Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Him 29

Now Playing: betty by Taylor Swift



"Geo, Geo, mabait! Magaling!" pagche-cheer ni Dom at Billion habang nilalapag ko ang fries at coke float sa harapan nila, pataas-baba pa ang mga kamay. Walang hiya, nagpabili rin ng burgers. "Geo, Geo, nainlove, magaling!" Napatigil sila sa pagche-cheer at natawa sa kagaguhan nila. After last subject ko kanina ay nakaabang ba sila sa labas ng room kaya no choice na ako.

"Kailan pa kayo naging close?" tanong ko nang pinanood silang kumain ng fries.

"After party, bro," sagot ni Dom. "Kaba-kaba pa silang dalawa kaya pinakalma namin. Halos mahimatay pa si Billion sa bahay nila Ever."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Billion.

"Okay. Balik sa topic. Anong alam mo, Billion? Kanina pa hindi nakakahinga si Geo," tanong ni Dom para sa akin at doon na niya inayos ang upo niya.

"Let's start from the very beginning," pag-eenglish niya. Pero napatigil siya sa pagsasalita at napatingin kay Dom. Napatingin din ako kay Dom dahil sobrang lapit niya kay Billion na parang siya ang mas interesado kay Style. Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya napalunok siya at lumayo nang kaunti.

"Seloso ka naman," bulong niya kaya napailing ako bago tinuon ang pansin si Billion.

"2nd year highschool..." panimula niya at muling napatingin kay Dom dahil mas lalo niyang nilapit ang mukha nito para makinig. Muli ko siyang tiningnan kaya napaatras siya.

"Sorry naman! Excited masyado!" sabi niya. Para tumahimik ay binigay ko ang coke float ko. Masaya nitong tinanggap kaya tumahimik na siyang kumain.

"Si Style.. uhmㅡpaano ba sabihin 'to.." napahawak siya sa sentido niya kaya napakunot ako ng noo.

"She's a walking marshmallow?" nagdadalawang-isip niyang dagdag. "Malayong-malayo siya sa Style na kilala niya ngayon. Noong highschool ay palaging binubully siya dahil sa katawan niya at si Minute ang tumutulong sa kanya. Hanggang sa nahulog na siya kay Minute. Nang sinabi ng parents ni Style na ieengage siya kay Minute kasi masyadong maliit ang mundo, pinilit ng Mom niya na magreduce siya ng weight hanggang sa nakilala ni Minute si Saturday."

"Ow, ang sakit sa side ni Style," bulong ni Dom habang kumakain ng fries.

"Yep. Kilala ko si Minute. Wala talaga siyang nararamdaman kay Style. Hanggang 3rd year highschool, ang laking timbang na nabawas sa kanya to the point na hindi na namin siya nakilala. She used to be sweet, fearless and cute noong nakilala namin siya pero nang nalaman niya na gusto ni Minute si Saturday.. doon na siya nag-iba. Kaya mas lalo namin siyang hindi nakilala. Para na siyang kontrabida at ibang tao." Kumakain na rin si Billion ng fries habang nakatingin lang ako sa mesa.

"Siguro before maggraduate ngayong college, iaannounce ang official engagement nila. Dapat talaga, noong highschool, iaannounce sa engagement na pag-18 na sila, paplanuhin na ang kasal pero hindi natuloy ang engagement dahil ayaw ni Minute. Ayaw niya talagang masaktan si Saturday kaya sinabi ni Minute sa magulang niya na tatlong taon pa, bigyan siya ng tatlong taon. Ang akala nila, kailangan pang mag-aral ni Minute pero hanggang ngayon, nag-iisip pa siya ng pwedeng gawin para hindi matuloy ang engagement nila at hindi malugi ang kumpanya nila."

"Shet, malaKDrama," komento ni Dom.

"Pero 4th year, lumipat ng school si Saturday dahil sa Mama niya. Masyado nagalit si Minute sa nangyari kaya hindi talaga siya pumayag sa gusto ng magulang niya. Kaya since then, palaging nagpaplano ng holiday vacation ang parents ni Style para sa kanilang dalawa ni Minute pero kahit isa ay hindi nakakapunta si Minute kaya sa huli, ang alam ko ay mag-isang nagbabakasyon si Style at hindi alam ng magulang niya." Napakamot siya ng batok habang nagkukwento kaya napaekis ako ng bisig.

"Ang harsh," pagreact ni Dom.

"Ngayon siguro may pinaplano ang magulang ni Style. Pero, for sure hindi papayag si Minute lalo na't nagkakamabutihan ulit sila ni Saturday."

Bakit nasasaktan ako para kay Style? Sa side nila Billion at Minute ay masakit na panigurado ang nararamdam ni Style. Paano pa kaya kung galing na mismo sa kanya ang kwento niya?

"Nakilala namin si Style. Ayaw niyang madismaya ang magulang niya kaya sumunod na lang siya sa paghahabol kay Minute. Hindi rin naman namin kayang magalit sa kanya pero paminsan ay sumusobra na siya kaya noong party, doon na nailabas ni Minute ang lahat ng hinanakit niya. Pero hindi pala siya ang gumawa kaya grabe ang konsensya ni Minute." Pati pag-upo ay sumasayaw siya ng mga TikTok steps habang ngumunguya ng fries.

"Pero ngayon, nagulat lang ako dahil medyo nag-iba siya," dagdag niya.

"Paanong iba?" tanong ni Dom.

"Hindi ko maintindihan o masabi pero isa na roon ang hindi na niya binubully si Saturday," sagot ni Billion at sabay silang napatingin sa akin.

"Sinubukan na namin lahat. Nirereto namin siya sa ibang lalaki baka magustuhan nila si Style pero walang nagtatangka lalo na't ang taas ng tingin sa kanya. Nagjoke pa nga ako nun na, ayaw niyo sa isang Style Harris? 'Yung girlfriend niyo, may style! Mas lalo tuloy silang natakot at umayaw. Para naging kanididato si Style tapos kami nag-eendorse sa kanya," natatawa pang sabi niya.

It's true, everyone wants their own style but too bad, no one wants to own her.

"Tapos lahat ng lalaki, lumalayo sa kanya. Wala talagang lumalapit sa kanya dahil nakakatakot eh. Parang magpapakilala ka pa lang, mananapak agad. Hihinga ka pa lang, susumbatan ka niya ng mga masamang nakikita niya sa'yo," natatawa pang sabi ni Billion kaya natawa rin si Dom.

Hindi ko magawang sumang-ayon sa sinabi niya dahil inaalala ko ang mga oras na kasama ko si Style.

"Kung makatanggap si Minute galing sa mga magulang nila, sasabihan kita agad." Kumindat pa si Billion sa akin kaya napasandal ako sa sandalan.

Nag-aya na silang bumalik sa campus pero nagpaiwan na lang ako sa Jollibee at buong oras na nakipagtitigan sa mesa.


---

IG.

4:32 PM

hstyle

Yow

San ka?

geometro

jollibee

san ka?

hstyle

Kinukuha 'yung kambal galing school

Hinahanap ka nila arghh

Ang kukulit

geometro

bring the twins here

my treat

---

"Kuya Geooo!"

Narinig ko na ang boses ng kambal sa likuran ko. Napalingon ako at tumatakbo sila palapit sa akin. Napatayo ako at napaupo sa sahig para salubungin siya ng isang yakap. "Hi kids!"

"We missed you!" sabi ni Stylie kaya nang humiwalay siya sa akin ay inayos ko ang buhok niya at binigyan siya ng isang ngiti. Si Styler naman ay hindi humihiwalay sa akin kaya binuhat ko na siya pagtayo ko.

"Pucha. Halos kaladkarin ako ng dalawa papunta rito." Halos matumba na si Style sa heels niya habang naiika-ikang naglalakad palapit sa amin habang dala-dala ang mga bag ng kambal.

Napangiti ako nang makita siya sa parehas niyang tsura mula kanina pero medyo magulo nga lang ang buhok niya na humaharang sa mukha niya.

"Kuya Geo! Look, I have stars!" masayang sabi ni Stylie habang pinapakita ang stamp ng stars sa likuran ng kamay niya.

"Very good!" sabi ko at pinakita rin ni Styler ang kamay niya habang nakayakap pa sa akin. "Very good!" sabi ko rin kaya nakangiti siyang niyakap ulit ako.

"Order na tayo?" aya ko kay Style at napatango siya. Hinawakan niya ang kamay ni Stylie. Maglalakad na sana siya pero hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya at inayos saglit ang buhok niya. Napatitig lang siya sa akin hanggang sa kinuha ko ang panyo ko para ibigay sa kanya. "Punasan mo pawis mo," sabi ko.

Nauna kami ni Styler na pumunta sa counter. "Kuya, I want spaghetti," mahina niyang sabi habang nakatingin sa menu.

"Ayaw mo chicken?" tanong ko.

"I want also but ate said we need to save money," mahinang sabi ni Styler kaya napatingin ako kay Style sa tabi ko. Napakunot siya ng noo sa tabi ko na hawak ang kamay ni Stylie.

"Oh? Bakit masama tingin mo? Ayaw mo 'yun? Makakatipid ka?" mataray niyang tanong kaya napabuntong-hininga ako at muling napatingin sa menu.

"You want spaghetti with chicken?" tanong ko kay Styler kaya napatango siya. Lumipat ang tingin ko kay Stylie na nakatingin sa harapan. "What do you want, Stylie?"

"I want spaghetti with chicken also kuya," sagot ni Stylie. Napatango ako. "And sundae, kuya!" pahabol niya.

"Yes, kuya. Sundae," pagsang-ayon ni Styler.

"Fries?" tanong ko pa kaya napatango sila nang maraming beses. Hahakbang sana ako paabante ng pila pero napansin kong ang sama ng tingin ni Style sa akin.

"Oh? Bakit masama ang tingin mo?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Hindi mo lang ako tatanungin kung ano ang gusto ko?" hindi niya makapaniwalang tanong at para siyang pinagtaksilan sa reaksyon niya.

"Ayaw mo 'yun? Makakatipid ako?" natatawa kong tanong pero napanganga siya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumawa 'yung kambal kaya halos mamula na siya sa galit.

"Sapakin kaya kita?" bulong niya.

"Sige, ano gusto mo, Ate Lai?" tanong ko sa kanya.

"Fries, burger and sundae lang," sagot niya kaya napatango ako.

"Hoy. Baba ka nga d'yan. Big boy ka na," sabi niya kay Styler kaya nakangusong nagpababa si Styler sa akin.

"Upo na kayo," sabi ko at hinila na naman siya ng kambal pabalik sa upuang inupuan namin kanina.

Napangiti ako habang pinapanood silang naglalakad.

Nag-order na ako at binitbit ang tray papunta sa lamesa namin. "Yehey!" pagsasaya ng kambal kaya hindi ko mapigilang mapangiti nang nagsimula na silang kumain.

Masayang nagkukwento si Stylie ng mga nangyari sa school nila kaya nakikinig ako sa kanila habang kumakain ng sundae. Pagtango lang ang nacocontribute ni Styler sa kwento ni Stylie dahil sa bawat kwento nito ay may kasunod na bagong kwento.

Nakikinig din si Style sa kwento ng kambal. At kapag madumi na ang bibig ng kambal ay pinupunasan niya ito.

Gumaganda siya lalo sa paningin ko.

"Ate! Let's take a groupie!" suggest ni Stylie matapos maubos ang kwento niya.

"Okay." Napatingin saglit sa akin si Style na parang nagtatanong kung pwede kaya napatango ako. Siya na ang humawak ng camera at sunod-sunod na kinuhaan kami ng litrato na nakangiti at may iba't ibang pose.

Kinuha ko rin ang phone ko para buksan ang camera ko pero napansin kong hinarap ni Style ang back cam niya sa akin. Lumipat ang paningin ko sa camera niya at napaangat ang gilid ng labi ko.

Napailing si Style at binaba ang phone niya. Pinatuloy niya ang pagkain niya. Pasimple ko siyang vinideohan habang kumakain at lumipat din ang tingin niya sa camera ko pero nilipat ko ang camera ko sa kambal kaya kumaway-kaway sila sa video. "Thank you, Kuya Geo!!" sigaw nila at nagf-flying kiss pa si Stylie kaya napangiti ako. Binalik ko ang camera kay Style na nakatingin pa rin sa akin at kumunot ang buong mukha niya para sa huling parte ng video.

Inend ko na 'yun at pinost sa IG story ko.

"Ang panget ko roon," reklamo agad ni Style kahit hindi pa niya nakikita.

"Maganda ka," sabi ko kaya natahimik siyang napatitig sa akin.

Napahighik ang kambal sa tabi namin. "Ate Lai, kinikilig!"

---

geometro
4h ago

babies.

8:31 PM

greenever Replied to your story
HOY ANG CUTEEEEE!!

8:36 PM

bdomen Replied to your story
AY NAGSPAG SILA

SARAP NA SARAP AH

KELEG

INLAB NA INLAB AH

8:43 PM

vrtxmrio Replied to your story
ANG CUTE NG KAMBAL

Kung magjojollibee kami ni Ever kasama si Vera baka sungitan pa ako kahit ako pa ang nagbayad ng snack nila hmmp

8:51 PM

tabibiko Replied to your story
Papagawa na ako kina mama at papa ng kapatid hUHUHUHU

8:59 PM

iAmV3nnDi4gr4ms_6969 Replied to your story
AKALA KO AKO LANG BABY MO :(((

9:04 PM

idvdez Replied to your story
What

10:02 PM

hstyle Replied to your story
Pati ba 'yung nakasimangot, baby mo?

geometro
gusto ba niya?

hstyle
Ha

Ano

---

"It's not true that no one wants you, Style Harris. But it's good to know that others didn't want you because from now on..." I paused while staring at her photo, smiling.

"...I will keep you," I whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com