Him 32

The whole flight wasn't that boring. Even we didn't talk a lot during the flight, we just listened to her favorite songs. She even had a brief introduction before playing each song. And all of her songs in her playlists were Taylor Swift's.
Pagkarating namin sa Airport ng Leyte ay nanibago ako nang kaunti. Masasabi kong iba talaga ang paligid dahil napakapeaceful ng lugar. Sumunod lang ako kay Style na mukhang alam kung saan kami papunta at may mga taxi pala rito.
Nagulat na lang din ako na may alam siyang kaunting dialect nila na medyo nagulat at nabighani ako sa paraan ng pagsasalita niya.
"Paano kayo nagkakilala ni Saturday?"
Napatigil ako sa panonood ng mga dinadaanan naming bahay at tindahan papuntang downtown ng Tacloban City dahil bibili raw ng pasalubong si Style.
Napatingin ako sa kanya na parang gustong malaman kung ano ang kwento namin ni Saturday. Hindi ako nakasagot agad dahil parang may pumipigil sa aking magkuwento sa kanya. Mukhang nakuha niya ang reaksyon ko kaya napaiwas na lang siya ng tingin na ikinakonsensiya ko.
"College entrance exam," mahinang sagot ko kaya napatingin siya ulit sa akin. Kaso hindi na kami nakapag-usap dahil tumigil kami sa isang fastfood chain para bumili ng pagkain. Kaso hindi na niya ako pinababa dahil kaunti lang ang bibilhin niya.
Hanggang sa bumalik na siya sa taxi ay natahimik na naman kami. Naisip ko tuloy si Saturday ngayon. Bigla ko na lang naalala kung paano siya nagmamadali noon na pumasok sa room dahil late na siya ng isang minuto. Tapos wala pa siyang dalang ballpen kaya nahihiya siyang humiram sa akin.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may nararamdaman akong kirot at saya dahil siya pala ang babaeng nagustuhan ko noon. Hindi naman ako nagsisisi ngayon.
Hindi ko napansin na isang oras na ang biyahe at inunahan niya akong magbayad ng pamasahe. Bumaba na lang ako ng taxi at nagulat ako nang tumulong ang taxi driver para ilabas ang mga bag namin.
Hindi na rin ako nakapagpasalamat dahil nagpasalamat na si Style at sumakay na pabalik ang driver.
Ang babait din ng mga tao rito.
"Lutang ka, dude?"
Napatingin ako kay Style na nakapameywang sa harapan ko. Nakataas pa ang kilay niya kaya napakamot ako ng batok. Nasa tabi na pala kami ng highway at may daan papasok sa kinatatayuan namin. Kaso hindi ko alam kung ano ang nandoon. Parang gubat na ata dahil ang daming puno.
"Slight," sagot ko kaya napakunot siya ng noo.
"Jetlag?" tanong pa niya pero napakibit-balikat ako. Baka.
"Papunta tayong bundok?" tanong ko nang naglalakad na kami roon. Wala pa akong makita sa dulo dahil sa mga makakapal na puno. Pero may nakasementong daan na dinadaanan namin ngayon.
"Resort po," sagot ni Style hanggang sa makita ko ang sign doon, Harisyo.
"Harisyo?" patanong kong pagbasa sa sign kaya napatango si Style habang hila-hila ang bagahe niya.
"Ha and Risyo. Ha Risyo means sa kasiyahan," pag-eexplain niya kaya napatigil ako sa paglalakad para tingnan siya. Napatigil din siya bigla at dahan-dahang napatingin sa akin.
"Did you search for this?"
"Nope. My yaya owns this resort."
That makes sense. Kaya alam niya ang meaning at daanan.
"Pero ang naalala ko kasi, Marisyo means masaya," hindi pa niya sure na pagpapaliwanag habang nakatingin sa sign.
"What dialect?"
"Waray-waray," sagot niya. Napatango ako. Atleast may alam na akong word dito. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad hanggang sa makita ko na ang mga puno ng niyog sa kalayuan at ang pinong puting buhangin sa kalayuan.
"Nang Beth!" Napatingin ulit ako kay Style dahil sumigaw siya nang makita ang isang may edad ng babae na nagwawalis malapit sa isang cottage.
"Lai?" Naningkit ang mga mata ng sinabihan niyang Nang Beth at sa panliliit ng mga mata ay napalitan ng tuwa nang makita si Style. "Lai!" sigaw din niya at tumakbo si Style papunta sa kanya para yakapin siya.
Napangiti ako dahil mukhang masaya talaga si Style na andito siya. Hinila ko na rin ang bagahe niya para lapitan silang naglulundag sa tuwa.
"Ang laki-laki mo na! Ang payat mo na rin! Ang ganda mo, juskodai!" iyak ng Nang Beth niya habang hawak-hawak ang mukha ni Style. Naiiyak din sa tuwa si Style at halos walang tigil ang mga luha niya.
"Nang naman. Namiss po kita." Napayakap ulit si Style na para siyang isang batang namimiss ang yaya niya. Mukhang close talaga sila dati.
"Huwag ka na umiyak, Lai." Kahit umiiyak din ang Nang Beth niya at pinupunasan niya luha ni Style. Ang saya nilang tingnan. Halatang namiss nila ang isa't-isa. At mabuti na lang, pumunta kami rito.
"Dito ba kayo tutuloy muna? Dito ba kayo magpa-Pasko? Mabuti naman! Hinihintay kita dati pa." Inaayos niya ang buhok ni Style kaya napatango siya nang maraming beses.
Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Style. Ibang-iba talaga siya kapag masaya siya. Parang siya ang pinakamagandang nilalang na nakikita ko tuwing nakangiti siya. Bigla kong napansin na napatingin sa akin ang Nang Beth niya na nakatitig sa kanya kaya nahihiya akong humarap sa kanya.
"Nang, si Geo po," pakilala ni Style.
"Hello po." Inalok ko ang kamay ko.
"Nako naman! Kagwapong bata!" tili pa ng Nang Beth niya kaya mahina akong natawa nang pinunasan niya ang mga palad niya sa suot niyang apron bago tanggapin ang kamay ko. Pagkatanggap ko ng kamay niya ay nilapat ko ang likuran ng kamay niya sa noo ko.
"Ang galang pa! Uyab mo, Lai?" kinikilig pa niyang tanong kaya nakita kong nagpanic ang mga mata ni Style nang napatingin sa akin. Uyab? Ano 'yun?
"Uhm." Parang nahihirapan pa siya sumagot kaya balak ko sanang isagot na magkaibigan lang kami kahit hindi ko alam ang salitang 'yun pero pakiramdam ko parang iba ang meaning nun.
"Opo." Napatikom ako ng bibig at napatingin sa kanya. Napasulyap sa akin si Style at binigyan ako ng isang maliit na ngiti.
"Iyan ba 'yung si ano?" Mukhang nag-iisip pa si Nang Beth kaya agad sumagot si Style.
"Hindi po," mabilis niyang sagot kaya napatango si Nang Beth bago ako tingnan ulit.
"Ako 'yung yaya dati ni Lai. Simula pagkabata niya hanggang sa tumungtong siya ng high school. Nang Beth na lang din tawag mo sa akin, Geo." Kinuha niya ulit at hinaplos ang mga kamao ko kaya napangiti ako.
"Geometry Metro po full name niya," sabi pa ni Style kaya lalong napangiti si Nang Beth.
"Pati pangalan, gwapo! Nako! Style, huwag mo na pakawalan 'to!" sigaw pa ni Nang Beth kaya natawa ako. Bago pa makapagsalita si Style ay tumalikod na si Nang Beth para sigawan ang mga taong nakaupo sa cottage.
"Ayusin niyo 'yung lodging house! May bisita tayo! Andito si Lai!" Halos mahulog sila sa kinauupuan nila dahil nagmadali silang tumayo at umalis doon.
"Oh, huwag mo na raw pakawalan," bulong ko kay Style kaya napairap siya.
"Talaga ba," bulong niya pabalik at sabay na kaming pumunta sa tinuturong room ni Nang Beth.
"Since mag-uyab kamo, pag-usa na la kamo hin kwarto," sabi ni Nang Beth kaya parang inapakan si Style sa narinig niya.
"Nang, two beds adto?"
"Aw, 'di pa kamo nag-uurusa hin higdaan?"
Huminga ako nang malalim dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Mukhang naiintindihan naman ni Style at sa mga mata niya ay parang nagpapanic siya.
Nakita kong napapakurap si Style kay Nang Beth na parang may pinapahiwatig siya kaya saglit na napasulyap sa akin si Nang Beth. "Ahhh." Awkward pa niyang pagtatango at nilapitan ang isa pang room.
"Okay lang sa'yo na isang room pero dalawang higaan?" tanong ni Style. Medyo mabagal pa ang pagtanong niya dahil parang nag-iingat siya sa sinabi niya. "Nagtanong din si Nang kung hindi pa raw ba tayo nagsasama sa iisang kama," dagdag niya. Napaiwas ako saglit ng tingin at mariing napalunok.
"Okay lang sa'yo na isang room?" tanong ko pabalik kaya nagdadalawang isip pa siyang tumango. "Sure?" paninigurado ko pa pero napakamot na siya ng leeg niya at hinila ako palayo kay Nang Beth. Inakabayan niya ako at bumulong.
"Natatakot ako kasi baka magtanong parents ko kung malaman na pumarito ako sa Leyte." Sa sobrang hina ng boses niya at baka marinig niya ang lakas ng kabog ng puso ko sa ginagawa niya.
"Hindi naman sila magagalit na sa Leyte ako pero magagalit sila kung malaman nilang hindi na naman sumama si Minute."
Natahimik ako. Siguro, nasaktan din sa binanggit niya si Minute. At naalala ko na naman ang kwento sa akin ni Billion.
"Ieexplain ko kay Nang Beth na boyfriend kita at kung tumawag man sila Mom sa kanya ay sabihin na lang na si Minute ang kasama ko ngayon." Nakikinig lang ako sa mga plano niya para hindi siya pagalitan ng magulang niya.
"Kaso iniisip ko kay Minute. Hindi niya kasi ako pinapansin sa mga calls at messages ko. Baka sa kanya tayo dumulas."
"Ako na ang bahala kay Minute," sabi ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin.
Napakurap siya nang ilang beses. "Talaga?"
Tumango ako kaya parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Lalayo sana siya sa akin pero napaiwas ako ng tingin nang mahinang hinatak ko ang likuran niya para mapalapit siya lalo sa akin.
"So, uyab means boyfriend?" tanong ko at nahihiyang tingnan ang mga mata niyang gulat sa ginawa ko.
"Oo.. boyfriend or girlfriend," mahina niyang sagot.
Napatango ako at pinanood siyang napapalunok sa pwesto namin. Mahina akong natawa at unti-unting niluwagan ang pagitan namin.
"Pwede ba?" nahihiya niyang tanong.
"Ang ano?"
Napapakagat siya ng labi niya sa sobrang kaba at napapaiwas ng tingin, "Boyfriend-girlfriend thingy.." muntikan na siyang mautal dahil naririnig kong nanunuyo ang boses niya.
Napapakagat din tuloy ako ng labi dahil pinipigilan ko ang ngiti ko. Hindi ko pinapahalatang masaya ako sa naririnig ko mula sa kanya. "Okay." Tumango ako kaya parang nakahinga siya nang maluwag.
"Okay," pagsang-ayon niya at sabay na kaming bumalik at tiningnan ang kwartong tutuluyan namin.
---
"Ha? Si Minute?" tanong ni Billion sa kabilang linya. "'Di ba, nasa Manila ako ngayon?" Napasapo ng noo dahil oo nga pala, nakalimutan ko.
Nasa terrace ako ngayon at nakaharap sa kalayuang dagat. Kinausap pa kasi ni Style si Nang Beth tungkol sa babayaran namin. Gustuhin ko mang sumama kaso ayaw ni Style kasi baka asarin siya ng mga anak ni Nang Beth na mga kakilala niya.
"Hingi na lang ako ng number," sabi ko kay Billion.
"Okidoks. Send ko sa'yo. (Billion.) Please maya na, dude." Mukhang kasama naman niya ang babaeng humahabol sa kanya noon.
"Sinong kasama mo?" tanong ko habang nakasandal sa poste at pinapanood ang araw na palubog.
"Ay basta. Hmmp. Enjoy kayo d'yan. Merry Christmas," rinig ko ang pagkabadtrip niya.
"Advance Merry Christmas." Inend ko na ang tawag saktong sinend niya ang number ni Minute at agad naman iyon tinawagan.
"Hello?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Saturday. Hindi ako nakapagsalita agad dahil tinignan ko ulit ang number na sinend sa akin ni Billion. Kay Minute naman 'to 'di ba?
"Hello? Sino 'to?" Mahina akong natawa dahil mukhang magkasama sila ngayon.
"Hi Sat," bati ko kaya narinig kong napaubo siya bigla.
"Geometry? Is that you? Hindi nga?" Tumawa na lang ako.
"Nasaan si Minute?" Wala nang paligoy-ligoy. Gustuhin ko man siyang kumustahin kaso kailangan ko munang makausap si Minute.
"Tekaaaa, Minute! Si Geo, kakausapin ka!" sigaw ni Saturday kaya habang hinihintay si Minute at nakarinig ako ng mga pagbagsak ng kaldero sa kalayuan at mga sigaw ni Saturday.
"HELLO GEO??? HELLO?"
"Asan ka ngayon?" diretso kong tanong.
"Na kina Saturday. Bakit? Anmeron?"
"Uhm. 'Di ba may bakasyon kayo ni Style?"
Natahimik siya bigla sa kabilang linya. "I'm with her right now but I still need your help." Hindi pa rin siya nakapagsalita kaya tatapusin ko na kung ano ang sasabihin ko. "Pinapagalitan kasi siya ng parents niya kapag hindi ka nakakasama sa mga bakasyon na pinaplano niyoㅡ"
"Wait, wait. Pucha, Billion." Napakunot ako ng noo dahil minura niya si Billion. "Kaya pala pinapalayas niya ako sa bahay kanina! Hayup. Kaya pumarito muna ako kay Saturday saglit. Ito pala ang plano niya."
"Ano?" Wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"Since wala ako sa bahay ngayon, baka ang alam ng parents ko na sumama ako sa bakasyon na pinlano nila kasama si Style at since may kasamang lalaki si Style diyan, sasabihin nilang ako ang kasama. Gets mo?" Tumawa siya sa kabilang linya at doon ko na nagets ang ibig niyang sabihin.
"Ako na rin bahala kay Style sa mga palusot," dagdag niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Okay. Thank you."
"No, Geo. Thank you."
Nagpaalam na kami at inend na niya ang tawag. Akala ko makakabalik na ako sa loob ng kwarto nang makita ang sunod-sunod na mga missed video calls ni Vertex. Napabuntong-hininga ako bago isagot ang panibagong pagtawag niya.
"Help!" iyak niya habang nakahiga. Nakaangat ang phone niya sa itaas at kitang-kita na nagpapanic siya.
"Bakit?"
Pinakalma niya ang sarili niya."Hindi ako pinapansin ni Ever." Blangko pa ang mukha niya, akala mo, hindi nagpapanic. Napaiwas ako ng tingin at pinipigilan ang tawa ko.
"Check the label," paalala ko. Ieend ko sana ang tawag pero pinigilan niya ako.
"Hoy, teka nga lang. Asan ka?" Lumapit ang mukha niya para tingnan ang paligid ko kaya nilipat ko sa back cam ang camera at pinakita ang dagat sa kalayuan.
"Oh shet! Nanalo kami sa pustahan!" sigaw niya at halos mapatayo sa pagsasaya niya.
"Putangina niyo. Ako naman ginawa niyong pustahan," inis kong sabi pero sumasayaw lang siya sa loob ng kwarto niya.
"Uy." Napatingin ako kay Style na naglalakad palapit sa akin. Sinandal niya ang pisngi niya sa braso ko para tingnan kung sino ang kavideo call ko. Hindi ako nakakilos agad dahil natunaw ang puso ko sa ginawa niya.
"PUCHANGINA!"
Hindi ko namalayan na napatitig ako kay Style kaya agad akong napatingin kay Vertex na sumigaw na naman. Shit, mukhang nahuli niyang nakatitig ako kay Style.
"Style Harris? Hi Style Harris!" Umayos siya bigla ng tindig niya at kumaway si Style sa kanya.
"Hi...?" Napaangat ang tingin niya sa akin para malaman ang pangalan ng kausap ko.
"Vertex."
"Hi Vertex!" bati ulit niya at hindi pa rin makapaniwala si Vertex sa nakikita niya. Akala ko humina na ang signal dahil hindi na siya nakapagsalita at nakagalaw. Nakatitig lang siya sa aming dalawa.
"Pota.. walang nanalo sa pustahan," nanlulumo niyang sabi habang nakatitig pa rin sa amin.
"Bye," paalam ko. Ieend ko na naman sana ang tawag kaso tinawag niya si Style kaya hinawakan ni Style ang kamay ko para pigilang iend ang tawag.
"Hindi ako pinapansin ni Ever. Wala naman akong ginagawa? 3 days na niya akong hindi pinapansin. Anong gagawin ko?" At kay Style na siya humingi ng tulong.
"Sure ka na wala kang ginawa?" tanong ni Style kaya tinitingnan ko lang siya habang nakatingin sa phone ko.
"Uhm.."
"Looban mo na kwarto niya at mag-usap kayo," walang pasensya kong suggestion. Naubos na bigla ang pasensya ko dahil sumasakit na naman ulo ko rito.
"Nakalock pintuan niya." Napanguso pa siya.
"Daan ka sa terrace niya."
"Hindi ba magagalit si Ever n'yan?" tanong ni Style sa suggestion ko. Napailing ako.
"Nabasag nga ni Vertex ang iPad niya, hindi nagalit si Ever," mabilis kong paalala kaso sumingit si Vertex.
"PINALITAN KO IPAD NIYA!" Napakibit-balikat ako. Malay ko ba sa pinagaggawa nila.
"Pagloob mo ng kwarto niya, dalhan mo ng favorite food niya," sabi ni Style kaya napaisip doon si Vertex.
"NAKO! SALAMAT STYLE! SISIRAIN KO DIET NI EVER NGAYON HAHAHA." Gusto ko mapasapo ng noo kaso ayaw kong makita ni Style na naiinis ako kay Vertex.
"O SIYA, AALIS NA AKO. SA KALMADONG MUKHA NI GEO NGAYON AY MUKHANG PINAPATAY NA AKO SA ISIP NIYA. BYE," nagmamadali niyang sabi kaya kumaway na siya at agad inend ang tawag.
Nakahinga ako nang maluwag at may tinatype sa phone ko nang mapansin na tinitingnan ako ni Style. Parang sinisilip pa niya ang mukha ko kaya tiningnan ko rin siya.
"Sa ganyang mukha, naiinis ka na pala?" tanong niya kaya napabuga ako ng isang mahinang tawa. Kaso nawala bigla ang ngiti ko nang makita ang bagong message ni Vertex.
---
Vertex:
USE PROTECTION.
---
Nagreply lang ako ng like at tinago na ang phone ko.
"Tara, maglakad-lakad tayo roon," aya niya at nagulat ako nang inalok na naman niya ang kamay niya. Napansin niyang nakatingin ako sa kamay niya kaya napaiwas siya ng tingin at dahan-dahang binaba ang inalok niyang kamay.
Bigla kong naalala ang mga panahong ayaw niyang mahawakan ang kamay ko pero ngayon ay siya na ang umaalok.
Bago pa niya ako talikuran dahil naramdaman kong nahiya siya sa ginawa niya ay kinuha ko ang kamay niya. I intertwined my fingers with her fingers.
Mukhang nagulat siya pero ningitian ko lang siya at naglakad kami papuntang tabing dagat. "Ang ganda ng araw!" sigaw niya at hinila ako papunta sa pinong buhangin.
Hindi ko maexplain kung ano ang bumubuo sa loob ng dibdib ko. Parang nag-uumapaw ang saya ko nang nakikita siyang masaya ngayon.
Habang tinatangay ng hangin ang buhok niya at nakaharap siya sa araw kaya palihim kong kinuha ang phone ko para kunan siya ng litrato habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Lai." Nang napalingon siya sa akin ay bigla siyang napangiti saktong pagkuha sa kanya ng litrato.
"Patingin." Lumapit siya sa akin para tingnan ang litrato niya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil mukhang ito na ang magiging paboritong litrato mula ngayon.
"Ikaw naman." Kahit ayaw ko, pinilit niya akong magpalit kami ng pwesto. Habang hawak-hawak ang kamay niya at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang isa kong kamay.
"Alisin mo nga 'yang kamay mo!" sigaw niya kaya mahina akong natawa. Nakatingin lang ako sa kanya at kinukuhanan niya ako ng picture sa phone niya. Mukhang natapos na siya sa pagkukuha ng litrato at tinitingnan niya ang mga kinuha niya.
"Gwapo mo rito," sabi niya nang pinakita ang unang picture ko na nakatakip ang mukha. Napabuga ako ng isang maikling tawa at kinuha ang phone ko. Meron akong alas.
"Ganda mo rito," paggagaya ko at pinakita sa kanya ang isang candid picture na nakaidlip siya kanina sa airplane.
"Pucha!" sigaw niya pero lumayo ako agad dahil kukunin niya sana ang phone ko.
"METRO!" She screamed on top of her lungs.
Napailing na lang ako habang nakangiti. Tiningnan ko ang picture niya. Ang ganda niya kaya rito. Para siyang tulog na kalabaw, nakanganga pa pero maganda pa rin.
Bigla niyang tinanggal ang tsinelas na suot niya kaya nabahala ako. Bago pa ako makatanggal ng suot kong tsinelas ay hinabol na niya ako.
"MAHULI LANG KITA!" sigaw niya.
Kahit kinakain kami ng buhangin sa bawat pagtapak doon ay nagpapasalamat na lang ako na nagpalit ako ng shorts kanina. Mabuti na lang din nakashorts na rin si Style kaya hindi siya mahihirapan sa pagtatakbo.
Halos kami lang ang taong naghahabulan doon. Walang mga tao sa cottage at baka kami lang talaga ang tao rito ngayong holiday.
"Nakakainis!" sigaw niya. Gulong-gulo na ang buhok niya. Umupo na siya sa buhangin at hinarap ang maalong dagat.
Mukhang napagod na kaya lumapit na ako. Pag-upo ko sa likuran niya ay inayos ko ang buhok niya. Suot ko na kasi ang scrunchie niya bago tawagin si Billion. Baka kasi hanapin niya mamaya kaya sinuot ko na sa pulso ko.
"Punyeta ka, napagod ako," sabi niya pagkatapos kong taliin ang buhok niya.
"Sorry na," mahina kong sabi habang natatawa. Tatayo na sana ako para umupo sa tabi niya pero dahan-dahan siyang sumandal sa dibdib ko.
Napalunok ako sa ginawa niya. Umupo na lang din ako sa buhangin. Medyo nababahala ako sa kanya dahil nakashorts lang siya. Baka nilalamig na siya.
"Ang.." napatingin ako sa kanya na nakasandal sa dibdib ko. Nakatingin siya sa mga bituing nagpapakita ngayong gabi. "..saya," bulong niya na may ngiti sa labi.
Napatango ako.
Binalot ko ang mga bisig ko sa beywang niya kaya napahawak siya rito at mukhang naging komportable siya sa inuupuan niya.
"Akala ko buong linggo na naman akong iiyak dahil mag-isa na naman ako." Nanlumo ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa reaksyon niya pero nakangiti lang siya habang nakatingin sa langit.
"Alam mo 'yung sakit na nararamdaman ko tuwing holidays dahil tinataboy ako ng magulang ko sa sarili naming pamamahay para iba ang makasama ko? For the sake of my father's business?" Mapait siyang tumawa.
"Gumawa ba sila ng anak para sa pera nila? Hindi ko alam. Pakiramdam ko, anak pa nila ang pera nila kaysa sa akin." Huminga siya nang malalim at inayos ang higa niya para masilip niya ang mukha ko.
"Si Nang Beth ang meron ako noon. Siya ang tumatayong mama ko kaya para akong namatay noong nasisante siya dahil lang sinusuportahan niya ako bilang ako mismo." Bumalik ang tingin niya sa langit habang hinahaplos ang bisig ko na nakayakap sa kanya.
"Para akong manika. Kailangang bihisan, kailangang lagyan ng palamuti sa katawan at sa huli, kailangang akitin ang taong hindi naman mapapasaakin."
"Lai.." nararamdaman kong nasa bingit na siya ng emosyon niya.
"Masaya naman ako noon eh. Kaso noong mismong magulang ko na ang nagbuhos ng mga insulto at ng mga makakasira ng confidence ko ay doon na ako tuluyang nasira. Can you imagine my every nightmare after school? Pagod na pagod ako sa suot ko. Pagod na pagod ako maging hindi komportable sa suot at mga palamuti sa mukha ko? Babagsak na lang ako sa higaan at si Nang Beth na ang magtatanggal ng make-up ko." Pahina nang pahina ang boses niya kaya mas lalo siyang niyakap. Halos itago ko ang mukha ko sa leeg niya. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdmaan niya.
"Gusto ko maging chiropractor balang araw. Kakaiba man pero 'yun talaga ang gusto ko. Kaso ayaw ng magulang ko kasi gusto nilang magfocus ako sa business na meron sila. Tangina, wala akong interes sa pinaggawa nila. Hindi ko nga iniintindi ang mga meron sila dahil pakiramdam ko, 'yun ang dahilan kung bakit hindi nila ako maturing na anak." Tumawa na naman siya.
"Noong sinabi ni Nang Beth na harapin ko ang gusto ko at ang sarili ko, doon nagalit ang magulang ko. Nasisante siya kaya wala na akong makapitan. Tuluyan akong nasira." Nakikinig lang ako sa kanya. Kahit alam ko ang kaunting nangyari sa kanya sa mga kwento ni Billion, mas lalo akong nasasaktan para kay Style ngayon mismong sa kanya nanggaling ang mga salita niya. "Hindi ko na nakilala ang sarili ko." Nakawala siya ng mahinang tawa at napailing.
"Sabi ni Nang Beth dati na ginagawa lang ng magulang ko 'yun para sa kapakanan ko. Kaya nagtiwala ako sa kanya. Hindi ako nagtitiwala sa magulang ko pero nagtiwala ako kay Nang Beth kaya ito ako ngayon. Muntikang malunod sa kadiliman."
Huminga ako nang malalim kaso narinig ko siyang tumawa kaya nagtaka ako. Bakit ba palagi 'tong natatawa?
"Nararamdaman ko ang tibok ng puso mo," bulong niya kaya medyo naconscious ako. Dahan-dahan akong lumayo pero hinawakan pa niya ang bisig ko para hindi tuluyang makalayo sa kanya.
"Naalala ko kung gaano ka nagalit sa pinaggagawa ko kay Saturday noon. Noong kinaladkad mo ako sa hallway? Noong iniwan kita noon, parang nahati ang pagkatao ko. Tapos 'yung isipan ko rin nahati. Tama ba 'tong pinaggagawa ko? Masyado na bang masama? At kailangan ko 'tong gawin dahil sa magulang ko. Ayokong madismaya na naman sila sa akin. Then boom! I met you."
"Geometry," tawag niya pero hindi pa rin nakatingin sa akin. "Are you still doing this because of Saturday?"
Gustong-gusto kong sumagot kaso hindi ako makapagsalita dahil ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang nakatahi ang mga labi ko at hindi ko kayang makapagsalita kahit simpleng no.
"Nawala na lang tuloy ang galit ko kay Saturday. Napaisip ako kung gaano mo siya kagusto to the point na handa mong isakripisyo ang oras at effort mo para lang sa akin. Para lang hindi siya masaktan kay Minute." Napabuntong-hininga siya.
"Naalala ko rin noong sinakripisyo ko ang isang subject ko para lang hindi mabawasan ang puntos sa project ni Saturday na pinasira ko." Napahiwalay ako sa kanya na ikinagulat din niya. Dahan-dahan siyang napalingon sa akin.
"Anong ginawa mo?"
"Nakita kong sumilip ka sa labas ng room ko," seryoso niyang sabi kaya pumasok sa isipan ko ang nangyari kay Saturday noon. Kitang-kita ko kung gaano siya nalulungkot. "Noong umalis ka, doon ako umalis para kausapin ang Prof ni Saturday na kasalukuyang hinahandle ang isa pa naming subject. Inamin kong ako ang dahilan kung bakit nalate sa pagpasa si Saturday. Kaya binawasan niya ang points ko sa hawak niyang subject. Para gawing karapat-dapat ang grades niya." Hindi ako makakurap sa sinasabi niya. Mukhang seryoso siya at parang hindi big deal ang ginawa niya sa grades niya.
"Plus, the cellphone incident. Inamin kong ako ang gumawa nun kaya nalipat sa record ko ang record ni Saturday." Ngumiti siya.
"Why.." I mean hindi ko alam ang sasabihin ko. Hirap na akong mag-isip kung kanino ba talaga ako papanig.
"Because, I deserve those." Napakibit-balikat siya.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Style. "Nabulag lang kasi ako dahil gusto ko talagang mapasaakin si Minute. Gusto ko na kasi makitang proud sa akin ang magulang ko. Iniisip ko rin kung pumunta na sa akin si Minute ay baka ituring na nila akong anak."
Nakangiti siya sa akin.
"Baka kapag natuloy ang engagement namin ni Minute doon sila sasaya dahil sa akin."
Parang may sumasaksak sa puso ko. Ang sakit marinig ang mga salita niya.
"Ayaw ko kasing maranasan ng kambal ang nararanasan ko kaya kailangan ko na 'tong tapusin hanggang mga bata pa sila."
Napaiwas ako ng tingin. May bumubuong sakit sa dibdib ko.
"Geo," tawag ulit niya kaso nahihirapan akong ibalik ang tingin ko sa kanya.
"We're still friends, right?"
Ha..
Friends..
Bumalik ang tingin ko sa kanya at tipid na ngumiti.
"Yeah."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com