Him 28

"Merry Christmas!" masiglang bati ni Side pagkarating sa student's lane, nakabuka pa ang magkabilang bisig niya.
"Whenever I see boys and girls and boys and girls see me!" pagkakanta niya at inakbayan si Reddie na may binabasa sa libro. "I remember the child! And the child remembers me!" Pinisil-pisil pa ang braso ni Reddie pero hindi pinapansin ni Reddie dahil lunod siya sa binabasa niya.
Kahit anong gawin na paglalambing ni Side kay Reddie ay hindi siya pinapansin kaya napabuntong-hininga siya at sumandal kay Reddie para magbasa rin ng binabasa nito.
"Nga pala, Reddie. Nakita kita kasama si Brilliant after Sockie Blast ah." Umangat ang paningin ni Reddie kasabay ang mga tingin ng ibang nakarinig. Lalo na si Venn na napatigil sa paglalaro sa phone niya.
"Hinatid ko lang siya pauwi." Binalik ni Reddie ang atensyon sa pagbabasa pero itong si Venn ay parang pinagtaksilan sa mga nalalaman niya.
"Grabe! Baka nakakalimutan niyong nagsumpa tayo sa shawarma?" pagpapaalala niya kaya sa tabi ko, napatigil sila Vertex at Ever sa pagt-thumb wretsling nila.
"Bakit lahat ng crush ko, napupunta sa inyo?!" pagd-drama niya kaya tinuon ko na ang atensyon ko sa binabasa kong libro at nagsosolve sa papel ko.
"Una si Brilliant! Napunta na kay Reddie! Sunod si Style! Napunta kayㅡ" ramdam ko ang mga mata ng mga sakit sa ulo kaya napatingin ako sa kanila.
Agad silang lumapit sa akin na parang may kailangan akong sabihin na sikreto. "Akala ba namin si Saturday?" mahinang tanong ni Ever at halos magkadikit-dikit na ang mga mukha nila na nakapalibot sa akin.
"At pucha, bakit suot mo na ulit ang salamin mo?" bulong ni Dom na halos kina Vertex at Ever na sumingit.
"Oo nga 'no? Last highschool ka pa nagsalamin ah?" pagsasang-ayon ni Side.
"Ang gwapo mo, Geo," natatawang bulong ni Reddie.
"Guys. Please, balik sa topic!" pag-aawat ni Ever kaya bumalik ang seryosong mukha nila at mas lalong lumapit sa akin. Nagsimula rin silang magbulungan.
"Anong nangyari? Kailan pa? Seryoso ka? Bakit?" mahinang tanong ni Ever kaya tinanggal ko ang salamin ko at sinabit sa shirt ko.
"Anong bakit ha? Ang ganda kaya ni Style!" bulong din ni Dom. Binatukan naman siya ni Ever.
"Hindi mo ba maalala? Siya ang nagbubully kay Saturday!" galit na bulong nito.
"Huwag nga kayong maingay! Magsasalita na si Geo!" sabi ni Vertex.
"Nagkita na kami bago 'yung mga pagbubully niya kay Saturday," mahina ko ring bulong kaya napahawak si Venn sa bibig niya.
"Isa kang taksil.." bulong pa nito kaya binatukan siya ni Vertex.
"Ang haba ng sinabi ni Geo," pagdadrama ni Dom at nagtago sa balikat ni Vertex. Napailing ako at muling nag-iisip ng sasabihin.
"And she's not that bad." Magsasalita pa sana sila pero inunahan ko na sila. "She's a great sister to her younger twins. At hinahabol niya si Rogers dahil 'yun ang gusto ng parents niya. Alam niya na mali ang ginagawa niya."
"So, ayaw niyang madisappoint ang parents niya?" mahinang sabi ni Ever at napaupo na sa upuan niya.
"So, what are you doing all this time?" tanong ni Vertex.
"Kasi nagagalit si Divide. Gumagawa siya ng paraan para kayong dalawa ni Saturday magkatuluyan pero ikaw pala 'tong umaalis," dagdag ni Dom.
"Taking Style out of Saturday and Minute's picture," sagot ko na lang.
"You really love Sat that much?"
Napatigil ako sa tanong ni Reddie. Biglang naguluhan ang nararamdaman ko. Am I doing this because of Saturday? Or something else? Hindi na ako nakasagot at napaiwas na lang ng tingin.
"You're sacrificing your time and effort to the one who's ruining their relationship?" tanong ni Ever.
Dahan-dahan kong sinara ang libro ko at tumayo na. "Gotta go," paalam ko at naglakad na palayo.
Gulong-gulo ang utak ko.
Buong oras ay tulala lang ako at iniisip ang mga bumabagabag sa akin. Tuwing mag-isa lang ako ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Pero kung kasama ko naman siya, bakit parang sigurado ako sa nararamdaman ko?
"Uy, Geo!" Napalingon ako kay Saturday na naglalakad palapit sa akin. Mukhang lunch na nila at hindi ko namalayan na after discussion namin kanina ay pumunta ako sa room nila. Siguro may kailangan lang akong malaman.
"Lunch?" tanong ko kaya napailing siya.
"May meeting pa kami ng partylist ko para campaign next month. Pero try kong sumabay sa inyo," sagot niya kaya napatango ako.
"Sige. Saan ka ngayon?" tanong ko pa kaya may tinuro siya.
"Library. Ikaw?"
"Sa cafeteria. Sabay na tayo," aya ko kaya napatango siya. Habang naglalakad kami ay pinapakinggan ko ang mga kwento niya sa mga nangyari ngayong umaga. Nakikinig naman ako pero tuwing napapasulyap ako sa kanya ay bakit parang wala na akong nararamdaman? Hindi na ako ganung naeexcite tuwing nakikita siya?
"Geo, anong ginawa mo?"
Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako sa paglalakad. Napalingon ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin.
"Anong ginawa mo? Bakit..? Bakit ganito na?" nahihirapan niyang tanong kaya naglakad ako palapit sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko dahil parang hirap na hirap siyang magsalita.
"Parang.. ang tahimik ng buhay ko? Wala na ang mga nagbubully sa akin?" gulo niyang tanong pero naglaho ang kunot ng noo niya at napatingin sa mga mata ko. "Kinausap mo ba siya?" mahina niyang tanong kaya napalunok ako. Bakit nahihirapan akong sumagot?
"Kinausap o tinakot?" tanong ko habang mahinang tumatawa. Napakunot ang noo niya kaya natawa ako. "Are you happy?" tanong ko.
Unti-unti siyang ngumiti. "Yes, I'm happy. Pero how?" tanong niya.
"Mahal mo siya 'di ba?"
Huminahon ang mukha niya sa tanong ko. Napayuko pa siya kaya pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. "He's nice. He makes you happy. Kahit medyo galit ako nang slight sa kanya dati, I can see that he's also happy with you and he loves you." Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya para tingnan ako.
"Pero sorry kung may black eye siya," dagdag ko pa.
"Ikaw talaga sumuntok sa kanya dati?" Hindi siya makapaniwala nang tumango ako.
"Kung paiyakin ka pa niya, magsusuot na siya ng shades sunod at maging walking stick 'yung Miles," biro ko kaya natawa siya.
"See you later!" Kumaway na rin ako bago siya pumasok sa library. Naglakad na rin ako papuntang cafeteria saktong andoon sila Ever na kumakain na. Pero una kong napansin ang seryosong Side na nagcecellphone dahil katabi si Frankee na kumakain at katabi pa si Divide.
Bakit ba ang init ng dugo nito kay Frankee? Mabait naman siya. Si Side lang naman itong nagsusungit na parang may inagaw sa kanya na pagkain.
"Merry Christmas," pang-asar na bati ko kay Side na nakasimangot. Mas lalo siyang sumimangot at nagpatuloy sa pagtatype sa phone niya. Kanina lang, masigla pa 'to. Ngayon, parang pinaglihi sa sama ng loob.
"Catch!" Sinalo ko ang hinagis na Yakult ni Reddie. Pagkaupo ko sa harapan ni Side ay uminom na ako.
"Grabe, December na ngayon. Ang bilis ng panahon!" masayang sabi ni Ever habang pinapanood ang mga staff ng school na nagkakabit ng Christmas decors sa cafeteria.
"Oo nga! Parang dati lang wala pa kayong label!" pagsang-ayon ni Dom habang kumakain ng sandwich. "Ay, hanggang ngayon pala, wala pa rin kayong label," dagdag pa niya kaya babatukan sana siya ni Ever pero naunang batukan ni Vertex si Dom.
"Saan kayo magpapasko?" tanong ni Divide sa amin.
Pero kay Frankee siya unang tumingin. "Sa bahay lang kami ni Tatay."
"Sa Central kami kasi may Christmas Party sa Hotel Grams pag-Christmas Eve," parang batang sagot ni Venn habang kumakain ng burger.
"Ano gusto mong gift, Venn?" tanong ni Ever na parang isang ina.
"Gusto ko po ng jowa, Ma," sabi ni Venn.
"Ano raw? Toy gun?" tanong ni Vertex na para bang handang asarin si Venn.
"Oo nga, toy gun daw," pagsang-ayon ni Ever kaya nagdabog si Venn.
"Sa bahay lang ata kami," sabi ni Dom.
"Northernville," sagot ni Reddie na nakataas ang kamay.
"Bahay," maikling sagot ni Side habang nagp-phone. Napansin ni Divide ang ugali ni Side kaya naningkit ang mga mata nito.
"Ikaw, Geo?" tanong ni Reddie.
Napakamot ako ng batok dahil hindi ko alam kung saan naman kami ngayon. "Sa Riverspark 'yan," hula ni Dom.
"Huwag maglalapag ng pera!" sigaw ni Vertex nang may dinudukot si Ever mula sa bulsa niya.
Ngumisi lang si Ever at nagpalag ng isang daan. "Abroad 'yan sila Tito Geon at Tita Madrid."
Naglapag din ng pera si Dom. "Riverspark talaga!"
"Sa bahay," walang ganang pagpupusta ni Side at naglapag ng 10 pesos.
"So, ano pa 'yung pwedeng choices?" tanong ni Reddie dahil mukhang wala na siyang maisip. Lumapit sa kanya si Venn at may binulong. Napangisi si Reddie at naglapag ng dalawang daan.
"Hotel Grams daw," sabi ni Reddie at tinuro si Venn.
"Itigil niyo na 'yan dahil hindi ako sure kung saan," inis na sabi ko kaya nakangusong binawi nila ang mga pusta nila. Sumasakit talaga ang ulo ko sa mga 'to. Gawin bang pustahan ang bawat nangyayari sa akin?
Habang nakatutok ako sa phone ko ay hindi ko namalayan na nagsialisan na ang iba dahil pumasok na sa mga kanya-kanyang klase.
"Anong oras next class mo?" tanong ni Dom na siyang naiwan.
"2 PM," sagot ko at tumayo para itapon ang mga kalat ng sakit sa ulo.
Babalik sana ako sa mesa namin ni Dom nang makita si Style sa hindi kalayuan ng pwesto namin. Nakaupo siya at nakatitig sa lunchbox na nakapatong sa lamesa.
Nakalimutan ko bigla si Dom. Naglakad papunta kay Style. Umupo ako sa harapan niya kaya napatingin siya sa akin. "Ano 'to?" tanong ko tungkol sa lunchbox.
"Lunch," malungkot na sabi ni Style at binuksan niya ito. "Nagluto ako para kay Minute pero busy raw siya." Pagkabukas niya ng lunchbox ay tokwa't baboy ang niluto niya.
"Itapon ko na lang kaya?" tanong niya pero may nakita akong band-aid sa daliri niya. Napailing ako at kinuha ko ang utensils sa loob ng lunch box. "Hoyㅡ"
Nagsimula na akong kumain ng luto niya.
"Okay lang ba? Masarap ba?" tanong niya na halos humiga sa lamesa para tingnan ang reaksyon ko habang kumakain.
"Kapag hindi masarap, itapon na lang. First time ko magluto eh," sabi niya habang nakapatong ang pisngi niya sa lamesa.
"Masarap," sagot ko habang ngumunguya kaya napangiti siya. Saglit akong napatigil dahil sa ngiti niya. Natunaw ang puso ko sa nakikita ko kaya pinatuloy ko ang pagkain ko.
"Hirap magluto! Balak ko sanang itapon na lang kung hindi masarap," sabi niya habang pinapanood akong kumain.
"Halos nasugatan ka na sa pagluluto tapos itatapon mo lang?" reklamo ko pero mas lalo siyang nalungkot. Napaangat ang tingin niya sa likuran ko. Lilingon sana ako pero may umupo na sa tabi ko.
"Hi! I'm Dom Mendoza. Geo's friend," pagpapakilala ni Dom habang nakalahad ang kamay sa harapan ni Style. Bago pa tanggapin ni Style ang kamay niya ay tinabig ko ito palayo.
Nagulat si Style sa ginawa ko pero itong si Dom, tuwang-tuwa. "Seloso, puta," bulong pa niya pero rinig ko.
"Hello, Dom. I'm Style." Napanganga ako nang makitang si Style ang naglahad ng kamay kaya agad tinaggap ni Dom ang kamay ni Style at nagshakehands sila. Napailing na lang ako at pinatuloy ang pagkain ko.
"So, how's life?" pakikipag-usap ni Dom nang kinuha ang kutsarang hawak ko at sumubo sa kinakain ko.
"Ito. Buhay pa rin," sagot naman ni Style.
"Saan ka magpapasko?" tanong ni Dom. Mukhang interesado pa siya ah.
"Hindi ko alam eh. Baka may plano ang parents ko," sagot ni Style pero napatigil si Dom sa kinauupuan niya nang nagsimulang ngumuya sa kinakain niya.
"Medyo maalat 'yung..." hindi siya natapos sa pagsasalita dahil bigla silang napatingin sa akin pero paubos na ang kinakain ko.
"Hala? Maalat? Hoy! Iluwa mo 'yan!" pagpapanic na sabi ni Style sa akin pero napailing ako.
"Paubos na," sabi ko pero nagmamadaling kumuha ng inumin si Style sa bag niya.
Oo, medyo maalat ang niluto niya. Lasang lasa 'yung alat kaysa sa tokwa't baboy. Pero naubos ko pa rin dahil luto niya ito.
"Hoy!" Inabot ni Style ang tubig niya pagkatapos kong ligpitin ang kinain ko. "Bakit hindi mo naman sinasabi na maalat?" sabi pa niya pero uminon na lang ako sa inabot niya.
"Okay lang naman. Sa susunod, huwag mo na lagyan ng asin," sabi ko pagkatapos ibigay ang natitirang tubig kay Dom. Gumana pagiging Hospitality and Restaurant Management student niya. Napansin kong nakatitig lang sa akin si Style, binabasa ang reaksyon ko matapos kumain ng ginawa niya. Pero ito ako, pinagmasdan siya. Hindi ash gray ang buhok niya ngayon at simple lang ang make-up niya. Hindi tulad dati na may mga glitters pa sa mga mata niya. Nakahalf-ponytail pa ang buhok niya at nakapeach drop waist dress siya.
"Oo, Style. Masarap luto mo. Sa susunod dapat medyo ramihan mo na," singit ni Dom kaya sinamaan ko siya nang tingin. Bakit siya nakikisali? Magluto siya kamo ng sarili niya.
"Sige. Sa susunod. Magp-practice pa ako," nakangiti niyang sabi. "Mabuti na lang kayo ang kumain, baka maalatan si Minute," biro niya. "Chos lang," habol niya at inayos na ang pinagkainan ko.
Napansin kong napasulyap sa akin si Dom.
"May pasok kayo?" tanong ni Style habang inaayos ang gamit niya.
"Mamayang 2 PM. Ikaw?" si Dom na ang naunang sumagot. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ano bang trip nito?
"Ngayong 1:30. Thank you, guys! Mauna na ako ha?" nakangiting paalam niya kaya nakangiti rin akong kumaway sa kanya.
"Bye, Style! Nice to meet you!" masiglang paalam ni Dom kaya kinindatan siya ni Style at naglakad na siya paalis ng cafeteria na may ngiti sa labi.
Agad kong sinamaan ng tingin si Dom sa pinaggagawa niya. "Dude, ang alat," unang sabi niya.
"Kaysa naman masaktan siya dahil nasayang ang effort niya," sabi ko at inayos na ang sarili ko. Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Sumunod naman sa akin si Dom.
Paglabas sa cafeteria ay agad siyang umakbay sa akin. "Dude! You like her!"
Pilit kong pumiglas pero natigilan ako sa sinabi niya. Hinarap ko ang mukha niyang nakangisi at handa akong asarin. "Do I like her?" naguguluhang tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko.
"Geo, umamin ka nga. Do you like Style?" tanong niya.
"I don't know.." sagot ko kaya napabitaw siya sa akin.
"Ibang-iba siya sa Style na inaakala ko. Pucha, Geo. Anuna!" Minasahe pa ang mga balikat ko.
"I don't know." Napahawak ako sa ulo ko at naglakad palayo. Agad siyang sumunod sa akin.
"Boto ako sa inyo! Shet! Botong-boto ako!" masaya niyang sabi habang pinapalo ang likuran ko.
"Atsaka may plano raw ang parents niya?" Napatigil kami sa paglalakad at napatingin sa isa't-isa. "Alamin kaya natin kung konektado pa rin kay Minute?" Tumtaaas-baba pa ang mga kilay niya. Hindi ako nakasagot dahil hinila niya ako papunta kung saan.
Hindi ko napansin na tumigil kami sa isang room at may kinausap siya para tawagin kung sino ang pakay niya.
"Yow! Dom!" swabeng bati ni Miles kaya napapikit ako. Ano bang kailangan namin kay Miles?
"Yow! Billion!" Halos magyakapan pa sila. Mukhang close na sila, ah.
"Geo!" masayang pagtitili ni Miles at napayakap pa sa akin. Tinapik ko pa ang likuran niya at napahiwalay na siya sa akin.
"May kailangan sa'yo si Geo," sabi ni Dom habang nakasandal sa dingding kaya parang tuta na binaling sa akin ang atensyon ni Miles.
"Ano 'yun?"
Napalunok ako dahil may pumasok na sa isipan ko. Pero nakakahiya.
"Uhm, I need your help," panimula ko.
"Sure! Sure! Sure!" sunod-sunod niyang sagot.
"Unli ka, mehn?" natatawang tanong ni Dom pero hindi na nakasagot si Miles dahil hinihintay niya ang sasabihin ko.
Napakamot ako ng batok ko. "Alam mo 'yung mga pinaplano ni Style para kay Rogers?" mahinang tanong ko kaya napaturo siya sa akin.
"You mean mga dates nila ni Minute na pinaplano ni Style? Ganun?" mabilis niyang tanong kaya napatango ako. Napatango rin siya bilang sagot sa tanong niya.
"Oo. Palagi akong updated sa mga plano ni Style. Kasi palagi niyang pinagsasabihan si Minute. Pero itong si Minute ay hindi nakakapunta dahil ayaw niyang masaktan si Sat," bibong sabi ni Billion at sumasayaw pa ng TikTok steps habang nagsasalita.
"Update me," sabi ko.
"Like mga plano ni Style? Sure! No problem! Teka, bakit?" Napatigil siya sa pagsasayaw at palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Dom.
"Kasi siya ang pumipigil kay Style para sa pagmamahalan nila Minute at Saturday," sabi ni Dom kaya nagningning ang mga mata ni Miles nang napatingin ulit sa akin.
"No problem! Iuupdate kita agad! For sure maraming plano parents ni Style para sa kanilang dalawa ni Minute ngayong holiday." Bigla siyang sumayaw na naman sa harapan ko pero inaalala ko ang sinabi niya.
Napakunot ang noo ko dahil doon. Mukhang maraming alam si Billion.
"Billion, anong mga alam mo?" tanong ko.
"Tungkol kay Style? Halos lahat alam ko." Nag-Renegade siya at nagdab pa.
"Kwentuhan mo raw siya," sabi ni Dom nang hindi ako nakasagot.
"Sure! Mas maganda ang kwentuhan kung may snacks at may inumin!" Napapalakpak si Billion at halos magmukhang tuta na humihingi ng pagkain.
Agad akong napahakbang paatras at napailing, "Oh noㅡ" Napatingin din ako kay Dom pero natigilan ako nang nagmamakaawa rin siya sa tingin niya.
Napasapo ako ng noo. Mukhang mapapagasto pa ako nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com