Him 27

At dumating na ang araw na 'to.
"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Style. Kitang-kita sa mukha niya na pinipigilan niya ang emosyon niya. Pinigipigilan niyang umiyak, lalo na't pinapanood sila ng ibang natirang tao.
Hahakbang sana ako para awatin sila pero hinawakan ni Divide ang balikat ko. Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo. Umiling naman siya. "Hayaan mong mangyari ito."
Kahit mabigat ang loob ko, pinakiramdaman ko ang linya ko.
Tumawa si Rogers, nakakalimutan niyang naka-Rose Dawson pa siya at galit na galit siyang tumindig sa harapan ni Style. "Hindi ka pa ba nakukuntento sa pinaggagawa mo, Style?"
Hindi nakapagsalita si Style at napatitig lang siya kay Rogers. Gulong-gulo siya nangyayari pero pumapangibabaw ang sakit na nararamdaman niya. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.
"Hindi ako gumawa niyan.." mahinahong sambit ni Style pero biglang tinumba ni Rogers ang lamesa sa harapan ni Style kaya napaatras lalo ang mga tao sa paligid.
"Sinong pinagloloko mo, Style? Ikaw lang ang may galit kay Saturday," pagdidiin ni Rogers.
"Hindi nga ako gumaㅡ!" Napatigil sa pagsigaw si Style dahil sumigaw pabalik si Rogers.
"TANGINA, STYLE! Ngayon ka pa ba dedeny?" Sa lakas ng sigaw ni Rogers ay pinapakalma na siya ni Miles na nasa tabi niya at tinatanggal ang buhok ng wig niya na napupunta sa bibig niya.
"Oo nga!" sigaw din ni Miles kaya napapikit ako dahil nakakaramdam na ako ng galit.
"What.." gulong tanong ni Style. "Oo, inaamin kong ako nagbubully kay Sundays dati! Pero tumigil na ako! Sa tingin mo, ganyan aabot dahil lang sa kinamumuhian ko siya?" sigaw ni Style. Kitang-kita na nanginginig siya sa galit. Gusto kong umawat pero napapatingin ako kay Saturday na walang malay at pilit ginigising nila Ever at Vertex.
"OO! PUCHA, STYLE HARRIS. OO!"
Natahimik si Style dahil halos sugurin na siya ni Rogers na nagliliyab sa galit. "Ikaw na ang pinakamasamang tao na nakilala ko!"
Tumahimik ang lahat kaya gusto ko na siyang sugurin pero nakita ko na ang mga luha ni Style. "Wala akong ginagawa.. oo galit ako kay Sundays pero hindi ko na magagawa 'yun sa kanyaㅡ"
"BULLSHIT! TANGINA! Tumigil ka na! Hindi na magbabago ang pagtingin ko sa'yo! Napakasama mo! Tangina mo, Style. Umalis ka na sa paningin ko bago pa mayㅡ"
"Hindi nga ako ang gumawa niyan! Tinigil ko na 'yun dati pa! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Minute, tinigil ko na talaga! Please maniwala ka sa akin.." pagmamakaawa ni Style at halos lumuhod na sa harapan ni Rogers na nagpapasikip ng dibdib ko.
"Hinding-hindi ako maniniwala sa'yo."
"Minute.. promise hindi nga ako ang gㅡ"
"Style. Tama na," pagdidiin ni Rogers habang pinapaypayan siya ni Miles. "Siz, tama na. 'Yung make up mo nalulusaw na," singit pa nito at inaayos ang buhok ni Rogers na napupunta sa mukha niya.
"Hindi nga akoㅡ"
"PUCHA. TAMA NA NGA STYLE! TUMIGILㅡTANGINANG BUHOK NA 'TO. Pwe pweh!" Napatigil siya saglit para tanggalin ang buhok niyang humaharang sa bibig niya.
"Tama na," huling sabi ni Miles kaya sunod-sunod nang tumulo ang luha ni Style.
"B-bakit.. ayaw niyong maniwala sa akin..?" Napapahikbi na siya hanggang sa sinalubong niya ang tingin ko sa kanya.
"Geo.." pagmamakaawa niya. Gustong-gusto ko siyang puntahan. Kaso may pumipigil sa akin. Hindi ko alam, siguro dahil sa mga kaibigan ko.
Humakbang ako paabante kaso natigilan ako nang tumingin siya sa paligid. Kahit kaunti lang ang mga tao ay pinipigilan pa rin niya ang emosyon niya. Nanghihina siyang napahawak siya sa dibdib niya at naglakad palayo.
Napabuntong-hininga ako dahil biglang napuno na ang iniipon kong galit.
Mukhang ito na ang cue ko para sumingit.
Siya ang sumusobra eh.
Nilapitan ko si Rogers at hinawakan ang balikat niya. Nang napatingin siya sa akin ay doon ko siya sinuntok nang napakalakas kaya napahiga siya sa sahig. Binuhos ko na ang buong galit ko sa isang suntok.
"Putangina! Sinuntok ni Jack si Rose!" Nagbulungan na ang mga tao roon habang pinapagpag ko ang kamao kong nabahiran ng make-up niya.
"Geo!" Palapit sana sa akin sila Dom pero pinakita ko ang palad ko para patigilin silang lumapit sa akin.
"Dati ko pa talaga 'yan gustong gawin sa'yo. Hindi ako mahilig magtanim ng sama ng loob kaya nilabas ko na ngayon pa lang," panimula ko habang nakatingin kay Rogers na hawak-hawak ang dumudugo niyang ilong. Tumilapon din ang wig niya kaya pilit ikabit ni Miles ulit sa ulo ni Rogers.
"Sigurado ka bang siya ang gumawa nito?" tanong ko pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nakatingin ako kung saan man dahil hinahanda ko ang sarili ko sa mga tanong nila kung bakit ko kinakampihan si Style.
"Sino ba ang ibang gagawa nito kay Saturday?!" galit niyang tanong at pilit tumatayo. Tinulungan siya ni Miles na tumayo.
"Hindi ba pwedeng aksidente ang nangyari?" Ang tanong ko na 'yun ang lalong nagpatahimik sa kanila.
"Ano bang pinagsasabi mo, Geo?" tanong ni Divide pero pinatuloy ko ang pagpapagpag sa kamao ko.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanila na seryosong nakatingin sa akin.
"Hindi kasalanan ni Style ang nangyari ngayon kay Saturday," panimula ko kaya nagkunutan ang mga noo nila. "Oo, siya ang gumawa dati ng mga nangyayari sa kanya pero sinisigurado kong wala siyang kasalanan sa nangyari ngayon," dagdag ko at tiningnan na sila na gulong-gulo sa mga sinasabi ko. Mukhang hindi sila makapaniwala.
"Paano ka nakakasiguro sa mga pinagsasabi mo?" tanong ni Rogers kaya napabuga ako ng maikling hininga.
"I.." palihim kong kinagat ang labi ko dahil tama ba 'to?
Binalik ko ang paningin ko sa kanila. "I was with her this whole time."
"I was staring at her to the point we exchanged messages through IG. And believe me, I knew what she did the whole time." Parang sirang plaka ang sinabi ko sa kanila na paulit-ulit kong naririg sa utak ko. Tumatakbo ako ngayon papuntang parking lot at hinahanap ang sasakyan ko. Buti na lang hindi ko nakalimutan 'yung biko.
Nang mahanap ko na ito ay agad akong sumakay pero naalala kong may tuxedong nakasabit sa backseat kaya napasandal ako saglit.
Hindi na akong nagdalawang isip na kunin ito at pumunta sa restroom para magbihis.
Blangko lang ang isip ko habang inaayos ang sarili ko sa itim na tuxedo at bumalik na sa parking lot at nagmaneho paalis.
Wala pala akong number ni Style at hindi ko alam kung saan siya ngayon kaya tuwing napapahinto ako sa pagmamaneho ay nagmemessage ako sa kanya sa IG.
---
geometro
where are u?
answer me
lai
---
Dumaan na ako sa mga pwede niyang puntahan pero wala siya. Habang nagmamaneho ako ay naghihintay ako ng reply niya.
---
geometro
hoy
lai
saan ka?
---
Halos bumalik ako sa school pero may nakita akong nakawedding gown na naglalakad sa side walk. Agad ko pinark malapit sa dadaanan niya at lumabas na sa sasakyan. Hinarap ko agad siya na kasalukuyang napatigil sa paglalakad nang makita niya ako sa harapan niya. Madilim na ang langit pero ang streetlight at buwan na lang ang nagsisilbing liwanag.
Hindi siya nagsalita nang makita ako. Matapos niya akong makita ay napayuko siya para punasan ang luha niya.
Napapikit ako nang mariin dahil wala akong dalang panyo. Gusto ko siyang lapitan at punasan ang mga luha niya pero naalala ko si Saturday na ayaw magpahawak tuwing umiiyak.
Magsasalita sana ako pero bigla siyang napaupo sa sidewalk at napahikbi.
Napahawak ako sa noo ko dahil hindi ko alam kung paano magcomfort ng babae. Parang gusto ko tuloy balikan si Rogers at suntukin pa ng isang beses.
Nilapitan ko si Style at umupo rin sa harapan niya. "It's getting late," I whispered.
She sobs really hard but thank God, dalawa lang kami rito ngayon.
"Lai."
While still sniffing, she lifted her face and once again, I saw her.
"Want some air?" I tilted my head to see her face under her hair. Glad, she nodded.
Napatayo na ako at inalok ang kamay ko. Napatingin muna siya roon. Kahit kinakabahan ako na baka hindi niya tanggapin ang kamay ko. Pero akala ko kakalma na ako kapag kunin na niya ang kamay ko pero mali ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang kamay niya na napahawak sa kamay ko.
Napatulala ako saglit lalo na't hinigpitan niya ang paghawak nito para makatayo siya.
And all of a sudden, I don't want to let her go.
"Bitaw na," namamaos niyang sabi habang natatawa dahil hindi ko pa siya binibitawan.
"Ayaw mong kaholding hands ako?" biro ko kaya natawa siya.
"Hindi ko naman ikamamatay kung hindi ko mahahawakan ang kamay mo, 'di ba?" natatawa niyang tanong kaya unti-unting lumuwag ang paghawak ko sa kanya kaya napabitaw na siya. Naglakad na siya papuntang sa sasakyan ko pero napalingon ako sa kanya dahil may napansin ako sa sinabi niya.
"Kanta 'yun." Hinabol ko ang tingin ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagpasok kotse ko at napasandal ang mga bisig sa pintuan ng sasakyan.
She pointed me with her gun-like fingers then nodded once. "Nice taste."
Natauhan ako nang sumara na ang pintuan kaya pumunta na ako sa driver's seat. Bago magmaneho ay tinignan ko siya. Nakasandal siya sa sandalan at nakapikit. Halatang pagod na siya sa pag-iyak kaya napailing ako.
Sinuotan ko siya ng seatbelt at mabuti na lang hindi siya nagreklamo at hinayaan na lang ako.
Nagsimula na akong magmaneho papuntang boulevard. Habang nagmamaneho ako ay may narinig ako mula sa kanya, "Ba't namumula kamao mo?"
Natingin ako sa kamao ko. Namumula nga at halata ang pamumula dahil sa paghawak ko ng manibela. Napansin siguro niya dahil ang mga ilaw ng daanan na tumatama sa amin.
"Sinuntok ko fiancé mo," diretso kong sagot kaya agad siyang napatingin sa akin at sigurado akong ang sama ng tingin niya sa akin.
"Bakit mo siya sinuntok? Soon-to-be-fiancé ko 'yun eh!" sigaw niya.
"Sino ba ang groom mo ngayon?!? Sino ba ang nakatuxedo?!?" sigaw ko pabalik kaya natahimik siya. Actually binibiro ko lang siya pero mukhang seryoso ang pagkasabi ko kaya tahimik din ako. Atsaka, magmumukha akong gago kung babawiin ko rin naman 'yun 'di ba?
"Sorry siya, inunahan ko na siya," mahinang sabi ko na lang at lumiko ako sa isang fast food chain drive thru. Drinks lang dapat ang bibilhin ko pero nabanggit niyang gusto niya ng spaghetti kaya bumili rin ako.
Pagkarating namin sa boulevard ay agad siyang lumabas para salubungin ang Sorwell Bay na may maliliit na alon.
Pagkalabas ko ay nakasandal na siya sa harapan at nakatingin sa langit. Umupo rin ako sa tabi niya at tumingin sa langit na puno ng bituin.
"Hindi ako mahilig tumingin sa langit," panimula niya kaya napatingin ako sa kanya. Tinatangay ang buhok at belo niya ng hangin pero hindi mawala sa paningin ko ang mga mata niyang nagniningning sa itaas.
"Actually, I hate it. Ang corny kasi. Ang dami naman kasing pwedeng gawin, bakit pa titingin sa langit? Para saan pa?"
"Why are you staring at it right now?" I asked.
"I don't know. I just remember someone." Napangiti siya habang nakatingin sa langit. "He's crying while looking at the stars. And he's drinking one of the most strongest liquor abroad." May halo pang pang-asar ang boses niya habang nakatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko. May pilit akong inaalala pero wala akong matandaan. Nakuha niya ang reaksyon ko kaya sarcastic siyang natawa na parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko.
"Putangina. Hindi mo maalala?"
Wala talaga akong maalala kasi hindi ko naman kung anong pinagsasabi niya.
"Wala akong maintindihan," nasabi ko na lang. Sa reaksyon pa lang niya ay parang gusto niya akong sapakin at murahin pero bago pa may lumabas na salita sa bibig niya ay inunahan ko na siya, "Gutom ka na ba?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil kinuha ko na ang pinamili namin at binigay sa kanya ang spaghetti niya kasama ang bottled water dahil ayaw niya ng softdrinks.
Nang tinusok ko na ang straw sa coke float ko ay napatingin ako sa kanya. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Siguro dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya kanina. Malay ko ba.
"Gusto mo?" alok ko sa coke float ko.
"Ayaw ko. Diet ako," sagot niya. Sus, Diet daw pero nag-order ng spaghetti.
Pinakita ko sa kanya na iinom na ako sa inumin ko kaya nakita kong nanliliit ang mga mata niya. "Penge na nga!" sigaw niya at kinuha ang kamay ko kung saan ko hawak-hawak ang coke float. nilapit niya 'yun sa kanya at uminom siya.
Naramdaman ko na naman ang kamay niya. At biglang napatingin ako sa kanya. Parang sobrang pamilyar?
Sinalubong niya ang tingin ko sa kanya habang umiinom kaya agad akong napaiwas ng tingin. Bakit? Pakiramdam ko, nangyari na 'yung ganito.
"Gusto mo spaghetti?" Nang tapos na siya uminom ay inalok niya ang hawak niyang spaghetti pero umiling ako.
Tahimik lang kaming nakatingin sa langit habang kumain siya. Paubos na rin ang iniinom ko. Mukhang nagugutom pa siya kaya kinuha ko ang biko na binili ko at binigay sa kanya ang isang tupperware nito.
Nagsimula na siyang kumain pero may napansin akong kakaiba.
"Ikaw lang ang nakita kong umiiyak habang kumakain ng biko," sabi ko matapos siyang napapahikbi.
"B-Bakit ka andito? 'Di ba dapat andoon k-ka kay Saturday?" tanong niya sa gitna ng mga hikbi niya.
Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Eh, andito ako?" hindi ko sure na sagot.
"Doon ka na. Pumunta ka na sa kanya. Kung sabagay, ako raw ang gumawa nun kanina. Ang sama-sama ko naman," sarcastic niyang sabi habang umiiyak kaya napailing ako. Ganyan ba talaga ang mga babae? Baliktad magsalita?
"Sige," pang-asar ko at pinatunog ang susi ko kaya napatayo siya sa pag-uupo sa harapan ng sasakyan. Napatingin ako sa kanya dahil paiyak na naman siya sa harapan ko.
"Oh, bakit?" tanong ko. Pinipigilan ko ang tawa ko dahil mukha siyang batang hindi pinapasama sa toy section ng store.
"Naniniwala ka na ako gumawa nun.." biglang nawala ang naipon kong pag-aasar sa kanya dahil napaiyak na naman siya na parang bata kaya napaupo na naman ako sa harapan ng kotse ko.
"Hindi.." mahinahong sagot ko at pinapaupo siya pero nagpupumiglas siya.
"Malay mo, may inutusan ako na 'yun magsusunog sa damit niya! Sige na! Umalis ka na! Maniwala ka na!" Napakunot ako ng noo sa pinagsasabi niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaparating niya kahit alam kong wala siyang ginagawa.
"Okay?" Tumayo na ulit ako at pinatunog na naman ang susi ko na mukhang aalis na naman ako kaya umiyak na naman siya na parang bata sa tabi ko.
"Sabi ko na nga ba, iniisip mong masama talaga ako!" iyak niya. Ang gulo naman nito.
Gusto kong mapasapo ng noo ko sa inaasal niya, "Bakit? Hindi ba?" biro ko ulit kaya napaiyak siya nang napakalakas at nagdadabog na parang bata.
Medyo nakokonsensya na akong pinapaiyak siya kaya inabot ko ang kamay ko sa kanya. Napatigil siya saglit at napatingin doon. Nagdadalawang isip pa siya kung kukunin din ba niya ang kamay ko pero ramdam ko ang gulo niya nang mahawakan na ang kamay ko.
"I was watching you the whole time. Kung nagpaplano ka about doon, eh 'di sana kinakausap mo na 'yung mga alipores mo 'di ba?" mahinahong tanong ko sa kanya kaya napapanguso siya habang nakayuko.
"So, sinasabi mo rin naㅡ"
"Plus, you promised. Remember?"
Napabuntong-hininga siya at malungkot na nakatingin sa sahig, "Wala akong sinasabing promise 'yun, pero oo. Hinding-hindi na ako gagawa ng masama," sabi niya at kahit namamaga ang mga mata niya ay kita pa rin ang pagkasincere nito.
Pagkabitaw ko sa kamay niya at napatingin siya sa biko niya. Sinaksak pa niya muna ito ng tinidor nang ilang beses bago iabot sa akin. "Hindi ko na maubos," malambot niyang sabi kaya napailing ako habang inabot ang tupperware.
"Masarap ba?" tanong ko kaya tumango siya nang maraming beses bago bumalik siya sa pwesto niya.
Nagsimula na akong kumain sa pinagkainan niya at napasulyap ako sa kanya na nakayuko pa rin habang nilalaro ang mga daliri niya.
"Napakaiyakin mo," komento ko at parang may nagliyab sa mga mata niya sa galit.
"Wow naman! Nahiya naman ako sa'yo noon! Painom-inom ka pa noong nasa rooftop ng hotel! Iyak ka pa nga nang iyak! Tapos ikaw itong knock-out kaya binuhat pa kita papuntang room niyo!" sigaw niya. Halos mabitawan ko ang hawak kong tinidor sa sinabi niya. May isang alaala na pumasok sa isipan ko.
"Hala?" reaksyon ko kaya mas lalo siyang nainis.
"Hindi mo ako nakilala that time??" galit niyang tanong.
Tahimik lang akong kumakain ng biko habang tumitingin sa kawalan. Inaalala ang panahong nasa rooftop ako ng Hotel Grams. Ang huling naalala ko ay umiinom ako at may lumapit sa akin na babae.
Pero hindi ko matandaan ang boses at mukha niya dahil nakainom na ako nun.
"Pucha." Natawa siya na may bahid na inis.
"Umiinom ka that night tapos umiiyak! Nagkadramahan pa tayo nun tapos napayakap ka sa akin!"
Napakurap ako nang maraming beses habang nakatingin sa kanya. Oo, may naalala tuloy akong may kayakap ako. Akala ko, panaginip ko lang 'yun.
"Anong nangyari?" tanong ko dahil may naalala akong maliliit na detalye. Kinuha niya ang phone niya at may kinalkal.
"Hindi pa kilala kasi madilim that time. Tapos 'yung pinipicture-an ko ang langit, sinali mo ang kamay mo. Kaya nagkapicture tayo na nakapeace sign tayo sa langit. Sinubukan kitang picture-an after nun, nagkaflash kaya nakilala kita. I was like, putang ina Geometry Metro! Napakaliit talaga ng mundo! Tapos 'yung nakatulog ka na, binuhat kita hanggang sa labas ng kwarto niyo af iniwan na kita roon!" Pinakita niya ang mga litrato ng kamay ko at kamay niya. At pinakita niya ang picture ko na nakatakip ang mukha ko pero naalala kong 'yun ang suot ko pagpunta sa Central.
"'Yung post mo..." naalala ko ang post niya noon sa IG. 'Yung kamay na kasama ng kamay niya ay akin pala 'yun
"Oo, pinost ko 'yunㅡteka nga. Bakit alam mo? Are you stalking me, Mr. Metro?" mataray niyang tanong at napameywang sa tabi ko. Hindi ko siya sinagot at inubos ang biko. Nililigpit ko ang mga kalat namin doon pero hindi pa rin niya inalis ang pagkameywang niya.
"Umayos ka diyan bago pa kita matawag na Mrs. Metro," seryosong pagbabanta ko habang pinupulot ang mga pinag-inuman namin at nilalagay sa plastic.
"WHAT?" sigaw niya.
"Wala," sabi ko at tinapon na ang plastic sa malapit na basurahan at naglakad palapit ulit sa kanya.
Sinandal ko ang tagiliran ko sa harapan ng kotse ko para harapin siya. Nakaekis ang mga bisig niya at nanliliit ang mga paningin niya sa akin.
"Saan mo gustong magpakasal?" tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Ha?"
"I mean, kapag ikakasal ka na. Saan mo gusto?" pagkaklaro ko kaya napaangat ang tingin niya para mag-isip ng isasagot niya.
Tangina, ang cute niya.
"Gusto ko sa mahangin. Pwedeng beach, pwedeng sa bundok," sagot niya.
"Sa rooftop?" suggestion ko kaya gumaan ang mga balikat niya doon at napatango.
"Pwede rin. Ay, bet ko 'yun. Tapos gusto ko, sunset. Para kung reception ay sa Hotel na. Tapos diretso na honeymoon ganun," natatawang sabi niya. Aliw na aliw pa siya sa sagot niya kaya napapangiti ako.
"Okay. Sa rooftop," pagsasang-ayon ko at napatingin siya agad sa akin.
"Ay, ikaw ba groom ko?" sarcastic niyang tanong kaya napakibit-balikat ako.
"Baka," sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Ayaw ko nga!"
Napailing ako at may may kinuha sa loob ng sasakyan.
"Kakainin mo rin 'yang sagot mo," sabi ko habang pabalik sa pwesto kanina at kumuha ng isang sheet ng baby wipes.
"Paano mo nasabi?" asar niyang tanong pero kinuha ko ang kamay niya at pinunasan ito gamit ang wipes.
"Ewan ko," sagot ko at pagkatapos punasan ang magkabilang kamay niya ay ginawa kong pantali para itali ito sa left ring finger niya. "Siguro dahil kinain ko ang mga sinabi ko dati," bulong ko at dahan-dahang tinatali sa kanya.
Hindi siya nagsasalita dahil pinapanood niya kung ano ang pinagagawa ko sa kanya.
"I don't know or remember the exact words of his vow to the corpse bride. But with this not so ring, I promise to remember..." hinigpitan ko ang pagtali nito sa kanya at nagmukha itong singsing sa daliri niya.
"...na isa kang putanginang shit," dagdag ko kaya pinalo niya ang braso ko.
"Tangina mo ah." Tinawanan ko lang siya kaya kumuha rin siya ng wipes. Kinuwelyuhan agad niya ako. Akala ko susuntukin niya ako pero pinunasan niya ang mukha ko gamit ang wipes. Pagkatapos niyang punasan ang mukha ko ay ginaya niya kung ano ang ginawa ko bago ipulupot ang wipes sa daliri niya.
"Pucha, saan ba 'yung left mo?" mahina niyang tanong habang tinitingnan ang mga kamay ko kaya inabot ko sa kanya ang kaliwang kamay ko.
"I don't want to state her vow to you but my vow to you is simple. You're also the most putanginang shit I've ever met..." napatigil siya sa pagsasalita nang dahan-dahan niyang hinihigpitan ang pagtali ng wipes sa daliri ko. Ang kaninang inis sa mukha niya ay napalitan ng pagkahinahon bago siya nagsalita ulit, "...but I'll promise to remember this night, every pain, every laughter, every food we ate and everything we did," mahinang dagdag niya habang nakatingin sa kamay ko.
Nang binitawan na niya 'yun ay napaubo ako saglit.
"Kiss the bride na ba?" biro ko.
"How about sapak the groom?" suggestion niya pero napailing ako.
"Joker ka ah," asar ko pero tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa kanya saglit para magpaalam. Naglakad ako papunta sa likuran ng sasakyan at sinagot ko ang tawag ni Divide.
"Saan ka?" bati niya.
"Bakit?"
"Gising na si Saturday. Dito kami ngayon matutulog kina Ever."
"Okay," sagot ko.
"You're right. Aksidente lang ang nangyari. Nahulog 'yung kandila ng table sa dress niya dahil nasagi ni Saturday."
Kahit alam ko naman na walang kasalanan si Style ay nakahinga pa rin ako nang maluwag.
"Kumusta siya?" tanong ko.
"Okay na siya. Itong si Minute ang nagpapanic kanina pa. At kanina pa nakokonsensya sa sinabi niya kay Style. Kasama mo ba siya?" Napalingon ako kay Style na nakatingin sa langit.
"Oo," sagot ko.
"Saan ka? Pupunta si Minute. Hihingi ng patawad."
"Kailangan talaga ngayon?" Hindi ko matukoy kung ano ang tono ng pananalita ko na nagpabuga sa kanya ng isang tawa.
"Bakit? May ginagawa ba kayo ngayon?" May halong pang-asar ang boses niya kaya napakurap ako nang maraming beses.
"Wala. Boulevard."
Papatayin ko na sana ang tawag pero may narinig ako sa kabilang linya.
"GEO HUHUHUHU SORRY NA! LABYU!" Nanlaki ang mga mata ko sa boses ni Rogers mula sa kabilang linya.
"OO NGA. GEO! SORRY NA! LABYUTOO!" sigaw din ni Miles kaya napasapo ako ng noo.
Pagkapatay ko ng tawag ay napatingin ako sa nakatali sa daliri ko. Napabuntong-hininga ako at bumalik sa tabi ni Style na kasalukuyang nakatitig din sa daliri niya pero nang makita ako ay umiwas ang tingin niya.
"Pucha. Bakit pakiramdam ko, nakatali na ako sa'yo?" inis na tanong niya habang pinakita ang kamay niya. Napailing ako habang nakangiti.
"Bakit hindi mo tinatanggal?" tanong ko. Parang handa na akong masaktan sa magiging sagot niya. Hindi ko lang kasi maintindihan pero naghihintay pa rin ako ng sagot niya.
"I don't know." Napatingin siya sa singsing na galing sa wipes. "With you wearing a tuxedo and me wearing a wedding dress.. it felt something weird. Parang feeling ko, kasal na ako?"
"So, Mrs. Metro," natatawang bati ko kaya napatingin siya agad sa akin. "Ilan ang gusto mong anak?" biro ko pa kaya pinalo na naman niya ang braso ko.
Mrs. Metro. Damn, that sounds so good.
"Pero gusto ko tatlo," sagot niya habang tumatawa. Natigilan ako at lumundag ang puso ko sa tuwa.
"Kaunti lang," reklamo ko pero pinalo na naman niya ako sa braso. Napahawak na ako sa braso ko dahil ang bigat ng kamay ng babaeng ito.
"Hindi mo na ba tatanggalin make up mo? Mukha ka na talagang zombie." Nilapit ko sa kanya ang wipes.
"Magtatanong ka na lang nga, mang-iinsulto ka pa!"
Inis siyang kumuha ng wipes at tinanggal na ang make-up niya. Pinanood ko lang siya na tanggalin ang make-up niya hanggang sa wala siyang mapaglalagyan ng basura.
Natigilan siya sa ginagawa niya nang naglakad ako palayo ay hinila ang basurang malapit sa amin papunta sa harapan niya.
"You're unbelievable, Geometry Metro." Napailing pa siya at tinapon ang unang wipes na ginamit niya sa basurahan. Bumalik ako sa pagkasandal sa sasakyan at pinanood siya sa pagtanggal ng make-up niya.
"Same as you, Style Harris."
"Wow, ngayon mo lang ata ako tinawag ulit sa pangalan ko," natatawang sabi niya.
"Talaga?"
Tumango siya nang maraming beses at nakikita ko na ang mukha niya. Excited na akong makita ang mukha niyang walang bahid ng make-up. Naalala ko noong sa 7eleven. Ang tagal ko na siyang hindi nakikitang bare faced.
"Bakit ka ba titig na titig ka sa mukha ko?" natatawang tanong pa niya.
"Maganda ka pa rin kahit walang make-up."
Napatigil siya sa pagtapon ng wipes at nalipat ang tingin sa akin. "I know. Thanks." Napailing ako hanggang sa tuluyang natanggal ang bumalot sa mukha niya.
"Ang hapdi.." natatawang sabi niya habang mahinang pinapalo ang mga pisngi niya. Napaayos tuloy ako ng upo dahil nabahala ako sa nararamdaman niya.
"Chill, ganito lang talaga pagnagtatanggal ako ng make-up. Pag-uwi ko mamaya tatanggalin ko ulit gamit make-up remover." Napatango ako at napangiti habang tinitingnan ang mukha niya. Napansin na naman niya 'yun at napataas ang kilay niya.
"Mukha kang nakadrugs," sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Ang sama mo!" Nasalo ko agad ang kamay niya at naramdaman kong nanlalamig ang mga daliri niya. Binitawan ko agad 'yun kaya habang nagrarant siya sa akin ay hinuhubad ko ang coat ng tuxedo ko.
"Naiistress ako sa'yo, Geometry! Matapos mong sabihin na ang ganda ko pa rin kahit wala akong make-up tapos ngayon sasabihin mong nakadrugs ako? Anong klaseng pag-iinsulto 'yun, Metro? Grabe! 'Yung dignidad ko! 'Yung pagkatao koㅡ"
"Hands."
Pagkataas niya ng mga kamay niya ay nag-adjust na rin siya para suotan ko siya ng coat hanggang sa inayos ko na ang harapan niya. Hinawakan ko rin ang mga kamay niya para ilipat ang init mula sa mga kamay ko at pinasok ko sa magkabilang bulsa.
"May lagnat ka ba?" tanong niya nang bumalik ako sa pwesto ko at inekis ang mga bisig ko.
"Wala?" gulong sagot ko pero napansin kong inamoy niya ang suot niya.
"Ang init ng coat mo. Tapos kamay mo mainit din," sabi niya.
"I don't know. Body heat?" hindi ko siguradong sagot at tumabi na naman siya sa akin.
"Baka nilalamig ka diyan," sabi niya pero napailing ako. "Hanggang ngayon, nagtataka ako kung bakit hindi ka nagustuhan ni Sundays," dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya.
"I mean nasa iyo naman ang lahat. Wala namang problema sa'yo. Bakit pinipili pa rin niya si Minute hanggang ngayon.." mahinang tanong niya at napatingin din siya sa akin.
"Walang problema sa itsura, ugali, hilig, pananaw sa buhay, katawan, pagkatao o sarili natin. Sadyang hindi lang talaga tayo gusto ng taong gusto natin," dagdag niya. At iyon ang tuluyang tumatak sa utak ko.
May napansin akong lalaking naglalakad palapit sa amin at natanto kong si Rogers na pala ito.
Napalingon din si Style sa tinitingnan ko kaya agad siyang nataranta. "Pucha! Bakit siya andito?" natataranta niyang tanong pagkaharap ulit sa akin.
"Ayaw mo ba siyang kausap?" tanong ko dahil handa ko naman siyang itakas kung ayaw niyang makausap.
"Wala akong make-up ngayon! Shems!" Napailing ako habang pinapanood siyang mataranta. Ngayon na ulit may tumutusok sa puso ko.
"Style."
Napalingon siya kay Minute na nasa likuran na niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong ni Rogers kaya napatingin si Style sa akin. Ningitian ko siya at sumenyas na sumama kay Rogers.
"Ako na rin ang maghahatid sa kanya pauwi," dagdag pa ni Rogers kaya muling napalingon si Style. Agad akong napaiwas ng tingin dahil pucha, gusto kong ako ang maghahatid sa kanya pauwi. Iyon ang usapan namin.
Nakatingin lang ako kay Style. Wala akong maintindihan sa mga mata niya dahil nilalamon na naman ako ng sakit.
Bakit ba ang mga babaeng nagustuhan ko ay gusto si Rogers? Sigurado bang walang problema sa akin?
Gusto kong ipaglaban ang kinatatayuan ko na ako maghahatid kay Style pauwi pero naalala kong gustong-gusto ni Style si Rogers. Kaya muli kong tiningnan si Rogers para sumagot, "Okay."
Hindi ko na sila tiningnan ulit. Naglakad na sila palayo habang hila-hila ko ang basurahan pabalik sa pwesto nito kanina. Bumalik na ako sa sasakyan matapos kong kunin ang wipes at tinapon sa backseat.
Bago pa ako magmaneho paalis doon ay napatingin ako sa nakatali sa daliri ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com