-iba siya ngayon sa Style na nakikita ko sa school. I have a feeling that she's not pretending right now either. She's just sad right now.
Napabuga ako ng hininga dahil wala akong masabi. Wala akong maisip na topic.
"You were the one who asked about Mjolnir flying towards me, right?" she asked.
I also remember that. I saw her duality that time, a classy lad buying five marshmallow packs and reacting to a Thor preferenced question. Then, I thought of my line that made her roll her eyes that time.
Napaubo bigla ako. "Yeah."
Napatango siya habang nakatingin pa rin sa bintana.
"You're right. I'm not worthy," she whispered.
Napatigil ako roon.
Sabay ang pagtigil ko sa pagmaneho dahil sa pagpark sa harapan ng kainan. Agad siyang lumabas sa sasakyan kaya hindi ko man lang binawi 'yung sinabi ko noon. Wala rin naman akong nasabi para mapagaan pakiramdam niya. Nang-iwan pa siya ng mabigat na hangin dito sa loob ng kotse.
"Damn you, Rogers," bulong ko at lumabas na sa sasakyan. Pagkalock ko nito ay nakita ko ang accessory shop malapit sa eatery. Napatingin ako saglit kay Style na nakatayo sa labas ng eatery at mukhang may kausap sa phone bago pumunta sa shop.
Tunog ng maliit na bell ang narinig ko pagpasok ko kaya lumapit agad sa akin ang isang babae na mukhang nagtatrabaho rito. "Good afternoon po! Welcome to Bellie. Ano pong hanap niyo?"
"Do have, uhmㅡ"
"What the fuck! What is this kalat? How dare you making kalat here! This is not basurahan, you mga hampas lupa!" May isang sigaw mula sa kalayuan ang narinig namin kaya nanlaki ang mga mata 'yung babaeng kaharap ko.
"Miss Millie, We're sorry po!" Biglang may ibang lumapit sa babaeng pula ang buhok na nakita kong pula na rin ang mukha ng babae sa kalayuan. Umalis na rin siya pagkatapos maglinis ng mga ibang nagtatrabaho.
"Sorry about that, Sir," bulong ng babae sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Do you have a scrunchie?" tanong ko at agad siyang tumango. Pagdating namin sa section ng mga pantali ay naningkit ang mga mata ko para maisuri ang mga nandoon.
But a black scrunchie stole my attention.
Lahat kasi ng nandoon ay puro pink, blue at iba pang light colors. Itong black na lang ang nag-iisa. Kinuha ko 'yun at tinuro niya kung saan ang cashier.
Napatingin ako sa jewelry section at may nakita akong kwintas. Nasa loob siya ng isang salamin at nasa loob ng isang bukas na box. Lumapit ako para tignan nang maigi ang kwintas.
Gold siya at may letter w na nakacursive sa gitna.
"Wonder necklace from Tiara D's Limited Collection." Lumapit ulit sa akin ang babae. Tiara D? Narinig ko na 'yun kay Mama. I also remember Tiara Domingo, the owner of Tiara D Collection from Northernville is her friend. But the necklace really caught me.
"How much?"
"One thousandㅡ"
"I'll take it."
Dumeretso na ako sa cashier. Dali-dali rin niyang inayos ang kwintas na bibilhin ko kaya pagkarating ko sa cashier, andoon na siya at dahan-dahang nilapag ang gintong box ng kwintas. Inabot ko na ang card ko. Habang kinukwenta ang mga binili ko ay kinuha ko ang box para tingnan ang nasa loob.
This is just too beautiful.
Bago pa umangat ang gilid ng labi ko ay nagsalita ang cashier. "Ang swerte ng girlfriend niyo, Sir." Napatingin tuloy ako sa kanila at nakita kong siniko pa siya ng babae kanina.
Napailing na lang ako at may nilabas na silang plastic bag. "Hahawakan ko na lang." Napatango sila nang ibalik ang card ko at matapos kong iba pang gagawin bago makalabas.
Natago ko ang box sa bulsa ko dahil hindi naman ito gaanong kalaki. Tapos ang scrunchie ay sinuot ko sa pulso ko.
Habang naglalakad papuntantang eatery at andoon pa rin si Style mukhang nas-stress na sa kausap niya. "Huwag nga kayong makulit! Oo! Marshmallow and chocolate drink mamaya! Oo na!" sigaw siya nang sigaw. Nang makita na ako ay inis niyang binaba ang phone niya.
"Sino?" tanong ko.
"Mga kapatid ko." Inipit na naman niya ang buhok niya sa tenga niya dahil lumakas ang hangin. "Saan ka galing?" tanong din niya.
"May tiningnan lang," pagsisinungaling ko kaya papasok na sana siya sa loob ng eatery. "Teka," pagpipigil ko kaya napalingon siya sa akin. Pinanood niya akong tinanggal ang schrunchie sa pulso ko. Inabot ko 'yun sa kanya. Nakita kong napaangat ang dalawang kilay niya sa gulat at pagkamangha.
Pagkakuha niya 'yun ay pinisil niya 'yun. Tinitingnan kung gaano kalambot. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ay pinakita ang hawak niya. "I challenge you. Ikaw magponytail ng buhok ko," paghahamon niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi ko alam."
"That's why I'm challenging you. Tingnan natin kung ano magagawa mo," natatawa niyang sabi at nang kinuha ko ang scrunchie ay tumalikod na siya.
Napailing ako habang inaalala kung paano itali ni Vertex ang buhok ni Ever. Tuwing nag-inuman kami, siya palagi nag-aayos kay Ever kapag nalalasing na si Ever. Siya nag-iipit ng buhok nito o nagreretouch sa make-up niya.
Matapos kong maipon ang buhok ni Style sa kaliwang kamay ko ay nagdadalawang isip pa ako kung tama ba 'tong ginagawa ko. "O? Buhay ka pa d'yan?" natatawang tanong ni Style habang nakatitig ako sa buhok niya.
"Bakit hindi ash gray buhok mo ngayon?" tanong ko na hindi pa iniipit ang buhok niya. Sinuklay ko pa ang buhok niya para malinis tingnan.
"Katamad maglagay ngayon," sabi niya.
Napatango ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Aray! Nasasabunutan mo na ako!"
"I'm sorry!" Agad akong napatigil sa ginagawa ko dahil mukhang napahigpit ang paghawak ko sa buhok niya.
"Ganito ka pala kawild, Metro," natatawang sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Inaamin kong malinis akong tao pero alam kong iba ang pagtanong niya. Bigla kong pinalo ang braso niya gamit ang kanang kamay ko kung nasaan ang scrunchie kaya hindi siya masyadong nasakitan. Bigla siyang napahiyaw kaya nanlaki ang mga mata ko.
Tumawa siya nang malakas. "My gosh, Metro! Huwag dito!" Mapaglaro ang tono niya kaya kahit anong pandidiri ko ay hindi ko magawang mabitawan ang buhok niya dahil ayokong mabitawan ang pinaghirapan ko.
"What the fuck.." bulong ko at tinapos na ang pagtali ng buhok niya. Patawa-tawa pa siya nang iharap ko siya sa akin para tingnan ang pinaghirapan ko. Napatango ako tinitingnan ang buhok niya. Seryoso akong inayos ang buhok niya na para bang isang hair dresser. Naglagay din ako ng maninipis na buhok niya sa sentido niya kaya huminahon ang mukha niya sa pagtawa.
Napatingin na ako sa mukha niya na nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay mahinahon niyang kinuha ang salamin niya sa purse niya at tiningnan ang buhok niya.
"Not bad," nakangiting sabi niya habang tinatago na ang salamin niya. Sinalubong niya ang mga mata kong nakatitig sa kanya.
Ngumiti siya.
"Not bad.." she whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com